You are on page 1of 20

Pangkat 2: Page 1

College of San Benildo – Rizal


Sumulong Highway, Antipolo Rizal
S.Y. 2022 – 2023
Komunikasyon 11
Pangkat 2 STEM B

Paksa: “Mga Salik na Nakaaapekto sa Implasyon at Ang Epekto Nito sa Mga Mag – aaral sa

Baitang 11 at 12 STEM sa College of San Benildo – Rizal”

Mga Mananaliksik:

Roxas, Justine Claire C.

Altoveros, Alessandra M.

Morado, Juana Khassandra G.

Recto, Cristine S.D.

Villacorta, Vergel Kail A.

Isinubmite kay:

Ginoong, Nepomuceno, Darrel F

Ika – 9 ng Desyembre

2022 – 2023
Pangkat 2: Page 2

I. Paksa

Mga salik na nakaaapekto sa implasyon at ang epekto nito sa mga mag – aaral

sa baitang 11 at 12 STEM sa College of San Benildo – Rizal.

II. Rasyunal

Ang Konseptong Papel na ito ay tungkol sa saklaw ng implasyon at para

sa mga STEM students sa College of San Benildo Rizal na naaapektuhan nito, kagaya

ng pagbili ng kanilang mga pagkain, pamasahe at ang binabayaran sa paaralan o

tinatawag ding miscellanous. Ang mga Pilipino ay hindi nauubusan ng kagustuhan at

pangangailangan, kungkaya’y ninanais nila na punan ito sa pamamagitan ng pagbili,

ngunit sa bawat pagkakataon na sila ay maglalabas ng pera ay hindi maitatanggi na

ikinokonsidera nila ang presyo nito (Lim et al. 2020). Dito pumapasok ang

kahalagahan na alamin kung ano nga ba ang implasyon, paano ito nangyayari, at ano

ang mga nagiging salik na nakakaapekto dito.

Nabuo ng aming grupo ang paksang ito dahil ito ay napapanahon at halos

lahat ay naaapektuhan ng implasyon sa ating bansa. Bilang mga mag – aaral na nag –

aaral ng STEM, madaming epekto ang implasyon sa atin, dahil marami tayong

gawain na kinakailangang bumili ng mga materyales upang magawa ito, ngunit ano

nalang ang mangyayare sa atin kung hindi maaagapan ang implasyon na ating

kinakaharap. Ito ay nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga mag – aaral na

may strand ng STEM, mula sa pag – gising sa umaga hanggang sa pag – uwi galing

paaralan. Halos lahat ng mga materyales, pagkain, at iba pang mga bagay ay
Pangkat 2: Page 3

nagsisipag taasan ang mga presyo at walang katiyakan kung kailan bababa o patuloy

lang tataas ang presyo nito (Telan). Kasali sa aming tatalakayin ay ang iba’t ibang

paraan na ginagawa ng mga estudyante o mag – aaral upang makaipon at makapag –

impok ng salapi upang mabili ang kanilang mga pangangailanagan. Bilang mga mag

– aaral na may edad mula labing – anim hanggang labing - siyam, ito ay isang yugto

sa buhay kung saan malapit na tayong mapunta at makipagsapalaran sa totoong

mundo, kaya nararapat nating pag – aralan at pagtuunan ng pansin ang tamang

paggastos at paggugol ng pera.

Dahil sa mga konseptong pagbaba at pagtaas ng mga presyo ng bilihin

napagpasyahan ng aming grupo na lumikha ng mapaglarawang pananaliksik na

humihikayat sa mga kabataang lalaki at babae na maunawaan kung paano gumagana

ang pera, ano ang konspetong implasyon sa ekonomiya, at kung paano natin

maiiwasan ang implasyon.

III. Panimula

Ang problema o ang isyung aming palalawakin at tatalakayin ay ang ideya

ng implasyon sa Pilipinas, at kung ano ang mga salik nito na nakakaapekto sa

buhay ng mga mag – aaral na nag – aaral ng STEM sa College of San Benildo -

Rizal. Kasama sa aming tatalakayin ay ang mga katanungan na “Bakit nga ba

nagkakaroon ng implasyon?”, “Ano – ano ang mga epekto ng implasyon sa buhay

ng mga mag - aaral?”, at “Paano ba natin maiiwasan at masosolusyunan ang


Pangkat 2: Page 4

implasyon?” Ngunit bago natin alamin ang mga sagot sa mga katanungan na ito

alamin muna natin kung ano nga ba ang kahulugan ng implasyon.

