You are on page 1of 13

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KABANATA I

PANIMULA

Ang pagbasa ay isang kasanayang dapat na matutunan at mapaunlad ng isang


mag- aaral sa kanyang sarili. Isang kasanayang magiging behikulo sa pag- alam ng
iba’t ibang kaisipan, ideya at konsepto na makatutulong ng malaki sa isang mag- aaral
upang magkaroon ng malawak na kaalaman sa anumang aspeto ng karunungang
dapat na taglayin ng isang mag- aaral. Ito rin ay isang kasanayang itinuturing na may
malaking bahagi sa pagkakaroon ng mataas na lebel sa akademikong performans ng
mga kabataang mag- aaral sa kapuluan. Sinasabi ng maraming edukador na
kailangang matutunan ng isang mag- aaral ang kasanayan sa pagbasa simula sa
murang edad pa lamang at inaasahan na sa kanyang paglakiy taglay na dapat niya ang
mataas na antas ng kasanayan sa pagbasa. Sa pagtugtong ng bawat mag- aaral sa
mas mataas na lebel ng pag- aaral o edukasyon, mangangailangan siya ng mga
napapanahon at makabagong kagamitang pampagkatuto upang higit na mapaunald
niya ang kanyang kasanayan sa pagbasa at iba pang akademikong kasanayang dapat
niyang taglayin. Nangangailangan ang isang mag- aaral ng isang kasangkapan upang
matugunan ang mga sopistikadong pangangailangan sa iba’t ibang kakayahang pang-
akademiko. Pinakamahalaga dito ay ang gawaing kognitibo na hahamon sa kakayahan
ng mag- aaral sa mataas na lebel ng prosesong pangkaisipan sa tulong ng kaalaman
niya sa sistema ng wika. Ang kasanayan ng isang mag- aaral sa sistema ng wika ay
matutugunan lamang niya sa pamamagitan ng pagpapaunlad niya ng kanyang
kakayahan sa pagbasa. Ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng kasanayan sa
pagbasa ay isang mahalagang kasanayan na makatutulong sa isang mag- aaral kapag
siya ay nasa kolehiyo na at kailangang higit pang paunlarin ang iba’t ibang gawaing
pang- akademiko.
Kasabay ng pag- usad ng panahon ay kasabay din nito ang pagsulputan ng mga
makabagong teknolohiya na makatutulong sa higit na pagpapaunlad ng kasanayan sa
pagbasa ng mga kabataang mag- aaral ngayon hanggang sa mga susunod pang
henerasyon.
Bilang isang lipunan na umuusbong ang mga makabagong teknolohiya ay
kaalinsabay ng nagbabagong panahon, maraming mga tao ang natutulungan at patuloy
na tinutulungan ng mga ito. Kadalasang iniuugnay ang teknolohiya sa mga
makabagong imbentong kagamitan o gadyet na natuklasan sa tulong ng mga proseso
at prinsipyong pang- agham.
Hindi lingid sa atin na tayo ngayon ay nasa estadong tinatawag nating “digital
natives” na kung saan lahat ay namulat sa mga digital na teknolohiya. Maraming
adbentahe ang dulot sa ating lipunan ng mga makabagong teknolohiyang ito sa lalong
mabilis at madaliang pangangailangan ng mga tao. KAugnay nito, maraming mga
nakalimbag na libro ang patuloy na isinasalin sa elektronikong paraan. Naimbento ang
E- book o Electronic Book, isang bersyon ng elektronikong libro na naglalaman ng mga
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

nakalimbag na akda at larawan na maaaring mabasa sa pamamagitan ng mga


kompyuter, tablet at Smartphones.

