You are on page 1of 1

“HUWAG KA SA AKIN HINDI AKO MAGANDA”

Panlabas na kaanyuan?

Wag na nating pag-usapan

Wala akong gandang pwedeng ilaban

Mananatali na lang sa kinatatayuan

Hindi ako maganda tulad nila

Masyado akong pangit para ipag malaki sa iba

Ano pangabang kataka-taka?

Nabuhay ako sa mundong basehan ay hitsura

Tapunan man ng isang tingin

Malamang ay iiwas ka rin

Walang gusting manatili sa akin

Sapagkat ako’y walang ning ning ng bituin

Wala akong ibang hiling kundi pantay na pag tingin

Sana isang araw katulad ko’y mahalin

Paano ko nga ba kayo kukumbinsihin?

Kung tulad ko’y hindi nyo kayang tanggapin.

You might also like