You are on page 1of 13

FOURTH QUARTERLY EXAMINATION IN FILIPINO IV

Pangalan: ______________________________________ Iskor: _______________________________


Baitang at Pangkat: _____________________________ Guro: _____________________________
Paaralan: _______________________________________ Punong-guro____________

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng iyong sagot sa bawat bilang.

1. Suriin ang larawan. Anong lugar ang makikita sa kanlurang bahagi?

a. bukid b. botika c. parke d. palengke

PANUTO: Panoorin ang patalastas gamit ang link na ito. Sagutin ang tanong mula sa napanood na patalastas.
https://www.youtube.com/watch?v=6P5clj1SXgI
2. Sino ang nakapagpapakalma sa anak tuwing may kinakaharap na sitwasyong nagdudulot ng takot sa kanya?

a. ate b. nanay c. Tiya d. lola

3.Alin sa mga pangungusap na nagpapakilala ng isang produkto ang pangungusap na padamdam?

a. Ang surf fabric conditioner ay hindi lang nakakapagpaputi ng damit kundi may panibagong lavender pa
ito.
b. Kaya ano pang hinahanap mo?
c. Dito ka na sa Surf Fabric Conditioner.
d. Ang fabric con ng bayan!

4. Anong uri ng pangungusap ang pahayag?

Naranasan mo na bang habulin ng naglalakihang bubuyog?


a. patanong b. pasalaysay c. pautos d. padamdam

5. Ano ang angkop na paksa ng teksto?

a. Ang epekto ng matinding init ng panahon sa Pilipinas.


b. Ang pagtaas ng konsumo ng koryente.
c. Pagkawala ng suplay ng koryente.
d. Palagiang brownout sa Pilipinas.

6. Lisanin mo na ang napakagulong bayan na ito. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a. balikan b. iwan c. puntahan d. pasyalan


7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang di ginagamit sa pakikipanayam?
a. Bakit mahalaga ang dignidad ng isang guro?
b. Isara mo ang pinto.
c. Magandang Araw Ginoo! Salamat sa iyong pagpapaunlak ng isang panayam.
d. Maari po bang ihayag ninyo sa amin ang inyong katungkulan sa paaralang ito?
8. Nakita ng kaibigan mo sa dyaryo ang isang editorial cartooning tungkol sa jeepney phase-out. Ikaw ay hindi
sang-ayon sa opinyon niya tungkol dito. Paano mo ito sasabihin sa kaniya nang may paggalang?
a. Hindi ka na naawa sa mga jeepney driver na walang pambili ng bagong jeep!
b. Wala kang puso para sa mga jeepney driver.
c. Alam kong nais mong mapaganda ang transportasyon sa atin. Ngunit hindi ako sang-ayon dito dahil
maraming mga jeepney driver ang hindi pa kayang bumili ng modernong jeep.
d. Wala ka sigurong kamag-anak na jeepney driver kaya ganyan ang opinyon mo.
9. Alin sa mga editorial cartoon ang tumatalakay sa paksang edukasyon sa gitna ng pandemya ?
a. c.

b. d.

10. Gustong malaman ni Christopher ang bahay ng kanyang kaibigan sa barangay San Francisco. Alin sa
sumusunod na uri ng pangungusap ang mahalagang gamitin ni Christoper sa pakikipag-usap sa mga tao doon?
a. padamdam b. patanong c. pasalaysay d. pautos
11. Pakinggan ang babasahing katitikan ng pagpupulong ng iyong guro. Sagutin ang tanong. Ano ang
napagkisahang proyekto ng mga namumuno ng SPG?
a. silid-aralan b. basurahan c. halamanan d. upuan
12. Basahin mula sa katitikan ng pagpupulong ng mga School Filipino Specialists ng Purok ng Kanlurang
Victoria. Sagutin ang tanong.
Ang mga School Filipino Specialist ay nagkaroon ng pagpupulong noong Hunyo 3, 2023 sa ganap na
1:00 ng hapon sa Paaralang Sentral ng Kanlurang Victoria. Kabilang sa mga napag-usapan ang pagdiriwang
ng buwan ng wika na may temang “Ang Wika ang Susi ng Puso at Diwa, Tuluyan ng Tao at Ugnayan ng
Bansa.”
Saan ginanap ang pagpupulong ng School Filipino Specialist?

a. Paaralang Sentral ng Kanlurang Victoria


b. Diwa ng Tarlac
c. Paaralang Elementarya ng San Francisco
d. Bahay Pamahalaan ng Victoria
13. Alin ang angkop na paghahambing sa mga patalastas?