Sa kasalukuyan, ito ang bagong kinahihiligan sa mundo ng impormasyon at


teknolohiya. Sa tulong ng mga elektronikong libro na ito mas medaling nakukuha ang
atensyon ng mga mag- aaral para sa epektibopng pagtuturo at pagkatuto ng bawat
individwal. Malaki an gang tulong na ambag ng elektronikong literature sa proseso ng
pagkatuto, (Romasanta Dangilan, 2015),
Malaki ang naitutulong ng imbensyong ito sa nakararami sapagkat maaari kang
magdownload at makabasa ng isang akda sa madaling panahon (instant). Hindi na rin
kakailanganin pang pumutol ng puno na gagawing papel para lamang makapaglimbag
ng mga libro. Sinasabi na ito ay portable o magaang gamitin sapagkat sa tulong ng
smartphones, CD at laptop ay madadala mo na lahat ng nilalaman ng silid- aklatan na
hindi nangangamba sa dami at bigat nito. Maaari din namang mabago ang laki ng letra
nito para sa mas medaling proseso ng pagbabasa. Kaya’t sa panahon ngayon
sinasabing lantad na ang lahat ng mga kabataan sa paggamit ng E- book.
Layunin ng pananaliksik na ito na makabuo ng konklusyong tungkol sa kung anu-
ano ang magiging epekto ng E-book at Wattpad sa mag-aaral at kung nakatutulong bai
to o hindi sa kanilang pag-aaral. Layunin din ng pananaliksik na ito na masuri at
malaman ang epekto ng pagbabasa sa elektronikong basahin o e-book at Wattpad sa
kasanayan ng pagsusulat at pagbabasa ng mga mag-aaral. Layunin dinn ng
pananaliksik na ito na maimulat ang mga mambabasa sa tamang paggamit ng
teknolohiya at paigtingin pa ang kaalaman nila ukol ditto. Pangkalahatang layunin ng
pananaliksik na ito na mapag-alaman at mailahad ang iba’t-ibang patunay ng pagiging
isang mambabasa sa E-book o Wattpad, ang mga dahilan ng pagkakahumaling ng mga
mag-aaeal sa pagbabasa ng E-book at Wattpad kaalinsunod ng mabuti’t masamang
epekto nito.
Layunin ng pananaliksik na ito na makabuo ng konklusyong tungkol sa kung anu-
ano ang magiging epekto ng E-book at Wattpad sa mag-aaral at kung nakatutulong bai
to o hindi sa kanilang pag-aaral. Layunin din ng pananaliksik na ito na masuri at
malaman ang epekto ng pagbabasa sa elektronikong basahin o e-book at Wattpad sa
kasanayan ng pagsusulat at pagbabasa ng mga mag-aaral. Layunin dinn ng
pananaliksik na ito na maimulat ang mga mambabasa sa tamang paggamit ng
teknolohiya at paigtingin pa ang kaalaman nila ukol ditto. Pangkalahatang layunin ng
pananaliksik na ito na mapag-alaman at mailahad ang iba’t-ibang patunay ng pagiging
isang mambabasa sa E-book o Wattpad, ang mga dahilan ng pagkakahumaling ng mga
mag-aaeal sa pagbabasa ng E-book at Wattpad kaalinsunod ng mabuti’t masamang
epekto nito.

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Marami sa mga kabataan ngayon ang gugustuhin pang gumamit ng E-book o


Wattpad sa halip na magtungo sa mga silid- aklatan upang magbasa kaya sinasabi na
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ang pagsulpot ng makabagong teknolohiyang ito at may malaking impluwensiya sa


