You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
Urdaneta City

DON ALIPIO FERNANDEZ, SR. INTEGRATED SCHOOL


Urdaneta City Pangasinan

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 6
S.Y. 2019-2020

Pangalan: __________________________________________ LRN: _____________________ Puntos: ________


Baitang at Seksyon: _____________________________________ Guro: ___________________________________

I. PAKIKINIG:
Panuto: Pakinggang mabuti ang talaarawang babasahin ng guro. Bilugan ang titik ng wastong sagot sa mga
tanong tungkol sa napakinggang talaarawan.

1. Sa talaarawang inyong napakinggan, ano ang ginagawa ng pulubi sa araw ng Lunes?


a. Pumapasok sa paaralan. c. Namamalimos sa may simbahan.
b. Nagtitinda sa lansangan. d. Namamasukan bilang katulong.

2. Anong magandang katangian ang ipinakikita ng bata sa talaarawan sa tuwing araw ng Linggo?
a. Pagpunta sa simbahan upang mandukot sa mga maninimba.
b. Pagpunta sa simbahan upang magmakaawa sa mga taong nagsisimba.
c. Pagpunta sa simbahan upang magpasalamat sa Diyos at humingi ng biyaya.
d. Pagpunta sa simbahan upang mamalimos at ng magkaroon ng maraming pera.

Panuto: Pakinggan ang tekstong babasahin ng guro at bilugan ang titik ng wastong sagot kaugnay sa
katanungan batay sa napakinggan.

3. Tungkol saan ang tektstong napakinggan?


a. Tungkol sa pag-aalaga ng bata. c. Tungkol sa pag-aalaga ng paaralan.
b. Tungkol sa pag-aalaga ng hayop. d. Tungkol sa pag-aalaga ng kalikasan.

Panuto: Bigyang kahulugan ang kilos ng tauhan na babasahin ng guro. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

4. a. umaasa b. pag-aalala
c. pag-iingat d. pagmamalaki

Panuto: Pakinggan ang kwentong babasahin muli ng guro. Pagkatapos makinig, bilugan ang titik ng wastong
sagot sa bilang 5-8.

5. Ano ang sanhi at naisipan ng pari na turuan ang kanyang kabayong sumunod na lamang sa kanyang mga
utos?
a. Upang mapabilis ang kanyang lugar.
b. Dahil mahal ang pamasahe sa kanilang lugar.
c. Dahil marami siyang parokyang pinupuntahan.
d. Dahil marami siyang gamit na dala kapag siya’y umaalis.

6. Ano ang angkop na pamagat sa kuwento?


a. Pagsunod sa Utos c. Ang Pari at ang Kabayo
b. Ang Palautos na Pari d. Ang Masunuring Kabayo
7. Ano ang paksa ng kuwentong napakinggan?
a. Ang Matalinong Pari c. Ang Pakialamerong Pari
b. Ang Mabilis na Kabayo d. Ang Pagsunod ng Kabayo sa Utos ng Pari

8. Ito ang mahahalagang pangyayari sa kuwentong napakinggan. Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa kuwento.
1. Nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo.
2. Bumisita ang kanyang kaibigang pari sa parokya.
3. Tinuruan niya ang kanyang alagang kabayong sumunod na lamang sa kanyang utos.
4. Labis na nasiyahan ang pari sa kanyang pagsakay hanggang nakarating sila malapit sa bangin.
5. Dahil sa hindi sinasadyang utos, nahulog sila sa bangin.

A. 5-4-3-2-1 C. 3-4-5-1-2
B. 3-2-1-4-5 D. 3-2-4-1-5

II. WIKANG BINIBIGKAS:


Panuto: Basahin ang sumusunod na mga katanungan. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

9. Alin sa mga magagalang na pananalita ang angkop gamitin kapag may mensaheng nais ipaalam?
a. Kumusta po kayo? c. Tao po, nariyan po ba si____.
b. Mawalang-galang na po. d. Pagpalain po kayo ng Maykapal.

