You are on page 1of 15

Republic of the Philippines 

    
Department Of Education 
SCHOOLS DIVISION OF PARAÑAQUE CITY 
STO. NINO ELEMENTARY SCHOOL DISTRICT II

IKALAWANG KWARTER ARALING PANLIPUNAN 5


Panuto: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa
papel.
 
1.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang
pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa?
A. Kolonyalismo B. Imperyalismo C. Kolonya D. Merkantilismo
 
2.Sa inyong palagay nakatulong ba sa ating bansa ang Kolonyalismo? Bakit?
A. Hindi, kasi di tayo naging sikat na bansa
B. Opo, kasi natuto tayo ng wikang Espanyol
C. Opo, dahil naturuan tayo ng disiplinang pansarili
D. Hindi, dahil ang Espanya lang ang nakinabang sa yaman ng ating bansa
 
3.Ano ang dahilan ng Espanya sa pagsusumikap nito na makatuklas ng mga bagong
lupain?
A. dahil gusto nilang mag-angkat ng produkto
B. dahil gusto nilang humanap ng bagong daanan
C. dahil gusto nilang makipagkaibigan sa ibang lugar
D. dahil gusto ng Espanya na makuha ang kayamanan ng ibang lugar

4.Ano ang pinakapangunahing layunin ng mga Espanyol sa pagsakop sa Pilipinas?


A. makisali sa digmaan C. makatulong sa maysakit na Pilipino
B.makatulong sa mahihirap na Pilipino D. Kristiyanismo, Kayamanan at Kapangyarihan

5.Ano ang tawag sa pagtuklas ng mga bagong lupain noong ika-15 siglo?
A.Panahon ng Lumang Bato C. Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas
B.Panahon ng Pakikipagkalakalan D. Panahon ng Paghahanap ng Teritoryo
6. Ano ang relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol sa
panahon ng kolonya?
A. Budismo
B. B. Kristiyanismo
C. C. Muslim
D. D. Protestante
7.Bakit may mga Pilipinong umakyat sa bundok at nagtago sa
kagubatan noong panahon ng Espanyol?
A. dahil gusto nilang manga C. dahil takot sila sa mga Espanyo
B. dahil gusto nilang maglibang D. dahil ayaw nilang
mapasailalim sa Espanyol
8. Paano isinagawa ng mga Espanyol ang Divide and Rule?
A. Binigyan ng mga pabuya ng mga Espanyol ang mga lokal na
pinuno na naninirahan sa lugar.
B. Ginawang kaibigan ng mga Espanyol ang mga lokal na
pinuno o naninirahan sa isang lugar. C. Pinag-aaway-away ng
mga Espanyol ang mga lokal na pinuno o naninirahan sa isang
lugar.
D. Pinarusahan ng mga Espanyol ang mga lokal na pinuno o
naninirahan sa isang lugar para
sumunod sa kanila.
 
9. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit pinatira ang mga Pilipino
sa mga cabecera at visita?
I.maimpluwensiyahan ng Kristiyanismo
II. madaling malaman ang mga galaw ng Pilipino
III. upang maging kaibigan ng mga Espanyol
IV. upang mas madali silang mapamahalaan
 
A. I at II B. I at III C. I at III D. III at IV
 
10. Sino ang kasama ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 na dumating sa
ating bansa?
A. kaibigan niya B. mga pari C. mga Kristiyano D. mga tulisan
 
11. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng Simbahan?
I. magkasal sa mga katutubo.
II. binyagan ang mga katutubo.
III. bigyang kapital ang mga katutubo.
IV. ipalaganap ang Kristiyanismo
 
A. I, II,at III B. I, II,at IV C. I, III,at IV D. II, III,at IV
 
12. Bakit nanirahan ang mga paring sekular kasama ang mga katutubong
mamamayan?
A. upang makisalamuha sa mga katutubong mamayan
B. upang mapanatili ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo
C. upang madali nilang maisumbong sa mga Espanyol ang ayaw sumunod
D. upang madali nilang malaman ang mga gusto ng katutubong mamamayan
 
13. Ang mga _____ ay may malaking ginampanan sa pagpalaganap ng
Kristiyanismo sa bansa. A. misyonero B. hari ng Espanya C. Gobernador
Heneral D. Cabeza de barangay
 
14. Ipagpalagay na ikaw ay isang Prayle noong panahon ng kastila, alin sa
mga sumusunod ang iyong gawain?
A. mamahala ng mga produkto
B. mag-ayos ng kapaligiran sa bawat lugar
C. manood ng mga palabas sa plasa ng bawat barangay
D. sumubaybay sa gawain ng paaralan at magturo ng dasal
 
15. Ano ang tunay na layunin ng pamahalaan noong panahon ng Kastila tungkol sa pagkakaroon
ng Sistemang Bandala?
A. mas lalong mapaunlad ang bansa.
B. matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
C. lalo pang tumaas ang posisyon ng bawat nakaupong lider sa pamahalaan.
D. mapilitang magbayad ang mamamayan kahit hindi naman ito naaayon sa kanilang
kagustuhan.

