Ma. Theresse B.
Balmorida XII-Resilience
Iba sila sa mga normal na bata ngunit bata pa rin sila na naghahanapng
tatanggap sa kanila. Ang mga ‘special children’ ay hindi lamang ito tugkol sa mga
batang may pisikal na kapansanan, ngunit maari ding mga bata na
nangangailangan ng espesyal na atensyon upang matuto. Ayon kay Bb. Julia
Kagan, ang ‘special children’ o mas tanyag bilang ‘Special Needs Children’, ay
mga batang naitukoy na nangangailangan ng tiyak na mga pangangailangan na
hindi kailangan ng ordinary o normal na bata. Ang mga batang ito ay di-
pangkaraniwang kaya dapat sila ay maturuan ng hiwalay sa mga nomal na bata.
Kinakailangan talaga silang ibukod dahil sa iba’t-ibang kadahilanan na maaring
napakalaking epekto sa kanilang pagkatao.
Kailangan nila ng bukod na ‘School Program’ upang maiwasan ang
diskriminasyon na nakaka-apekto sa kanilang emosyonal na aspeto. Espesyal
man sila ngunit tao pa rin at may nararamdaman. Sa pag-aaral ng Mentally
Healthy Schools, dahil sa dikriminasyon ay nababawasan o nawawala ang
kumpiyansa ng isang bata sa kaniyang sarili at naapektuhan nito ang kanyang
edukasyon. Minsan ay dahil sa diskriminasyon, nawawalan sila ng gana na
pumasok, mararamdaman nila na parang wala silang halaga at kadalasan pa ay
na-uuwi ito sa bullying. Sila minsan ang ginagawang katawa-tawa sa silid-aralan
sa tuwing naiinip at walang magawa ang kanyang mga kaklase o minsan ay
pisikal talaga na pag-bully gaya ng paghagis ng libro sa mukha, pagpatid sa
kanilang mga paa at marami pang iba.
Ayon din sa Migration Policy Institute na kung sila ay nakahalo sa
paaralan ng mga normal na bata, napakalaki ang posibilidad na mahihirapan sila
na makihalubilo sa iba lalo na’t alam nila na may kakaiba sa kanilang pisikal na
anyo, pag-iisip o kakayahan. Matatakot din silang sumugal o sumubok dahil
mararamdaman nila na parang hindi rin naman sila makasabay sa mga trip ng
isang grupo kaya pinipili nalang nila na tumabi at tumunganga sa isang sulok.
Para sa kanila, mas mainam na ito kaysa subukan nilang makipagsalamuha at
masasaktan lang din sila sa mga salitang bibitawan ng iba.
Ang mga ‘special children’ din ay maaring mawala ang kanilang pokus at
atensyon sa pag-aaral dahil lamang sa mga isyung kanilang hinaharap sa
paaralan. Makakalimutan na nila ang mga imortanteng kaalaman o gawin sa
paaralan dahil ang isip nila ay puno na lang ng mga di kaaya-ayang mga
pangyayari na kanilang nararanasan halos araw-araw. Maari ding ang mga
batang espesyal ang gagawa ng ikakapahamak sa mga normal na estudyante
lalo na sa mga batang may problema sa pag-iisip. Ayon sa website na
Psychology Tooday, ang mga batang ito ay hindi normal at pa iba-iba ang
kanilang emosyon kaya hindi malalaman ang kanilang susunod na aksyon.
Minsan ay umaatake sila sa iba ng walang dahilan at nagwawala sa silid-aralan
na maaring makaka-antala sa pagtuturo ng guro.
Ang mga normal na paaralan din ay hindi na-ensayo ang mga guro sa
ganyan na mga sitwasyon. May mga pasilidad at kagamitan ang kinakailangan
ng espesyal na bata na hindi ma-ibibigay ng paaralan. Magiging mahirap ito sa
guro dahil sa halip na pantay ang kanyang atensyon sa lahat ng kanyang
estudyante, ay di talaga maiiwasan na mas makuha ng ‘special child’ ang
kanyang atensyon. Ito ay dahil alam niya na merong kakaiba sa bata kaya
sinisigurado niya na ang bata ay komportable, nakakaintindi sa kanyang
tinatalakay, hindi sinasaktan at nananakit ng iba. Makikita talaga na hindi pa nila
ito nakasanayan at dagdag trabaho pa para sa kanila.
Sa ibang aspeto naman ay meron namang positibong epekto kung ang
mga batang ito ay paaralin sa isang normal na paaralan. Ito ay ang paraan
upang magkaroon sila ng gana na matuto dahil kasama nila ang ibang bata at
maari ding makakuha sila ng pag-himok galing sa mag-aaral upang mas
magkakaroon sila ng gana san a matuto. Sa pamamagitan din nito ay mas
magkakaroon sila ng malaking tsansa upang makihalubilo sa ibang bata at
upang hindi rin nila lubusang maramdaman na sila ay kakaiba. May mga sandali
sa kanilang buhay na makakalimutan nila na sila ay espesyal na bata dahil sa
araw-araw nilang pakiki-ugnay sa mga normal na bata.
Ang mga bata, normal man o espesyal ay kailangan pagtuunan ng pansin
ng mga tao dahil ang mga batang ito ang pag-asa at ang magpapatuloy sa
susunod na henerasyon. Sila ang babasehan sa kuwalidad ng mga taong
mamumuhay sa hinaharap sa mundong ito. Ang mga batang ito ay dito
manggagaling ang mga doctor, guro, president at iba pang propesyon na
makakatulong ng lubos sa hinaharap. Magkapareho man sila na bata, ngunit di
maipagkaka-ila ang kanilang pagkakaiba kaya napakaimportante na ang mga
batang ito ay ipadala o mag-aral sa mga paaralang naangkop sa kanila.