You are on page 1of 17

Ang matandang babae ay ‘di

nakasagot. Babae palibhasa at


ina ng nag- tatanong na
dalaginding ay natarok na
kapagkaraka ang lagay ng
kalooban ng kani- yang anak. Si
Irene ay hindi nga sasalang
ginugulo noon ng mga suliranin
ng puso. Umiibig, di sasalang
siya‘y umiibig.
“Hindi,” ang tiyak na
sagot.
“Nang makilala mo ba si
Tatang,” ang patuloy na
tanong, “ay may naramda
- man ka bang pintig sa
loob ng dibdib?”
“Ipinagtapat mo ba sa iyong
Inang?”
“Oo!”
“E ano ang sinabi sa iyo?”
“Nagalit, kinagalitan akong mabuti
at sinabing di sasalang ako‘y may
iniibig na lalaki. Ako‘y kaniyang
pinagbalaan. At pinagsabihang
kapag ako‘y nag - asawa ay
kaniyang papatayin.”
“Ay, ano ang naging sagot mo?”
“Ako‘y nangako, sinabi kong ang
lalaking aking nakilala ay aking
isusumpa.”
“Kung gayo‘y bakit mo naging asawa si
Tatang?”
”Sapagkat. . . ang pag - ibig ay isang
damdaming sintigas ng bato a t di
nadudurog sa hampas ng alon, hindi
natitinag sa kinalalagyan, mamatay …
mabuhay, laging sariwa.”
“A, kaya pala!”
“Kaya palang ano?”
“Kaya pala lagi nang kakaba - kaba
ngayon ang aking dibdib.” Ang ina
ay napahagulgol ng iyak nang
ganap na maunawaan ang ibig
sabihin ni Irene.
Mula sa, Ang Dalaginding
ni Iñigo Ed. Regalado
1. Ang tinutukoy na
dalaginding ay mga babaeng
nasa edad ____________.
a.10 – 12
b. 13 – 15
c.16 – 18
d.19 – 21
2. Ang salitang sariwa ay
halimbawa ng ___________.
a.Pangngalan
b. panghalip
c.pandiwa
d.pang-uri
3. “Ang pag-ibig ay isang
damdaming sintigas ng bato.”
Ang salitang may salungguhit
ay nasa anyo ng pang-uri na
_________.
a.payak
b.lantay
c. pahambing
d. pasukdol
4. “Ako’y kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang
kapag ako’y nag-asawa ay kaniyang papatayin.” Alin
sa sumusunod ang pinakamalapit na interpretasyon
ng binasang pahayag?
a. Gagawin ng magulang ang lahat masakop lamang
ang anak maging sa pag-ibig.
b. Hindi nakauunawa ang magulang sa damdamin ng
mga taong umiibig kahit pa nga ito ay kaniyang
anak.
c. Takot ang magulang maiwanan ng anak sa pag-
aakalang hindi na sila aalagaan sa kanilang
pagtanda.
d. Ayaw ng magulang na umibig ang anak sa murang
edad pa lamang
5.“Kaya pala lagi nang kakaba-kaba
ngayon ang aking dibdib.” Ano ang
mahihinuha sa pahayag na ito ni Irene?
a.Laging may takot na nadarama si Irene
kapag kausap ang ina.
b. Hindi na nakadarama ng kapayapaan si
Irene dahil sa mga kagalit.
c. Si Irene ay nagsisimula nang umibig.
d. Bunga ng sakit ang kabang nadarama
ni Irene.

You might also like