You are on page 1of 3

STO.

CRISTO ELEMENTARY SCHOOL


SY 2022-2023
ARALING PANLIPUNAN 5
NAME: _________________________________________ DATE: _________________
GRADE/ SECTION: ______________________________ TEACHER LEA
I. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI naman kung ito ay mali.

_________1. Sa Panahon ng Pagtuklas noong ika-14 hanggang ika-16 na siglo, nagpaligsahan ang bansang Spain at
Portugal sa pagtuklas at pagsakop ng mga bagong lupain.
_________2. Si Magellan ay isang Espanyol na nanguna sa ekspidisyon upang makatuklas ng lupain para sa Hari ng Spain.
_________3. Kristiyanismo ang isa sa pangunahing dahilan ng Kolonyalismong Espanyol sa mga bansang sinakop nila tulad ng
Pilipinas.
_________4. Ang paglalayag ni Magellan ay nagpabago sa pananaw ukol sa mundo at nagpatunay na ang mundo ay
bilog.
_________5. Lahat ng mga pinuno ng mga islang napuntahan ni Magellan sa Pilipinas ay naging mabuti ang pagtanggap sa
kanila.
_________6. Ang paghahangad sa kapangyarihan at yaman ang nagbunsod sa paggalugad at pagtuklas ng bagong lupain ng
Spain at Portugal.
_________7. Bahagi sa konsepto ng kolonyalismo ang pagpapasailalim ng mas mahinang bansa sa higit na mas
makapangyarihang bansa.
_________8. Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Spain kung saan kinontrol nito ang politika at ekonomiya ng bansa.
_________9. Isinasaad sa kasunduang Tordesillas na gawing 370 leagues kanluran ng Azores at Cape Islands ang paghahati
ng mga lupaing tutuklasin ng Spain at Portugal.
_________10. Bilang bahagi ng pagtanggap sa mga dayuhan, yinakap ni Rajah Humabon at ng mga katribu nito ang
Kristiyanismo.

II. A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_____1. Ito ang bansang Europeo na sumakop sa Pilipinas noong 1565.


a. Portugal b. Spain c. Mexico d. France

_____2. Kauna-unahang pamayanang Espanyol na itinatag sa Pilipinas?


a. Bohol b. Samar c. Cebu d. Maynila

_____3. Bakit sinasabing iba-iba ang reaksiyon ng mga katutubong Filipino sa ekspedisyong Legazpi?
a. May mga katutubong hindi mabuti ang pagtanggap sa kanila samantalang mayroon namang
magiliw ang pagtanggap.
b. May mga katutubong namangha at mayroon namang nagulat.
c. May mga katutubong naaliw sa kanilang pagdating mayroon namang hindi
d. May mga katutubong nag-alok ng pagkain, mayroon namang naghamon ng giyera.

_____4. Siya ang pinuno ng Bohol na nakipagsanduguan kay Legazpi noong Marso 16,1565.
a. Datu Humabon b. Datu Sikatuna c. Rajah Tupas d. Rajah Sulayman

_____5. Kailan narating ni Legazpi ang Cebu?


a. Nobyembre 19,1564 b. Pebrero 13,1565 c. Abril 27,1565 d. Mayo 19,1571

_____6. Bakit nabigo ang mga katutubong Filipino na ipagtanggol ang kanilang pamayanan mula sa mga Espanyol?
a. dahil sa higit na makabago ang sandata ng mga Espanyol
b. dahil nabigla sila sa pagdating ng mga Espanyol
c. dahil hindi marunong makipaglaban ang mga katutubong Filipino
d. dahil likas na palakaibigan ang mga katutubong Filipino

_____7. Ano ang nag-udyok sa mga Espanyol na gamitin ang taktikang divide and rule sa pagsasailalim sa Pilipinas?
a. Napansin nilang may kaniya-kaniyang batas at pinuno ang mga katutubo na tangi nilang pinaniniwalaan
at pinagkakatiwalaan.
b. Nahirapan silang buwagin ang ugnayan ng mga katutubo sa isat isa.
c. Nagkakaisa ang mga katutubong Filipino bilang isang bansa.
d. Matatapang at mlalakas ang puwersa ng mga katutubo.