Ang “Implasyon” ay ang konsepto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin;

kagaya ng mga pagkain: gulay, prutas, kanin, karne, at mga sangkap panluto.

Kasama rin sa konspetong implasyon ang pagtaas ng mga presyo sa pamasahe,

gaas, at marami pang iba na parte ng ating pang araw-araw na pangangailangan at

pamumuhay. Madaming salik ang inplasyon, lalo na sa buhay ng mga estudyante

dahil ang paraan nang pag - aaral ngayon ay maaring face to face, online, o

blended. Kinakailangan nang bumyahe ng mga mag – aaral papunta at pauwi ng

paaralan, at kinakailangan din bumili ng pagkain para sa babaunin ng mga

estudyante na isa sa mga tumaas ang presyo sa ating bansa. Sa online learning

naman nakapaloob ang araw – araw na paggamit ng kuryente, presyo sa

pagpapanatili sa mga gadyet na ginagamit bilang midyum sa pag – aaral ng mga

mag – aaral tuwing online class, at ang bayad sa tinatawag nating data at wireless

fidelity o “wi-fi” na kinakailangan ng mga mag – aaral upang makakonekta sa

Internet.

Ang implasyon ay isang mahirap lutasin na problema, at may malaking

dulot sa buhay ng bawat isa. Ito ang dahilan kung bakit may mga nagugutom na

mga mag – aaral at dahilan din ito ng pagkaubos ng pera ng mga estudyante.

Malaking parte ng ating buhay ang pagkakaroon ng maraming bilihin, ngunit


Pangkat 2: Page 5

nahihirapan tayong magbayad para sa mga bagay na kailangan natin, lalo na sa

mga pamilyang may maliit na badyet.

Ayon kay (Olarve et al.) “Ang patuloy na pagtaas na mga presyo ng mga

bilihin ay kasama natin at makakasama natin hanggang sa tayo’y nabubuhay; until

death do us apart. Hindi natin matitigil ang implasyon kung kaya hindi tayo

hahanap ng paraan upang pigilan ito, sa halip ay gagawa tayo ng paraan para

pabagalin ito at hindi gaanong matakot ang mag - aaral sa implasyon dahil

uunawain natin kung paano ito haharapin.

IV. Layunin

i. Pangkalahatan Layunin

- Ang pangkalahatang layunin ng aming papel ay mabigyan kaalaman at

mapagtuunan ng pansin ang mga salik na nakaaapekto sa implasyon at

kung paano naaapektuhan ng implasyon ang mga mag – aaral na nag –

aaral ng strand na STEM sa baitang 11 at 12 ng College of San Benildo –

Rizal.

ii. Espisipikong mga Layunin

Ang mga tiyak na layunin ng pag – aaral na ito ay ang alamin ang mga sumusunod:

- Bakit nagkakaroon ng patuloy na implasyon sa Pilipinas?

- Lubusang maunawaan kung papaano maglaan ng tamang halaga ng pera

sa paaralan, tahanan, transportasyon, at pagkain.


Pangkat 2: Page 6

- Makatulong sa pagbibigay – alam sa mga institusyon, guro, magulang, at

mag-aaral sa mga paraan upang malutas ang patuloy na problemang ito.

- Alamin at pag – aralan kung paano naapektuhan ang araw – araw na kilos

ng mga mag – aaral dahil sa implasyon.

a.) Positibong epekto ng implasyon

b.) Negatibong epekto ng implasyon

- Paano at ano ang mga salik na nagpapabagal at napapabilis ang takbo ng

implasyon sa bansa?

- Mabigyang halaga ang pag – oobserba ng datos sa pagbilis ng implasyon

na galing sa PSA o Philippine Statistics Authority.

- Ano ang nagiging bunga ng implasyon sa pagpili ng mga mag – aaral sa

mga brand o tatak ng mga materyales at pagkain?

