Ang henerasyon ngayon ay malayo na sa dating henerasyong ating tinatamasa.
Ibinabahagi ng nagkukuwento na malaki na ang ipinagbago ng ating kultura at tradisyon kaysa sa dati. Nabanggit niya dito na sa lungsod ay wala ng naggugunita ng orasyon at dahil sa tunog ng kampana, naalala niya ang orasyon sa mga kalsada. Ang sabi niya sa mga estudyante niya na “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan.” Natuwa siya at may mga mangilan-ilan sa kanyang estudyante ang may alam sa kasabihan na ito. Sinabi niya rin na kapag sat wing babasahin natin ang “Anak sa Dagat”, ay ibinabalik nito tayo sa ating nakaraan. Ang kasabihang “The family that prays together, stays together” ay hindi naaayon sa lungsod dahil alas sais pa lamang ay nanonood na ng telebisyon hindi nag nagdadasal ang mag-anak. Madalas ang pinapanood ng mga kabataan ay kalimitang pagkaagnas ng kultura, tulad ng mga babaeng mananayaw n akita ang singit na gumagaya sa bihis ng mga dancer sa Broadway. Sa kanyang edad na kuwarenta’y siyete, parang naiiwan at nawawala dahil sa pagsagasa ng dayuhang kultura. Dahil sa orasyon at tunog ng kampana, tayo’y may maaangkin pa, may mapupulot pa rin tayong mga mahahalagang aral sa ating nakaraang kultura. Tulad ng sabi ni Kuya Germs “Malaki na ang Gap”