A B

a. Ang dalawang patalastas ay parehas na nag-aalok ng sabon. Ang sabon sa patalastas A ay amoy
Sampaguita habang ang sabon sa patalastas B ay amoy Lemon. Mas mura ng sampung piso ang
produkto sa patalastas A kaysa sa patalastas B.
b. Ang produkto A ay panlaba samantalang ang produkto B ay panghugas ng mga plato. Mabisa ang
dalawang produktong ito.
c. Ang dalawang patalastas ay parehas na nag-aalok ng sabon. Parehas lamang ang amoy at presyo ng mga
ito.
d. Ang dalawang patalastas ay parehas na nag-aalok ng pabango. Ang amoy sa produkto A ay katulad sa
bulaklak samantalang katulad naman ng sa prutas ang amoy sa produkto B.
Panuto: Basahin ang kuwento.
Pamalaye
Sa bayan ng Panay ay may magandang dilag na nagngangalang Mira. Maraming binatang nanligaw sa
dalaga dahil bukod sa maganda na napakabait at napakatalino pa. Sa mga binatang nagpapansin dito, may
isang namumukod tanging nakakuha ng pansin ng dalaga at siya ay si Lucas. Si Lucas ay isang binatang
simple ngunit napakasipag at may ginintuang puso at dahil sa katangian niyang ito, naibigan siya ng
nasabing dilag. Mula noon ay nagmahalan ang dalawa at nangako sa isa’t isa nang walang iwanan.
Hindi nagtagal napagdesisyonan nilang mag-isang dibdib. Ngunit bago ang kasalan may tradisyon sa
Panay na sinusunod at ito ang Pamalaye.
Ang Pamalaye ay isang kaugalian na kung saan bago ang kasalan ang binata ay pumupunta sa bahay ng
kaniyang mapapangasawa kasama ang kaniyang pamilya. Dito pinag-uusapan ang pagtatakda ng kasal at iba
pang bagay na kakailanganin. Pagkatapos magkasundo ng dalawang panig ay may salo-salo na nagaganap.
Kaya’t si Lucas ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Dinala niya ang kaniyang pamilya sa bahay nila
Mira. Nagdala rin sila ng pagkain. Dahil sa mahal na mahal nila ang isa’t isa at hindi na sila
mapaghihiwalay nagkasundo ang mga pamilya nila na sila ay ipakasal na.
Hindi naglaon sina Mira at Lucas ay ikinasal sa simpleng okasyon ngunit naging masaya at
makahulugan dahil kasama nila ang kani-kanilang mga pamilya at mga malalapit na kaanak at mga
kaibigan.
Saraling Katha: Amelita L. Buquerin

14. Punan ng nawawalang impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang balangkas.
Balangkas
I. Pamagat: _______________________
II. Tauhan: _________________________
III. Tagpuan: _______________________
IV.Galaw ng Pangyayari
A. Pangunahing Pangyayari: Si Mira ay isang maganda ,mabait, at matalino na nabihag sa simple,
masipag at may ginintuang puso na si Lucas.
B. Pagsidhi ng Pangyayari: Napagdesisyunan nilang mag-isang dibdib.
C. Kasukdulan: Ngunit kailangan nilang gawin ang tradisyun na Pamalaye. Hindi nagpatumpik-
tumpik si Lucas na dalhin ang pamilya sa bahay nila Mira.
D. Wakas: Ikinasal ng masaya ang dalawa kasama ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

a. Pamalaye, Lucas at Mira, Panay


b. Palayaw,Luna at Miro, Pasay
c. Puhon, Lando at Mina, Paniqui
d. Pahinga, Leon at Marie, Palawan
15. Basahin ang teksto at tukuyin ang bagong kaalaman na nabasa mo dito.
Ang paruparo ay isang magandang insekto na karaniwang makikita sa mga hardin at bukid. Ang
paruparo ay isang simbolo ng kalayaan at pagbabago. Tulad ng proseso ng metamorphosis na kanilang
pinagdadaanan, mula sa pagiging isang uod hanggang sa maging isang maganda at malayang paruparo.
Nagpapahiwatig ito ng pag-unlad at pagbabago sa buhay.
a. Ang paruparo ay may iba’t ibang kulay.
b. Mayroon iba’t ibang uri ng paruparo
c. Ang paruparo ay magaganda.
d. Ang paru-paro ay dumadaan sa proseso ng metamorphosis.
16. Ang mga sumusunod ay mga bagong kaalaman mula sa tekstong napakinggan maliban sa isa. Ano ito?