pang- araw- araw na pag- aaral ng mga tao lalo na sa ating mga kabataan. Ang
paggamit ng elektronikong librong ito ay may kinalaman sa paglinang ng kaalaman ng
mga mag- aaral sa mabisang pagbasa.
Sinasabi sa umuusbong na makabagong panahon na darating ang araw na
teknolohiya na ang makapagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng tao. Ito ang
tinatawag na “ Digital Natives” o mga batang mulat sa mundo ng teknolohiya (Education
Technology). Ang sobrang paggamit ng mga gadyets ng mga mag- aaral sa loob ng
paaralan ay maaaring makaapekto sa kanilang klasrum performans. Ang lubos na
paggamit ng kagamitang ito ay may iba’t ibang dulot. Maaaring kalabasan nito na
magkaroon ng malaking posibilidad na maging lulong ang bawat isa sa paggamit ng E-
book na kung saan ito ay hahantung sa pagkakaroon ng epekto sa katawan lalo na ng
ating mga mata, Banton(2014).
Walang sinuman ang maaring pumigil sa patuloy na pagbabago sa buhay ng
mga tao dahil ang pagbabago na ito ay nagbibigay ng pinakamahusay na bagay sa
isang indibidwal, Paton(2013).
Kaya’t naniniwala ang mananaliksik na kailangang pag- aralan ang ganitong uri
ng suliranin upang matukoy ang mga positbo at negatibong dulot ng pagbasa gamit ang
E- book ng mga mag- aaral sa lahat halos ng mga pambansang paaralan sa bansa
lalo’t higit na umiiral ito sa kasalukuyang panahon.
Hindi rin maikukubling ang mga kabataang mag- aaral sa bansa ang
pangunahing lantad sa paggamit ng E-book sa pagbabasa at isa nga ang Wattpad sa
halimbawa ng aplikasyon na makikita sa E-book.
Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks nagawaing
pangwika na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto.
Ipinaliwanag ni Johnston(1990) na ito’y isang kompleks o masalimuot na gawaing
nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o
kasanayan gaya ng paglutas ngsuliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais
ipahatid ng manunulat.
Batayang Teoretikal
Ang teorya ay isang lupon ng mga salita at kaisipan na gustong magbigay ng
liwanag sa isang bagay na walang sapat na paliwanag. Produkto ito ng mga kuro-kuro o
haka-haka ng mga taong nagsagawa ng mga pag-aaral upang may mapatunayan. Sa
pananaliksik na ito, isinaalang-alang ang mga teoryang pinaniniwalaan ng mananaliksik
na may kaugnayan sa pag-aaral at makatutulong sa pagkamit ng mas malalim na pag-
unawa sa pag-aaral.
Ayon kay Emile Durkheim sa kanyang Evolutionary Theory ang isang lipunan ay
unti-unting nagbabago mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong bagay,
mula sa iisang porma hanggang sa magkakaiba, mula sa pagiging primitibo hanggang
sa mapalitan na ng modernisasyon, mula rural na pamumuhay hanggang urban.
Angkop ang teoryang ito sa ebolusyon ng mga babasahing aklatin hanggang sa sa pag-
usbong ng Wattpad. Kaalinsunod nito, ang Lazarus Theory ni Richard Lazarus na
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

