You are on page 1of 36

Sitsiritsit

Awiting Panudyo
 
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang

Santo Niño sa Pandakan


Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale namamayong


Pasukubin yaring sanggol.
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
1. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng taludtod na “Santo
Niño sa Pandakan,
Putoseko sa tindahan, ayaw mong magpautang, Uubusin ka ng
langgam”.
a. Isang babae ang nais mangutang sa tindahan at kung di siya
pauutangin ay dadami ang langgam sa tindahan
b.Isang babae ang humihiling sa Sto Niño ng kanyang
makakaing putoseko
c. Nais ng babae na tumambay sa tindahan
d. Nanghingi ng pagkain ang babae sa may-ari ng tindahan.  
2. Ilang sukat mayroon ang bawat
taludtod ng awiting bayang iyong binasa o
inawit?
a.aanimin c.wawaluhin
b.lalabingwaluhin d.lalabing-
animin
3. Ale, ale namamayong, Pasukubin yaring 
sanggol. Alin sa mga sumusunod ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. palabasin c. pabayaan
b. pasilungin d. paulanan
4. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng ikatlo at ikaapat na
saknong?
a. Ang mga bata ang ipinagpapalit sa pera para makabili
ng pagkain o laruan dahil sa hirap ng buhay.
b. dahil sa hirap ng buhay kahit sa murang edad
napipilitang magtrabaho sa Maynila upang may makain.
c. dala ng kahirapan sa buhay ng mga tao napipilitang
ipaampon ang mga bata kapalit ng maliit na halaga.
d. Ang mga sanggol ay kanilang ibinebenta upang
magkaroon ng pagkain.
5. Paano inilarawan sa tula ang
pamumuhay ng mga Pilipino noon
a. masagana c. marangya
b. mahirap d. maluho
Suriin ang liham ng matalik na magkaibigan upang
makita ang kahalagahan ng ponemang
suprasegmental.
Sina Mandy at Slyvia ay matalik na magkaibigan na malayo
sa isa’t isa. Dala ng bagyo na tumama sa kanilang probinsiya ay
kapwa di nila magamit ang kani-kanilang cellphone. Nawalan ng
supply ng kuryente at nagkaroon din ng problema sa signal kaya
naman naisipan nilang magsulatan na lamang. Sa hindi
inaasahang pangyayari, ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa
bangayan dahil lang sa isang sulat na ipinadala ni Mandy kay
Slyvia.
Mt. Balagbag, Rodriguez Rizal
Ika-20 ng Mayo, 2022
Mahal kong Sylvia,
Kumusta ka na! Natanggap ko ang pinadala mong sulat sa akin. Mabuti
naman ang kalagayan ko rito?
Napaluha ako nang nabasa ko ang sulat mo. Ako’y nasa maayos na
kalagayan naman matapos ang dumaang bagyo. Hindi ako ang nagagalak na
magkaibigan tayo. Salamat nga pala na kahit malayo na ako ay naisipan mo
akong sulatan! Marami na pala akong nakilala rito. May isang tao na aking
napalagayang-loob at naging magkaibigan kami. Ikaw marami ka ng mga
kaibigan.
Nagmamahal,
Mandy
Mt. Daraitan, Tanay, Rizal
Ika-24 ng Mayo, 2022
Mahal kong Mandy,
Anong nangyari sa’yo? Bakit bigla kang nagbago? Wala akong ginawang
masama sayo. Hindi ko nagustuhan ang naging sulat mo sa akin! Hindi
ka nagagalak na ako ang iyong naging kaibigan? Mas mabuti sigurong
tapusin na natin ang ating pagkakaibigan. Sabagay, nag-iba ka na nga dahil
mayroon ka ng ka-ibigan. Hanggang dito na lang.
Ang iyong dating kaibigan,