a. Ang paruparo ay isang simbolo ng kalayaan at pagbabago.


b. Ang buhay ng mga paru-paro ay umaabot sa 45 araw lamang.
c.Ang prosesong metamorphosis na pinagdadaanan ng mga paru-paro ay nagpapahiwatig ng pag-unlad
at pagbabago sa buhay.
d. Ang mga paru-paro ay nagmula sa uod.
PANUTO: Pakinggan ang babasahing katitikan ng pagpupulong ng iyong guro. (Para sa Bilang 17-18) Sagutin
ang tanong. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
17. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong opinyon sa mungkahi ng mag-aaral sa pagpupulong na ito?
a. Para sa akin, tama ang kanilang mungkahi marami talagang lalaki ang mas magaling
maglaro kaysa sa mga babae.
b. Hindi ako pabor sa mungkahi dahil hindi nasusukat sa kasarian ang kagalingan sa
paglalaro.
c. Tama lamang ang mungkahi dahil ang mga babae ay mahina pagdating sa sports.
d. Hahayaan ko na lamang at sasang-ayon ako kung ano ang gusto ng karamihan.

18. Bilang isang mag-aaral sang-ayon ka ba sa napagkasunduan ng mga magulang sa pagpupulong?


a. Hindi po, dahil hindi na dapat maistorbo ang mga magulang sa pagtulong dahil sila ay magiging abala
sa paghahanda para sa pagtatapos ng kanilang anak .
b. Hindi po. Ang mga guro ang dapat maghanda sa pagtatapos ng mag-aaral.
c. Opo, dahil ang mga magulang ay makakatulong upang mas maging matagumpay ang programa sa
pagtatapos ng kanilang mga anak.
d. Opo, dahil responsibilidad ng mga magulang ang tumulong sa paaralan.
19. Kasalukuyan kayong nagpupulong tungkol sa magaganap na pista ng bayan. Nais mong humingi ng tulong
sa sangguniang kabataan para sa pagsasaayos ng gagamiting bulwagan. Alin sa pangungusap ang dapat mong
gamitin?
a. Maaari po bang hingin ang tulong ng sangguniang kabataan para sa pasasaayos ng bulwagang
gagamitin?
b. Mga kabataan kayo ay tumulong sa programa.
c. Wala bang magagawa ang mga kabataan para sa programa?
d. Humanda kayong mga kabataan! Kayo ang dapat maghanda sa programa.
20. Nais mong ipaliwanag ang mga datos ng gastos sa feeding program na isinagawa ng organisasyong
kinabibilangan mo sa inyong pagpupulong. Alin sa mga pangungusap ang dapat mong gamitin?
a. Bakit kailangan pa ipaliwanag ang datos sa gastos ng feeding program?
b. Kayo ang magpaliwanag sa datos kasali rin naman kayo sa organisasyon.
c. Wala akong dapat ipaliwanag.
d. Ang kalahati ng nalikom natin para sa feeding progam ay siyang ipinangbili ng mga nilutong
pagkain. Samantalang ang natira ay para naman sa inumin at kailangang kagamitan para sa feeding
program.
21-22 Basahin at unawain ang katitikan sa pagpupulong. Punan ng nawawalang impormasyon ang mga patlang
upang mabuo ang katitikan. Piliin ang mga letra ng tamang sagot sa ibaba. Isulat sa puwang na nakalaan sa
tapat ng bilang.
21. Pulong: ________________________________________________________________
22. Dumalo: _______________________________________________________________
Lugar ng Pagpupulong: Barangay Hall ng San Francisco, Victoria, Tarlac
Petsa ng Pagpupulong: Mayo 29, 2023 sa ganap na ika-8 ng umaga
Mga Tinalakay at Napagkasunduang mga Isinasagawa para sa Kapistahan:
 Binigyang-diin ni Kapitan Ricardo Antalan ang nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan sa ika-29 ng
Hunyo, 2023.
 Nagbahagi ng mga ideya at mungkahi ang mga dumalo hinggil sa mga aktibidad at programa na
maaaring isagawa sa pista.
 Nagkasundo ang lahat na magtakda ng mga komite na siyang responsable sa mga iba't ibang gawain sa
pista tulad ng pagkain, paligsahan, programa, atbp.
a. Paghahanda sa Magaganap na Pista
b. Barangay Hall ng San Francisco, Victoria, Tarlac
c. Ito ay dinaluhan ng 7 kagawad ng Brgy. San Francisco
d. Mayo 29, 2023 sa ganap na ika-8 ng umaga
23-29 Basahin at unawain iskrip ng radio broadcasting. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
TAGAPAGBALITA: Magandang umaga, mga kaibigan! Narito tayo ngayon sa inyong paboritong
programa sa radyo, "Radyo Balitaan," kung saan tayo'y maglalathala ng mga pinakabagong balita at
impormasyon. Ako ang inyong tagapagbalita, si Jerry, at sabay-sabay nating harapin ang huling mga balita
ukol sa bagyong Baldo na paparating.