tumutukoy sa stress na bunga ng paglampas ng demand sa kapasidad o kakayahan ng


isang taong maisagawa ang isang bagay. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng
mataas na pamantayan ng isang paaralan na kung minsan hindi na umaangkop sa
abilidad at kapasidad ng mag-aaral. Ang teoryang ito ang sumasalamin sa pagpili ng
mananaliksik sa mga naging respondente, kung saan ang naturang kurikulum ng mga
mag-aaral na nasa ikalabingisang baiting (HUMSS) ay maituturing na may kahigpitan at
kahirapan dahilan upang umusbong ang presyur sa mga mag-aaral na siyang
nakapagbigay ideya sa akin upang alamin ang epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa
katulad nilang nakararanas ng kahigpitang pang-akademiko. Ayon naman sa Labeling
Theory ni Howard Becker ang gawi ng bawat tao ay binibigyan ng label o antas batay
sa sariling opinyon o pananaw ng komunidad. Dito papasok ang iba’t ibang
pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa kanilang mga sarili bilang mga wattpadder.
Sumunod ang Rational Decision-Making Theory ni Neil Smelser na nagsasabing ang
desisyon ng mga tao ay nakabatay sa sariling gawi at kaugalian nila maging sa
kondisyon o lagay ng isang sitwasyon. Sa teoryang ito papasok ang dahilan ng mga
respondente sa pagkahumaling sa pagbabasa ng Wattpad. Ang Psychological
Exchange Theory ni George Homans naman na naglalarawan sa interaksyon ng mga
tao bilang interaksyon na binubuo ng mga pabuya at parusa iniugnay ng mananaliksik
ang mabuti’t masamang epektong nadudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga mag-
aaral na nakabatay sa mismong interaksyon nila. Kaalinsunod nito ang isa pang teorya
ni George Homans, ang Rational Choice Theory kung saan ang bawat indibidwal ay
hinihikayat ng kani-kanilang sarilang mga mithiin maging ang mga magagandang bagay
na nakuha at nakukuha nila sa iba. Isinasaad ng teoryang ito na nakabatay ang
kanilang desisyon ukol sa kanilang sariling pananaw. Inilahad ng mananaliksik ang
teoryang ito bilang tugma sa personal na persepyon, opinion o pananaw ng mga mag-
aaral sa pagtangkilik ng Wattpad dahil sa iba’t ibang bagay na maaring makuha nila rito.
Ang mga teoryang magkakaugnay na inilahad ang siyang naging batayan ng
mananaliksik sa pag-aaral na ito. Pinaniniwalaan din na ang teoretikal na balangkas na
ito ang magiging daan sa maaayos na daloy ng pag-aaral at sa mas malinaw na mga
impormasyon.
_____________________________________________________________________
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200
C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
Sincero, S.M. (2011). http://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisal
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-
INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-
INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-
INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-
INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House.
Batayang Konseptwal
Ang balangkas konseptwal ng mananaliksik ay ibinatay sa teoretikal na balangkas
na nauna nang nailahad.
Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng pananaliksik, ang E-book at
Wattpad. Sumunod dito ang mga napiling respondente ng pag-aaral, ang mga mag-
aaral na nasa ikalabing-isang baiting (HUMSS) at magpapatuloy sa iba’t ibang patunay
ng mga mag-aaral ng pagiging wattpadder. Kaalinsunod nito ang dahilan ng
pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kung saan gagamitan ng
deskriptib-sarbey na metodo sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. At mula sa
metodo, ang daloy ng pag-aaral ay nakatuon din sa epektong dulot ng Wattpad sa mga
respondente, ang mabuti’t masama. Sa kabilang banda, ang pananaw ng mga
respondete ukol sa pagtangkilik ng Wattpad ay binigyang tuon din.
Ang dayagram 1 ang siyang magpapakita ng buong daloy ng konseptwal na
balangkas ng pag-aaral na kaugnay ng teoretikal na balangkas.
Dayagram 1.

Wattpad
(Evolutionary Theory)

Mga Mag-aaral na Nasa Unang


Taon ng Kolehiyo sa Kursong
Pagtutuos
(Lazarus Theory)

Pananaw ng Dahilan ng Pagkahumaling sa


pagtangkilik sa (Labeling Theory)) (Rational Decision Making
Pagbabasa ng Wattpad theory)
(Rational Choice
Theory)
Deskriptib-
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Sarbey Metod

Epekto
(Psychological
Exchange Theory)
Paglalahad ng Suliranin

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang matukoy ang epekto ng pagbabasa ng


E- book o Wattpad sa mga mag- aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Sta.
Mesa, Maynila) taong panuruan 2019-2020. Masama Mabuti
Naging marubdob din ang hangarin ng mananaliksik na isagawa ang pag- aaral
na ito upang mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang kahalagahan ng pagbabasa ng E-book o Wattpad sa mga mag-
aaral>
2. Bakit jinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng E-book o
Wattpad?
3. Ano ang epekto ng pagbabasa ng e-book o wattpad batay sa:
3.1 Sarili
3.2 Pag-aaral
3.3 Pakikisalamuha
4. Ano ang pinagkaiba ng pagbabasa ng e-book o Wattpad kaysa sa libro?
5. Ano ang kalamangan ng pagbabasa ng e-book o wattpad?