Sylvia
Panuto: Batay sa liham na iyong nabasa, ibigay ang kasagutan sa sumusunod
na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
6. Ano ang isinasaad ng mga sinalungguhitang pangungusap at mga
maling bantas sa liham ni Mandy para kay Sylvia?
a.Ang mga sinalungguhitang pangungusap at mga maling bantas ay
hindi angkop kaya nagkaroon ng hidwaan ang magkaibigan.
b.Ang mga sinalungguhitang pangungusap at mga maling bantas ay
angkop kaya nagkaroon ng hidwaan ang magkaibigan.
c.Ang mga sinalungguhitang pangungusap at mmga maling bantas ay
nagsasaad ng magagandang mensahe.
d.Ang mga sinalungguhitang pangungusap at mga maling bantas ay
nagpapahayag ng sama ng loob.
7. Ano kaya ang dahilan ng pag-aaway ng magkaibigan?
a.Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sa isang
lalaki.
b.Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sa online
barter.
c.Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sa maling
gamit ng mga bantas sa pangungusap.
d.Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil walang
ayudang natanggap.
8. Ano ang ipinapakita ng sitwasyon sa
pagkakaibigan nina Mandy at Sylvia?
a.Naiiba ang kahulugan ng pahayag dahil sa
maling paggamit ng bantas.
b.Madumi ang isip ni Sylvia.
c.Hindi mahalaga ang tamang paggamit ng
bantas.
d.Hindi na kailangan ng bantas sa pagsusulat.
9. Sa bahaging ito, “Hindi ako nagagalak na maging
kaibigan mo,” paano mo ito gagawing tama upang hindi
masaktan si Sylvia?
a. Hindi, ako ang nagagalak na maging kaibigan mo.
b. Hindi ako, ang nagagalak na maging kaibigan mo.
c. Hindi ako ang nagagalak na maging kaibigan mo!
d. Hindi ako nagagalak na maging kaibigan mo?
10. “Mas mabuting tapusin na natin ang
ating pagkakaibigan!” Alin sa mga sumunod
ang kahulugan ng pangungusap sa itaas?
a. Ayaw ko nang maging kaibigan ka!
b. Ayaw ko nang maging kaibigan ka?
c. Gusto ko nang maging kaaway ka?
d. Gusto kita!
Panuto: Suriin ang mga tanong sa ibaba at
Piliin ang letra ng tamang sagot.
 11. Ano ang damdaming hatid na “ Nagbago
na ako?
a. nalulungkot c. nababahala
b. nagtatanong / nagdududa d.
nagpapahayag ng kasiyahan
 
12. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagsasabi ng
kahalagahan ng ponemang suprasegmental na diin?
a. Nagkaroon ang salita ng iba pang kahulugan at
nagiging ibang bahagi ng pananalita.
b. Magkaroon ng pagtaas at pagbaba ng tinig sa
pagbigkas ng salita.
c. Maging malinaw ang mensaheng ibig na ipahiwatig sa
kausap.
d. Malaman ang mga tunay na tunog.
13. Isa sa ponemang suprasegmental ay ang
intonasyon kung saan nagbibigay halaga sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan dahil…(1)
a. maaaring makapagpahayag ng iba‟t ibang
damdaming makapagpapahina ng usapan
b. nagiging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa
kausap
c. nagkakaroon ang salita ng ibang kahulugan
d. naalaman ang mga tunay na tunog
 14. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng antala o
hinto maliban sa isa. (1)
a. nakapagbabago ng diwa ng pangungusap.
b. nagiging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa
kausap.
c. nagaging malinaw ang mensahe kapag angkop ang
paggamit.
d. naipahahayag ang damdaming nakapaloob sa
pamamagitan ng maling pagbigkas.
 15. Ano ang dapat mong gawin mo kung sakaling
nakatanggap ka ng sulat na gaya ng sulat ni Mandy kay
Slyvia?
a.Gagayahin ko si Slyvia at magagalit agada ko kay
Mandy.
b.Pag-iisipan ko muna ang kung ano ang dapat kong
maging reaksyon at bibigyan ng pagkakataong
magpaliwanag si Mandy.
c.Magagalit ako kay Mandy dahil hindi siya
marunong gumamit ng bantas.
d.Hindi ko na susulatan kailanman si Mandy.
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Piliin ang letra ng
wastong sagot sa mga katanungang kaugnay nito at isulat sa sagutang
papel.

