You are on page 1of 5

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Pangalan:_________________________________________ Petsa:________________ Marka:__________


Baitang at Pangkat:_________________________________ Guro:_________________
PAKIKINIG
PANUTO: Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro at sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol dito.
1. Ano ang sanhi at naisipan ng pari na turuan ang kanyang kabayong sumunod na lamang sa kanyang mg utos?
a. dahil marami siyang parokyang pinupuntahan
b. dahil marami siyang gamit na dala kapag siya’y umaalis
c. dahil mahal ang pamasahe sa kanilang lugar
d. upang mapabilis ang kanyang lugar
2. Ano ang naging bunga nang sinubukang sumakay ng kanyang kaibigang pari sa kabayo?
a. nagbigay ito ng labis na kasiyahan sa kaibigan
b. natutuhan niyang sumakay sa kabayo at napatakbo ito ng mabilis
c. napahamak ang kanyang kaibigan
d. natupad ang kanyang kahilingan

PANUTO: Unawain ang sumusunod na mga pangyayari sa kuwentong napakinggan at bigyang kahulugan ang kilos ng mga tauhan.
3. Paulit-ulit na inutusan ng pari ang kabayo kaya pabilis ng pabilis ang takbo nito. Ang pari ay _________.
a. nalungkot c. nahiya
b. nasiyahan d. naguluhan
4. Napadpad sila sa bangin dahil sa mabilis na pagtakbo ng kabayo. Ang pari ay _________.
a. nabigla c. natakot
b. naguluhan d. nasiyahan
5. Ano ang angkop na pamagat sa kuwento?
a. Ang Masunuring Kabayo c. Ang Pari at ang Kabayo
b. Pagsunod sa Utos d. Ang Palautos na Pari
6. Ito ang mahahalagang pangyayari sa kuwentong napakinggan. Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa kuwento.
1. Nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo.
2. Bumisita ang kanyang kaibigang pari sa parokya.
3. Tinuran niya ang kanyang alagang kabayong sumunod na lamang sa kanyang utos.
4. Labis na nasiyahan ang pari sa kanyang pagsakay hanggang nakarating sila malapit sa bangin.
5. Dahil sa hindi sinasadyang utos, nahulog sila sa bangin

a. 5-4-3-2-1
b. 3-2-1-4-5
c. 3-4-5-1-2
d. 3-2-4-1-5
PAGSASALITA
PANUTO: Sabihin kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
7. Mabilis niyang iniligpit ang hinigaan.
a. pamaraan b. pamanahon c.pamilang d. panlunan
8. Ikaanim ng umaga nang gumising siya.
a. pamanahon b. panlunan c. pamaraan d. pamilang
9. Naglaro sila sa bakuran ng paaralan.
a. pamanahon b. pamilang c. pamaraan d. panlunan

PANUTO: Piliin sa mga salitang may salungguhit ang pang-uri o pang-abay. Isulat ang titik sa unahan ng bawat bilang.
___10. Malakas ang buhos ng ulan.
A B C D
___11. Matangos ang ilong ng babae.
A B C D
PANUTO: Piliin ang angkop na pang-ugnay sa bawat pangungusap. Piliin at itiman ang bilog na katabi ng tamang sagot.
12. Walang pagkakamali na hindi maitutuwid ______ ikaw ay nagsisi.
a. at b. kung c. dahil d. nang
13. Matagal na siyang naghihintay _____ hindi pa dumating ang kaibigan.
a. dahil b. habang c. subalit d. kapag
14. iniipon ni Lita ang kaunti ______ kinikita at ibinibigay sa kanyang nanay.
a. g b. na c. ng d. sa
15. ang enerhiya geothermal ay malinis dahil hindi ito nagbubuga ng usok _____ nakakasama sa katawan.
a. ng b. g c. at d. na
16. Habang kami ay naglalakad bumuhos ang malakas ______ ulan .
a. kung b. an c. ng d. dahil
17. Si Abegail ay umawit ______ tumutugtog ng gitara.
a. o b. habang c. dahil d. ngunit
18. Hindi na kami nakarating _____ sa lakas ng ulan.
a. kasi b. dahil c. kaya d. sapagkat
19. ang pagtanggap sa sariling kamalian ay kailangan _____ mapaunlad mo ang iyong sarili.
a. sapagkat b. dahil c. upang d. kaya
20. Tapat _____ serbisyong legal ang kayang-kaya nilang ibigay.
a. na b. sa c. ng d. kung

PAGBASA
PANUTO: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
21. Ako’y kabataang lalang ng panahon.
a. namumukod c. nakasama
b. nabuhay d. nalikha
22. Mga biyayang handog ng wastong paglingap.
a. pagsisikap c. pagbibigay
b. pagtulong d. pag-aalaga

PANUTO: Tukuyin ang sanhi o bunga ng mga pangyayari.


