You are on page 1of 1

Baguio City

Isang lakbay sanaysay ni Josef Lyle H. Solis

Sa bawat araw na lumilipas, palagi kong iniisip kung ano ang mga memorya na naranasan
ko sa aking buhay. Bunga ito ng pagpapahalaga ko sa mga pamilya ko. Ang paglalakbay ang daan
upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan ng mga miyembro ng isang pamilya. Ang memorya ay
imporante sa buhay dahil ito ay parang simbolo ng pagsulong sa buhay. Sa dinami dami ng mga
nalakbay ko na tanawin sa buhay ko. Ang paglalakbay na kasama ko ang aking pamilya sa Baguio
ay patuloy kong hindi makakalimutan.

Nung bata pa ako pangarap ko makasama palagi ang aking pamilya habang buhay. Pero
nung nagsimula ako mag-aral sa Manila para sa senior high school, itong pangarap na ito ay
nawala. Nalungkot at nawalan ako ng gana sa buhay dahil naging mag-isa ako sa isang
condominium. Sa pagsapit ng buwan ng Disyembre o panahon ng Pasko, itong pakiramdam na ito
ay tilang nawala dahil nakauwi ako sa probinsiya namin sa Pampanga at na kasama ko ulit ang
aking mga minamahal ko sa buhay. Napag-isipan ng akin mama at papa na maglakbay kami sa
lungsod ng Baguio na dun kami magdidiwang ng Pasko at New Year. Sa bakasyon na ito
naramdaman ko ulit ang diwa ng buhay at ako’y naging masaya. Burham Park, Mines View,
BenCab Museum, Philippine Military Academy (PMA), Bell Church, at Strawberry Farm ang mga
lugar na pinuntahan namin sa buong paglalakbay saa Baguio. Kakaiba ung klima dun dahil mas
malamig ung temperatura dun kesa sa ibang lugar sa PIlipinas. Sa sobrang lamig ng kilma doon
knakailangan mo sumuot ng jacket upang manatiling mainit ang pakiramdam ng katawan. Unang
beses ko palang makasakay ng kabayo at makakita ng sakahan ng mga strawberries. Sa Burnham
Park, maraming bisikleta ang matatagpuan at pwede ito upahan. Sobrang masaya sakin ung
paggamit ng bisikleta dahil naramamdaman ko na ako ay nasa ibang bansa dahil kakaiba ung klima
at marami akong nakikita na dayuhan sa paligid. Ang pinaka masaya na ginawa namin sa Baguio
ung paghanap ng mga tourist spots sa Baguio dahil kami ay palaging naliligaw at nagkakaroon
kami ng family bonding sa mga oras na hinahanap namin ung mga lugar na yun. Sa kasalukuyan,
napansin ko na unti-unting nawawala ang kagandahan ng Baguio dahil sa dami ng mga turista na
pumupunta dito bawat taon.

Sa pagdaan ng panahon, gusto kong makaranas ng kakaibang karanasan sa buhay. Itong


karanasan na makapunta sa ibang isla ng Pilipinas tulad ng Visayas at Mindanao. Mas pipiliin ko
muna puntahan ang mga ibang lugar sa ating bansa bago ang ibang bansa dahil mas kumportable
ako at hindi ako kinakahiya ng mga tao sa paligid ko. Sobrang sentimental sakin ang mga oras na
kasama ko akin pamilya lalo na sa mga panahon na kasama mo sila sa paglalakbay. Hindi ko
kakalimutan ung panahon na kasama ko sila Baguio dahil doon ung pinaka masayang memorya
ng buhay ko.

You might also like