V. Metodolohiya

Ang gagamitin ng aming pangkat sa pananaliksik ay ang paraan na

naglalarawan o mas kilala sa ingles bilang “descriptive method”. Ito ay isang uri

ng pananaliksik kung saan naglalayong tumpak at sistematikong ilarawan ang

isang populasyon, sitwasyon o phenomena (Mc Combes 2019). Kami ay gagamit

ng descriptive method sapagkat sasagutin namin ang mga tanong na paano, ano,

kelan, at saan. Gagamitin ang descriptive-correlational na disenyo upang makilala

ang kaugnayan ng inflation at epekto nito sa baitang 11 at 12 STEM na mag –

aaral sa College of San Benildo – Rizal. Inilalarawan ng isang descriptive –

correlational na pag-aaral ang ugnayan sa pagitan ng mga variable sa halip na


Pangkat 2: Page 7

magpakita ng ugnayang sanhi (Quaranta, 2017). Ang Descriptive – Correlation na

pananaliksik ay nagsusuri ng mga variable upang magtatag ng ugnayan,

direksyon, at lakas.

Ang mga pag-aaral sa hinaharap ay maaaring tumuon sa mga natuklasan

upang empirikal na matukoy ang sanhi (Gaille, 2022). Ang disenyo ng

pananaliksik na ito ay nagbibigay - daan sa mga mananaliksik na tukuyin ang

kaugnayan sa pagitan ng inflation at mga mag – aaral sa baitang 11 at 12, dahil

ang mga mananaliksik ay mangangalap ng data mula sa mga kalahok upang

lumikha ng ebidensiya ng istruktura bago pag-aralan ang data. Dadalhin nito ang

mga mananaliksik na magbigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa

potensyal na epekto ng pagtaas sa iba't ibang sektor ng pera tulad ng gas, presyo

ng mga bilihin, at iba pa na maaaring mag – ambag sa negatibo at positibong

epekto sa mga mag – aaral.

Upang mahanap ang mga posibleng kalahok para sa pag-aaral na ito, ang

mga mananaliksik ay gagamit ng isang pamamaraan na kilala bilang ang

descriptive – survey na pamamaraan ng disenyo, isang disenyo na gumagamit ng

mga survey upang mangolekta ng petsa (Formplus, 2020). Ang disenyo ng surbey

ay nagbibigay – daan sa pagkamit ng layunin ng pagsusuri ng tugon sa surbey

(Vox, 2021). At pinapagana nito ang pagkolekta ng malalaking dami ng data na

maaaring suriin para sa mga frequency, average, at pattern (McCombes, 2022).

Ang descriptive Survey na disenyo ay nagpapahintulot sa mga mananaliksik na


Pangkat 2: Page 8

suriin at pag – aralan ang posibleng epekto ng implasyon sa mga mag – aaral sa

baitang 11 at 12.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng isang paraan na kilala bilang simple

random sampling technique, isang pamamaraan para sa random na pagpili ng

isang subset ng mga kalahok mula sa populasyon kung saan bawat miyembro ng

populasyon ay may pantay na pagkakataong mapili (Thomas, 2022). Ang mga

mag – aaral sa Grade 11 & 12 STEM (Science, Technology, Engineering, and

Mathematics) ay nakatakdang maging populasyon ng pananaliksik na ito upang

tipunin ang mga kinakailangang kalahok para sa pag-aaral na ito.

Ang aming mga respondent at pagkukuhaan ng mga datos ay ang mga

mag – aaral na nasa baiting 11 at 12 na nag – aaral ng strand na STEM sa

paaralang, College of San Benildo – Rizal, inaasahan na hindi bababa sa 30

karami ng mga mag – aaral ang tutugon sa sa mga katanungan na aming ilalagay

sa isang online surbey. Ang datos na gagamitin sa aming pananaliksik ay

makukuha sa pamamagitan ng open-ended survey questionnaire, isang uri ng

survey na batay sa kanilang kumpletong kaalaman, pakiramdam, at pang-unawa.

Ang tugon sa tanong na ito ay hindi limitado sa isang hanay ng mga opsyon. The

responses of the participants will be obtain trough using a platform called Google

Forms, which is a free online tool offered by google that enables users to create

forms, surveys, quizzes, and multiply question types. Users are able to update and

share their forms with other people (WordPres, n.d.).


