You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region _____________
DIVISION OF ________________
____________________ ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
Third Periodical Test in AP 5
2022-2023

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT
COMPETENCY CODE Evaluate / No. of Items
Remember / Understand/ Apply/ Analyze / Create /
Synthesiz
Knowledge Comprehension Application Analysis Evaluation
e
1. Naipaliliwanag ang mga paraan ng 1-3,5 6,7,8,9 4,10 10
pagtugon ng mga Pilipino sa
kolonyalismong Espanyol (Hal. Pag - aalsa,
pagtanggap sa kapangyarihang kolonyal/
kooperasyon)
2. Napahahalagahan ang pagtatanggol ng 16,18,19,2 11,13,14,1 17 12 10
mga Pilipino laban sa kolonyalismong 0 5
Espanyol
3. Natatalakay ang impluwensya ng mga 26,28 21,22,23 24,25,2 29,30 10
Espanyol sa kultura ng mga Pilipino 7
4. Nasusuri ang kaugnayan ng 36,39 31-35 37,38 40 10
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino
5. *Napahahalagahan ang mga katutubong 47,47 41,42,4 10
Pilipinong lumaban upang mapanatili ang 3,44,45
kanilang kasarinlan ,48,49,
50
TOTAL NUMBER OF ITEMS 12 18 1 14 4 1 50
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF _________
District of _____________
THIRD PERIODICAL TEST IN AP 5
2022-2023

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____
Panuto: Piliin ang tamang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay nangangahulugang sagot o reaksyon. Sa ingles, answer, response, o reaction.


