You are on page 1of 2

Talumpati ni Mayor Emmanuel “BON” M.

Alejandrino

KGG. Emmanuel M. Alejandrino

Punong Bayan

“Sa aking mga minamahal na kababayan ang araw na ito ay lubhang napakahalaga sapagkat ngayon ang
araw ng pagsasalin ng lumang panunungkulan tungo sa isang bago, ito ang pagbabago na ginusto ninyo
upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng ating pamayanan, isang mapayapa at maunlad
na bukas, mga problema sa karahasan ang dahilan kung bakit marami ang takot sa ating bayan, ito ang
daang tinahak ng naunang nanungkulan hinawi at itinabi nila ang mga balakid sa baluktot nilang
hangarin, at sa dami ng kanilang naperwisong mga pamilya nagbunga itong luksa sa bayan. Ito na ang
tamang panahon para tuldukan natin ang karahasan, lahat ng may illegal na armas at ayaw sa
kapayapaan wala kayong puwang sa pagbabago na gusto ng
pamayanan.”(interaksyonal,regulatori,impormatibo.Rai)

“Ang pagmamahal sa kalikasan ay isa sa mga adhikain ng bagong pamunuan, lahat ng mga pasaway na
ayaw huminto sa pagpuputol ng malalaking puno sa kabundukan. Pati na ang walang habas sa
paghuhukay ng mga treasure hunter kuno, at ang pagsasalahula sa ating National Park, kakamtan ninyo
ang parusang batas at kalikasan kaya sa lahat ng hindi tatalima sa bagong pamunuan ay magsilikas na
kayo sapagkat hindi kayo nababagay sa Bagong Arayat.”( , regolatori , impormatibo .Camaliah )

“Ang pagnanakaw sa bayan ay mahigpit na pinagbabawal ng bagong pamunuan kung kaya’t


magkakaroon ng malinis na pagtutuos sa kaban ng bayan o transparency na kung saan ay itatala sa
munisipyo ang lahat ng gugulin ng bayan. Ibibigay ang bahagi ng mga Senior Citizen na sa kinahabahaba
ng panahon ay hindi pinatikim ng mga naunang nanungkulan at lahat ng barangay ay babahagian din ng
kanilang share sa kaban ng bayan, at ipagpapatuloy din ng bagong pamunuan ang pagsasaayos ng
Edukasyon at Kalusugan para sa mamamayan ng Arayat.” ( regulatori , impormatibo .Jalil )

“Alisin sa bayan ang Imoralidad na kung saan ang mga naging biktima ay kabataan na pinangakuang
scholarship ngunit ang naging kapalit naman ay pagsira sa kanilang kinabukasan.” ( regulatori ,
impormatibo . Animah

“Ang pagsugpo sa problema ng droga sa ating bayan ay isa din sa aming adhikain. Kaya ngayon pa lang!
kayong mga taga-pagtaguyod nito at kung sino mang sangkot sa ating pamunuan, ito na ang panahon
para lumikas kayo sa bayan! Sapagkat wala kayong puwang ditto sa Bagong Arayat. Ang gusto namin sa
bayan ay Drug Free Arayat tayo.” ( interaksyonal , regulatori , impormatibo, instrumental .)

“At sa huli ibalik loob natin ang bayan sa Diyos, malalim na ang baon natin sa ating mga problema dahil
nalimutan na natin ang Dakilang Naglalang, ialay natin ang bayan ng Arayat sa Panginoon, at ang
mahalaga sa ating kababayan kayo ang Boss namin. Ginusto ninyo ang pagbabagong ito kaya kayo, kami
tayo sama-sama sa isang Mapayapa, Matuwid at Maunlad na Arayat.” ( interaksyunal , instrumental ,
personal , imahinatibo ).Jabar

“LUID YA ING BAYUNG ARAYAT”

You might also like