You are on page 1of 7

PAARALANG SEKONDARYA NG TIBAG – TIBAG, TARLAC CITY

ACCOUNTANCY AND BUSINESS MANAGEMENT (ABM) S.Y. 2022 -2023

Isang Pananaliksik Tungkol sa


ANG IMPLUWENSIYA NG MGA ALAMAT SA PANANAW NG MGA MAG-
AARAL SA KANILANG PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY

Isang pag-aaral na iniharap kay


Bb. Dominga S. Sarmiento

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at


Pagsuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananalksik

Ipinasa ni:

JAMAICA MAE M. BAUN

11 – PACIOLI

Mayo 2023
1

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang ating bansa ay likas na may iba't ibang mito at paniniwala. Ang kasaganaan

ng Pilipinas sa mga bagay na ito ay dahil sa iba't ibang salik. Ang ilan sa mga katwiran na

ito ay ang mga alamat. Gayunpaman, paano nga ba nakakaapekto ang mga alamat sa

pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang ideya na ang

kidlat ay dahil sa naglalaro si Zeus sa kalangitan ay isa lamang paglalarawan nito.

Marahil isa ka rin sa mga naniwala rito noong ikaw ay bata, at maaaring maging

hanggang ngayon.

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa pinagmulan ng isang

bagay, hayop, o pook. Kung minsan, ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari hinggil sa

tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o

kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip lamang na nagpasalin-salin buhat sa

ating mga ninuno. Ito ay base sa ‘post’ ng Noypi.com.ph (2023).

Marami na rin ang mga pananaliksik na naganap patungkol sa epekto ng epiko at

alamat. Isa na rito ay ang pag-aaral ni John Carlo Mandapat noong taong 2019 na may

pamagat na Pananaliksik: Paggamit ng Epikong Pilipino na Sumasalamin sa mga

Teleserye. Sa pananaliksik na ito, napagalamang ang paggamit ng epikong Pilipino ay

nagdudulot sa mga manonood na mas maintindihan nila ang teleserye, ito ay dahil may
2

alam na sila patungkol sa kwento, at dahil nakauugnay ang kanilang isip at puso sa

kuwento.

Ilan rin sa mga pananaliksik na nagawa na ay patungkol sa kung paanong ang

alamat ay nakakaapekto sa sariling pananaw ng tao sa reyalidad ng buhay. Ang mga pag-

aaral na ito, gayunpaman, ay limitado pa rin, at mas kakaunti pa rin ang makukuhang

impormasyon tungkol sa kung gaano kahalaga ang epiko at alamat sa kasaysayan ng

Pilipinas at kung paano ito pinahahalagahan ng mga kabataan.

Dahil sa nabanggit na konteksto, layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang

kahalagahan ng epiko at alamat sa kasaysayan ng Pilipinas at tukuyin din kung paano ito

pinahahalagahan ng mga kabataan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pagkakaroon ng malinaw at komprehensibong pang-unawa sa kahalagahan

ng epiko at alamat sa kasaysayan ng Pilipinas at pagpapahalaga ng mga kabataan dito ay

magbibigay ng mahalagang impormasyon at gabay para sa mga guro, magulang, at mga

tagapagturo sa pagpapaunlad ng mga kurikulum at pag-aaral. Sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng pananaliksik na ito, layunin naming suriin ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Paanong ang kasaysayan ng Pilipinas ay naapektuhan ng epiko at kasaysayan?

2. Ano-ano ang kahalagahan ng mga epiko at alamat sa kasaysayan ng Pilipinas?


3

3. Paano naipapakita ng mga kabataan ang pagpapahalaga sa epiko at alamat

pagdating sa:

3.1 Pang araw-araw na pamumuhay

3.2 Pag-aaral

3.3 Pakikitungo sa ibang tao

KAHALAGAHAN NG PAR-AARAL

Sa pamamagitan ng paggamit ng online na mga module at mga sariling

pananaliksik, naihuhubog ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan na mangasiwa ng

kanilang sariling pag-aaral, mamuno sa kanilang sariling pagkatuto, at magplano para sa

kanilang mga proyekto sa pagbasa. Kalinya nito, ang mga sumusunod ay ang mga

importansiya ng pag-aaral ng kahalagahan ng epiko at alamat sa kasaysayan ng Pilipinas

at pagpapahalaga ng mga kabataan dito.

