Professional Documents
Culture Documents
Hindi makokompleto ang isang sulatin kung wala ang pangalan ni Peter
Newmark at ang kanyang mga pagsusuri patungkol sa pagsasalin. Isa si Newmark sa
may masidhing pagnanais at may adbokasiyang maging isang propesyonal ang mga
tagapagsalin. Siya ang nagpalit sa terminong formal at dynamic Equivalence na ginamit
ni Eugene Nida at pinalitan ng Semantic at Communicative translation. Ipinaliwanag
niya ang malaking pagkakaiba ng dalawang uri ng pagsasalin. Ang nauna ay tumutukoy
sa mensahe ng teksto samantala, ang sumunod naman ay tumutukoy sa magiging
epekto ng mensahe sa babasa nito. Samakatuwid, ang Semantic translation ay
nagpapanatili ng katangian ng orihinal na teksto hanggat maari ang epekto nito sa
teksto ay maaring magdulot ng tinatawag na over-translate. Samantalang ang
Communicative translation naman ay nakatuon sa kapakanan ng mga babasa at
matugunan ang tunay na pangangailangan nito. Maari namang magkaroon ito ng
tinatawag na under-translate. Kung susuriin, ang Semantic translation ay nakatuon sa
pagpapahalaga ng tagapagsalin sa sumulat ng teksto o sa awtor samantalang sa
babasa naman ang tuon ng Communicative translation.
Prescriptive and Descriptive Translation
Ang wika ay nagbabago. Ito ang isa sa mga katangian ng wika na hindi natin
mapasusubailan. Ngunit habang ang mga dalubwika ay nakatuon sa paniniwalang tayo
ay dapat sumusunod sa itinatakdang pamantayan sa pagsulat man o sa pagsasalin,
patuloy pa ring nakagapos ang kamay nating mga sumusulat na dapat tayong sumunod
pamantayan kung paano tayo susulat. Dapat tayong sumunod sa itinatakdang opisyal
na pamantayan sa pagsulat. Ito ang tinatawag nating Prescritive language o translation
kung pagsasalin ang pag-uusapan. Samanatala, Ang Descriptive language naman ay
tumutukoy sa lingwuheng ginagamit natin sa pang-araw-araw nating
pakikipagtalastasan. Wikang karaniwang taliwas sa itinatakdang pamantayan kung
paano gagamitin ang salita sa pangungusap. Salitang karaniwang ginagamit ng mga
ordinaryong mamamayan, ng mga taong hindi dalubhasa sa wika. Ang pagkakaiba ng
dalawang porma ng wikang ito ay malinaw. Kaya naman, marapat ding maging malinaw
sa manunulat kung paano babalansehin ang dalawang ito. Wala dapat nasasagasaang
panig. Ang manunulat ay dapat na nagsasaalang-alang ng pagamit ng wasto at
tinakdang paraan batay sa pamantayang sinusunod sa pagsulat habang isinasaalang
alang ang kapakanan ng mga bumabasang hindi nakauunawa ng sobrang paggamit ng
pormal na salita. Dapat ay maingat din siya sa kapakanan ng bumabasa upang higit
niya itong maintindihan kahit hindi siya dalubhasa sa wika at hindi ganoon kalawak ang
kaalaman dito. Kahit hindi na siya tumngin sa diksyonaryo ay mauunawan pa rin niya
ang mensahe ng teksto. Sa pagasasalita at pagsulat, Filipino man ito o Ingles,
tinatawag natin ang dalawang uri ng wikang ito bilang pormal at impormal na wika.
Kaya naman, masasabi nating ang pagsasalin bilang partikular na aspekto ng wika ay
hindi madaling Gawain ngunit may masalimuot na konseptong dapat masusing pinag-
aaralan ng isang dalubwika upang matimbang ang kahalagahan ng paggamit ng
dalawang magka-ibang paraan maaaring sa magkaiba o sa iisang teksto. Ito man ay
pagsasaling may knalaman sa teknikal na aspekto ng eukasyon, medisina, siyentipiko,
negosyo, patalastas at iba pang midyum na maaring gamitin ang dalawang paraan sa
iisang teksto. Dapat na magkaroon ng mas malalim na pag-aaral at pagsasanay ang
isang tagapagsalin upang maisaalang-alang ang mga salik na nauna ng nabanggit.
Dapat alam dind niya ang mga ekseption ng nasabing pamantayan ng target na
wika.
At, bagamat informal ang dulog, nararapat na malaman ng tagapasalin kung alin
ba ang mas katanggap-tagap na level ng pagiging informal nito depende sa
pamantayang itinatakda ng target na wika.