III. GRAMATIKA:
10. Ang mga Pilipino ay patuloy na nagsiksikan upang makita si Pope Francis. Tukuyin ang pariralang pang-abay
sa pangungusap.
a. mga Pilipino c. si Pope Francis
b. upang makita d. patuloy na nagsiksikan

11. Sa Apostolic Nunciature laging nagpapahinga ang Santo Papa. Alin ang pariralang pang-abay?
a. Santo Papa c. Apostolic Nunciature
b. Sa Apostolic d. laging nagpapahinga

12. Hindi man lang napagod sa motorcade si Pope Francis. Ang may salungguhit ay tinatawag na _____.
a. pariralang pang-uri c. pariralang pang-abay
b. Pariralang pandiwa d. pariralang pangngalan

13. Alin ang akmang gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap? _______ ko sa telebisyon ang pagdating
ng Santo Papa.
a. Laging nagpapahinga c. Hindi man lang napagod
b. Patuloy na nagsisiksikan d. Kinilabutan ako ng napanood

14. Malakas ang buhos ng ulan. Alin ang pang-abay sa pangungusap?


a. ng b. ulan c. buhos d. malakas

15. Matangos ang ilong ng babae. Alin ang pang-uri sa pangungusap?


a. ng b. ilong c. babae d. matangos

Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

16. Walang pagkakamali na hindi maitutuwid ______ ikaw ay nagsisi.


a. at b. kung c. nang d. dahil

17. Iniipon ni Lita ang kaunti ______ kinikita at ibinibigay sa kanyang nanay.
a. g b. na c. ng d. sa
IV. PAG-UNAWA SA BINASA
18. Malakas ang hangin at ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Ang mga magsasaka ay nagtatali ng mga bubong
ng kanilang bahay. Ang mga hayop ay inilagay nila sa silong ng bahay. Alin sa mga sumusunod ang
akmang wakas ng teksto?
a. Naging ligtas ang lahat sa nagdaang bagyo.
b. Natulog nang mahimbing ang mga magsasaka.
c. Maraming hayop ng magsasaka ang namatay.
d. Tinangay ng malakas na hangin ang bubong ng bahay ng magsasaka.

19. Napakalakas ng ulan at hangin na nagdaan kagabi kaya ____. Piliin ang HINDI kabilang sa mga naging
bunga nito.
a. Lumubog ang mga tirahan. c. Nawasak ang mga pananim sa bukid.
b. Nawala ang mga tao sa pamayanan. d. Nasira ang mga tindahan sa paligid.

Panuto: Basahin ang tekstong pang-impormasyon. Pagkatapos sagutin ang tanong ukol sa binasa.

Pumasok sa Pilipinas ang bagyong Yolanda noong ika-3 ng Nobyembre, 2013 at nanalasa ito sa
Tacloban. Sa kabila ng mga pag-iingat, marami pa rin ang namatay at nawalan ng ikinabubuhay dahil sa
tindi ng lakas nito. Maraming tao ang naapektuhan ng nasabing bagyo. Lumubog sa baha ang Tacloban at
marami ang hindi nakaligtas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabangon ang Tacloban dahil sa tindi
ng pinsala nito.

20. Paano nawalan ng kabuhayan at mga mahal sa buhay ang mga taga Leyte at Samar dahil sa bagyong
Yolanda?
a. Nagkaroon ng buhawi sa buong Tacloban.
b. Umulan ng buhangin sa buong Samar at Leyte.
c. Lumubog sa baha ang Tacloban na na naging dahilan ng pag-apaw ng tubig sa dagat.
d. Umihip ang malakas na hangin at marami ang napawid ng hangin sa dalampasigan.

21. Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabangon ang ilang bayan sa Kabisayaan dahil sa bagyong
Yolanda?
a. Dahil hindi sila nagkakaisa.
b. Dahil sa tindi ng pinsala nito.
c. Dahil walang tumutulong sa kanila.
d. Dahil tamad ang mga tao sa buong Kabisayaan.