Bulong
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang
tao sa kapuluan ng Pilipinas. Ginagamit itong pampaswerter, pantaboy sa
masasamang Espiritu o panggayuma. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may
iba nang kahulugan sa wikang Tagalog ng Maynila, subalit nanatili pa rin ang
tunay na pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan sa Katagalugan, Kabisayaan
at Kabikulan. Isang panalangin ang bulong binuhay dahil sa pagnanais na
makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari
sa kapalaran.
Awiting- Bayan
Ang mga awiting-bayan o kantahing-bayan ay mga awit
ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta
o inaawit pa rin. Nanatiling paksa ng mga awiting-bayan ang
katutubong kultura. Pinaksa ng mga awiting-bayan ang
tungkol sa damdamin ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa
kapaligiran, kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng buhay,
pananalig, pag-asa, pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, at
paglalahad ng iba-ibang ugali at kaugalian.
Bulong ng mga Bagobo ng
Mindanao
"Nagnakaw ka ng bigas ko,
Umulwa sana mata mo,
mamaga ang katawan mo,
patayin ka ng mga anito"
 16. Ito ay tinatawag na orasyon na
binibigkas ng marami lalo na sa
kabisayaan. (2)
a.kwentong bayan c. awiting bayan
b.bulong d. maikling kwento
17. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga bulong?(2)
a.sapagkat ipinapakita nito ang mga kultura at
pininiwala ng ating mga ninuno
b.upang may magamit kapag nakakakita ng nuno sa
punso
c.upang mapa-ibig ang taong minamahal
d.sapagkat makikita dito na mapaniwalain ang mga
ninuno.
18. Nagnakaw ka ng bigas ko, Umulwa
sana mata mo. Anong damdamin ang
ipinapakita ng bulong na ito?(2)
a.inis c. tuwa
b.saya d. kaba
19. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng bulong at
awiting-bayan?
a.Ang bulong ay panalangin at ang awiting-bayan ay
kantang naglalaman ng mga gawain ng mga ninuno
b.Ang bulong ay isang sumpa at ang awiting-bayan ay
may tono.
c.Ang bulong ay panalanging may sayaw at ang awiting-
bayan ay wala
d.Ang bulong ay binibigkas ng mahina at ang awiting-
bayan ay binibigkas ng malakas.
20. Anong antas ng wika ang umulwa mula
sa halimbawa ng bulong?
a.Balbal c. Kolokyal
b.Lalawiganin d. Pampanitikan
Panuto. Basahin o awitin ang awiting-bayan sa ibaba. Unawaing mabuti
ang nilalaman ng awitin.
Mamang Sorbetero
(Celeste Legaspi)
Mamang sorbetero, ano'ng ngalan mo?
Tinda mong ice cream, gustong-gusto ko
Init ng buhay, pinapawi mo
Sama ng loob, nalilimutan ko
 
Mamang sorbetero, tayo'y sumayaw
Kalembang mong hawak, muling ikaway
Batang munti, sa 'yo'y naghihintay
Bigyang ligaya ngayong tag-araw
 
Panuto. Basahin o awitin ang awiting-bayan sa ibaba. Unawaing mabuti
ang nilalaman ng awitin.  
Masdan ang ulap sa himpapawid
Korteng sorbetes sa pisngi ng langit
Mata ng dalaga'y nananaginip
Mayro'ng sikretong nasasaisip

 
Mamang sorbetero, tayo'y sumayaw
Kalembang mong hawak, muling ikaway
Batang munti, sa 'yo'y naghihintay
Bigyang ligaya ngayong tag-araw
 
Panuto. Basahin o awitin ang awiting-bayan sa ibaba. Unawaing mabuti
ang nilalaman ng awitin.  
Mainit na labi, nagbabagang mata
Sunog na pag-ibig, parang awa mo na
Mamang sorbetero, oh, nasaan ka?
Init ng buhay, pawiin mo na
 
Mamang sorbetero, tayo'y sumayaw
Kalembang mong hawak, muling ikaway
Batang munti, sa 'yo'y naghihintay
Bigyang ligaya ngayong tag-araw
21. Anong damdamin ang namayani matapos
mong basahin o awitin ang kantang Mamang
Sorbetero?(2)
a.saya c. lungkot
b.bagabag d. takot
22. Ang lirikong Mainit na labi,
nagbabagang mata ay nasa anong antas ng
wika?(1)
a.Balbal c. Kolokyal
b.Lalawiganin d. Pampanitikan
23. Mata ng dalaga’y nananginip, mayro’ng
sikretong napapaisip. Sa anong antas ng wika
nabibilang ang liriko ng awit na ito?(1)
a.Balbal c. Kolokyal
b.Lalawiganin d. Pampanitikan
24. Batang munti, sa 'yo'y naghihintay, bigyang ligaya
ngayong tag-araw. Ano ang nais ipahiwatig nito?(2)
a.Ang mga bata ay nasasabik sa pagdaan ng sorbetero.
b.Ang mga bata ay nais sumayaw kasabay ng
kalembang ng sorbetero.
c.Ang mga bata ay mahilig bumili ng pagkain.
d.Bahagi ng kabataan ang ice cream.
 
25. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga sa mga awiting-bayan ng Luzon?(2)
a.gumawa ng mga rap song tungkol dito
b.pakinggan gamit ang earphone upang di marinig ng iba
c.makibahagi sa mga gawaing pampaaralan na may
kaugnayan sa awiting bayan
d.makinig habang inaawit ito ng mga kamag-aral

You might also like