You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Surigao del Sur
Lanuza District
BOCAWE ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa ESP 5


IKATLONG MARKAHAN

Pangalan: _________________________________ Iskor: _______

I. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot.

_____1. Miyembro ka ng Boy/Girl Scouts sa inyong paaralan. Nag-iisip ka ng isang proyektong makabubuti sa paaralan.
Malawak ang palaruan at ang likurang bahagi ng gusali ng paaralan. Wala gaanong mga halaman sa inyong paaralan.
Alin sa sumusunod ang imumpungkahi mo sa pulong ninyong mga scout?
A. Himukin ang lahat ng mag-aaral na maglaro sa bakuran ng paaralan dahil malawak ito.
B. Hayaan ang opisyal ng paaralan na magpasiya tungkol dito.
C. Humingi ng pahintulot sa mga opisyal ng paaralan para magtanim ng mga puno sa paligid.
D. Gumawa ng islogan na may tema ng pagtatanim ng puno.

_____2. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng mga gulay sa kanilang
likod-bahay. Bilang miyembro ng isang organisasyong pangkabataan sa inyong pamayanan, paano ka makatutulong sa
proyektong ito?
A. Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gusting gawin?
B. Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para sa pinakamaraming bilang ng maitatanim na mga
halamanan ng gulay sa bawat barangay.
C. Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto.
D. Ikaw mismo ang magsisimulang magtanim.
_____3. Nakita mo ang iyong kaklase na nagbabasa ng malalaswang babasahin, at nang makita ka nya, inakit ka niya na
magbasa din ng mga ito. Ano ang nararapat mong gawin?

A. Aawayin ko siya dahil inakit niya akong magbasa ng mga malalaswang basahin.
B. Hahayaan ko lang siya magbasa dahil yon naman ang gusto niya.
C. Manonood ako kasama siya dahil nakakakilig ang babasahing iyon.
D. Tumanggi ako at pagsabihan siya at ipinaliwanag ng maayos kung ano ang maidudulot nito sa kanya.

_____4. Ang mga sumusunod ay paalala sa paghahanda kung may kalamidad, maliban sa isa. Alin dito?
A. Kikilos lamang ako pag may kalamidad na na mangyayari.
B. Maglagay ng kopya ng telephone number sa tabi ng telepono ng pinakamalapit na fire department.
C. Pag-aralan ang mga lugar ng Evacuation area at ruta na itinakda sa inyong lugar.
D. Siguraduhing may pangunahing lunas na pwedeng abutin at gamitin.

_____5. Sa daan pauwi, napansin mo na marumi at maraming kalat ang sapa na malapit sa iyong paaralan. Ano ang
gagawin mo?
A. Magkunwaring walang makita?
B. Hihingi ng mungkahi sa mga magulang kung ano ang maaaring maitulong sa pagpapanumbalik ng ganda ng
sapa.
C. Magkikibit-balikat na lamang dahil wala ka naming magagawa.
D. Magsimula ng isang kampanya sa paglilinis kasama ang iyong pamilya.

_____6. Nakasakay ka sa dyip papuntang paaralan. Napansin mo na nagbubuga ito ng makapal at maitim na usok. Ano
ang gagawin mo?
A. Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw-araw.
B. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.
C. Sabihan ang drayber ng dyip na nakauubo ang usok ng kanilang dyip.
D. Magsumbong ka sa makikitang pulis.
_____7.Gustong gusto mong manood ng palabas na may karahasan. Ngunit hindi ka pinayagan ng iyong Inay. Ano ang
gagawin mo?
A. Aalis ako ng bahay at doon nalang sa kapitbahay makikinood.
B. Hindi ko siya pakikinggan at manunood ako sa aking gusto panoorin.
C. Magtatampo ako sa aking Inay sapagkat pinagbawalan niya ako.
D. Susundin ko ang pagbabawal ng aking Inay dahil siya ang may alam para sa aking kaligtasan.

____8. Nagbakasyon ka sa probinsiya. Isang araw, narinig mo ang lolo mo na inuutusan ang isa niyang tauhan na
magkaingin sa kaniyang bukid o pagtabas at pagsunog ng mataas na damo. Ipinagbabawal ito dahil may masamang
epekto sa tao at sa kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
A. Ipaliliwanag mo sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihin din ang masamang epekto nito sa tao at
kapaligiran.
B. Magagalit ka sa lolo mo.
C. Isusumbong mo ang lolo mo sa mga awtoridad.
D. Pagsasabihan mo ang mga manggagawa sa bukid na itigil ito.
_____9. Ang mga sumusunod ay paalala sa paghahanda kung may kalamidad, maliban sa isa. Alin ditto?
A. Kikilos lamang ako pag may kalamidad na na mangyayari.
B. Maglagay ng kopya ng telephone number sa tabi ng telepono ng pinakamalapit na fire department.
C. Pag-aralan ang mga lugar ng Evacuation area at ruta na itinakda sa inyong lugar.
D. Siguraduhing may pangunahing lunas na pwedeng abutin at gamitin.

_____10. Ano ang tawag sa ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na responsible sa regulasyon ng telebisyon at pelikula ,
pati na rin ang sari-saring uri ng de – bidyong medya , na makikita at/o ikinakalakal sa bansa?
A. BPF
B. MTRCB
C. Rated SPG
D. PHIVOLCS

II. Panuto. Iguhit ang masayang mukha  kung ang pangungusap ay nagsasaad at nagpapakita ng
tamang pagpapasiya para sa kaligtasan at malungkot na mukha  kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
_____11. Inalis ni Klyde ang pagkakasaksak ng telebisyon pagkatapos niyang gamitin.
_____12. Pinalitan ni tatay ang lumang electrical wire na maaaring mag-init at
pagmulan ng sunog.
_____13. Sumama pa rin si Jonathan sa kaniyang mga kaibigan na maligo sa dagat
kahit may babala ng pagtaas ng tubig dahil sa bagyo.
_____14. Nakinig ng balita sa radyo si Peter tungkol sa paparating na bagyo.
_____15. Inilagay ni Boyet sa mataas na lugar ang posporo upang hindi mapaglaruan
ng kaniyang nakababatang kapatid.

III. Panuto. Sumulat ng isang pangungusap mula sa larawan kung ano ang dapat gawin upang maging responsableng
tagapangalaga ng kapalligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. 2.

3. 4.
5.

Republic of the Philippines


Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Surigao del Sur
Lanuza District
BOCAWE ELEMENTARY SCHOOL

Unang Lagumang Pagsusulit sa ESP 5


IKATLONG MARKAHAN

TABLE OF SPECIFICATION
LEVEL OF ASSESSMENT
COMPETENCIES TIME No. of Type of
SPENT Items EASY AVERAGE DIFFICULT Test
(hrs/mins) 20 (60%) (20%) (20%)
Item Placement
Nakasusunod nang may
1, 2, 3, 4, 5,
masusi at matalinong
pagpapasiya para sa 5 10 6, 7, 8, 9, 10,
kaligtasan. 11, 12
(EsP5PPP – IIIc – 26)
Nakapagpapakita ng
magagandang halimbawa ng
pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran
(EsP5PPP – IIId – 27) 13, 14,
5 10 17, 18, 19, 20
15, 16
Napatutunayan na di-
nakukuha sa kasakiman ang
pangangailangan (EsP5PPP –
IIIe– 28)

TOTAL 10 20 12 4 4

Prepared by: Checked by:

LENETTE A. ALAGON JUDITO Q. HUNTANOSAS


T-I/Grade 5 Adviser HT-I/School Head

You might also like