You are on page 1of 29

KAKAYAHANG

PRAGMATIK
KAKAYAHANG PRAGMATIKO

Ayon kay Fraser (2010), ito ay ang:

▫ abilidad niyang ipabatid ang kanyang mensahe nang

2
may sensibilidad sa kontekstong sosyo-kultural.

▫ abilidad niyang mabigyang kahulugan ang mga

mensaheng nagmumula sa iba pang kasangkot sa

komunikatibong sitwasyon.
KAKAYAHANG PRAGMATIKO

Mga kaakibat ng pagkatuto sa pragmatika:

▫ pag-aaral ng kahulugang ibinabahagi ng pinagmulan ng

3
mensahe

▫ pag-aaral ng kahulugang batay sa konteksto ng mensahe

▫ pag-aaral ng mas epektibong pagpapabatid liban sa

paggamit ng mga salita

▫ pag-aaral ng nosyon ng agwat o distansya


KAKAYAHANG PRAGMATIKO

Indibiduwal na may kakayahang pragmatiko:

▫ mabisang naihahayag ang kanyang mga mensahe sa

4
pinakamainam na paraan, hindi lamang sa paggamit ng

salita kundi ng iba pang estratehiya

▫ kakayahang unawain ang kanyang mga kausap batay sa

kanilang mga sinasabi, o di sinasabi na may lubos na

pagsasaalang-alang sa kontekstong komunikasyon


Speech Act Theory

5
SPEECH ACT THEORY

Ayon kay John Austin (1962),

Dahil hindi lamang nakatuon sa kontekstong gramatikal ang

pragmatika kundi sa mga mas malalalim at tagong kahulugan ng

mga salita at mga pagganap sa sitwasyong komunikatibo,

maiuugnay kung gayon dito ang teorya ng speech act.

6
SPEECH ACT THEORY

Ayon kay Clark (2007),

Ang teoryang ito na nagagamit ang wika sa pagganap ng mga kilos

at kung paano ang kahulugan at kilos ay maiuugnay sa wika.

7
SPEECH ACT THEORY

Ayon kay Yule (1996 & 2003),

Ang mga speech act na ito ay mga kilos na ginaganap sa

pamamagitan ng mga pagpapahayag. Kabilang sa mga ito ang:

Paghingi ng paumanhin Paanyaya

Pagrereklamo Pangako

Papuri Pakiusap

8
Tatlong mga akto ng
Speech Act
Locutionary Act
Locutionary Act
paggawa ng isang makabuluhan na

linggwistikong pahayag.

10
Illocutionary Act

intensyon at gamit ng pahayag. Ang

paggawa ng mga linggwistikong pahayag


Illocutionary Act
ay hindi lamang ginagawa ng walang

dahilan. May nasasaisip na tiyak na

paggagamitan sa mga ito

11
Perlocutionary Act
Perlocutionary Act
epekto ng mismong pahayag

12
HALIMBAWA

“Nagtimpla ako ng lemonada.”

“Magpaalam ka na sa iyong mga kasama”


KAKAYAHANG PRAGMATIKO

Negatibong Epekto ng Speech Act:

▫ Gaano man kahusay ang mga kasangkot sa isang

14
sitwasyong komunikatibo, naririyan pa rin ang

posibilidad ng mga suliranin lalo na kung may hindi

nabigyang kahulugan nang tama ng pinatutungkulan ang

illocutionary act sa isang sitwasyon. Pinakikita nito ang

kompleksidad ng komunikasyon at pagiging di perpekto

ng proseso.
HALIMBAWA

“Mag-uusap tayo mamaya.”


Cooperative Principle

16
COOPERATIVE PRINCIPLE

Upang mapagtagumpayan ang mga ganitong hamon sa

komunikasyon, isa pang paraan ang makatutulong para sa

ikalulutas ng mga hamong ito – ang pagsasanay sa prinsipyo ng

kooperasyon o mas kilala bilang cooperative principle (Grice,

1975). Ayon sa prinsipyong ito, ang mga kasangkot sa

komunikasyon ay inaasahang makikiisa para sa isang

makabuluhang pag-uugnayan. Naglahad si Grice (1975; nasa

Clark, 2007) ng apat na prinsipyo na magagamit bilang gabay sa

pakikisangkot sa mga interaksyong interpersonal. Tinawag

niyang maxims of conversation ang mga ito.