a. karahasan b. pagtugon c. rali at welga d. kurapsyon
2. Siya ay isang Espanyol na naglakbay noong ika-20 ng Setyembre taong 1519 mula sa San Lucar de
Barramuda Spain, Dumating sa Pilipinas noong ika-17 ng Marso taong 1521 sa isang pulo ng humonhon
sa bukana ng Leyte.
a. Legazpi b. Magellan c. Goiti d. Lapu-Lapu
3. Ang ibinigay ng dayuhang Espanyol sa pinuno ng Cebu.
a. Hikaw b. Pagkain c. Pera d. Imahe ng Sto.Nino
4. Ito ay tumutukoy sa isang tahasang pagsuway ng mga tao sa isang punong otoridad.
a. katiwalian b. pag-aalsa c. karahasan d. rali at welga
5. Ang grupong etniko ng Pilipinas na hindi nasakop ng mga Espanyol?
a. Bajao b. Islam c. Igurot d. Kristiyano
6. Ito ay katawagan sa isang katutubong pangkat na mula sa salitang Tagalog na “GOLOT” at sa
pagdagdag ng unlaping “I” ito ay nangangahulugang “Tagabulubundukin”.
A. Muslim B. Igorot C. Espanyol D. Tausug
7. Siya ang nakatuklas ng deposito ng ginto sa Cordillera. Sino ang tinutukoy dito?
A. Miguel Lopez de Legazpi C. Lapu-lapu
B. Ferdinand Magellan D. Lakandula
8. Saang kabundukan sa Pilipinas nakatira ang mga Igorot?
A. Sierra Madre B. Cordillera C. Zambales D. Banahaw
9. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga katutubong pangkat na Igorot?
A. Moro B. Tribus Independientes
C. Kristiyanismo D. Animismo
10. Ang mga sumusunod ay mga Layunin ng Espanyol sa kanilang ginawang pananakop sa katutubong
pangkat na Igorot Maliban sa isa. Alin ito?
A. Nais nilang makuha ang deposito ng ginto sa mga Igorot.
B. Nais ng mga Espanyol na matutuhan ang pangangayaw.
C. Pinatupad nila ang Monopolyo ng Tabako.
D. Pagpapalaganap nila ng Kristiyanismo.
11. Ilan ang pag-aalsang naganap sa loob ng 333 na pananakop ng nga Kastila?
a. mahigit sa 203 b. mahigit sa 200
c. mahigit sa 100 c. Mahigit sa 250
12. Bakit nagkakaroon ng labanan sa ibat ibang panig ng bansa sa pamamahala ng mga Espanyol?
a. dahil sa sobrang higpit nito
b. dahil sa pang-aabuso at pagmamalabis
c. dahil sa sobrang pagmamahal ng mga kastila sa mga Pilipino
d. dahil sa katiwalian
13. Paano nakipaglaban ang ating mga ninuno noon?
a. patas b. dahas c. sukdulan at kamatayan d. kasakiman
14. Paano ipinakikita ng ating mga Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan?
a. Sa pagkupkop ng mga kanluranin
b. Sunod sunuran lamang sa mga kastila
c. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban at pagtatanggol nito
2|P a g e
d. Pagsasawalang-kibo ng lahat
15. Alin ang hindi kasama sa reaksyong ipinakita ng mga Pilipino Laban sa mga kastila?
a. pag-aalsa b. rebelyon c. Pagmamahal d. katiwalian
16. Ano ang pinakamalawak na pagbabago sa Pilipinas ang naganap sa buhay ng mga katutubong
Pilipino dulot ng kolonyalismong Espanyol?
A. Pagtatatag ng pamhalaang kolonyal.
B. Pagyakap ng mga katutubo sa Kristiyanismo.
C. Pagbabago sa mga tahanan ng mga katutubong Pilipino.
D. Pagbibigay ng pangalan ng mga Pilipino sa kanilang mga anak.
17. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon ng mga katutubong Pilipino sa ginawang pananakop ng
mga Espanyol?
A. Pakikipagkaibigan B. Paggalang
C. Pag-aalsa D. Pagmamahal
18. Sa panahon ng kolonyalismo, ang mga Espanyol ang pinakamataas na uri, sumunod ang mga
mestizo. Ano naman ang tawag sa pinakamababang uri nito?
A. Katutubong Pilipino B.Prayle C. Encomiendero D. Mestizo
19. Sa kabila ng armadong pakikipaglaban ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino, iba’t-iba ang
naging tugon ng mga ito. May ilang katutubong lumagda ng kasunduan sa mga Espanyol.
A. Tama B. Mali C. Maaari D. Hindi sigurado
20. Isang kinatakutang tradisyon at paraan ng pagtugon ng mga katutubong Igorot laban sa mga
Espanyol ay ang pagpugot sa ulo ng mga kaaway nito.Ano ang tawag dito?
A. Pagbigti B. Pagpana C. Pagbaril D. Pangangayaw
21. Alin sa mga sumusunod ang impluwensya ng mga Espanyol sa pananamit?
A. bahag at kanggan C. camisa chino, pantalon
B. mini skirt D. sombrero
22. Anong batas ang ipinasa ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria nagbigay apelyido sa mga Pilipino
noong 1849?