HAYPOTESIS
Maaring mayroong epekto sa mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa
HUMSS ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang paggamit at pagbabasa ng
Wattpad sa kanilang akademya.

Maaring walang dulot na epekto sa mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa


HUMSS ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang paggamit at pagbabasa ng
Wattpad sa kanilang akademya.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang bilang ng mga respondente ay limitado lamang sa mga mag- aaral sa
Ikalabing=isa ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Sta. Mesa, Maynila) taong
panuruan 2019-2020.
Nakatuon din ang pag- aaral na ito sa epekto ng pagbabasa ng E- book o
Wattpad sa kanilang akademikong performans, kung ano ang mga positibo at
negatibong dulot ng pagbabasa ng E- book o Wattpad at ang epekto nito sa kanilang
kalusugan at malalaman din ng mga mag- aaral kung ang pagbabasa ng E- book o
Wattpad ay makabubuti o makakasama ayon sa kung paano ito gamitin.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Katuturan ng mga Katawagan


Ang mananaliksik ay tiniyak na mabigyan ng pagpapakahulugan ang mga
terminolohiyang ginamit sa pag- aaral na ito upang lubusang matamo ang mabisang
pag- unawa sa kabuuang saklaw ng pananaliksik na ito.
E- Book- isang elektronikong libro na nagalalaman ng mga akdang
pangliteraturang babasahin
Gagdet- makabagong teknolohiyang may kaugnayan sa malawakang pagbibigay
impormasyon sa iba’t ibang larangan ng pag- aaral
Kompyuter- isang aparato na nagmamanipula ng mga impormasyon at
nagbibigay ng resulta batay sa lohikal na programa o proseso.
Performans- akademikong kasanayan hinggil sa pagtamo sa isang larangan ng
pag- aaral
Smartphone- isang halimbawa rin ng gadget na pwedeng gamitin upang
magkaroon ng E- book
Tablet- halimbawa ng gadget na kung saan maaring idownload ang isang
applikasyon katulad ng Wattpad at maituturing na isang kagamitan upang magkaroon
ka ng tinatawag na E- book
Teknolohiya- ang pagsulong o paglapat ng mga kasangkapan, makina,
kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.
Wattpad-isang halimbawa ng aplikasyon sa E-book na naglalaman ng mga
kapanapanabik na kwentong kinahuhumalingan ng mga kabataan.

Kahalagahan ng Pag- aaral


Ang pag- aaral na ito ay magiging malaking tulong sa mga mag- aaral upang
malaman nila ang epekto ng pagbabasa ng E- book o Wattpad sa kanilang
akademikong performans, kung ano ang mga positibo at negatibong dulot ng
pagbabasa ng E- book o Wattpad at ang epekto nito sa kanilang kalusugan at
malalaman din ng mga mag- aaral kung ang pagbabasa ng E- book o Wattpad ay
makabubuti o makakasama ayon sa kung paano ito gamitin.
Magiging malaking tulong din sa mga magulang ang pananaliksik na ito upang
higit nilang magabayan ang kanilang mga anak sa tamang paggamit ng E- book o
Wattpad sa pagbabasa.
Makatutulong din ng malaki ang pag- aaaral na ito sa mga mananaliksik
sapagkat ito ay makatutulong sa pagpasa sa asignaturang kinakailangan sa parsyal na
komplesyon ng mga pangangailangan sa kursong Batsilyer sa Pansekundaryang
edukasyon.

KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL
Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapakita ng mga pagbabalik- aral sa
mga kaugnay na literatura at pag- aaral na kung saan ito ang magiging susi upang
mabgiyang daan na matukoy ang mga posibleng solusyon sa inihaing suliranin sa
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ginawang pag- aaral tungkol sa opinyon ng mga mag- aaral sa Ikalabing-isang Baitang
ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Sta. Mesa, Maynila) taong panuruan 2019-
2020.
A. Kaugnay na Literatura
Ang panahon ay hindi lang nagbabago ito ay ganap at lubusang nagbabago.
Habang ang mga social media ay nagiging parte ng buhay natin isang malawakan at
demokratikong kulturang pagbabago ang nag-aabang. Sa tulong ng ugnayan sa isa’t-
isa, pagbabahagi ng karanasan at pagsasaayos ng online unti-unting nahuhubog ang
publiko, paghubog na hindi pa nangyayari noon ang dala ng mga social media ngayon.
Ang pundasyon ng pagtangkilik ng maraming tao dito ay ang kakayahang
pamamahayag nito na nagagamit ng maraming tao sa buong mundo.
B. Kaugnay na Pag-aaral
Alvarez, (2015) ang aktibong netizen o mga taong aktibo sa sosyal medya o
hindi, siguro ay napakinig mo na ang komunidad na E- book o Wattpad. Ito ay parte ng
sosyal medya kung saan ay malayang nakakapagbahagi ang mga tao ng kanilang mga
nilikhang sulatin at kung saan ito naman ay nakahihiligang basahin ng mga mag- aaral
sa kasalukuyang panahon na lantad sa mundo ng kompyuter. Walang nasyonalidan sa
mga gusting magbasa nito, wala rin itong pinipiling dyanra, istilo at porma ng
pagsusulat. MAbilis din ang pagsikat nito sa Pilipinas lalo na sa mga kabataan. Ayon din
sa kanya, dahil din sa di matinag na trend nito ay nagsimulang mangamba ang mga
kritiko ng panitika na maaaring ito ang magiging panibagong mukha ng modernong
babasahing panatikang Filipino.
Sinabi rin ni Stephen King (2015) na kung wala kang oras para magbasa wala
ka ring oras para magsulat, ganun lang ‘yon kasimple para sa kanya. Hindi
mapaghihiwalay ang pagbabasa at pagsusulat. Kaya may paniniwala na para gumaling
sa pagsusulat ay huwag dapat kalimutang magbasa. Maaaring ang mga binasa mo ang
makapaghuhubog sa iyong pagsususulat.
Ipinaliwang din sa pagsisiyasat ng Purse Asia International,(2015) na tinatayang 1 sa
15 mag- aaral sa mataas na paaralan ay araw- araw na gumagamit ng E- book o
Wattpad. Tinatayang nasa 23 milyong mag- aaral ngayong taon kung kaya’t nasa 1.5
milyong estudyante ang gumagamit ng E- book o Wattpad. Kung sila ang sisimbolo sa
popular at modernong panitikan na patuloy na ikinawawalang bahala ang konteskto ng
kanilang binabasa ay maaaring bumaba ang tingin ng hndi lamang ng sariling bansa
ngunit pati na rin ng mundo sa kalidad nito. Ayon pa rin dito, ang pagkahumaling ng
mga tinedyer sa E- book o Wattpad ay hindi mapipigilang trend, di maaaring patigilin
ang isang trend kaya una sa plano ng mga mananaliksik na gumagawa ng mga
ganitong pag- aaral ay bigyang sapat na kaalaman ang mga netizen ukol sa mga uri ng
pagsusulat tulad ng pormal at di- pormal, sa mga wastong paraan ng pagsusulat, mga
pamantayan ng panitikan at iba pa ukol dito. Pangalawa, ang mga sarvey na isinagawa
ay inihanda para sa mas madaling pagtukoy sa mga opinyon ng mga mambabasa ng E-
book o Wattpad.Pangatlo, hikayatin ang mga manunulat ng Wattpad na paunlarin ang
kanilang istilo ng panulat upang mabigyan din ng sapat na kaalaman ang mambabasa
nito.Pang- apat, pag nangyari ang mga ito, maasahan na magiging mayaman ang wika
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

