You are on page 1of 53

1.

SULTAN
2. MAGARA
3. PAGHIHIMAGSIK
4. HAWLA
5. KINALULULANAN
MAPANLINLANG
NAGING SULTAN SI PILANDOK
Isang Kuwentong-bayan ng
mga Maranaw
Ang mga Maranao (o Meranao, Maranaw) ang mga
tribong nasa Timog ng Pilipinas. Tinawag sila na
Maranao dahil ang kahulugan nito ay "People of the
Lake" o "Mga Tao sa Dagat". Mapapansin mo na sa
kanilang kultura, kaugalian, pananamit at
pamumuhay ay nakasentro sa relihiyong Islam. Mga
Muslim ang tawag sa kanila, bagaman mayroon din
namang maliliit na bilang ng Kristyano.
Kaugalian at Pamumuhay ng Maranao
Nakatira sila sa paligid ng lawa ng Lanao. Hinango ang kanilang
pangalan sa kahulugan nito na “ranao” dahil sa lawa nila. Ang lungsod
ng Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng
Maranao. Ilan sa kanilang hanap-buhay ay ang:

Pangingisda
Pagsasaka kasama na ang ilang pagmimina
Paghahabi gamit ang kanilang sinaunang proseso
Pagdidisenyo ng damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso
Kuwentong-bayan
 katutubong panitikang nagsimula
bago pa man dumating ang mga
Espanyol
 nagpasalin-salin sa iba’t ibang
henerasyon sa paraang pasalindila
o pasalita
 Nasa anyong tuluyan
ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip
na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan, katulad ng matandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya sa isang
hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito
ang alamat at mga mito.
May mga kuwentong-bayang ang
pangunahing layunin ay
makapanlibang ng mga mambabasa o
tagapakinig subalit ang karamihan sa
mga ito ay kapupulutan din ng
mahahalagang aral sa buhay.
TALASALITAAN.
Tukuyin ang kahulugan
ng salitang may
salungguhit sa
pangungusap.
1. Naging Sultan si Pilandok.
a. pinuno o monarka ng Islam
b. alipin
c. bilanggo
2. Ang Sultan ay nanggilalas
nang makita si Pilandok.
a. natuwa
b. nalungkot
c. nabigla
3. “Kapag nakita ng inyong mga
kabig na suot ko ang mga ito ay
susundin nila ako.’’
a. hila
b. tagasunod
c. tagapamayapa
4. Nakasukbit sa kanyang
baywang ang isang kumikislap
na ginintuang tabak.
a. Espada o itak
b. palaso
c. baril
5. “May kaharian po sa ilalim ng dagat
at ang tanging paraan sa pagtungo
roon ay ang pagkulong sa hawla at
itapon sa gitna ng dagat.”
a. kahon
b. kulungan ng hayop
c. aparador
6. “Paanong nangyaring ikaw ay nasa
harap ko at nakadamit nang magara?”
a.
b. marungis
c. maganda o kaaya-aya
Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may
katumbas sa mga Maranaw – si Pilandok.Si Pilandok ay
nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon
sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas
nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na
nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit
sa kanyang baywang ang isang kumikislap na
ginintuang tabak.” Hindi ba’t itinapon ka na sa dagat?”
nagtatakang tanong ng Sultan kay Pilandok.
“Siya pong tunay, mahal na Sultan,” ang magalang na
tugon ni Pilandok. “Paanong nangyaring ikaw ay nasa
harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka
na ngayon,” ang wika ng Sultan.” Hindi po ako namatay,
mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga
ninuno sa ilalim ng dagat nang ako’y sumapit doon. Sila
po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang
magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana
sa lahat ng bagay?” ang paliwanag ni Pilandok.
“Marahil ay nasisiraan ka ng bait,” ang sabi ng ayaw
maniwalang Sultan. “Nalalaman ng lahat na walang
kaharian sa ilalim ng dagat. “Kasinungalingan po iyan!
Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo
sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay
naririto ngayon at kausap ninyo,” ang paliwanag ni
Pilandok. “May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang
tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa
hawla at itapon sa gitna ng dagat.
Ako po’y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng
aking mga kamag-anak.” Umakmang aalis na si
Pilandok.”Hintay,” sansala ng Sultan kay Pilandok.
“Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga
ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang
kamag-anak.”Tatawagin na sana ng Sultan ang mga
kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang
walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw
ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang
hawla.
“Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon
mo ako sa gitna ng dagat,” ang sabi ng Sultan. “Sino po
ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?” ang
tanong ni Pilandok.”Kapag nalaman po ng iba ang
tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng
dagat ay magnanais silang magtungo rin doon.
Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika,
“Gagawin kitang pansamantalang Sultan, Pilandok.
Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang
pansamantalang hahalili sa akin.”
“Hintay, mahal na Sultan,” ang pigil ni Pilandok. “Hindi po ito
dapat malaman ng inyong mga ministro.” ”Ano ang nararapat
kong gawin?” ang usisa ng Sultan. “Ililihim po natin ang bagay na
ito. Basta’t ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing
at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin
nila ako,” ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan.
Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang
bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang
kinalululanan ng Sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay
ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
Ano ang masasabi mo sa
pagkataong ipinakita ni
Pilandok at ng Sultan sa
kuwento?
Sa iyong palagay, ano ang
dahilan ni Pilandok kung
bakit niya iyon ginawa?
Para sa iyo bakit kaya
naniwala ang sultan sa mga
sinasabi sa kanyan ni
Pilandok?
Kung ikaw ang Sultan,
maniniwala ka rin ba sa
sinasabi ng ibang tao?
Para sa iyo, tama ba ang
ginawa ni Pilandok?
Ano ang iyong
paglalarawan sa Sultan sa
kuwento?
Anong katangian ang
hinahanangaan mo kay
Pilandok?
Kung ikaw si Pilandok,
gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawa?
Para sa iyo, ano ang ibig
ipahiwatig ng kuwentong
ating binasa?
Paano mo maiuugnay ang
kuwento sa tunay na
buhay?
PANGKATANG GAWAIN
Hahatiin sa tatlong grupo ang
klase. Mula sa pangkat na
kinabibilangan pipili lamang ng
isang pangyayari sa kuwento na
inyong naibigan at bubuo ng
maikling pagtatanghal sa harap
ng klase.
Pamantayan:
Kaugnayan sa nilalaman ……………..25 %
Pagganap ………………………………….. 10%
Presentasyon …………………………………. 15%