PANUTO:Basahin ang ulat. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao sa gitna ng mga
armadong bakbakan laban sa Islamistang pangkat na Maute sa lungsod ng Marawi. Dahil dito,
pinayuhan ang mga sibilyan na magdobleng ingat at kung di kinakailangan ay manatili muna sa
kanilang mga tahanan.

22. Ano ang dineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte?


a. Batas Militar c. EDSA Revolution
b Bantay Bata Act d. National Heroes Day

23. Saang lugar sa ating bansa idineklara ang nasabing batas?


a. PICC c. Marawi, Mindanao
b. Luneta, Manila d. Emilio Aguinaldo Shrine
V. ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL
Panuto:Bilugan ang titik ng wastong sagot kung ano ang ginamit na pangkalahatang sanggunian sa mga
sumusunod na sitwasyon.

24. Si Ivan ay may takdang aralin kay Gng. Maricel N. Tuico ukol sa asignaturang AP at kailangan niyang alamin
ang mga pangalan ng bagyong dumarating sa ating bansa. Kailangan niyang gamitin ang isang
teknolohiyang maaaring mapagkunan ng kaalaman sa tulong ng network ng mga kompyuter sa buong
mundo.
a. Twitter c. Cellphone
b. Internet d. Facebook

25. Nais malaman ni Aubrey ang mapagkukunan niya ng mga kahulugan, baybay, ispeling at pagpapantig ng
mga salita; bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita, pinanggagalingan ng salita at nakaayos ng
paalpabeto na itinakda sa kanila ng kanyang guro sa Filipino na si Gng. Nemesia L. Maralit. Alin sa mga
sumusunod na sanggunian ang kanyang gagamitin?
a. Atlas c. Diksiyonaryo
b. Almanac d. Ensayklopedya

26. Naguguluhan si Elizabeth sa sangguniang maaari niyang magamit na matatagpuan sa kanilang silid aklatan.
Nais niyang mabatid ang isa sa pangkalahatang sanggunian na naglalaman ng mga impormasyon
tungkol sa iba’t ibang paksa. Isa pa nais niyang mapatunayan ang tungkol sa isang artikulo na
pinagtataluhan nila ng kaniyang kaibigang si Mark Joven. Ayon sa kanyang kaalaman, makikita rin sa
sangguniang ito ang mga artikulo tungkol sa mga katotohanan ng isang bagay, tao, pook o pangyayari.
Kung ikaw si Elizabeth, alin sa mga sumusunod ang gagamitin mo?
a. Atlas c. Diksiyonaryo
b. Almanac d. Ensayklopedya

Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot kung anong card catalog ang nararapat gamitin sa sumusunod na
kalagayan.

27. Upang mapabilis ang paghanap ng aklat na gagamitin sa iyong takdang aralin tungkol sa Ang Pilipinas sa
taong 2000, anong kard ang iyong gagamitin?
a. Kard ng Paksa c. Kard ng Pinaglimbagan
b. Kard ng Awtor d. Kard ng Pamagat ng Aklat

28. Nais mong malaman kung sino ang sumulat ng Alab Filipino 6.
a. Kard ng Paksa c. Kard ng Pinaglimbagan
b. Kard ng Awtor d. Kard ng Pamagat ng Aklat

29. Anong card catalog ang iyong gagamitin kung binigyan ka nito para sa iyong takdang aralin, “Salamisim,
Wika at Pagbasa 6”?
a. pinaglimbagan c. call number card
b. pahina ng paksa d. pamagat ng aklat

Panuto:Piliin ang bahagi ng pahayagan na aangkop sa pangangailangan.