sa mga sulatin sa E-book o Wattpad at mas nahihikayat ang mga mambabasa ng may
mga kwentang kwento na nakalaan sa Wattpad. Dahil na nga wika ang pinag- uusapan
natin, mga konteskstong kulang sa kabuluhan at orihinalidad ay magiging babasahing
karapatdapat paglaanan ng oras sa pagbabasa na hindi naman masama ang magiging
epekto. Kapag nasanay ang mga mambabasa at awtor sa mga ito, magiging normal na
ito at magiging karaniwang gawain na ng mga mambabasa at awtor na magbasa ng
mga panitikang malalalim at magsulat at lumikha na din ng mga ganitong klase ng
panitikan.
Ipinaliwanag ni Sarah Moore (2014) sa kanyang artikulo na pinamagatang “
How To Be A Student” sa isang magazine na ang mga mag- aaral na nagbabasa ng E-
book o Wattpad ay may kakaibang gawi sa pag- aaral o “study habits” na talaga
namang may malaking epekto sa akademikong performans ng mga mag- aaral, ang
mga estudyangteng napakalaki ang oras na ginugugol sa pagbabasa ng E- book oo
Wattpad ay siyang mga mag- aaral na kadalasang nawawalan ng interes sa
pakikilahok sa mga talakayan sa looob ng klase. Ayon sa kanya nangyayari ang
ganitong senaryo kapag ang mag- aaral ay naluluong nang husto sa pagbabasa ng E-
book o Wattpad ngunit may pagkakataon ding nakakapagbigay ito ng positibong dulot
sa mga mag- aaral lalo na sa higit na pagpapaunlad ng kanilang isipan at mas
lumalawak ang kanilang mga kaalaman dahil sa mga kasipang napupulot nila mula sa
mga istorya at kwentong nababasa nila sa E- book o Wattpad. Nahahasa nang mabuti
ang kanilang mga kaisipan sa pamamagitan nang paulit- ulit na pagbabasa at
pagbigkas sa mga salita mula sa E- book o Wattpad na kanilang binabasa.
Ang Wattpad ngayon ang kinahuhumalingan ng mga kabataan. Kasabay ng
paglago ng teknolohiya, ito ay patuloy na umaakit sa milyon- milyong bilang ng
mambabasa at manunulat lalong- lalo na ang mga kabataan.
Sa katunayan, dahil sa Wattpad nakilala ang ibang kabataang manunulat.
Nagkaroon din ng pag- asa ang ilan upang mailathala ang kanilang mga akda. Ang iba
pa nga ay ngangarap na maisapelikula ang kanilang mga istorya.
Tunay nagng malayo na ang narrating ng aplikasyong ito sa E- book. Marami na
rin ang natulungang mag- aaral sa kanilang mga aralin at proyekto. Ito na nga ang
bagong aklat ng mga kabataan. Napakadali kasi nitong maaccess. Kahit walang
internet ang celfon ay maaaring mabasa ang akda. Kusa na ring nag- uupdeyt kapag
may internet na. Kaya naman ang mga mahihilig magbasa ay hindi na kailangan pang
magbitbit ng mga libro. Ika nga, Name it and you can read it”.
Ang Wattpad .com ay isang napakahusay na inobasyon bilang isang sosyal
medya. Hindi lang nagkakaroon ng kaibigan ang mga netizens kundi nagkakaroon din
ng magandang kasanayan ang mga mag- aaral. Natututo silang magsulat. Nahahasa
ang kanilang kakayahang umunawa. Ang Wattpad bilang sosyal medya para sa mga
manunulat at mambabasa ay may malaking ambag sa literature ng bansa. Dito kasi
malilinang ang abilidad ng isang bata. Magsisimula kasi siya sa pagbabasa, hanggang
dumating ang kanyang panahon kung kailan may nabuo ng ideya sa kanyang isip. Unti-
unti nang gagana ang kanyang imahinasyon sapagkat marami siyang napulot na
paraan, istilo at kaalaman sa kanyang mga binasa.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Hindi nga matatawaran ang magandang epekto ng E-book o Wattpad sa mga