Kabuuan …………………………………………. 50%


MAIKLING
PAGSUSULIT
1. Ano ang hatol ng sultan kay
Pilandok sa pagkakasalang kanyang
ginawa?
a. Ipatapon siya sa ibang bayan
b. Ikulong sa isang kulungang bakal
at itapon sa dagat
c. Wala sa nabanggit
2. Ano ang naging reaksyon ng sultan nang
makita si Pilandok sa kanyang harapan?
a. Ang sultan ay nanggilalas nang makita si
Pilandok sa kanyang harap na nakasuot nang
magarang kasuotan ng sultan.
b. Ang sultan ay natuwa na si Pilandok ay
nakabalik sa kanilang bayan.
c. Ang sultan ay nalungkot dahil si Pilandok
ay naging pulubi na.
3. Base sa kuwento, ano ang nangyari kay
Pilandok nang ipinatapon siya sa dagat?
a. Nakita ni Pilandok ang kanyang mga
ninuno sa ilalim ng dagat at siyang nagbigay sa
kanya ng kayamanan.
b. Pinabayaan ng mga kawal na malunod si
Pilandok hanggang mamatay.
c. Si Pilandok ay nagpalutang –lutang sa
dagat nang habambuhay.
4. Ano ang naging katapusan ng
kuwento?
a. Dinakip ng mga kawal si Pilandok
at ikinulong.
b. Si Pilandok ay naging sultan.
c. Si Pilandok ay naging matandang
pulubi.
5. Ano ang pinakamahalagang aral na
makukuha mula sa kuwento?
a. Walang magandang idudulot sa kahit
kanino ang paghahangad nang labis.
b. Maniwala kaagad sa mga sabi-sabi
upang buhay ay bumuti.
c. Maging mapagmatyag at mapanuri.
PANUTO: Sa inyong papel,
gumuhit ng dalawang kahon. Isulat
sa unang kahon ang PILANDOK,
sa ikalawang kahon naman ay
SULTAN. At ibigay ang mga
katangian na mayroon ang dalawa.
Panuto: Magsaliksik ng larawan ng
isang Pilandok ( isang uri ng hayop)
Idikit ito sa isang malinis na puting
papel. Tukuyin ang katangian na gusto
at hindi mo gusto. Ipaliwanag kung
bakit iyon ang katangiang gusto at
hindi mo gusto sa isang Pilandok.

You might also like