30. Sa pahinang ito mababasa ang kuro-kuro o puna na isinusulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong
paksa.
a. libangan c. obitwaryo
b. editoryal d. anunsyo klasipikado

31. Mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.
a. libangan c. balitang komersyo
b. obitwaryo d. balitang panlalawigan
32. Naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan.
a. isports c. anunsyo klasipikado
b. editoryal d. pangmukhang pahina

VI. PAG-UNLAD NG TALASALITAAN


Panuto: Bilugan ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

33. Ako’y kabataang lalang ng panahon.


a. nalikha c. nakasama
b. nabuhay d. namumukod

34. Mga biyayang handog ng wastong paglingap.


a. pagtulong c. pagbibigay
b. pagsisikap d. pag-aalaga

35. Kailan man hindi nagtatagumpay ang mga taong palalo.


a. pasaway c. mayabang
b. masungit d. maramdamin

Panuto: Bilugan ang titik ng wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.

36. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Jesse dahil kabilang sila sa mga mamamayan ng bansa na may buhay na
isang kahig, isang tuka.
a. parang manok c. wala siyang tiyaga
b. hirap ang buhay d. mag-aalaga siya ng manok

37. Marami ang hindi natutuwa kay Michael sa kanyang mga kamag-aaral sa ika-anim na baitang sapagkat
mahilig siyang magbuhat ng sariling bangko.
a. pinupuri ang sarili c. nagbubuhat ng mabigat
b. masyadong matulungin d. nagdadala ng sariling bangko

Panuto: Bilugan ang titik ng wastong panlapi na angkop sa salitang nakapanaklong.


38. (akyat)____ si Lou sa bundok ng Makiling kahapon kasama ng kanyang mga kamag-aaral.
a. an- b. –in c. –um d. in-,-an

39. Dali-daling (kuha)____ ni Trisha ang kanyang bag upang makahabol sa susunod na byahe ng eroplano
patungong Surigao.
a. -an b. –in c. –in- d. –um-

40. Binuksan ni G. Natanauan ang regalong (bigay)____ ng mga guro para sa kanyang kaarawan.
a.-an b. -in c. -um d. i-, -in-
VII.PAGSULAT
Panuto: Piliin ang wastong salita na nasa kahon na bubuo ng angkop na diwa sa tula.

a. mithiin d. puhunanin
b. handog e. sinilanga’y
c. kasaganaa’y

Hamon ng Kalikasan
Bayang _(41)_ may likas na yaman
Na _(42)_sa atin nitong kalikasan:
Sa kaparangan man at sa kabundukan ,
Ang _(43)_ siyang mamasdan.

Ako’y kabataang may isang _(44)_


Kalikasan natin ay muling buhayin;
Sipag at tiyaga siyang _(45)_,
Pagkat siyang susi sa pag-unlad natin.

Panuto: Isaayos ang mga bahagi ng liham pangkaibigan sa tamang paraan ng pagkakasulat nito.(46-50)
46. Mahal kong Lolie,

47. Nagmamahal,
48. Andrea
49. 143 Sitio Dayapan,
Bilogbilog, Tanauan City
Disyembre 20, 2017
50. Kumusta ka na? Binabati kita sa inyong pagkakapanalo sa pampaaralang patimpalak ng inyong paaralan.
Balita ko, tinanghal kang Bb. Bilogbilog 2017. Sina Edelaiza, Cassandra, Naithan at Justine ay masaya din para
sa iyo.

Inihanda ni: Sinuri ni: Pinagtibay ni:

AIKO B. IDIO BETTY M. GUTIERREZ DENNIS A. FERNANDEZ


Guro Master Teacher II Principal I
Republic of the Philippines

Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
Urdaneta City

DON ALIPIO FERNANDEZ, SR. INTEGRATED SCHOOL


Urdaneta City Pangasinan

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


KEY ANSWER
FILIPINO 6
S.Y. 2019-2020

1. B 26. D
2. C 27. A
3. D 28. B
4. B 29. D
5. D 30. B
6. D 31. D
7. D 32. A
8. D 33. A
9. C 34. D
10. D 35. C
11. C 36. B
12. C 37. A
13. D 38. C
14. D 39. C
15. D 40. D
16. B 41. E
17. C 42. B
18. A 43. C
19. B 44. A
20. C 45. D
21. B 46.
22. A 47.
23. C 48. PAGSULAT NG LIHAM
24. B 49.
25. C 50.