17
Apat na Cooperative
Principle
COOPERATIVE PRINCIPLE

1. Ang prinsipyo ng kantidad ay naiuugnay sa dami ng

impormasyong kailangang ibigay.

a. Ibigay ang inaasahang dami ng impormasyong mula sa iyo.

b. Huwag lalampas sa impormasyong inaasahan mula sa iyo.

19
COOPERATIVE PRINCIPLE

2. Ang prinsipyo ng kalidad ay naiuugnay sa katotohanan ng

ibinibigay na impormasyon.

a. Huwag sabihin ang pinaniniwalaan mong hindi totoo.

b. Huwag mong banggitin ang mga bagay na wala kang sapat na

katibayan.

20
COOPERATIVE PRINCIPLE

3. Ang prinsipyo ng relasyon ay naiuugnay sa halaga ng

ibinibigay na impormasyon.

a. Panatilihing mahalaga ang mga ibinibigay na impormasyon.

21
COOPERATIVE PRINCIPLE

4. Ang prinsipyong pamaraan ay naiuugnay sa paraan ng

pagbibigay sa impormasyon.

a. Iwasan ang pagbibigay ng mga pahayag na mahirap maunawaan.

b. Iwasan ang pagbibigay ng malalabong ideya.

c. Gawing maiksi at huwag magpaligoy.

d. Ayusin ang pagpapahayag.

22
SITWASYON 1
Lalapit si Vincent kay DJ na nakaupo sa may bangko sa ilalim ng
punong mangga. Sa ilalim ng bangko ay isang nakahilatang
pusang puting-puti ang balahibo.
Vincent: Maamo ba ang pusa mo?
DJ: Oo naman.
Bubuhatin ni Vincent ang puting pusa sa ilalim ng bangkong
inuupan ni DJ.
Vincent: Aray, kinalmot ako! Sabi mo, maamo?
DJ: Hindi ‘yan ang pusa ko!
EXPLANASYON 1
Mapapansin na nagkaproblema sa sitwasyong ito dahil sa kawalan ng
pakikiisa ni DJ sa kombersasyon. May paglabag sa tinatawag na
prinsipyo ng kantidad sapagkat hindi sapat ang impormasyong kanyang
ibinigay upang hindi sana naganap ang aksidente o maling pag-aakala ni
Vincent. Kung sinabi niya sanang maamo ang pusa niya ngunit hindi ito
ang nasa ilalim ng bangko, maaaring naiwasan sana ang pangyayari at
nagkaunawaan sila. Bagaman isa rin itong indikasyon ng kawalan ng
intensyon ni DJ para makiisa sa ugnayan.
SITWASYON 2

Trishia: Nasaan ang mga file para sa programa bukas?

Macy: Nasa kabinet ni Prop. Lee. Sa ikalawang drawer nito.


EXPLANASYON 2
Kung papansinin, umaayon ito sa prinsipyo ng kooperasyon. Una, kompleto ang detalye ng
impormasyong kinakailangan. Hindi labis at hindi rin kulang. Naibigay ang ninanais na
impormasyon. Ikalawa, sinabi ni Macy ang totoong kinalalagyan ng mga hinahanap na file
ayon sa katiyakang pinanghahawakan niya base marahil sa personal niyang pagkakaalam sa
aktuwal na kinaroroonan ng mga ito. Ikatlo, dahil tiyak at totoo ang mga impormasyong
ibinigay ng mga kasangkot, naitanong ang nais malaman, at naibigay ang kasagutang
hinahanap, napanatili ang halaga ng bawat impormasyon. At, ikaapat, malinaw, maayos at di-
mapaligoy ang palitan ng pahayag. Naging maayos kung gayon ang daloy ng kumbersasyon.
DALAWANG ARAL

1. Bilang kasangkot sa isang komunikatibong sitwasyon, dapat may kakayahan

kang malaman kung nakikiisa ang iyong mga kasama sa sitwasyong

kinasasangkutan. Ito ay upang makapag-adjust sa mga bagay-bagay na dapat mong

gawin. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagbasa o pagpapakahulugan sa mga

senyas na di-berbal na namamayani sa konteksto ng usapan.


DALAWANG ARAL

2. Dapat sikaping magbigay ng sapat at makabuluhang mga impormasyon ang

bawat kasapi sa usapan upang maging matagumpay ang komunikasyon.


SALAMAT!

You might also like