JERRY: Mga kaibigan, lubhang mahalaga ang impormasyong aming ihahatid sa inyo ngayon. Sa
kasalukuyan, tayo ay nasa ilalim ng banta ng isang malakas na bagyo na may pangalang "Baldo." Ayon sa
mga huling ulat mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o
PAGASA, inaasahang papasok ang bagyong Baldo sa ating bansa mamayang hapon.
JERRY: Ayon sa mga eksperto, inaasahang magdudulot ito ng malalakas na pag-ulan at hangin na may
kasamang baha at landslides. Kaya naman tayo’y maghanda at manatiling alerto sa panahon ng bagyo.
23. Ano ang tinalakay sa binasang iskrip ng brodkasting?
a. Bagyong Betty c. Bagyong Kalo
b. Bagyong Bea d. Bagyong Baldo
24. Ano ang inaasahang epekto ng paparating na bagyo?
a. Magdudulot ito ng malalakas na pag-ulan at hangin na may kasamang baha at landslides.
b. Ang kalakhang Maynila ay makakaranas ng pagbaha.
c. Aapaw ang tubig sa Angat Dam dahil sa daming inaasahang buhos ng ulan.
d. Kinakailangang lumikas ang mga naninirahan malapit sa ilog.
25. Ano ang mahalagang mensahe ang inihatid ng manunulat sa pagtatapos ng balita?
a. Maging kampante dahil hindi tatamaan ng bagyo ang iyong lugar.
b. Maging handa at alerto sa panahon ng bagyo.
c. Ipagdasal na hindi tumuloy ang bagyo sa bansa.
d. Ipagpaliban ang mga planong pamamasyal.
26. Paano tiniyak ng manunulat na ang kanyang balita ay base sa katotohanan lamang?
a. Nangalap siya ng impormasyon sa mga kapit-bahay.
b. Inayon niya ang sinabi base sa dilim ng kalangitan.
c. Kumalap siya ng impormasyon galing sa PAGASA
d. Pinagbasehan niya ang mga nakaraang bagyo.
27. Anong uri ng pangungusap ang makikita sa simula ng iskrip?
“Magandang umaga mga kaibigan!”
a. padamdam b. pasalaysay c. pautos d. patanong
28. Anong uri ng pangungusap ang makikita sa dulong bahagi ng iskrip?
“Kaya naman tayo’y maghanda at manatiling alerto sa panahon ng bagyo.”
a. padamdam b. pasalaysay c. pautos d. patanong
29. Ano ang buod ng nabasang iskrip sa teleradyo?
a. Ang mga tao ay naghahanap ng malilikasan dahil sa paparating na bagyo.
b. Ang bagyong Baldo ay inaasahang papasok sa ating bansa mamayang hapon at maaring magdulot ito ng
malakas na hangin at pag-ulan, baha at landslide.
c. Maraming mga tao ang nakipagsiksikan upang makahingi ng ayuda galing sa pamahalaan.
d. Ang angat dam ay umapaw dahil sa malakas na ulan na dulot ng bagyo.
30. Ano ang iyong pananaw hinggil sa pagbabalik sa paggamit ng face mask?
a. Sa aking pananaw, sang - ayon ako sa pagbabalik sa paggamit ng face mask dahil sa muling pagtaas ng
kaso ng Covid-19.
b. Sa aking pananaw, hindi ako sang - ayon sa pagbabalik sa paggamit ng face mask dahil sa muling
pagtaas ng kaso ng Covid-19.
c. Sa aking pananaw, sang - ayon sa pagbabalik sa paggamit ng face mask dahil tapos na ang pandemyang
kinakaharap ng bansa.
d. Sa aking pananaw, hindi na ako magsusuot ng face mask dahil hindi ako makahinga ng maayos pag suot
ito.
31. Ano ang iyong saloobin hinggil sa pagpapabakunang muli sa ikatlong pagkakataon ng mga Senior Citizen at
Health Workers?
a. Sa aking palagay hindi na kailangang magpabakuna sa ikatlong pagkakataon dahil bakuna na tayo ng
4 na beses.
b. Kung ang pagpapabakuna sa ikatlong pagkakataon (booster) ay makakapigil sa muling pagtaas ng
kaso ng Covid -19, ako ay sang-ayon dito.
c. Marami na ang nabakunahan kaya dapat nang itigil ito.
d. Mauubos lamang ang pera ng pamahalaan dahil sa kakabili ng bakuna.
32. Bilang isang mag-aaral sang-ayon ka ba na ituloy ng pamahalaan ang Programang Pantawid Pamilyang
Pilipino o 4Ps? Alin sa mga sumusunod na obserbasyon ang hindi akma sa paksa ng nasabing debate?
a. Ang programa ay nagiging sanhi ng pagiging tamad ng mga kabilang dito dahil sila ay umaasa na lamang
sa ayudang ibinibigay ng pamahalaan.
b. Ang pamahalaan ay dapat gumawa ng hakbang upang maipaglaban ang karapatan natin sa Spratly Island.
c. Mas maiging tulungan ng pamahalaan ang mga kabilang sa 4Ps na maghanapbuhay sa pamamagitan ng
pakikilahok nila sa libreng pagsasanay na isinasagawa ng TESDA.
d. Mas maiging bigyan na lamang ng puhunan sa negosyo ang mga kabilang sa 4Ps upang sila ay matuto na
palaguin ang perang galing sa gobyerno.

