You are on page 1of 10

EPEKTO NG PAGBABAGO AT PAGLAGO NG WIKANG FILIPINO SA

KULTURA SA KASULUKUYANG PANAHON SA IKA LABING ISANG


BAITANG (SMAW)

Ipinasa nina:

Ipinasa kay:
Introduksyon

“Ang buhay ng wika ay araw-araw na nagbabago, at ang


pagbabago’y isang katotohanang kailangang tanggapin. “Ito ang
opinyon ng isang National Artist na si Virgilio Almario, isang
tagapangulo ng komisyon ng Wikang Filipino, isinaad nito na wala
naming mali sa pagbabago ng wika marahil kung masyadong luma
ang ginagamit na salita ay hindi na maiintindihan ng sunod na
herenasyon o ang tinatawag na mga milenyal. Ngunit maraming hindi
pabor sa pagbabago, isa rito si Edison Yunesco na nagsasabing
nararapat lamang na purong tagalog lamang ang gagamitin, at ayon
kay Gail Gines, mahirap unawain at hindi naayon ang paggamit ng
kabataan ng slang language.

Binalewala, patay, kinalimutan, ilang lamang ito sa opinyon ng


mga Filipino ukol sa wika at kulturang kinagisnan, marahil imbis na
pag uunlad ang nangyayari tila ang wikang Filipino ay unti-unting
nawawa sa isip ng mamayan. Ayon naman sa manunulat na si
Obienbangahonbalug, ang pagkilala sa wika ay nagbibigay pansin sa
kulturang kinagisnan, at naihahalintulad sa dalawa marahil ito ay
nalilimutan at nababalewala kasabay ng pag usad ng panahon.
Halimbawa na rito ang paglaganap ng teknolohiya sa siyang dahilan
sa mabilis na pagkalat ng nauuso na karaniwang ay mga kabataang
sumusunod sa uso upang makasabay sa henerasyon. Ayon sa
mananaliksik na ito ay teknolohiya ang dahilan kung bakit unti-unting
nawawalan ng respeto ang kabataan hindi lamang sa wika at kultura
kundi pati na sa mga nakakatanda. Binigyang diin naman ni Ken Dy
na ang pagbabago ng wika at kulturabay likas, kasabay nito ang
pagbabago ng midya sa patuloy na panahon. Mula noon hanngang
nyayon ay nahahati paring ang opinyon ng bawat is kung namamatay
o umuunlad ang Wikang Filipino araw-araw nitong pag babago.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay siyasatin ang


kalagayan at epekto ng pagbabago ng wikang Filipino at kultura sa
ika labing isang baitang sa Kalian National High School. Ang
pagsusuring makakamit ay makapagbigay kaalaman sa kabataan at
mamamayan ng bansa. Sa pamamagitan ng taimtaming pananliksik,
ay naglalayong magbigay ito ng makabuluhang impormasyon para sa
kasulukuyan at hinaharap ng mga mambabasa, inaasahang
makapagbigay na aral upang respituhin at ipagmalaking muli ang
wika at kulturang kinagisnan ng bayan. Ang pag-aaral naito ay maari
ring magbago ang pananaw ng mamayan sa Wika, magiging metatag
ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-uunawa sa
maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag aaral na ito ay naglalayong mapagbigay kaalaman


sa kabataan at mamayan ng epektobg naidudulot ng kilos at
pananalita nito at wikang kinagisnan. Ilan sa mga sususunod ang mga
suliraning pagtutuunan ng pansin:

Sino o ano ang dahilan ng pagbabago o pag uunlad ng kultura


at wikang kinagisnan?
Ano baa ng obserbasyon ng mga heherasron Z at mga milenyal
sa Wikang Filipino at kultura?
Ang pagbabago ba ay nakakabiti o nakaksama sa wika at
kuturang Pilipino?
Ano ang epekto ng pangkakaiba ng bawat isa batay sa paggamit
ng wika?
Nasisiguro bang magiging mabilis ang pag-angkp ng mga tao sa
pagbabagong nangyayari?
Kahalagahan sa Pag-aaral
Bawat pananaliksik ay may kanya-kanyang kahalaghan na
dapat sinasaalang-alang. Ang kahalagahan ng pag-aaral ay para
Makita at mausisa pa ng malalim kung ang Wikang Filipino ba
ay tuluyang umuunlad o tuluyan nang nabubura at kung paano
ang wika ay nakaapekto sa kultura. Para malaman ang tunay na
nagaganap at posibleng maganap sa wikang kinagisnan at nang
malaman kun ang paglago ba ng wika ay hindi nakasisira ng
reputasyon ng bawat kultura sa pilipinas.