Pangkat 2: Page 9

Nais naming pasagutan ang online surbey sa mga mag – aaral nasa baiting

11 at 12 na nag – aaral ng strand ng STEM sa College of San Benildo – Rizal sa

mga oras na sila ay wala sa paaralan upang hindi kami makadistorbo sa mga klase

at homeroom period nila. Ipapakalat ng aming pangkat ang online surbey sa

pamamagitan ng isang social media platform na kilala bilang “messenger”, isang

application na matatagpuan sa internet at mga mobile phones, ito ay ginagamit ng

mga matatanda at kabataan upang mag – send ng mga instant messages. Ang

online surbey na ito ay aming isesend sa mga class officer’s ng bawat pangkat, at

sila ay aming bibilinan na ipakalat ang surbey sa kanilang mga gcs o tinatawag na

group chat. Ang online surbey na ito ay aming bubuksan ng tatlong araw simula

ng 4pm sa unang araw, at sa ikahapon ng pangatlong araw ay tsaka namin

kakalapin ang mga sagot sa surbey.

Ang mga sagot na aming nakalap mula sa online surbey ay gagamitin

namin bilang karanasan ng madla tungkol sa implasyon at gagamitin namin ito

upang makagawa ng detalyadong datos at pangangatwiran tungkol sa implasyon.

Gagamitin namin ang mga sagot na ito upang isaalang – alang ang sitwasyon ng

mga mag – aaral at makita ang problema mula sa kanilang pananaw. Gamit ang

mga sagot na ito, maaari tayong maglarawan at gumawa ng paraan upang

pabagalin ang implasyon sa paraang kung saan isinasaalang – alang natin ang

sitwasyon ng lahat.

VI. Pagtalakay
Pangkat 2: Page 10

Ang inflation ay tumutukoy bilang isang pangmatagalang pagtaas sa

pangkalahatang antas ng presyo ng mga bilihin sa ekonomiya. Ito ay nauugnay sa

pagbagsak ng merkado sa halaga ng pera sa isang partikular na ekonomiya. Ang

paulit-ulit na pagtaas ng presyo na ito ay nagpapababa ng kapangyarihan sa

pagbili ng pera, na nagdudulot ng mga pagbaluktot sa ekonomiya at kawalan ng

katiyakan (Sargent 2002). Ang inflation ay maaari ding tukuyin bilang isang hindi

inaasahang pagtaas ng supply ng pera sa isang partikular na ekonomiya. Bilang

resulta, ang bawat yunit ng pera ay bumibili ng mas kaunting mga kalakal, na

nagreresulta sa pagbaba ng kapangyarihan sa pagbili sa bawat yunit ng pera.

Maaari din itong isipin na pagtaas ng suplay ng pera sa mas mabilis na rate kaysa

sa rate ng produksyon sa ekonomiya ng bansa. Ang gumagapang na inflation ay

nangyayari kapag ang pagtaas ng presyo ay unti-unti at hindi regular. Ito ay

mabuti para sa ekonomiya. Pinapalakas nito ang ekonomiya, nagtataguyod ng

pag-unlad sa lipunan at ekonomiya. Pinapadali din nito ang pagsasaayos ng mga

relatibong presyo, gaya ng mga suweldo ng empleyado.

Bagama't ang banayad at unti-unting inflation ay itinuturing na tanda ng

isang malusog na ekonomiya, ang inflation na mas mataas sa mabagal na rate na

ito ay nakapipinsala sa ekonomiya. Ang mga buwis na ipinapataw sa mga

mamamayan ay tumataas kasabay ng suplay ng pera sa ekonomiya. Pinapataas

nito ang kagustuhan ng mga tao na gumastos para sa dalawang pangunahing

dahilan: upang bumili ng mga bilihin bago tumaas ang kanilang mga presyo at

upang maiwasan ang pagbabayad ng mga buwis sa mga hawak na pera. Ito ay

nagpapataas ng demand para sa iba't ibang mga bilihin, na nagiging sanhi ng


Pangkat 2: Page 11

pagtaas ng kanilang mga presyo bilang resulta ng mekanismo ng presyo.

Pinapataas nito ang rate ng inflation at pinapataas ang bilis ng pera, na lumilikha

ng isang mabisyo na ikot na mahirap masira, na nagreresulta sa hyperinflation

(Laubach, Mishk, 2001).