33-34. Basahin at unawain ang iskrip. Punan ng nawawalang impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang
iskrip sa loob ng kahon. Isulat ang titik sa puwang na nakalaan.
RADIO BROADCASTING FILIPINO SCRIPT CODE NO.

ANCHOR 1: Xhymon Ramirez


ANCHOR 2: Sophia Dizon
NEWS PRESENTER 1: James Bautista
NEWS PRESENTER 2: Jazzlyn Cruz
SFX TECHNICIAN: Christian Atenas

STATION ID: DZRV 749


BALITANG EXPRESS NGAYON
IKA-31 NG ENERO, 2023
MUSIC INTRO:
OBB: (33.) ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
SFX: THEME MUSIC FADE UP, FADE IN 3 SECONDS,
FADE ON MIC
Balitang tapat at balitang sapat
D Z R V Balitang Express Ngayon

SFX: THEME MUSIC FADE UP, FADE IN 3 SECONDS,


FADE ON MIC
1. ANCHOR 1: Kayo’y nakikinig sa programang magbibigay ng
limang minutong bumabanderang balita
2. ANCHOR 2: mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa
3. ANCHOR 1: Dito lang sa
4. ALL: Balitang Express Ngayon
SFX: TIMER MUSIC FADE UP, FADE IN 3 SECONDS,
FADE ON MIC

5. ANCHOR 2: Itama ang inyong mga orasan, ganap ng ________


6. ____________________
7. ANCHOR 1: Magandang hapon Pilipinas. Ngayon ay Martes,
8. ikatatlumpu’t-isa ng Enero, taong dalawang libo’t dalawampu’t
9. tatlo. Kami ang inyong tagapaghatid balita, Xhymon
10. Ramirez
11. ANCHOR 2: At Sophia Dizon
12. ANCHOR 1: Balitang tapat
13. ANCHOR 2: Balitang sapat
14. ALL: Balitang Express Ngayon
SFX: THEME MUSIC FADE UP, FADE IN 3 SECONDS, FADE
ON MIC
SFX: TIME STINGER FADE UP, FADE IN 3 SECONDS,
FADE ON MIC
15. ANCHOR 1: Para sa ulo ng mga tampok at pinag-uusapang mga
16. balita
SFX: HEADLINE STINGER…FADE IN…(3 SEC)
17. ANCHOR 2: ____________________________________________
18. ____________________________________________
SFX: HEADLINE STINGER…FADE IN…(3 SEC)