Para sa kapwa mag-aaral. Ang pananaliksik ay naglalayong


maipahayag ang kahalagahan ng wika lalo na sa mga mag-aaral
sapagkat maraming bagong mga salita ang nabubuo lalo na ng
mga kabataan kaya’t nararapat lamang na maipaalam sa kanila
lalo na’t kailangan ang porman na mga salita sa ilang paaraalan.

Para sa mga guro. Ang benipisyo ng ginagwang pananaliksik sa


mga guro ay maipahayag ng tuwiran nag kahalagahan ng wika
at mas palawakin pa ang kaalaman nila tungkol sa wikang
Filipino at kultura ring dapat maipasa sa mga mag-aaral.

Para sa paaralan. Ang isinasagawang pananaliksis ay


naglalayong magbigay ng malawak na kaalaman tungkol sa
wika at ang kahalagahan nito sa edukasyon na dapat
maparating sa bawat paaralan.

Para sa mga sumunod na mananaliksik. Makatutulong ito sa


mga susunod na mananaliksik upang maging batayan nila sa
kanilang sariling pananaliksik at magkaroon ng ideya at kung
papaano nila gagawan ng sulosyon ang kanilang promblema sa
pamamagitan ng pagbase sa aming nagawa.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sap ag-alam ng


sanhi, bunga, at mag taong sangkot at naapektuhan sa wika at
kultura sa kasulukuyang panahon. Sa pamamagitan ng
pakikipanayam makukuha ang impormasyong makakatulong sa
pananaliksik na ito. Nangangailangan ito ng pitong (7) taga-tugon sa
kabuoan. Ang napiling taga-tugon para sa isasagawang interbyu ay
kabilang sa henerasyong Z at milenyal.

Depinisyon ng mga Termino

Balbal o kolokyal. Tumutukoy sa paggamit ng wikang


walang pamantayan sa pag-iiba ng salita, kadalasang nagagamit ng
isang partikular na grupo. (https//www.panitikan.com.ph).

Ekonomiya. Para tumutukoy ito sa kaugalian, paniniwala, o


pamumuhay ng isang lipunan ring ang nagiging daan upang
maunawaang maigi ang kaugalian ng isang tao base sa kangyang
pamumuhay. (https//www.tagaloglang.com)

Teknolohiya. Ginagamitan ng kasangkapan at dumadaan sa


proseso upang makagawa ng bagong kagamitan upang makatulong
sa paglunas ng suliranin ng mga tao.(https//www.tagaloglang.com)

Wika. Ang wika ay sumisimbolo sa kaisipan at saloobin ng isang


tao. Ito ang mga nagiging tulay upang magkakaunawaan at
magpalitan ng salita o ideya. (Soria. 2012)
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Mga Kaugnay na Literatura

Para sa maayos na pagtuklas ang mga mananaliksik ay


kumakalap ng mga konektado na literature na magpatibay sa pag-
aaral na batay sa mga nakapaloob sa paksa.

Ayon kay Ki (2020), ang ating wika ay mahalagang aspekto sa


ating pagkakakilanlan at kultura. Ito ang nagiging instrument ng
bawat isa upang magkaintindihan.

Matatawag na “Wikang Pagbabago” ang wikang Filipino dahil


kasama ito proseso ng pagbabago na nagaganap sa ating bansa. Ang
ating wika ay ginagamit para magkaisa ang mga taong may iba’t-
ibang diyalekto dito sa Pililpinas. Ito ang nagtutulay sa pamahalaan at
mamayan

Nagiging posible ang kommunikasyon dahilvsa wikang Filipino


ay matatawag na “Multi-based” dahil hindi lang wikang tagalog anf
basehan, pati rin ang ilang wika sa labas ng ating bansa.

Ayon kay AHNHA0919 (2016). Kasabay sa pag uunlad ng


teknolohiya and unti-unting pagkawasak ng wika at kultura sa
makabagong panahon, nasasabing mas madalas na pinahahalagahan
ang teknolohiya kaysa sa paggawa ng produktibong Gawain.
Natatawag na “technology era” ang panahon nyaon mrahil imbes na
pagmano sa mga nakakatanda ang nararapat na gawin ng kabataan
ay mas nauuna panitong puntahan ang gadgets. Sa huli ang pag
kawala ng wika at kultura ay kagagawan ng sangkatauhan at hindi ng
teknolohiya marahil mga tao ang gumagawa at kumikilos a
nakaapekto sa kultura at wikang kinagisnan.

Isinaad ni Maestro V, (2019) na ang wika ay ang sinasalitang


tunog ng nakakaraming tao na isinasaayos ng paarbitraryo, ito ay
ang ginagamit ng isang lugar upang magkaroon ng komunikasyon sa
bawat isa. Ito rin ay ginagamit upang maipahayag ang kaisipan at
damdamin ng bawat tao sa isang pangkat, lugar o bansa. Ito rin ay
mga teorya kung saan sinasabi na ditto nagmula ang wika at
mayroon din itong kanya-kanyang katangian at ang huli ang wika ay
may kanya-kanyang uri..