16. Ano ang dahilan bakit sa kabila ng mataas na buwis na sinisingil sa mga Pilipino ng
mga Espanyol ay kinukulang pa rin ang gastusin sa pamahalaan?
A. dahil sa mahal na pagpapagawa sa mga istruktura
B. dahil sa katiwaliang ginagawa ng mga namumuno sa pamahalaan.
C. dahil sa pagtulong na ginagawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino
D. dahil sa pagbibigay ng pang-araw araw na pangangailangan ng mga mamamayan.
17. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo sa tributo?
I. Ito ay nasa anyong salapi o katumbas na halaga sa produkto.
II. Ang paniningil nito ay nagsimula pa noong panahon ng Sistemang
Encomienda III.Magkakaiba ang paraan at halaga ng pagbabayad ng buwis sa
bawat pueblo at encomienda.
IV. Ang lahat ng Pilipinong lalaki na mula 18 hanggang 50 taong gulang ay
walang obligasyong magbayad ng buwis.
 
A. I, II at IV B. III, IV at I C. I, II at III D. II, III at IV
 18. Anong yunit ng pananalapi ang ginamit ng mga Espanyol?
A. dolyar B. salaping papel C. reales D. kalabaw at metal
 
19. Sa anong panahon naganap ang Sistemang Bandala?
A. Hapon B. Espanyol C. Tsino D. Amerikano
20. Maraming dayuhan tulad ng English, French at German ang nagtayo ng
mga bahay kalakal sa Pilipinas dahil sa_____________?
A. pagbubukas ng paaralan C. pagbubukas ng daungan
B. pagbubukas ng hospital D. pagbubukas ng bangko
 21. Naging mahusay ang pangangasiwa sa sistema ng pananalapi ng kolonya
dahil sa_______
A.pagtatag ng bangko C. pagtatag ng tindahan
B. pagtatag ng negosyo D. pagtatag ng samahan
 22.Paano nakatulong ang pagkakatatag ng Monopolyo ng tabako sa mga
Pilipino?
A. maraming Pilipino ang yumaman
B. napayaman nito ang mga Espanyol
C. nagkaroon ng trabaho ang mga Pilipino
D. nagkaroon ng kaibigan ang mga Pilipino
 
23. Paano nagwakas ang monopolyo ng tabako?
A. pinahinto ng mga prayle
B. pinahinto ng mga Pilipino
C. pinahinto ni Gobernador Heneral Jose Y Basco
D. pinahinto ni Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera
 
24. Bago pa man dumating ang mga Kastila, mayroon ng sariling lupain
ang mga Pilipino.Ano kaya ang nangyari sa mga lupain nila sa panahon ng kolonyal?
A. binenta ang lahat ng lupain
B. pinaupahan ang lahat ng lupain
C. hinayaang nakatiwangwang ang mga lupain
D. pinamunuan ang mga lupain ng mga banyaga
 
25. Kung ikaw ay isang polista noong panahon ng Espayol, ang mga sumusunod
ay ang ipinagagawa sa iyo maliban sa isa. Ito ay ang ________
A. paggawa ng gusali C. paniningil ng buwis
B. paggawa ng mga daan D. paggawa ng tulay
26. Kung isa ka sa pinagtatrabaho o pinagagawa ng sapilitan ng mga Espanyol, ano
ang magiging damdamin mo?
A. malulungkot B.matutuwa C. matatakot D. mabibigla

27. Kung ikaw ang papipiliin, gugustuhin mo ba na maulit muli ang pagsakop ng
mga Kastila sa ating bansa? Bakit?
A. Oo, para magkaroon ng mga trabaho ang lahat ng Pilipino
B. Oo, dahil kailangan ng palitan ang mga pinuno sa ating bansa
C. Hindi, dahil maghihirap muli ang mga Pilipino sa pamamahala ng mga Kastila
D. Oo, para lalo pang umunlad ang ating bansa sa ilalim ng kanilang pamamahala
28. Sa iyong palagay makatarungan ba ang pagkuha ng mga
Kastila sa pag-aaring lupain ng mga Pilipino sa ilalim ng
patakarang kolonyal?
A.Oo, dahil takot ang mga Pilipino sa kanila.
B.Hindi, dahil di pag-aari ng mga Kastila ang lupain.
C. Oo, dahil ang mga Kastila na ang makapangyarihan.
D.Hindi, dahil mayroon ng sariling pag-aari ang mga Kastila.
 
29. Kung ikaw ang nasa posisyon ng Gobernador-Heneral, alin sa
mga sumusunod ang mabuting maipatupad sa iyong nasasakupan?
A. pagkakaisa C. sapilitang paggawa
B. pagkakanya-kanya D. labis na pagbabayad ng buwis
30.Pagsunud-sunurin ang balangkas ng pamahalaan sa
Kolonyalismong Espanyol
I. Pamahalaang Sentral, Gobernador-Heneral, Royal Audiencia
II. Gobernador-Heneral, Royal Audiencia, Pamahalaang Sentral
III. Royal Audiencia, Pamahalaang Sentral, Gobernador-Heneral
IV.Gobernador-Heneral, Pamahalaang Sentral, Royal Audiencia
 
A.IV B.I C.III D.II
 
 
 

You might also like