Ang mga presyo ng inflationary at hyperinflationary pressure ay

nagdudulot ng kalituhan sa ekonomiya. Habang tumataas ang mga presyo,

bumababa ang kapangyarihan sa pagbili ng isang yunit ng pera, na nagdaragdag

ng kawalan ng katiyakan. Hinihikayat nito ang pagbili ng pampadulas para sa

mabisyo. Umiikot habang pinapahirapan din ang pag-iimpok at pamumuhunan.

Ang pera ay muling ipapamahagi nang hindi pantay. Ang mga taong may matatag

na natatanggap na kita ay patuloy na makakatanggap ng parehong halaga, na

binabawasan ang kanilang kapangyarihan sa pagbili, samantalang ang mga nasa

maayos na kita ay makakapag-adjust sa inflation. Bilang resulta, ang pera ay

muling ipapamahagi mula sa mga may matatag na natatanggap na kita sa mga

may variable na kita. Kung ang inflation rate ay mas mataas kaysa sa iba pang

bahagi ng mundo, magreresulta ito sa mga depisit sa balanse ng pagbabayad

bilang resulta ng internasyonal na kalakalan.

Maliban na lang kung hindi na ito makontrol, ang inflation ay

mapapamahalaan. Mayroong ilang mga diskarte na maaaring magamit upang

makontrol ito. Gumagamit ang Federal Reserve ng Estados Unidos ng iba't ibang

patakaran sa pananalapi at pananalapi upang labanan ang inflation. Ang mga

patakaran sa pederal na pagbabadyet at pagbubuwis ay mga halimbawa ng mga

patakaran sa pananalapi. Karamihan sa mga tagamasid sa merkado, gayunpaman,


Pangkat 2: Page 12

ay tumutuon sa mga patakaran sa pananalapi na idinisenyo upang patatagin ang

ekonomiya. Ang FOMC ng Open Market Committee ng Federal Reserve Board

ay namamahala sa pagpapatupad ng mga patakaran sa pananalapi sa Estados

Unidos (Sargent 2002). Sila ang may pananagutan sa paglimita o pagtaas ng

halaga ng pera na umiikot sa ekonomiya. Ginagawa nilang mas madaling makuha

ang pera, hinihikayat ang paggastos upang pasiglahin ang paglago ng ekonomiya,

o ginagawa nilang mas mahirap makuha kapag ang mga rate ng paglago ay

umabot sa mga antas na hindi napapanatiling.

Sa pangkalahatan, nilalabanan ng mga sentral na bangko sa lahat ng mga

ekonomiya ang inflation sa pamamagitan ng pagtataas ng mga rate ng interes at

pagbabawas ng suplay ng pera. Upang labanan ang inflation, maaaring ipatupad

ang mga patakaran sa kita/sahod at pagkontrol sa presyo. Gayunpaman, ang

prosesong ito ay may mga negatibong kahihinatnan, kabilang ang isang

pagbaluktot sa pangkalahatang paggana ng ekonomiya sa pamamagitan ng

paghikayat sa mga kakulangan at pagbaba sa kalidad ng mga kalakal.

Ang inflation ay maaaring masukat sa iba't ibang paraan. Ang Consumer

Price Index (CPI) ay isang malawakang ginagamit na sukatan. Kinakalkula ng

paraang ito ang mga average na presyo ng isang paunang natukoy na basket ng

mga produkto at serbisyo. Ang basket ng mga paninda na ito ay sumasalamin sa

kung ano ang binibili ng isang karaniwang pamilya sa isang partikular na panahon

upang makamit ang ilang ninanais na pamantayan ng pamumuhay. Ang

kasalukuyang base na itinakda sa Estados Unidos ay 1982-1984. Pagkatapos ng

isang tiyak na bilang ng mga taon, ang batayang panahon na ito ay nababagay. Ito
Pangkat 2: Page 13

ay pinagsama-sama sa buwanang batayan ng Bureau of Labor Statistics (BLS).

