You are on page 1of 1

Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang.

Ang pagkakaroon natin ng sapat na edukasyon


ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa uri ng lipunan na ating ginagalawan ngayon, talo
at dehado ang mga taong walang pinag-aralan. Ang antas ng edukasyon ay pangangailangan ng tao na may pagkakaiba
rin batay sa antas ng pinag-aralan, ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad ng
maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan. Ano nga ba ang kahalagahan ng antas ng edukasyon
sa ating bansa? Mas magiging produktibo ang ating bansa at tataas ang kalidad ng edukasyon na magiging susi para
makaakit ang mga dayuhang mag-aaral.

Sa kasalukuyang panahon marami ng programa ang pamahalaan upang mapataas and antas ng edukasyon sa
bansang Pilipinas. Halimbawa nito ay ang K-12 program na ipinatupad ng DepEd. Noon lamang 2012 naipasatupad ang
K-12 program na isinabatas ng ating dating Pangulong Aquino. Nais niyang maging maayos ang pagpapatakbo ng
sistema ng edukasyon sa pilipinas. Kung kayat isinabatas niya ito na maaaring makatulong sa mga kabataan. Layunin
nito na bigyan ng mas magandang preparasyon ang mga estudyanteng papasok sa kolehiyo. Sinasabing ding isa sa mga
kabutihan na dulot nito ay ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga estudyante na mahasa sa mga iba’t ibang
larangan ng espesiyalisasyon tulad na lang ng animation. Ayon sa pamunuan ng DepEd, dumaan sa masusing pag-aaral
ang pagbabagong ito sa programa ng edukasyon sa Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihan na dulot nito ay ang
pagbibigay ng pagkakataon para sa mga estudyante na mahasa sa mga iba’t ibang larangan ng espesiyalisasyon tulad
na lang ng animation.

Gayunpaman, Marami pading tumutol dito lalo na ang mga magulang na dumadanas ng kagipitan upang mapag-
aral pa ang kanilang mga anak at ang mga kakulangang pasilidad upang makapagpatayo ng bagong paaralan para sa
mga estudyanteng magsisipag aral. Malaking tulong din ito upang mapataas pang kalidad ng mga manggagawang
Pilipino, bagaman hindi sila nakapagtapos ng kolehiyo. Kaakibat ng mga suliranin o problemang nasasagupa ng mga
mag-aaral sa araw-araw na pagpasok sa paaralan, hindi maiiwasan ng isang mag-aaral na gumugol ng salapi para sa
kanyang mga pangangailangan katulad ng pagkain at mga gamit sa paaralan. Nasasagupa dito ng mga mag-aaral ang
tamang pagpili ng track o strand. Ito ay isang mahirap ng desisyon para sa mga mag-aaral, sapagkat dito nakasalalay
ang kanilang kinabukasan.

Sa kalaunan, ay nakikita ko naman na habang tumatagal ay nakikita naman ang epekto nito sa mga mag aaral.
Hindi ito para lang sa ikauunlad ng bansa, Para rin ito sa pag unlad ng kaisipan ng mga kabataan tungo sa kaunlaran.
Ang antas ng edukasyon sa ating bansa ay nangangahulugang pagkakaroon ng maraming oportunidad sa trabaho at
posibleng paglago ng ating bansa. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa
pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging
armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-
asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga
pangarap na nais nilang matupad.

You might also like