Ayon kay Ponciano, A. (2018). Wika ang pinakamabisang


kasangkapan sa paghatid at pagbatid ng iniisip at nararamdaman ng
bawat tao sa kanilang kapwa. Ang nagsasariling bansa ay mas mabisa
kung ang kanilang sinasalita ay ang kanilang pambansang wika.

Sa paghahanap ng mga kinakailangang sangkap sa pag ahon at


patuloy na pag-unlad, maraming Filipino ang tumitingin ng mga
gabay at modelo mula sa ibang bansa at kultura (Tullao, 1992.). Ayon
sa kanya ay karamihan sa mga Pilipino ay nakukuha ng ideya sapag
unlad ng kultura sa ibang bansa base sa kani-kanilang karanasan. Sa
kanyang pananaliksik, ay nasasabi rin ng iba na nararapat ding
maging maunlad ang kultura upang makasabay sap ag unlad ng
ekonomiya.
Metodolohiya

Dito nakapaloob ang disenyong ginagamit sa pananaliksik,


paraa ng pagpili ng taga-tugon at impormasyon na makatutulong sa
pag-aaral na ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa disenyo na


diskriptibo at kwalitatibong pananaliksik. Sa kwalitatibo,
makatutulon itong malaman ang ilang pagbabago sa wikang Filipino
at kung ano ang nagging epekto nito sa kultura. Sa deskriptibo
naman ang magbibigay kasagutan sa ano, saan, kalian at paano, sa
pamamagitan nito ay mailalarawan ang kanilang palagay at
obserbasyon ukol sa napiling paksa.

Sa pamamagitan ng disenyong deskriptibo at kwalitatibo ay


mapalawak pang mabuti ang pag-aaral na isinasagawa ng mga
mananaliksik sa napiling paksa, at sa tulong nito ay maibibigay din
ang mga pangangailangan na pananaliksik.

Lokasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paaralan ng Kalian


National High School Grade 11 SMAW mga edad 22 pababa

Populasyon at mga Manunugon

Sa pag-aaral na isasakatuparan ang bawat mananaliksik ay


magsasagawa ng pagtatanong o pagkuha ng opinyon base sa napiling
sanggunian o sorbey. Ibig ng mga mananaliksik na gawing
manunugon ang mga mag-aaral sa Kalian National High School na
nasa ikalabing isang baitang ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW).

Talahanayan 1: Mga manunugon ng pag- aaral

Kalian National High Populasyon Manunugon


School Smaw 11
Lalake 52 10
Kabuoan 10
Talahanayan 1, ay ipinakita ang kabuoan ng poulasyon at
kabuoan ang mga manunugon sa talahanayan na ito, sa 52 na
kabuoan ng populasyon ng mga manunugon ay 10 lamang pinili ng
mga mananaliksik na maging manunugon.

Instrumentong Ginamit

Sa bahaging ito ng pananliksik, isasaad ang intrumentong


ginamit sa pananaliksik na ibinase sa kung ano ang kinahaharap ng
suliranin ng pag-aaral at sa pagpili ng instrumentong gagamitin, pinili
ng mga mananaliksik ang pakikipanayam. Ayon kay Taylor at Bogdan
(1984), ay interbyu ay isang kasangkapan sa kwalilatibng pag-aaral,
normal ang maggiging daloy ng pakikipag-usap sa halip na pormal.
Bilang episipiko, ang uri ng pakikipanayam ay semi-structured kung
saan ito ang uri ng panayam na hindi lubusang kainakailangan ng
kwestyuner bagamat’t ito ay gabay lamang sa magiging takbo ng
usapan. Sa pamamagitan nito ay mas mapalinaw at mapalawak ang
kanilang pananaw hindi lamang sa obserbasyon kundi kung paano rin
sila makipag-usap, at makisalamuha sa magiging kapaki-
pakinabangsa isanasagawang pananaliksik

Paraan sa Pananaliksik
Sa bahaging ito ng pananaliksik, ipaliliwanag ang
gagamitin upang kumalap ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay
maghahanda ng talatanungan o kwestyuner na gagamitin sa
interbyu. Ang paraan ng pag-iinterbyu ng mga mananaliksik ay semi-
structured. Makatutulong ang uri ng pakikipanayam naito sa mga
mananaliksik sapagkat may mga punto na kailangan palawakin at
paigtingin upang mabigyang diin ang paksa. Kakalapin ang mga sagot
ng taga-tugon sa pamamagitan ng pagtala ng pag-uusap sa zoom
habang inihayag nila ang kasagutan.

You might also like