Tinitimbang nila ang bawat item sa basket na may kaugnayan sa kabuuan. bahagi

ng paggasta ng sambahayan sa batayang panahon upang ipakita ang mga

pagbabago sa index sa isang regular na batayan upang kumatawan sa

kasalukuyang halaga ng pamumuhay ng sambahayan (Sargent 2002). Ang

pabahay, pananamit, edukasyon at komunikasyon, pangangalagang medikal, at

transportasyon ay kabilang sa walong kategorya. CPI para sa lahat ng urban

consumer, Chained CPI para sa lahat ng urban consumer, at CPI para sa urban

wage earners at clerical workers ang tatlong pangunahing CPI na ginagamit.

Ang Producer Price Indexes (PPI) ay isa pang paraan na ginagamit ng

pederal na pamahalaan upang sukatin ang inflation. Sinusukat nito ang mga

average na pagbabago sa presyo na natatanggap ng mga domestic producer para

sa kanilang output sa pamamagitan ng paglakip ng mga timbang sa kanilang

output. Naaangkop ito sa halos lahat ng industriya. Ang BLS ay kino-compile ito

buwan-buwan. Ang isa pang paraan ng pagsukat ng inflation ay ang personal

consumption expenditure (PCE). Ito ay kinakalkula buwan-buwan ng Bureau of

Economic Analysis gamit ang National Income and Product Account NIPA.

Ang inflation ay may iba't ibang gastos sa ekonomiya. Malaki ang epekto

nito sa mga nag-iimpok, dahil nawawalan sila ng tiwala sa pera bilang tunay na

halaga ng pag-iipon. Maaari rin itong humantong sa mas mataas na

pangangailangan sa sahod habang inaasahan ng mga tao na panatilihin ang

kanilang kasalukuyang kondisyon sa pamumuhay. Ang inflation ay nakakaapekto

sa competitiveness at unemployment rate ng isang bansa. Kapag ang isang bansa


Pangkat 2: Page 14

ay may mas mataas na inflation rate kaysa sa iba, nawawalan ito ng

competitiveness, na nakakaapekto sa performance nito sa kalakalan. Dahil dito,

tumataas ang unemployment rate.

Ang inflation ay maaaring makagambala sa pagpaplano at pamumuhunan

ng negosyo. Nagiging mahirap ang pagbabadyet dahil sa kawalan ng katiyakan na

dulot ng pagtaas ng presyo at gastos. Ang inflation ay may ilang iba pang

positibong kahihinatnan. Ang isang matatag na mababang rate ay nagpapahintulot

sa mga organisasyon na mapataas ang kanilang mga kita, presyo, at kita, at ang

kanilang mga empleyado ay maaaring asahan ang pagtaas ng sahod bilang isang

resulta (Laubach, Mishk, 2001). Ang inflation na mababa at matatag ay

makakatulong din para mabawasan ang tunay na halaga ng mga hindi pa

nababayarang utang. Ang mga benepisyaryo ng mortgage, halimbawa, ay

nakikinabang mula sa inflation upang mabawasan ang tunay na pasanin sa

kanilang mortgage.

Ang mga pagbabago sa halaga ng palitan ay maaari ding magkaroon ng

epekto sa inflation. Ang mga presyo ng pag-import ay tumaas habang ang halaga

ng domestic currency ay bumababa laban sa iba pang mga pera. Ang inflation ay

sanhi ng pagtaas ng mga gastos sa paggawa na mas malaki kaysa sa pagtaas ng

produktibidad. Mahirap ang paghula ng inflation. Ang ilan sa mga dahilan nito ay

kinabibilangan ng: pabagu-bago ng presyo ng enerhiya, mga pagbabago sa halaga

ng pera kaugnay ng iba pang dayuhang pera, mga pagbabago sa hindi direktang

buwis ng pamahalaan, pabagu-bago ng presyo ng pagkain, at hindi tiyak na

paglaki ng demand. Gayunpaman, parehong masyadong mataas at masyadong


Pangkat 2: Page 15

mababa ang inflation rate ay nakakapinsala sa ekonomiya. Ang gobyerno ay ang

entidad na namamahala sa pagpapanatiling kontrolado ang inflation. Ang

kabiguan nitong kontrolin ito ay matutumbasan ng pagnanakaw sa mga tao nito

(Sargent 2002).