19. ANCHOR 1: ____________________________________________


SFX: HEADLINE STINGER…FADE IN…(3 SEC)
20. ANCHOR 2: ____________________________________________
SFX: HEADLINE STINGER…FADE IN…(3 SEC)
21. ANCHOR 1: ____________________________________________
SFX: HEADLINE STINGER…FADE IN…(3 SEC)
22. ANCHOR 1: Ang lahat ng iyan sa pagbabalik ng
23. ALL: Balitang Express Ngayon
SFX: THEME MUSIC FADE UP, FADE IN 3 SECONDS, FADE
ON MIC
SFX: INFOMERCIAL STINGER MUSIC FADE UP,
FADE IN 3 SECONDS, FADE ON MIC
24. ANAK: Inay! Inay! Tulungan mo po ako ma-ma-may malaking alon!
25. INAY: Anak, lumangoy ka papalayo sa alon. hihingi lang ako ng
26. tulong.
27. ANAK: Inay! Andyan na yung malaking alon! Inaaay!!
28. INAY: Anaak!!
29. VOICE OVER 1: Tandaan tayo’y palaging maging handa sa lahat ng sakuna.
30. VOICE OVER 2: Isang paalala mula sa NDRRMC at ng estasyong ito.
SFX: INFOMERCIAL STINGER MUSIC FADE UP, FADE IN 3
SECONDS, FADE ON MIC
SFX: THEME MUSIC FADE UP, FADE IN 3 SECONDS, FADE
ON MIC
31. ANCHOR 1: Kayo’y patuloy na nakikinig sa D Z R V syete
32. kwatro nueve,
33. ANCHOR 2: Balitang tapat
34. ANCHOR 1: Balitang sapat
35. ALL: Balitang Express Ngayon
SFX: NEWS STINGER…FADE IN…(3 SEC)
36. ANCHOR 1: At para sa detalye ng mga balita
SFX: NEWS STINGER…FADE IN…(3 SEC)
37. ANCHOR 2: Sa balitang pandaigdig, _______________________
38. ______________________. Karagdagang detalye ng
39. balitang iyan mula kay James Bautista.
SFX: NEWS STINGER…FADE IN…(3 SEC)
40. NP 1: ___________________________________________
41. ______________. James Bautista para sa balitang tapat,
42. Balitang sapat, Balitang Express Ngayon.
SFX: NEWS STINGER…FADE IN…(3 SEC)
43. ANCHOR 1: Sa balitang Pambansa,
44. ___________________________________________.
45. karagdagang detalye mula kay Jazzlyn ____________
46. NP 2: _________________________________________. Jazzlyn
47. _________ para sa balitang tapat, balitang sapat, Balitang
48. Express Ngayon.
SFX: NEWS STINGER…FADE IN…(3 SEC)
49. ANCHOR 2: Sa balitang local,
50. _____________________________________. Detalye ng
51. balitang iyan mula kay Xhymon Ramirez.
52. NP 3: ____________________________________________
53. Xhymon Ramirez, balitang tapat, balitang sapat, Balitang
54. Express Ngayon
SFX: NEWS STINGER…FADE IN…(3 SEC)
55. ANCHOR 1: Sa balitang pampalakasan,
56. _______________________________________. Para sa
57. Balitang, narito si James Bautista.
58. NP 3: _______________________________________________
59. James Bautista, balitang tapat, balitang sapat, Balitang
60. Express Ngayon.
SFX: NEWS STINGER…FADE IN…(3 SEC)
61. ANCHOR 1: (34). __________________________________________________________
62. __________________________________________________________
63. ANCHOR 2: __________________________________________________________
64. __________________________________________________________
65. ANCHOR 1&2: __________________________________________________________
66. ANCHOR 1: Muli kami ang inyong naging tagapagbalita, Xhymon Ramirez
67. ANCHOR 2: At Sophia Dizon
68. ANCHOR 1: Balitang tapat
69. ANCHOR 2: Balitang sapat
70. ALL: Balitang Express Ngayon
SFX: THEME MUSIC FADE UP, FADE IN 3 SECONDS, FADE
ON MIC

a. Himpilan ng katotohanan b. Balitang tapat at balitang sapat D Z R V Balitang


Programang may paninindigan Express Ngayon
Boses ng sambayanan
D Z R V Syete kuwatro nueve

c. Mula sa istasyong naghahatid ng mga balitang d. At iyan ang mga balitang aming tinutukan sa
siksik at sulit na sulit nakalipas na bente kwatro oras
Mula sa istasyong naghahatid ng mga balitang siksik
at sulit na sulit
D Z R V syete kwatro nueve