Inihanda ni: Sinuri ni:

AIKO B. IDIO BETTY M. GUTIERREZ


Guro Master Teacher II

Pinagtibay ni:

DENNIS A. FERNANDEZ
Principal I
PAKIKINIG:
Pakinggan ang talaarawan aking babasahin. Sagutan ang mga katanungan pagkatapos
mapakinggan. (
Isang Linggong Karanasan ng Isang Pulubi (1-2)

Lunes – Malungkot akong namamalimos sa simbahan. Kailangan kong makaipon upang


makatulong sa aking pamilya.
Martes – Halos nakabilad ako sa araw sa buong maghapon. Masaya na akong may mga
nagbibigay sa akin ng limos.
Miyerkules – Ito pa rin ang aking damit. Marumi na. Hindi pa rin ako nagpapalit. Sana’y
magkaroon ako ng bagong damit.
Huwebes – Nakabili ako ng sardinas sa tindahan. Sa wakas ay may masarap kaming ulam sa
hapag.
Biyernes – Napadaan ako sa paaralan habang namamalimos. Sana ay nakakapag-aral ako.
Sabado – Malakas na umiiyak ang aking kapatid sa kaniyang higaan. Siya ay may sakit.
Sana’y marami akong mapalimos upang maibili siya ng gamot.
Linggo – Pumunta ako sa simbahan, hindi para mamalimos, kundi para magpasalamat sa
Diyos at humingi ng biyaya.
Malinis na Paligid ; Malinis na Nais! (3)

Maraming paraan upang mapanatili ang kalinisan sa paligid. Sa pamamagitan ng iba’t ibang
kampanya ay matutuhan ng bawat isa ang pagmamahal sa kalikasan at pagpapahalaga sa kalinisan.
Ilan sa mga ito ay ang mga kampanyang Clean As You Go (CLAYGO), Bring Your Own Baunan
(BYOB), at Waste Segregation. Sa pamamagitan ng mga programang ito, kinikilala natin na tayo ay
katuwang ng Maykapal sa pag-aalaga ng kaniyang mga likha sa pamamagitan ng pag-alam natin
natin sa ating mga tungkulin at pagkakaroon ng kongkretong pagkilos para pangalagaan an gating
mga likas-yaman.

4. “Baka narito ang ating hinahanap na swerte,” ang sabi ni Jerard.

Pinagyamang Pluma 6 pah. 186 (5-8)

May isang pari sa isang malayang parokya na may alagang kabayo. Dahil marami siyang
gamit na dala kapag siya’y umaalis, naisipan niyang turuan ang kanyang kabayong sumunod na
lamang sa kanyang mg autos upang hindi na siya gumamit pa ng rendang lubid. Maayos ang
nagging resulta ng kanyang pagtuturo sa kabayo at hindi na nalalaglag ang mga kagamitan niya dahil
nagagamit niya ang dalawa niyang kamay upang hawakan mabuti ang mga ito. Kapag sinabi niyang
”Hay, salamat!” ay kumakaripas ng takbo ang kabayo at kapag sinabi niyang “Manalangin tayo” ay
kaagad itong humihinto.
Isang araw ay may bumisitang pari sa parokya. Labis ang tuwa nito ng malaman mula sa
kaibigang pari ang itinuro sa kabayo. “Subukan ko nga kung totoo ang sinabi mo,” ang wika nito sa
kaibigan.
“hay, salamat!” utos niya sa kabayo na nagsimula naman ng pagtakbo. Nasiyahan ang pari at
paulit-ulit niya itong inutos sa kabayo na pabilis naman ng pabilis ang takbo. Labis na nasiyahan ang
pari sa kanyang pagsakay hanggang makarating sila sa malapit na bangin. Sa takot ng pari ay
nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo. Nasa gilid nan g bangin nang
maalala niyang sabihing “Manalangin tayo.” At bigla naming huminto ang kabayo. “Hay, salamat!”,
kasunod na wika ng pari...

You might also like