23. Anim na taon na ang nakalipas at malapit nang makatapos sa mababang paaralan si Sheryl. Ano sa palagay mo ang magiging
bunga ng kanyang pagsisikap?
a. magpapatuloy siya ng pag-aaral sa mataas na paaralan
b. makapagtatrabaho na siya
c. mamamasyal siya sa Luneta
d. mangingibang bansa na siya
24. Nag-aalala si Mang Juan sa paglisan sa kanyang pamilya. Ano kaya ang kanyang dahilan?
a. magkakaisa ang mga kaibigan
b. wala ng katuwang ang kanyang asawa sa pagdisiplina sa anak
c. di na sila magsasaya
d. Magliliwaliw ang pamilya

PANUTO: Isulat kung ano ang ginamit na pangkalahatang sanggunian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat.
25. Si Edwardo ay may takdang aralin sa asignaturang AP at kailangan niiyang alamin ang mga pangalan ng bagyong dumarating sa
ating bansa. Kailangan niyang gamitin ang isang teknolohiyang maaaring mapagkunan ng kaalaman sa tulong ng network ng mga
kompyuter sa buong mundo.
a. internet c. twitter
b. cellphone d. facebook
26. Ito ang pinagkukunan ng kahulugan, baybay, ispeling at pagpapantig ng mga salita; bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng
salita, pinanggagalingan ng salita at nakaayos ng paalpabeto.
a. diksiyonaryo c. almanac
b. atlas d. ensayklopedya

PANUTO: Isulat kung anong card catalog ang nararapat gamitin.


27. Upang mapabilis ang paghanap ng aklat na gagamitin sa iyong takdang aralin tungkol sa Ang Pilipinas sa taong 2000, anong kard
ang iyong gagamitin?
a. Kard ng Paksa c. Kard ng Pamagat ng Aklat
c. Kard ng Awtor d. Kard ng Pinaglimbagan
28. Nais mong malaman kung sino ang sumulat ng Hiyas sa Wikang Filipino 6.
a. Kard ng Paksa c. Kard ng Pamagat ng Aklat
c. Kard ng Awtor d. Kard ng Pinaglimbagan

PANUTO: Piliin ang wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
29. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil ang buhay nila’y isang kahig isang tuka.
a. hirap ang buhay c. wala siyang tiyaga
b. parang manok d. mag-aalaga siya ng manok
30. Si Michael ay siyang batang nasa ika-anim mna baitang. Mahilig siyang magbuhat ng sariling bangko.
a. nagbubuhat ng mabigat
b. nagdadala ng sariling bangko
c. pumuri sa sarili
d. masyadong matulungin