PANUTO: Basahin at unawain ang debate. Sagutin ang sumusunod na tanong. (Bilang 35-38) Bilugan ang
titik ng iyong sagot.
Proposisyon: Dapat bigyan ng panhintulot ang mag-aaral na gumamit ng gadyet sa pag-aaral.
Pangkat ng Pabor: Hindi ba't ang paggamit ng gadyet sa pag-aaral ay magbibigay ng mas malawak na
kaalaman sa mga mag-aaral? Ang paggamit ng gadyet sa pag-aaral ay nagbibigay ng mas interaktibong at
nakakaengganyong mga pagpipilian para sa pagkatuto, tulad ng mga multimedia presentations at interactive
quizzes.
Pangkat ng Kontra: Hindi ba't ang labis na paggamit ng gadyet sa pag-aaral ay maaaring makapagdulot ng
hindi maayos na pagkatuto? Ang paggamit ng gadyet sa pag-aaral ay maaaring maging sanhi ng kakulangan
ng social interaction at physical activity, na mahalagang aspeto ng pangkalahatang pag-unlad ng isang mag-
aaral.
Pangkat ng Pabor: Mas lalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral, nakikisabay sa teknolohiya, at
nababawasan ang kanilang pagkabahala sa pag-aaral kapag binigyan sila ng pahintulot na gamitin ang
gadyet.
Pangkat ng Kontra: Ngunit maaaring mabawasan ang pagkatuto, magkaroon ng adiksiyon sa teknolohiya,
at mawala ang tunay na pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng labis na paggamit ng
gadyet.
35. “Mas lalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral na nakikisabay sa teknolohiya at nababawasan ang
kanilang pagkabahala sap ag-aaral kapag binigyan sila ng pahintulot na gamitin ang gadyet.” Anong
uri ng pangungusap ang ginamit sa debateng ito?
a. pautos c. padamdam
b. pasalaysay d. patanong
36. Anong uri ng pangungusap ang ginamit ng bawat panig upang simulan ang kanilang argumento?
“Hindi ba't ang paggamit ng gadyet sa pag-aaral ay magbibigay ng mas malawak na kaalaman sa mga
mag-aaral?”
“Hindi ba't ang labis na paggamit ng gadyet sa pag-aaral ay maaaring makapagdulot ng hindi maayos na
pagkatuto?”
a. padamdam b. pasalaysay c. pautos d. patanong
37. Ano ang lagom ng binasang debate?
a. Pagbabawal ng internet sa paaralan
b. Paggamit ng mag-aaral ng gadyet sa pag-aaral
c. Paggamit ng mag-aaral ng Facebook
d. Pagdadala ng mag-aaral ng cellphone sa paaralan
PANUTO: Paghambing ang mga dalawang debate.
Pagtanggal ng asignaturang Mother Tongue sa Elementarya
PABOR: Ang pagtanggal ng asignaturang Mother Tongue ay magbibigay ng mas malaking oras para sa
pag-aaral ng iba pang pangunahing asignatura
DI PABOR: Ang asignaturang Mother Tongue ay mahalaga sa pagpapalakas ng pagkakakilanlan at kultura
ng mga mag-aaral.

Pagpapaikli ng Oras sa Paaralan ng mga Mag-aaral


PABOR: Ang pagpapaikli ng oras sa paaralan ay magbibigay ng mas malawak na pagkakataon para sa mga
mag-aaral na makapag-eksperimento at makipag-ugnayan sa iba't ibang
DI-PABOR: Ang pagpapaikli ng oras sa paaralan ay maaaring magdulot ng kawalan ng sapat na pag-aaral
at pag-unawa sa mga konsepto."
38. Alin ang angkop na paghahambing sa mga sumusunod na debate?
a. Ang mga debate ay parehong tumatalakay sa isyu ng pamahalaan. Ang unang debate ay tungkol sa
paghigpit ng kwalipikasyon ng mga nasa posisyon, samantalang ang pangalawa ay pagpapahaba ng
termino ng presidente.
b. Ang mga debate ay parehong tumatalakay sa isyu ng lipunan. Ang unang debate ay tungkol sa mga
problema ng mga ina at ang pangalawa ay tungkol sa pag-aaral ng mga bata.
c. Ang mga debate ay parehong may kinalaman sa edukasyon. Ang unang debate ay tungkol asignaturang
Mother Tongue, samantala ang pangalawa ay tumatakay sa oras ng mga mag-aaral sa paaralan.
d. Ang mga debate ay parehong di pinagkakasundo ang mga mambabasa.