_____8. Paano nauwi sa labanan ang pakikipagkaibigan ng mga katutubong pinuno ng Maynila sa mga Espanyol?
a. Natuklasan ng mga pinuno ang tunay na hangarin ng mga Espanyol.
b. Hindi sila nagkakaintindihan dahil sa pagkakaiba iba ng kanilang dayalekto.
c. Nagbago ang isip ng mga pinuno sa pakikitungo sa mga Espanyol.
d. Magkakaiba ang kanilang paniniwala.

_____9. Ano ang naging resulta ng pagkapanalo ng mga Espanyol laban sa mga taga-Maynila noong Mayo 19,1571?
a. Pinagpapaslang ang lahat ng mga naninirahan sa Maynila
b. Naging kilala ang Maynila sa mga bansang Europeo
c. Tuluyang napasailalim ang Maynila sa pamamahala ng mga Espanyol
d. Pumunta sa kagubatan ang mga mamamayan ng Maynila

_____10. Ang mga sumusunod ay bunga ng pangmalakasang puwersa ng mga Espanyol. Alin ang HINDI?
a. Nabigo ang mga Cebuano sa labanan.
b. Nagtagumpay ang mga Espanyol laban sa mga tao sa Maynila.
c. Napasailalim sa kapanyarihan ng Spain ang malaking bahagi ng Pilipinas.
d. Naging masunurin ang lahat na mga katutubong Filipino saanman.

_____11. Ang mga sumusunod ay nagsasabi tungkol sa reduccion MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Sapilitang paglipat sa mga katutubong Pilipino
B. Pinagsama-sama ang mga pamilya sa sentrong bayan.
C. Pagbibigay ng pera sa mga katutubo.
_____12. Ano ang dahilan ng mga Espanyol para ilipat ang mga Pilipino sa kabisera?
A. Pag-aralin ang mga kabataang Pilipino.
B. Para Makita ang bawat galaw ng mga katutubong Pilipino.
C. Para maging malapit sila sa lugar na kanilang pinagtatrabahuan.
_____13. Paano iniwasan ng ibang mga katutubo na mapasailalim sa reduccion?
A. Tumungo sila sa kabundukan
B. Nagbayad sila ng malaking halaga
C. Nag-aklas sila laban sa mga Espanyol
_____14. Alin ang posibleng resulta ng reduccion?
A. Mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo
B. Paglaki ng populasyon sa kabundukan
C. Pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Espanyol
_____15. Ano ang tawag sa mga Pilipinong tumangging mapasailalim sa reduccion?
A. Encomiendero B. Katutubo C. Remontados
_____16. Isang uri ng buwis na sapilitang ipinagagawa sa mga kalalakihang Pilipino. Ano ang tinutukoy nito?
A. Buwis B. Cumplase C. Polista D. Decreto Superior
_____17. Ang sapilitang paggawa ay isang uri ng pagbubuwis na pinairal noong panahon ng pananakop ng Kastila sa ating bansa.
Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng _______?
A. Pagbabayad ng pera na kinuha sa bahagi ng kita ng kalalakihan.
B. Pagtatrabaho sa mga lalaki sa polo sa loob ng 40 araw bawat taon.
C. Pagbabayad ng bahagi ng ani mula sa lupang sinasaka.
D. Pagbabayad ng 10 porsyento na kita sa nangangailangan.
_____18. Ilang taong gulang ang mga lalaking naglilingkod sa polo?
A. 16-60 B. 15-19 C. 20-50 D. 30-60
_____19. Sa sistemang polo, may ilang araw sa isang taon dapat maglingkod ang mga kalalakihan?
A.20 B. 30 C. 40 D.60
_____20. Makatarungan ba ang sistemang polo?
A. Opo, dahil nakakatulong sa kapwa.
B. Opo, dahil makatarunagn sa polistas.
C. Hindi, dahil hindi pantay-pantay ang pagsunod ng sistema.
D. Hindi, dahil napaunlad nito ang kabuhayan ng mga Pilipino.
_____21. Sila ang mga lumalahok sa sapilitang paggawa na dapat kumita ng kaapat (1/4) na real sa isang araw bukod sa rasyong
bigas. Ano ang tawag sa kanila?
A. Buwis B. Cumplase C. Polista D. Decreto

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (2 pts. bawat sagot) 22-25.)

1. Ano ang sistemang encomienda?

2. Ano ang sistemang tributo?

ANSWER KEY:

I. II.

You might also like