You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Surigao del Sur
Lanuza District
BOCAWE ELEMENTARY SCHOOL

Unang Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 5


IKATLONG MARKAHAN

Pangalan: _________________________________ Iskor: _______

Panuto: Basahin at intindihin ng mabuti ang mga tanong.Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
patlang.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol?
A. Ang mga kabataang nakapag-aral sa Pilipinas man o sa Espanya ay gumawa ng paraan upang
mamulat ang mga Pilipino sa kalupitan ng mga dayuhan.
B. Nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo sa loob ng 333 taon
C. Tinanggap ng mga ibang Pilipino ang kapangyarihang pamahalaanan ng mga dayuhan ang bansa.
D. Maraming pangkat ng katutubo ang nakipaglaban sa kolonyalistang Espanyol.
_____ 2. Bakit may mga Pilipinong tumanggap sa mga kolonyalistang Espanyol?
A. natural na magigiliw sa pagtanggap ng panauhin ang mga Pilipino
B. gusto ng mga Pilipino na magpasakop sa Espanya para yumaman
C. takot ang karamihan sa maaring gawin ng mga Espanyol sa kanila
D. hindi marunong tumayo sa sariling paa ang karamihan ng mga Pilipino
_____ 3. Si Jose Rizal ay naglayon na mamulat ang mga katutubo sa malupit na pamamahala ng mga
Espanyol. Ano ang naging isa sa kanyang mga paraan upang labanan ang kolonyalistang Espanyol?
A. Nagtatag siya ng pangkat na magmamanman sa mga sundalong Espanyol.
B. Naghikayat at namuno siya sa pagsasagawa ng mga lihim na pag-aalsa.
C. Sinulat niya ang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang tuligsain ang dayuhan.
D. Nagpagawa siya ng maraming sandata upang ipamigay sa mga katutubo.
_____ 4. Bakit naging iba-iba ang reaksiyon o pamamaraan ng pagtanggap ng mga Pilipino sa
kolonyalismong Espanyol?
A. dahil maraming Pilipino ang gustong magpasakop sa mga Espanyol
B. dahil ang mga Pilipino ay hindi pa sibilisado.
C. dahil maraming mga Pilipino ang gustong magpamalas ng katapangan.
D. dahil kulang ng pagkakaisa ang mga Pilipino dahil sa lokasyon nito
_____ 5. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagtutol nila sa mali at mapaniil na sistemang ipinatupad ng
mga Espanyol?
A. nakipaglaban ang mga katutubong Pilipino sa mga kolonyalista
B. tinanggap ng mga Pilipino ang mga kolonyalista dahil sa takot.
C. niyakap ng mga Pilipino ang mga kulturang ipinakilala ng mga Espanyol
D. tumakas ang mga Pilipino dahil naduwag sila at wala silang makabagong armas.
_____ 6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ginawang pagtatanggol sa ating
bansa ng mga bayaning Pilipino?
A. Ang pag post ng mga fake news sa social media upang mapansin.
B. Ang pananatiling tahimik kahit nalalabag na ang sariling karapatan.
C. Ang pagsusulat tungkol sa talambuhay ng bayani na walng pagsasaliksik.
D. Pakikipaglaban ng mga militar laban sa mga terorista.
_____ 7. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa ginawang pagtatanggol ng
mga Pilipino laban sa kolonyalistang Espanyol?
A. Bilhin ang mga produktong gawa sa Pilipinas.
B. Bumili ng mga ukay-ukay galling ibang bansa.
C. Kalimutan ang ginawang kabayanihan ng mga Pilipino.
D. Ipag-walang bahala ang mga nagyayari sa paligid.
_____ 8. Sa panahon ng pandemya, ano ang iyong magagawa upang maipakita ang pagmamahal sa
bayan at mabigyang halaga ang ginawa ng ating mga bayani?
A. Batikusin ang pamamalakad ng pangulo.