mag- aaral. Malaki ang naitutulong nito sa pag- unlad ng kabataan. Dahil dito magiging
proud sa atin ang mga dakilang manunulat noong unang panahon katulad nina Jose
Rizal at Francisco Baltazar.
Ngunit pakatandaan na ang Wattpad ay maaari ring maging malaking hadlang sa
pag- aaral ng mga kabataan. Nakakaadik ito. Nakakawala sa pokus. Marami ding mga
akda sa E- bok o Wattpad ang nag- ooffer ng mga malalaswang babasahin. Kaya
naman ang mga mambabasa ay hinihimok na umiwas sa mga gaintong akda. Pumili ng
dyanra o kategorya na angkop sa iyong edad. Mas mainam pa ring basahin ang mga
obrang may halaga at kabuluhan.
Ang E- book o Wattpad bilang bagong aklatan ay may magaganda at
masasamang epekto sa mga mag- aaral. Ngunit nasa kamay pa rin ng mga
mambabasa ang magiging epekto nito sa kanya. Kung iisiping mabuti kahit nga ang
tunay na silid- aklatan ay kinapapalooban din naman ng lahat ng uri ng babasahin,
masama man o mabuti, pormal o di- pormal, malaswa o hindi, nakakatawa o hind,
nakaiiyak , totoo o kathang isip. Ang tamang pagpili pa rin ng babasahin ang sagot.
(http://www.findeed.co.uk/epekto_ng_wattpad.html)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila

I. Propayl ng Respondente

Pangalan(Opsyonal): ______________________________ Petsa: __________


Pangkat at Seksyon: _____________________________
Kasarian: Lalaki [ ]
Babae [ ]

II. Talatanungan
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kasagutang umaayon sa inyong paniniwala o opinyon. Isa
lamang ang piliin. (Ang inyong katapatan sa pagsagot ay ipinagpapasalamat ng
mananaliksik.)

1. Maituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang “Wattpadder” dahil sa mga sumusunod
na kondisyon:
1.1 Wattpadder ka kung hindi mo maipaliwanag ang kabog ng dibdib mo sa
tuwing may bagong kabanatang inaapdeyt ang awtor ng paborito mong
kwento.
Oo Hindi
1.2 Wattpadder ka kung naglalaan ka ng ilang minuto para magmuni-muni at
magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Oo Hindi
1.3 Wattpadder ka kung hanggang sa panaginip nakikita mo ang mga karakter sa
kwento.
Oo Hindi
1.4 At Wattpadder ka kung naaapektuhan ka ng sobra sa mga pangyayari na para bang
ikaw iyong karakter sa mismong kwento.
Oo Hindi

2. Bakit mo kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad?


Libangan o pampalipas-oras
Nakapagbibigay ng kasiyahan
Nakapagbibigay ng satispaksyon
Nakapagtuturo ng aral
Iba pa (Pakisulat) ______________________________
3. Ano sa tingin mo ang masamang naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga katulad
mong mag-aaral?
Napapabayaan ang pag-aaral
Nawawalan ng disiplina sa sarili
Nalilipasan ng gutom
Nawawalan ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao
Iba pa (Pakisulat) ______________________________
4. Ano naman sa iyong palagay ang mabuting naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga
katulad mong mag-aaral?
Lumalawak ang kaisipan ukol sa realidad
Nadedebelop ang 5 aspeto ng isang indibidwal (Pisikal, Mental, Emosyonal,
Sosyal at Espiritwal)
Nagkakaroon ng kasiyahan at satispaksyon sa sarili
Nakakalimutan ang mga problema
Iba pa (Pakisulat) _______________________________
5. Sa iyong palagay, nararapat lamang bang tangkilikin ng mga mag-aaral ang Wattpad?

Oo, dahil maramingbenepisyo ang makukuha sa pagababasa nito.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Hindi, dahil mas maraming dapat pagtuunan ng pansin sa kursong Pagtutuos


kaysa sa pagababasa ng Wattpad
Neutral
Di-masabi

You might also like