You are on page 1of 2

MO.

BARBARA MICARELLI SCHOOL


San Miguel, Sto. Tomas, Batangas
School Year 2017-2018
FILIPINO 8

Group Term Variety


Panuto: Bilugan ang salitang hindi dapat mapasama sa pangkat.
1. a. irog b. mahal c. kaaway d. sinta
2. a. tumarok b. magsabi c. umintindi d. umunawa
3. a. hilaw b. bubot c. mura pa d. hinog
4. a. laitin b. dustain c. apihin d. papurihan
5. a. pantas b. eksperto c. henyo d. mag-aaral
Panuto: Piliin at bilugan ang pagpapakahulugan sa ilang salitang ginamit sa awit.
6. Ang pag-alala ni Florante sa kariktan ni Laura ay nagpapagaan sa kanyang
pagdurusa.
a. kabutihan c. kabaitan
b. kagandahan d. kasipagan
7. Hindi niya matanggap na siya’y maaaring pinagliluhan na ng kasintahan.
a. pinagtaksilan c. pinahirapan
b. pinabayaan d. pinaasa
8. Ang paglingap sa kanya ng dalaga ay kanyang hinahanap-hanap.
a. pagmamahal c. pagtitiis
b. pagtalikod d. pagpapasaya
9. Sa labis na pangungulila’y bumalisbis ang luha ng kaawa-awang si Florante.
a. dumausdos c. umagos
b. napigilan d. dumanak
10. Ang binata’y puno ng kapighatian dahil sa sinapit sa kamay ng kaaway.
a. kapaguran c. kabiguan
b. kasiyahan d. kalungkutan
11. Ang tunay na mensahe ng awit ay nakakubli sa mga simbolo.
a. nakatago c. nakatali
b. nakalitaw d. nakabatay
12. Isinulat niya ito habang siya ay nasa selda at labis na nagdurusa.
a. kuwarto c. kulungan
b. kuweba d. opisina
13. Ang lahat ng mga pagdurusang naranasan niya ay pakana ni Nano.
a. plano c. panggulo
b. pahirap d. kagustuhan
14. Ang akda ay tumutuligsa sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol.
a. pumupuri c. sumusunod
b. tumututol d. sumisimbolo
Panuto: Tukuyin at salungguhitan ang pares ng mga salitang magkaugnay at tukuyin kung
magkasalungat o magkasing kahulugan ang pares ng salita.
15. Pinili ni Aladin na maglagalag sa halip na manatili sa Persya dahil na rin sa
panggigipit ng kanyang ama.
16. Ang buhong na si Aladin ay naging kaaway na mortal ng mabuting si Florante.
17. Tinaggihan ni Laura ang gobernador na si Emir kaya’t sinang-ayunan nito ang
mungkahing papugutan ng ulo ang dalaga.
18. Malupit ang ama ni aladin, kabaliktaran ng mapagmahal na ama ni Florante
19. Nararapat bang magparaya sa halip na magdamot ang isang nagmamahal?
20. Laking pasasalamat ni Menandro nang makitang buhay pa ang katoto sapagkat ang
alam niya’y pinatay na ni Adolfo ang kanyang kaibigan.
21. Anong tuwa ni Aladin nang magpakasal sa babaeng minumutya sapagkat hindi niya
akalaing si Flerida ay maglalagalag mahanap lamang ang kanyang minamahal.
22. Wala na sa kanila ang napipighati sapagkat ang nalulungkot na lamang ay ang mga
kapanalig ni Adolfo na ngayon ay nakakulong sa bilangguan.
Panuto: Tukuyin at bilugan ang titik ng kahulugan ng sumusunod na simbolismong ginamit
sa mga saknong na binasa na angkop sa panahong naisulat ang akda.
23. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante.
a. Madawag na kagubatang nakapalibot sa bansa
b. Madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa
c. Kagubatang nagpapakita ng tropikal na klima ng bansa
d. Kagubatang pinagmumulan ng pangangailangan ng bansa
24. Ang kahabag-habag at nakagapos na si Florante sa isang puno ng higera.
a. Kawalang trabaho ng mga Pilipino
b. Kawalang kalayaan ng mga Pilipino
c. Kawalang kayamanan ng mga Pilipino
d. Kawalang ng kaalaman ng mga Pilipino
25. Ang mga syerpe’t basiliskong gumagala sa gubat.
a. Mga sakit o karamdamang maaaring dumapo sa sinuman
b. Mababangis na hayop na anumang oras ay handang sumila o pumatay
c. Kapwa Pilipinong pumipigil sa kanilang kapwa upang umangat sa buhay
d. Ang mga mananakop na tila ba nag-aabang upang makagawa nang masama sa
mga Pilipino
Panuto: Isulat sa patlang ang tauhang tinutukoy sa bawat bilang.
26. Siya ang tauhang kinatatakutan ng kanyang nasasakupan dahil sa kanyang
kalupitan maging sa sarili niyang anak.
27. Siya ang tauhang nagpakita ng lakas at tapang sa kabila ng pagiging isang babae.
28. Siya ang tauhang dapat maging huwaran ng lahat ng guro dahil sa husay niya sa
pagtuturo at pagiging mabuting halimbawa.
29. Siya ang tauhang nagpakita na kahit siya’y isang gererong Moro ay hindi hadlang
iyon upang tumulong sa isang Kristiyanong nasa bingit ng kamatayan.
30. Siya ang mabuti at matapang na tauhan subalit naging biktima ng panlilinlang ng
kanyang mortal na kaaway.

You might also like