Talamak sa kaalaman ng bawat isa, ang mundo ay may malaking

kinahaharap na suliranin at ito ay ang inflation na kung saan ang antas ng pagtaas

ng mga presyo ng bilihin sa isang takdang panahon. Nitong Nobyembre 2022

ayon sa Tradingeconomics (2022), ang taunang inflation rate ng pilipinas ay

tumaas sa 8.0% mula sa 7.7% noong Oktubre, na nangunguna sa market forecast

na 7.8% ngunit nasa loob ng target ng bangko sentral na nasa pagitan ng 7.4%

hanggang 8.2% para sa buwan. Ito ang pinakamataas na nailimbag mula noong

Nobyembre 2008, kung saan ang mga presyo ng pagkain ay tumaas ng

pinakamaraming mula noong Marso 2009. Sa impormasyong ito, ang mga

mamamayan ng pilipinas ay lubhang apektado at isa na sa kasalukuyan dito ang

mga mag-aaral, magulang at mga guro.

Bawat studyante ay nakakaranas ng mabigat na epekto ng suliranin

pangekonomiya maging mga magulang, guro, o kahit sino pa man. At ang ilan sa
Pangkat 2: Page 16

epekto nito ay nagpapataas ng gastos sa edukasyon bilang mga bayarin sa

paaralan/kolehiyo, matrikula, mga bagay sa pag-aaral atbp na nagbibigay hirap sa

mga magulang na hindi makayanan magbigay ng mahusay na edukasyon sa

kanilang anak, ang upa sa bahay at sa pang-araw-araw na gastusin ay higit na

nakakabawas sa kalidad ng pagkain kaya mababa ang kapasidad ng kalusugan na

nakaaapekto sa kakayahan ng mga mag-aaral, nakakabawas din ito sa espiritu ng

mga estudyante na nagdudulot ng hindi magandang kaisipan na kung saan lagi

nilang iniisip ang pera para pambayad sa renta, singil sa kuryente, singil sa tubig

atbp.

VII. Resulta

Ang kakalabasan ng aming pag – aaral tungkol sa implasyon ay

magpapamulat sa maraming tao kung ano ang ginagawa at nagiging epekto ng

implasyon sa bansa. Mas malalaman at mabibigyan pansin din ng mga mag – aaral

kung paano mag – ipon ng pera. Malalaman at mabibigyan alam din ng mga tao kung

sino ang mga naaapektuhan ng implasyon at kung paano ito nagsisimula. Isa rin sa

mga inaasahang resulta ay mahanap at maipakita sa mga tao ang solusyon para

mapabagal ang rate ng implasyon sa Pilipinas. Nais din namin na maging resulta na

ipaalam sa mga tao kung ano ang nagbabago sa kanilang araw – araw na pamumuhay

dahil sa implasyon.

Inaasahan din na matuto at marunong na ang mga mag – aaral kug paano

gastusin ng tama ang kanilang pera sa mga panahong mataas ang inflation rate o ang
Pangkat 2: Page 17

rate ng implasyon sa bansa. Ang kanilang matutunan ay pwede at maari nilang

madala sa paglaki at sa mga panahong sila ay may sariling mga pamilya.

Inaasahang isa sa mga resulta ng pagaaral na ito ay ang pagkamulat at pag – intindi

ng ating gobyerno sa mga paghihirap na dinaranas ng mga mag – aaral sa tuwing tumataas

ang rate ng implasyon. Makikita sa aming konseptong papel kung gaano kalaki ang impact at

epekto ng implasyon sa pang araw – araw na pangangailangan ng mga mag – aaral sa baiting

11 at 12 na kumuha ng strand na STEM sa College of San Benildo Rizal.  

          Sa mga pagdurusa at paghihirap na kinakaharap ng mga mag – aaral,

inaasahang sumang – ayon at maka – relate sila sa descrptibong paglalarawan sa mga

salik na nakakaapekto sa implasyon at ang epekto nito sa mga mag – aaral na katulad

nila.  Hindi lamang ang gobyerno ang aming inaasahan na maging mulat sa

katotohanan gamit ang pag – aaral na aming gagawin, bagkus, pati na rin ang mga

magulang at pangalawang magulang ng mga estudyante, inaasahan na sa

pamamagitan ng aming pagsusuri ay kanilang lubos na maintindihan ang sitwasyon

na kinakaharap ng karamihan sa mag – aaral.