A. Batas Militar C. Executive Order 1849
B. Claveria Decree 1849 D. Doctrina Cristina
23. Alin sa mga sumusunod na lutuin ng mga Espanyol ang hindi kabilang sa grupo?
A. Mechado B. Sardinas C. Pochero D. noodles
24. Ano ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593 na naglalaman ng mga dasal?
A. Rosaryo C. La Solidaridad
B. Doctrina Cristiana D. Noli Me Tangere
25. Saan yari ang mga simbahan noon bago pa dumating ang mga Espanyol?
A. kawayan at nipa C. semento at bato
B. rattan at narra D. Metals
26. Kung ang mga kalalakihan ay may sombrero sa ulo noong panahon ng mga Espanyol na hanggang
sa kasalukuyan, ano naman ang tawag sa nilalagay ng mga kababaihan na palamuti sa kanilang mga
buhok?
A. Balabal B. Peneita C. Ropilla D. Panuelo
27. Ilan ang kabuuang bilang ng mga apelyidong Espanyol ang maaring pagpilian ng mga Pilipino noon?
A. 81,000 B. 61,000 C. 51,000 D. 41,000
28. Saan nakatala ang mga apelyidong Espanyol na binigay sa mga Pilipino na maaaring gamitin sa
kanilang pagpapangalan?
A. Catalogo alfabetico de apellidos C. Español de apellidos
B. Catalogo de Español D. Catalogo apellidos
29. Isa sa mga kasuotan ng mga kababaihan sa panahon ng Espanyol ay baro’t saya, kimona at
mantilla. Ano naman ang ibig sabihin ng “Panuelo”?
A. Balabal C. Hikaw B. Suklay D. Malaking panyo
30. Sinong Gobernador-Heneral ang nagbigay ng kautusan sa pagpapagamit ng mga apelyidong
Espanyol sa mga Pilipino?
A.Gobernador-Heneral Jose Y Basco
B. Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legazpi
C. Gocernador- Heneral Narciso Claveria Bautista
D. Gobernador-Heneral Luis Perez Dasmariñas
3|P a g e
31. Ito ay itinuturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng
pag-iisip at pamumuhay ng mga Pilipino.
a. Nasyonalismo b. Age of Enlightenment
c. Cadiz Constitution of 1812 d. Merkantilismo
32. Nakikilala siya sa kanyang liberal na pamamahala at maraming Pilipino ang nagtitiwala sa kanya.
a. Joseph Bonaparte
b. Ventura de los Reyes
c. Gobernador-Heneral Carlos Maria de la Torre
d. Haring Philip
33. Ito ay nilikha dahil hangad ng Spain na wakasan ang pangaabusong dala ng sistemang
konserbatibong umiiral sa kanilang bansa.
a. Cadiz Constitution of 1812 b. La Illustracion
c. American Revolution d. Barter Trade
34. Ang prinsipyong pinaniniwalaang sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay tinatawag na
a. Kalakalang Galyon b. Ginto at pilak
c. Merkantilismo d. Sekularisasyon
35. Sila ang tatlong paring pinagbintangang namuno sa pag-aalsa sa Cavite na hinatulan ng kamatayan
at ginarote MALIBAN kay
a. Jose Burgos b. Mariano Gomez
c. Jacinto Zamora d. Pedro Pelaez
36. Ayon sa merkantilismo, ang tunay na sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay ang dami ng
mahahalagang metal tulad ng ______ at ______ na pagmamay-ari nito.
A. ginto at iron C. pilak at ginto
B. ginto at tanso D. pilak at tanso
37. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang pinakamahalagang epekto ng La Ilustracion at Cadiz
Constitution dito sa Pilipinas?
A. Napukaw ang kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino
B. Napalitan ang merkatilismo ng malayang kalakalan
C. Sumiklab ang pag-aalsa sa Ilocos
D. Napatigil ang kalakalang galyon
38. Bakit ipinatigil ni Gobernador-Heneral Jose de Gardoqui Jaraveitia ang pagpapatupad ng Cadiz
Constitution dito sa Pilipinas? Ito ay dahil _____________.
A. hindi kakayaning masuportahan ng kolonya ang pangangailangan ng Pamahalaang
Espanyol sa Pilipinas kung ititigil ang pangongolekta ng buwis
B. kumalat ang pag-aalsa ng mga katutubo sa iba’t-ibang bayan ng Ilocos
C. walang tiwala ang mga Espanyol sa mga Pilipino
D. ayaw ng mga Pilipino na ipatupad ito
39. Bakit nalikha ang Cadiz Constitution? Ito ay dahil gusto nilang _______________.
A. mapalapit sa mga Pilipino
B. ipatigil ang kalakalang galyon
C. makagawa ng isang konstitusyon
D. wakasan ang mga pang-aabuso dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa bansa.
40. Paano tumugon ang mga Pilipino sa mga pangyayari at pagbabago sa loob ng bansa sa panahon ng
kolonyalismo?