PANUTO: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.

Kaso ng Covid-19 sa Pilipinas


Mula 2020-2023, ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa Pilipinas ay patuloy na nagbago. Noong 2020,
naitala ang kabuuang bilang na mahigit sa 500,000 kaso. Noong 2021, umabot ito sa mahigit sa 400,000
kaso, at nagpatuloy sa pagbaba noong 2022 sa mahigit sa 300,000 kaso. Sa 2023, naitala ang kabuuang
bilang na mahigit sa 200,000 kaso ng Covid-19 sa Pilipinas. Ang pamahalaan ay patuloy na nagtatrabaho
upang maibaba ang bilang ng kaso at pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga hakbang sa kalusugan at pagpapalawak ng vaccination program.
Kaso ng Covid -19 sa
Pilipinas

Taon Kaso

2020 500,000

2021 39.____

2022 300,000

2023 200,000

39. Ilan ang naging kaso ng Covid-19 sa Pilipinas ng taong 2021?


a. mahigit 200,000 c. mahigit 500,000
b. mahigit 400,000 d. mahigit 300,000
40. Base sa iyong nabasa, anong taon ang naitala mong may pinakamaraming kaso ng covid-19 sa Pilipinas?
a. 2020 b. 2021 c. 2022 d. 2023

Prepared by:
PRECIOUS V. DE GUZMAN
Teacher I, San Francisco ES

Validated by:

EMILY A. CUNANAN
Master Teacher I, District Filipino Specialist

Quality Assured by:

MINDA G. QUIJANO LOURDES G. QUESADA


MT I, LAC Leader Grade IV MT 1, LAC Leader Grade IV
                                                                                             

EDEN G. TANEDO
ESHT III, District Filipino Consultant
Reviewed by:

ROGER P. RAMOS, EdD


Public Schools District Supervisor
APPROVED:

DR. PAULINO D. DE PANO


Chief Education Supervisor- Curriculum Implementation Division

Kopya ng Guro para sa Kasanayang Pakikinig

Para sa Aytem 5

Ang matinding init ng panahon sa Pilipinas ay nagdudulot ng iba't ibang epekto sa mga mamamayan
nito. Una, ang matinding init ay nagpapahina ng katawan at nagiging sanhi ng dehydration. Pangalawa, ito
ay nagdudulot ng pagtaas ng demand sa koryente. Maraming tao ang umaasa sa mga air conditioning at
electric fan upang mapalamig ang kanilang mga tahanan at opisina. Ito ay nagreresulta sa pagtaas ng
konsumo ng koryente at posibleng brownout o pagkawala ng supply ng koryente.

Para sa Aytem 11
Napagkaisahan sa isinagawang pagpupulong ng mga namumuno sa SPG na ang kanilang proyekto ay
ang pamamahagi ng basurahan sa bawat silid-aralan ng kanilang paaralan. Ito ay naglalayong mapanatili
ang kalinisan sa paaralan.

Para sa Aytem 17
Nagkaroon ng pagpupulong ang mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng San Francisco tungkol sa
magaganap na palarong pampaaralan. Nais ng mga mag-aaral na ang mga lalaki na lamang ang lalahok sa
mga palaro dahil sila ay mas bihasa rito. Samantala ang mga babae ay siyang maghahanda ng mga
gagamitin sa palaro.
Para sa Aytem 18
Ang mga magulang ng mag-aaral sa ika-anim na baitang ay nagkaroon ng pagpupulong noong Hunyo 2,
2023 ukol sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang mga anak. Napagkasunduan nila na sila ay tutulong sa
paghahanda at pagsasaayos ng bulwagang pagdarausan ng seremonya ng pagtatapos ng kanilang mga anak

FOURTH QUARTERLY EXAMINATION IN FILIPINO IV


ANSWER KEY

1. c 11. b 21. a 31. b


2. b 12. a 22. c 32. b
3. d 13. a 23. d 33. a
4. a 14. a 24. a 34. d
5. a 15. d 25. b 35. b
6. b 16. b 26. c 36. d
7. c 17. b 27. a 37. b
8. c 18. c 28. c 38. c
9. d 19. a 29. b 39. b
10. b 20. d 30. c 40. a

You might also like