You are on page 1of 1

Sinopsis o Buod

Ang Alibughang Anak ay tungkol sa isa sa mga anak ng hari. Ang isa ay hiningi ang mana mula
sa kanyang ama at inubos agad ito sa maikling panahon. Ang anak ng hari di kalaunan ay nalunod
sa hirap at naging pulubi. Sa sobra niyang pagkalulong sa hirap ay halos kainin niya na ang pagkain
ng baboy. Ngunit sa panahon na ito'y naisip niya ang kanyang ama at nagpasiya siya na bumalik
sa piling ng kanyang magulang. Nang magkita ang mag-ama, ang anak ay humingi ng patawad at
humiling na kahit siya'y tratuhin manlang katulad ng mga alila. Ngunit, galak lamang ang nakita
sa mukha ng hari. Sa halip na gawin ang pinagmakaawa ng anak, siya’y pinagdiwang, biniyayaan
ng mga mararangyang kasuotan, at pinagpatay ng baka. Nang nalaman ito ng panganay ng hari,
siya’y naglabas ng sama ng loob sa kanyang ama. Ngunit, sa halip na magalit at gumaya sa
nararamdaman ng kayang nakatatandang anak, ipinakita lamang ng hari ang naguumapaw na pag-
mamahal niya sa kayang bunsong anak na noong at nawala ang landas pero ngayon ay nagbalik.

You might also like