A. Naging sunud-sunuran at alipin sa sariling bayan.
B. Nagkaisa sa pag-aaklas upang maibalik ang kanilang kalayaan.
C. Sumang-ayon sa mga bagong patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.
D. Tumulong sila upang mapabilis ang pagpalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.
41. Bakit hinuli sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora?
A. upang ikulong sila habang buhay
B. dahil hindi nila sinunod ang utos ng hari ng Espanya
C. upang tanggalan sila ng kapangyarihan na makapagmisa
D. dahil sila ang napagbintangang namuno sa pag-aalsa sa Cavite
42. Kailan hinatulan ng kamatayang garote ang tatlong paring Pilipino?
A. Pebrero 7, 1872 C. Pebrero 25, 1896
B. Pebrero 17, 1872 D. Pebrero 25, 1986
4|P a g e
43. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol?
A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
B. Pagsingil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino.
C. Mabuting pakitungo ng mga Espanyol sa mga katutubo.
D. Pangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.
44. Alin sa mga sumusunod na katangian ng mga katutubo ang higit na nagpapakita ng pagpapahalaga
sa sariling kultura at paniniwala?
A. Tahimik na namuhay sa kabila ng mga pananakop.
B. Nag-alsa at nagbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang ating bayan.
C. Tumakas at lumayo upang hindi marating ng mga dayuhan na mananakop.
D. Tinanggap ang mga pagbabagong dala ng mga armadong mananakop na Espanyol.
45. Bakit nahirapan ang mga Espanyol na tuluyang sakupin ang mga katutubo?
A. Layo-layo ang kanilang mga tirahan.
B. Marami sa kanila ang lumaban at nag-alsa.
C. Iba’t iba ang lingguwahe o wika ng mga katutubo.
D. May iba’t ibang lingguwahe, layo-layong tirahan at palaban ang mga katutubo
46. Kung ikaw ay isang rebolusyunaryong nabuhay noong panahon ng kolonyalismo, anong mga
katangian ang dapat mong taglayin upang maipagpatuloy ang sinimulang pakikibaka para sa kasarinlan
ng bansa?
A. pagmamahal sa bayan C. pagkamaagap
B. pagmamahal sa sarili D. pagkamasipag
47. Paano nakatulong ang naging karanasan ng mga unang Pilipino na nag-aklas laban sa mga Espanyol
sa pagbuo ng damdaming makabayan?
A. Hindi ako apektado sa mga karanasan ng mga bayaning Pilipino.
B. Magiging daan ito upang ako ay makapagtapos ng aking pag-aaral.
C. Dahil sa mga karanasang ito ako ay mananatiling tikom ang bibig sa katotohanan.
D. Nagsilbi itong inspirasyon upang mas higit kong pahalagahan ang tinatamasa kong
kalayaan sa kasalukuyan.
48. Ibinuwis ng ating mga bayani ang kanilang buhay upang matamo ng ating bansa ang kalayaang
nararanasan natin sa kasalukuyan. Paano mo pahahalagahan ang mga ginawang ito ng ating mga
bayani?
A. Pagtaguyod sa gawain ng mga rebelde
B. Paglingkod nang tapat at pagsusunod sa batas
C. Pagsuporta sa mga adhikain ng mga terorista
D. Paghadlang sa mga proyektong magtataguyod ng pambansang seguridad
49. Alin sa mga sumusunod ang dahilan sa pagbagsak ng armadong pananakop ng mga Espanyol sa
ilang piling katutubong pangkat?
A. Naging mapanuri sila.
B. Nagising na ang diwang makabansa ng mga Pilipino.
C. Natuklasan na ng mga Pilipino ang plano ng mga Espanyol.
D. Nais matanyag ng mga Pilipino kung kaya’t pinili nilang lumaban.
50. Batid natin na nakakaranas tayo ng kahirapan sa kinaharap nating pandemya dulot ng COVID-19,
alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga frontliners bilang
bagong bayani?
A. Kutyain at maliitin dahil sa kanilang mga trabaho.
B. Iwasan ang mga frontliners sa takot na mahawaan ng sakit.
C. Pagsabihan na mas mabuting magtrabaho na lamang sa ibang bansa.
D. Bigyang suporta sa kanilang mga kailangan at bigyang pugay sa kani- kanilang trabaho

5|P a g e
ANSWER KEY FOR AP 5

No. Answer No. Answer

1 B 26 B

2 B 27 B

3 D 28 A

4 B 29 D

5 B 30 C

6 B 31 B

7 A 32 C

8 B 33 A

9 D 34 C

10 B 35 D

11 B 36 D

12 B 37 A

13 C 38 B

14 C 39 C

15 C 40 D

16 B 41 C

17 C 42 C
18 A 43 B
19 A 44 D
20 D 45 B
21 C 46 C
22 B 47 B
23 D 48 D

24 B 49 A

25 A 50 D

6|P a g e
7|P a g e

You might also like