Bukod sa mga magulang at pamahalaan nais din namin na magbigay panahon ang

mga mag – aaral na magkaroon ng kaunting agam – agam tungkol sa aming paksa.

Sabi nga ng iba ay ang pinakamahirap na realisasyon para sa isang tao ay magkaroon

ng realisasyon sa sarili o sa ingles ay “the hardest realization for a person to ever have

is to have self-realization.” Hindi lubos na mauunawaan at maiintindihan ng mga mag

– aaral ang implasyon kung labis at lagi tayong mag bubulag bulagan tungkol sa
Pangkat 2: Page 18

pagbaba at paghina ng ating ekonomiya, kaya inaasahan namin na makatulong ang

aming gagawing pagsusuri sa pagiba ng pananaw ng mga mamayang Pilipino.  

VIII. Sanggunian

Aguilar, S. Almario, K. Lim, M. et al. (2020). Bababa, Bababa ba, Bababa pa ba?:

Isang Pag – aaral Tungkol sa mga Epekto ng Implasyon sa mga Mag –

aaral ng LCUP sa Baitang Siyam at Sampu. La Consolacion University

PhilippinesBasic Education Department, pp. 7.

https://www.scribd.com/document/454597395/Research-Epekto-Ng-

Implasyon-Sa-Mga-Mag-Aaral

Formplus. (2020). Descriptive Research Designs: Types, Examples &

Methods. Retrieved from https://www.formpl.us/blog/descriptive-

research

Gaille (2020). Advantages and Disadvantages of Correlational Research.

Retrieved from https://vittana.org/12-advantages-and-disadvantages-

of-correlational-research-studies

Laubach, T. Mishk, F. (2001). Inflation Targeting: Lessons from the

international Experience. New Jersey. Princeton University

Press Retrieved from

https://press.princeton.edu/books/ebook/9780691187396/infla

tion-targeting
Pangkat 2: Page 19

Manila Bulletin (2020). MB Daily News Update: PH inflation quickens to

8% in Nov. National News, https://mb.com.ph/2022/12/06/mb-daily-

news-update-ph-inflation-quickens-to-8-in-nov/

McCombes, S. (2019). Descriptive Research | Definition, Types, Methods

&

Examples, Scribbr, Revised on October 9 2022.

https://www.scribbr.com/methodology/descriptive-research/#:~:text

=Descriptive%20research%20aims%20to%20accurately,investigate

%20one%20or%20more%20variables

Olarve, L. et al. (2018). Inflation sa Pilipinas at Epekto Nito sa Ating

Lipunan, Tumblr, pp. 2.

https://group6-1a14-blog.tumblr.com/post/178721314731/

akademikong-sanggunian

Quaranta (2017). What is a descriptive-correlational research design.

https://methods.sagepub.com/case/descriptive-correlation-research-

asthma-management-school-nurses#:-:text-A%20descriptive

%20correlational%20study%20is.to%20establish%20a%20causal

%20connection

Sargent , T. (2002). The Conquest of American Inflation Princeton

paperbacks. New Jersey. Princeston University Press, 2002 Retrived

from
Pangkat 2: Page 20

https://press.princeton.edu/books/paperback/9780691090122/the-

conquest-of-american-inflation

Tanan, T. (2016). Pag – iimpok ng Salapi: Alamin ang Kahalagahan!,

NMAEGUINTO, Wordpress,

https://nmaeguinto.wordpress.com/pag-iimpok-ng-salapi-alamin-

ang-kahalagahan/

Thomas, L. (2020, August 28). Simple Random Sampling | Definition,

Steps

& Examples. Retrieved from

https://www.scribbr.com/methodology/simple-random-sampling/

#:~:text=Simple%20random%20sampling%20is%20a,possible

%20of%20this%20random%20subset

Voxco. (2021). Descriptive Survey Design. Retrieved from

https://www.voxco.com/blog/descriptive-survey-design/#:~:text=In

%20Descriptive%20Survey%20Design%2C%20the,%2C

%20Observation%2C%20and%20Case%20Study

Wordpress. (n.d.). Online Tools for Teaching & Learning. Retrieved from

https://blogs.umass.edu/onlinetools/assessment-centered-tools/

google-forms/

You might also like