You are on page 1of 3

Posisyong Papel

Ang Bagong Kalendaryong Pangakademiko; Hindi nababagay sa Pilipinas

Ayon sa panukala ni Committee on Education, Arts and Culture chairman senator Chiz

Escudero, ang Senate Bill 1432 na iminungkahi noong taong 2017 sa senado, ay nagsasaad na

ang klase ay magsisimula sa buwan ng Agosto at Setyembre sa halip magsimula sa buwan ng

Hunyo. Ito ay nais maisakatuparan sa taong 2018. Sa kasalukyan, ang pang-akademikong

taunang 2018-2019 ay nalalapit na sa pagtatapos. Ayon kay Jaymee Gamil, tagapagbalita ng

Inquirer.net, sa taong 2018 ay may ilang unibersidad pa lamang ang sumunod sa isinulong na

pagbabago sa kalendaryong pang-akademiko gaya ng Universidad ng Pilipinas, Unibersidad ng

De La Salle, Unibersidad Santo Tomas, Unibersidad ng Ateneo de Manila at piling pampribado

at publikong unibersidad sa bansa. Ang ang pababago sa kalendaryong pang akademiko ay

magiging daan para mapag-ibayo ang partisipasyon ng mga Pilipinong estudyante sa mga

programang pang-akademiko ng iba’t ibang bansa at upang hindi mapag-iwan ang Pilipinas ng

mga bansang kapwa kasapi sa ASEAN Integration (Escudero, 2017).

Tunay ngang ang magandang hangarin para sa kaunlaran ng bansa ang nagtulak sa

panukalang ito. Datapwat, hindi naangkop ang paglipat ng buwan ng umpisa ng klase sa

kasalukuyang kalagayan ng bansa. gaya ng isinaad ni Vince Crisostomo, Higit na ipagkakait ng

panukalang pagbabagong pangakademikong ito ang edukasyong kolehiyo sa kalakhan ng

kabataang Pilipino. Sapagkat lalong hihirap para sa mga kabataang magsasaka ang

makapaghangad pa na makapasok sa kolehiyo dahil itataon ang pasukan sa panahong kailangan

silang tumulong sa sakahan; buwan ng marso hanggang mayo ay ang panahon ng pag- ani ng

pananim. Maging ang panahon ng enrollment ay matataon sa panahon na “taghirap” ang mga

pamilya ng magsasaka; ang buwan ng Agosto hanggang Setyembre ay kakaunti ang ani dulot ng

tag-ulan at pagbagyo. Sa mga lumipas na taong hindi na-i-implementa ang panukala ay marami

na ang lubog sa utang at hindi na nakakapasok sa pamantasan sa taas ng matrikula at kahirapan.


Sa panukala ring ito ay isinaad na ang unang semestre ay magsisimula ng Agosto at

magtatapos ng Disyembre samantalang ang ang ikalwang semestre ay magsisimula ng Enero

hanggang Mayo. Base sa pag-aaral ng Philippine Journal of Science, mas nababagay ang

panahon ng patatapos ng eskwela sa lumang kanlendaryong pang akademiko kumpara sa

inihaing pagbabago. Sapagkat mas apektado ng sobrang init ng temperatura ang bagong

akademjkong kalendaryo at ang mga unang buwan ng klase ay matatapat sa panahon ng tag-ulan

na may posibilidad rin na magkaroon ng tropical cyclone, partikular sa ilang bahagi ng Luzon.

Ang pag-aaral na gaya na ito ay dapat isaalang-alang ng gobyerno sa pagbabago ng panahon ng

klase.

Nais ng bansa ng maging globally competitive, makipagsabayan sa ikot ng mundo, at

hindi mapag-iwanan sa kawalan. Subalit, may mga pagbabago na hindi nauukol sa ating bayan.

Ang lumang kalendaryong pangakademiko ay nakadinisenyo base sa kung ano ang nararapat sa

Pilipinas. Isinalang alang ang mga mag-aaral, ang pinagkukunan ng pera, mga magulang, maging

ang mga guro at mangagawa sa mga pamanatasan. Ngunit sa bagong akademikong kalendaryo

ay kapuna-puna na mas higit na pinahahalagahan ang mga banyaga at ang pananaw ng ibang

bansa. at ang mga paaralan na nagsagawa ng panukalang ito sa kasalukayang taunang pang-

akademiko ay higit na naapektuhan. Pumupasok ang mga estudyante at guro sa kabila ng so

brang init na klima at naliliban ang panahon para sa pamilya. Ang bansa ng Pilipinas ay hindi

kinakailangang gumaya sa iba pang mga bansa upang makamtam ang kaginhawaan.

Sanggunian:

Crisostomo, Vince (2014) Bakit Dapat Labanan ang Academic Calendar Shift?

http://www.vencercrisostomo.com/bakit-dapat-labanan-ang-academic-calendar-shift/

Escudero, Francis G. (2017) Senate of the Philippines 7th Congress

https://www.senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=17&q=SBN-1432

Gamil, Jaymee T. (2015) Big Four Universities to Start School in August

https://newsinfo.inquirer.net/695707/big-four-universities-to-start-school-in-august
RMN News Team (2017) Simula ng Pasukan sa Buwan ng Agusto o Setyembre

https://rmn.ph/simula-ng-pasukan-sa-buwan-ng-agosto-o-setyembre-isinulong-ni-

senator-escudero/

Solano, Angela (2014) The Pros and Cons of the Academic Calendar Shift in PH

https://news.abs-cbn.com/nation/v2/03/06/14/pros-and-cons-academic-calendar-shift-ph

Villafuerte, Marcelino Q. et. al. (2018) Philippine Journal of Science

http://philjournalsci.dost.gov.ph/55-vol-146-no-3-september-2017/650-climatic-insights-

on-academic-calendar-shift-in-the-philippines

You might also like