You are on page 1of 11

Magandang Umaga

Sabah alkhayr!
Paggamit ng MAY at MAYROON
Paggamit ng may at mayroon

May
Kapag sinusundan ng pandiwa.

Hal.
a. May (gagawin) ka ba mamaya?
b. Ang mga bata ay may (inaasahang) regalo.
*Ang salitang nasa loob ng panaklong ay pandiwa.
Paggamit ng may at mayroon

May
Kapag sinusundan ng pang-uri.

Hal.
a. May (bago) ka palang kaibigan.
b. Si Dindin ay may (magandang)kaibigan.
*Ang salitang nasa loob ng panaklong ay pang-uri.
Paggamit ng may at mayroon

May
Kapag sinusundan ng panghalip panao sa kaukulang paari.

Hal.
a. Bawat tao ay may (kaniya-kaniyang)
problema.
b. Sila ay may (kanila) na at kami ay may (amin).
*Ang salitang nasa loob ng panaklong ay panghalip.
Paggamit ng may at mayroon

May
Sinusundan ng pantukoy na mga at pang-ukol na sa

Hal.
a. May (mga) nilalang ng Diyos na nakakalimot magdasal.

b. Tila may (sa) anghel ang taong iyon.


*Ang salitang nasa loob ng panaklong ay pantukoy at pang-ukol.
Paggamit ng may at mayroon

Mayroon
Ginagamit kapag may napasingit na kataga sa salitang
sinusundan nito
Hal.
a. Mayroon (bang) problema sa pag-aaral mo?

b. Mayroon (daw) humahanap sa akin.


*Ang salitang nasa loob ng panaklong ay mga kataga.
Paggamit ng may at mayroon

Mayroon
Ginagamit na panagot sa tanong.

Hal.
a. May hinihintay ka ba? Mayroon.
Paggamit ng may at mayroon

Mayroon
Ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa
buhay.
Hal.
a. Sila ay mayroon sa kanilang bayan.

b. Isa siya sa mayroon sa kanilang lalawigan.


Pagsasanay: Punan ang patlang ng may o mayroon upang
mabuo ang diwa ng pangungusap.
a. Ang aking kababayan ay _____ hatid na magandang
balita.
b. _____ kasing kakaibang katangian ang batang iyon.
c. Siya ay _____ palang ipakikitang husay sa pagsayaw.
d. Si Lea ay ______masarap na nilutong ulam
e. Bakit _____ mga dala siyang gamit?
f. Sinasabing ______ ngang siyang tinatagong lihim.
g. Ang lider ay ______ pinaplanong maganda sa grupo.
h. Siya ay ______ sa kanilang pamilya na mamanahin.

You might also like