B. Umaasa sa ayuda na ibibigay ng pamahalaan at kung hindi mabigyan ay magalit sa
namamalakad nito
C. Ipagdasal na sana malampasan ng ating bansa ang hamon ng pandemya.
D. Huwag sundin ang ipinanukala ng bansa tungkol sa health protocol
_____ 9. Paano mo maipagtatanggol ang bansa sakaling sakupin tayo muli ng ibang bansa?
A. Tumakbo at magtago sa liblib na pook.
B. Maglingkod sa bayan sa abot ng makakaya.
C. Pumunta sa ibang bansa upang makaiwas
D. Kumampi sa mga kalaban para hindi madamay
_____ 10. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa Kalayaan at pagtatanggol na ginawa
ng mga bayaning Pilipino?
A. Si Josita na sinuportahan ang “Anti-Terrorism Act of 2020.”
B. Si Joel na kumuha ng American Visa para mamuhay sa Amerika.
C. Si Rio na hindi sinabi ang katotohanan sa krimeng nasaksihan.
D. Si Ralph na mahilig manood ng Koreanobela.
______11. Ang sumusunod ay dahilan ng pagrerebelde ng mga katutubong Pilipino maliban sa isa.
A. pang-aabuso sa kapangyarihan
B. panggigipit sa karapatang pangrelihiyon.
C. pagbibigay ng malaking pabor sa mga magsasaka
D. malupit na patakaran tulad ng polo, bandala, tributo at monolpolyo
______12. Alin sa sumusunod na kaugalian ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagtatanggol laban sa mga
Espanyol?
A. Tatago sa malalayong lugar upang hindi mamatay
B. Makipag-alyado nalang sa mga kalaban para wala ng gulo.
C. Handang mamatay alang-alang sa kalayaan at katarungan.
D. Manahimik at hindi na kikibo dahil ang mga Espanyol ay matapang.
______13. Alin sa sumusunod na mga paniniwala o tradisyon ang nananatili pa rin sa kasalukuyan?
A. patuloy na maghihirap ang mga taong hindi nabinyagan sa kristiyanismo.
B. ang mga paring Espanyol ang may hawak ng mga posisyon sa simbahan.
C. ang mga tao ay walang kalayaan ipahayag ang kanilang mga paniniwala.
D. ipinagdiriwang ang mga kapistahan bilang parangal sa patron ng isang lugar.
______14. Ang sumusunod ay dahilan ng pagkabigo ng mga unang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol maliban sa isa.
A. kakulangan sa pagkakaisa
B. kakulangan sa pondo
C. kakulangan sa kahandaan at kaalaman
D. topograpiya ng Pilipinas
______15. Ano ang naging epekto sa sapilitang paggawa sa mga Pilipino noong panahon ng Espanyol?
A. ang Laws of the Indies ay nagbigay proteksiyon sa mga polista.
B. maraming kalsada at tulay ang naipagawa dahil sa polo y servicio.
C. pinagdadala ang mga Pilipino ng materyales sa paggawa ng kalsada.
D. nahihiwalay ang mga polista sa kanilang pamilya dahil sa paggawa sa malayong lugar.

Republic of the Philippines


Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Surigao del Sur
Lanuza District
BOCAWE ELEMENTARY SCHOOL

Unang Lagumang Pagsusulit sa AP 5


IKATLONG MARKAHAN

TABLE OF SPECIFICATION
LEVEL OF ASSESSMENT
COMPETENCIES TIME No. of Type of
SPENT Items EASY AVERAGE DIFFICULT Test
(hrs/mins) 15 (60%) (20%) (20%)
Item Placement
 Naipaliliwanag ang mga 5 1, 2, 3, 4 Multiple
paraan ng pagtugon ng 10, 11, 12, Choice
mga Pilipino sa 13, 14, 15
kolonyalismong Espanyol
(Hal. Pag-aalsa,
pagtanggap sa
kapangyarihang kolonyal/
kooperasyon)

 Napahahalagahan ang
pagtatanggol ng mga Multiple
Pilipino laban sa 5 5, 6 7, 8, 9
Choice
kolonyalismong
Espanyol
TOTAL 10 15 9 3 3

Prepared by: Checked by:

LENETTE A. ALAGON JUDITO Q. HUNTANOSAS


T-I/Grade 5 Adviser HT-I/School Head

You might also like