Para sa mag-aaral:

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral patungkol sa

kung paanong ang mga epiko at alamat ay maituturing na mahalaga sa kasaysayan ng

bansa. Ito rin ay magsisilbing pangbukas-mata sa mga kabataan upang pagnilayan kung

paano nga ba nila pinahahalagahan ang epiko at alamat at paano nila ito pahahalagahan.

Para sa mga guro:

Sa sobrang dami ng makabagong ‘curriculum’ na inilalabas, natatambunan na rin

ang pagtuturo at pagsasabuhay ng sariling atin. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa


4

mga guro upang malaman din nila kung hanggang saan ang kaalaman ng mga mag-aaral

tungkol sa epiko, alamat, at kasaysayan upang sa mga susunod na talakayan ay mabigyan

ng pokus ang mga ito.

Para sa institusiyon:

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung hanggang saan ang kaalaman ng

mga kabataan tungkol sa epiko, alamat, at kasaysayan. Ng dahil dito, maaaring gawing

instrument ito ng institusiyon upang mapagaralan kung anong mga programa ang maaari

nilang ilatag upang mapunan ang tinatawag ng ‘gaps’ na dapat ay alam ng mga bata.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang kahalagahan ng mga epiko at

alamat sa kasaysayan ng Pilipinas at pagpapahalaga ng mga kabataan dito. Ang mga

respondente ay magmumula sa populasiyon ng Senior High School Students sa Tibag

High School, parehong grade 11 at 12 na mula sa iba’t ibang kurso. Mula sa

populasiyong ito, ang mananaliksik ay pipili ng mga respondente sa pamamagitan ng

‘purposive sampling’. Ayon kay Kelly (2010), ang mananaliksik ay makakakuha ng 20

na mag-aaral na mag-aaral mula sa parehong baitang 11 at 12, dahil ang kanilang

pangunahing pokus ay ang mga mag-aaral may hilig sa kasaysayan at panitikan. Simula

sa Enero 2023 at magtatagal hanggang sa katapusan ng akademikong taon. Ang pag-aaral

ay magaganap sa Tibag High School.

KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN


5

Para sa maliwanag na pagkakaunawa sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

salita ay binigyang kahulugan.

Kahalagahan. Ayon sa isang ‘expert-verified answer sa brainly.com’ (2020), ang

salitang kahalagahan ay binubuo ng panlapi at salitang ugat na halaga. Ang kahulugan

nito ay tumutukoy sa importansiya, kabuluhan, kapakinabangan o kasaysayan. Sa pag-

aaral na ito, and salitang kahalagahan ay ang susukat o magpapahayag ng silbi o

importansiya ng epiko at alamat sa kasaysayan ng Pilipinas

Epiko. Ayon kay Edita Reyes (2001), ang epiko ay ang mga sulating nalilimbag

at parte ng sulating pampanitikan, kung saan ang mga karakter na nagsisigalaw ay may

mga puwersang hindi makatotohanan. Sa pag-aaral na ito, ang epiko ay gagamitin upang

tukuyin ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng Pilipinas, at kung paanong ito ay

pinahahalagahan ng mga kabataan.

Alamat. Ang alamat o folklore sa wikang ingles ay isang uri ng panitikan na

tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, hayop, o pook, base sa ‘post’ ng

Noypi.com.ph (2023). Sa pananaliksin na ito, ang salitang alamat ay gagamitin upang

tukuyin ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng Pilipinas, at kung paanong ito ay

pinahahalagahan ng mga kabataan.

Kasaysayan. Ang kasaysayan ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayaring

naganap sa sangkatauhan, kabilang ang isang ulat ng pagbangon at pagbagsak ng mga

bansa, gayundin ng iba pang malalaking pagbabago na nakaapekto sa kalagayang

pampulitika at panlipunan ng sangkatauhan (Anderson, 2019). Sa pag-aaral na ito, ang


6

salitang kasaysayan. Sa pag-aaral na ito, ilalarawan ang salitang kasaysayan kung paano

ito naapektuhan ng epiko at alamat.

You might also like