PANUTO: Basahin ang isang ulat. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Idineklara si Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao sa gitna ng mga armadong bakbakan laban sa
Islamistang pangkat na Maute sa lungsod ng Marawi. Dahil dito, pinayuhan ang mga sibilyan na magdobleng ingat at kung di
kinakailangan ay manatili muna sa kanilang mga tahanan.
31. Ano ang dineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte?
a. EDSA Revolution c. Batas Militar
b. Womens Desk d. Bantay Bata Act
32. Saang lugar sa ating bansa idineklara ang nasabing batas?
a. PICC c. Luneta, Manila
b. Emilio Aguinaldo Shrine d. Marawi, Mindanao
PANUTO: Piliin ang bahagi ng pahayagan na aangkop sa pangangailangan.
33. Sa pahinang ito mababasa ang kuro-kuro o puna na isinusulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa.
a. anunsyo klasipikado c. libangan
b. editoryal d. obitwaryo
34. Mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.
a. balitang komersyo c. libangan
b. balitang panlalawigan d. obitwaryo
PANUTO: Basahin at ibigay ang angkop na wakas ng teksto.
35. Si Rita ay palaging pinaaawit ng guro sa klase. Sa palatuntunan sa Linggo, si Rita ay aawit. Naiibigan ng mga tagapakinig ang
kanyang boses.
a. Napahiya si Rita sa kanyang guro.
b. Hindi na muling naka-awit si Rita.
c. Binigyan muli ng isang bahagi sa programang pampaaralan si Rita.
d. Napanghinaan ng loob si Rita na muling umawit.
36. Ang mga bata ay pinaghiwa-hiwalay ng upuan ng guro. May mga lapis at papel sa ibabaw ng sulatan ng kanilang upuan.
Pinagbalik-aral sila sa kanilang mga natutuhan nang nakaraang mga araw.
a. Nagkaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral
b. Umuwi ng maaga ang mga bata
c. Itinabi ng guro ang mga lapis at papel
d. Nasiyahan ang mga bata sa pag-aaral

PANUTO: Tukuyin ang panlapi na angkop sa salitang nakapanaklong.


37. (akyat)____ si Leo sa bundok ng Hibok-hibok kahapon kasama ng kayang mga kaibigan.
a. um- b. –an c. –in d. in-,-an
38. Dali-daling (kuha)____ ni Aling Beth ang kanyang bag upang makahabol sa susunod na byahe ng bus.
a. -in b. –um- c. –an d. –in-

PANUTO: Basahin mo ang isang bahagi ng sanaysay. Isulat ang O kung ang pangungusap ay Opinyon at K kung Katotohanan.
(Halaw sa Filipino : Wika sa Ating Panahon ni Alladin L. De Leon)
Ang Pilipinas ay ang bansang tinatawag na “Perlas ng Silangan” sapagkat ito ay tunay na maganda at kaakit-akit. Ang
kanyang pitong libo at sandaang mahigit na pulo ay parang mumunting perlas ng halaman na itinanim ng Makapangyarihang Diyos
sa malawak na karagatan ng Pacific. Tingnan mo mula sa kaitaasan at tila ito mga putul-putol na butil ng rosaryo na inihagis sa
parang walang katapusang karagatan.
__39. Ang Pilipinas ay binubuo ng higit sa 7,100 pulo.
__40. Napakaganda ng mga mumunting perlas
__41. Masayang mamasyal sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas.
PAGSULAT
PANUTO: Piliin ang wastong salita na nasa kahon na bubuo ng angkop na diwa sa tula.
puhunanin mithiin
sinilanga’y handog
kasaganaa’y
Hamon ng Kalikasan
Bayang _(42)_ may likas na yaman
Na _(43)_ sa atin nitong kalikasan:
Sa kaparangan man at sa kabundukan ,
Ang _(44)_ siyang mamasdan.

Ako’y kabataang may isang mithiin


Kalikasan natin ay muling buhayin;
Sipag at tiyaga siyang puhunanin
Pagkat siyang susi sa pag-unlad natin.

(45-50) PANUTO: Isaayos ang mga bahagi ng liham pangkaibigan sa tamang paraan ng pagkakasulat nito.
45. Mahal kong Edwin
46. Nagmamahal
47. She
48. 1245 F Cruzada St.
49-50. 4Quiapo Manila
Disyembre 8, 2007
Kumusta ka na? Binabati kita sa inyong pagkakapanalo sa pamaskong patimpalak ng inyong paaralan. Sina Markie, Kea, Bernard at
Rafael ay masaya din para sa iyo.
TABLE OF SPECIFICATION

BILANG NG BILANG NG
LAYUNIN CODE BAHAGDAN KINALALAGYAN
ARAW AYTEM
PAKIKINIG
Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga F6PN-IIIc-18
2 2 4 1-2
pangyayari
Naibibigay ang paksa ng napakinggang F6PN-IIId-19
1 1 2 3
teksto
F6PN-IIId-19
Naibibigay ang kahulugan ang kilos ng
2 2 4 4-5
tauhan sa napakinggang kuwento

Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa F6PN-IIIg-19


1 1 2 6
napakinggang talata
F6PN-IIIh-8.4
Napagsusunod-sunod na kronolohikal ang
1 1 2 7
mga pangyayari sa napakinggang teksto

PAGSASALITA
Nagagamit ang pariralang pang-abay sa F6WG-IIIa-c-6
paglalarawan ng paraan, panahon, lugar ng 3 3 6 8-10
kilos at damdamin
Nagagamit ang iba't ibang salita bilang F6WG-III-f-9
pang-uri at pang-abay sa pagpapahayag ng 2 2 4 11-12
sariling ideya
Nagagamit ng wasto ang mga pangatnig F6WG-IIIg-11 2 2 4 13-14

Nagagamit nang wasto ang pang-angkop F6WG-IIIi-10 2 2 4 15-16


Nagagamit ng wasto ang pang-angkop at F6WG-IIIj-12
4 5 10 17-21
pangatnig
PAGBASA
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di F6PT-IIIh-1.10
kilalang salita sa pamamagitan ng 2 2 4 22-23
depinasyon
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga F6PB-IIIb-6.2
2 2 4 24-25
pangyayari
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian F6EP-IIIb-6 2 2 4 26-27
Nagagamit ang card catalog F6EP-IIIc-f-9 2 2 4 28-29
Nabibigyang kahulugan ang idyoma o F6PT-IIIc-7.1
2 2 4 30-31
matalinghagang salita
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa F6PB-IIId-3.1.2
2 2 4 32-33
binasang ulat
Nagagamit ang iba't ibang bahagi ng F6EP-IIIc-7.1
2 2 4 34-35
pahayagan ayon sa pangangailangan
Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa F6PB-IIIg-17
tekso gamit ang dating 2 2 4 36-37
karanasan/kaalaman
Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang F6PT-IIIj-15
2 2 4 38-39
panlapi at salitang-ugat
Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o F6PP-IIIj-19
2 2 4 40-41
katotohanan
PAGSULAT
Nakasusulat ng tula F6PU-IIIc-2.2 3 3 6 42-44
Nakasusulat ng liham F5PU-IIIi-2.3 5 6 12 46-50
TOTAL 48 50 100 50

(1-7)Pinagyamang Pluma 6 pah. 186


May isang pari sa isang malayang parokya na may alagang kabayo. Dahil marami siyang gamit na dala kapag siya’y umaalis,
naisipan niyang turuan ang kanyang kabayong sumunod na lamang sa kanyang mg autos upang hindi na siya gumamit pa ng rendang
lubid. Maayos ang nagging resulta ng kanyang pagtuturo sa kabayo at hindi na nalalaglag ang mga kagamitan niya dahil nagagamit
niya ang dalawa niyang kamay upang hawakan mabuti ang mga ito. Kapag sinabi niyang ”Hay, salamat!” ay kumakaripas ng takbo
ang kabayo at kapag sinabi niyang “Manalangin tayo” ay kaagad itong humihinto.
Isang araw ay may bumisitang pari sa parokya. Labis ang tuwa nito ng malaman mula sa kaibigang pari ang itinuro sa
kabayo. “Subukan ko nga kung totoo ang sinabi mo,” ang wika nito sa kaibigan.
“hay, salamat!” utos niya sa kabayo na nagsimula naman ng pagtakbo. Nasiyahan ang pari at paulit-ulit niya itong inutos sa
kabayo na pabilis naman ng pabilis ang takbo. Labis na nasiyahan ang pari sa kanyang pagsakay hanggang makarating sila sa malapit
na bangin. Sa takot ng pari ay nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo. Nasa gilid nan g bangin nang
maalala niyang sabihing “Manalangin tayo.” At bigla naming huminto ang kabayo. “Hay, salamat!”, kasunod na wika ng pari...

SUSI SA PAGWAWASTO

1.b 18.b 36.c


2.c 19.b 37.b
3.a 20.c 38.a
4.b 21.a 39.d
5.c 22.d 40.K
6.a 23.d 41.O
7.d 24.a 42. sinilangan
8.a 25.b 43. handog
9.a 26.a 44. kasaganaa’y
10.c 27.a (45-50)
11.a 28.a __(48)___
12.a 29.b __(45)___,
13.b 30.a ___________(49-50)___________

You might also like