You are on page 1of 3

Aralin 2 Natatalakay ang Uri ng Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng

Espanyol
Takdang Panahon: 1 araw

I. Layunin:Natatalakay ang uri ng tahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga Uri ng Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
B. Kagamitan: mga larawan ng tahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol at
video clips, collage
C. Sanggunian:K to 12 AP5 CG 1.2
Pilipinas Bansang Malaya 5
Lakbay ng Lahing Pilipino 5 p. 71-73
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Kaugnay sa aralin
2. Balik- aral (Fact o Bluff)
Ano-ano ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino sa
Panahon ng Espanyol? Magbigay ng halimbawa?
3. Pagganyak
Pagpapakita ng mga uri ng tahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
gamit ang mga larawan ng tahanan ng mga Pilipino
B. Panlinang na Gawain
1. Gawin
Pangkatin ang mga mag-aaral. Sa bawat pangkat ay magkakaroon ng iba’t-
ibang uri ng tahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol. Ilarawan ang
mga kayarian at pagbabagong naganap sa panahanan ng mga Pilipino
2. Pagsusuri
Sagutin ang mga tanong:
a. Paano nabago at naiangkop ng mga Pilipino ang kanilang tahanan sa
pananakop ng mga Espanyol? Ipaliwanag.
b. Ano-ano ang uri ng tahanan ng mga Pilipino nang dumating nag mga
Espanyol?
c. Masasabi mo bang nakabuti ang mga pagbabagong naganap sa uri ng
tahanan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol?
d. Ano ang uri ng panahanan ng mga Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol?
e. Paano tinaggap ng mga Pilipino ang mga pagbabagong naganap sa uri ng
tahanan sa ilalim ng pamamahala at pagdating ng mga Espanyol?
Ipaliwanag.
3. Paghahalaw
7
A. Magkaron ng pagtalakay sa mga pagbabagong naganap sa uri ng tahanan
ng mga Pilipino sa pagdating ng mga Espanyol? Maaaring isagawa ang
isang pagtatalo o debate ukol sa aralin.
Ano ang higit na nakakabuti sa uri mg tahanan ng mga Pilipino sa
Panahon ng Espanyol- tahanang yari sa kawayan, kahoy, at pawid o bahay
na yari sa bato at tisa? Pagtalunan ito.
B. Ipapanood ang video ukol sa mga uri ng tahanan ng mga Pilipino ayon sa
mga pagbabagong naganap sa panahon ng mga Espanyol.
 Ano-ano ang uri ng tahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng
Espanyol?
 Ilarawan ang ibat ibang uri ng panahanan ng mga Pilipino?
4. Aplikasyon
Gamitin ang talahanayan sa ibaba. Isulat ang pagbabagong naganap sa uri ng
tahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng mga Pilipino

Bago dumating ang mga Espanyol Sa Panahon ng mga Espanyol

IV. Pagtataya
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang katabi ng bawat bilang.

1. Ang mga tirahan ng mga Pilipino ay ____ sa panahon ng mga Espanyol.

A. magkakalayo B. magkakadikit C. magkakahiwalay D. lahat ay tama

2. Sa Panahon ng Espanyol ay higit na ____.

A. Matitibay at yari sa kawayan ang mga tahanan.


B. Malalaki at matitibay dahil yari sa bato at tisa ang mga tanahan.
C. Malalayo ang bawat tahanan
D. Matataas ang kayarian ng mga tahanan ng mga Pilipino

3. Ang bahagi ng bahay na pahingahn at tanggapan ng bisita


ay tinatawag na_______.
A. Komidor B. sala C. azotea D. batalan

4. Ang panahon ng Espanyol ay nagdulot ng mga pagbabago sa uri


ng tahanan ng mga
Pilipino na labis na ikinatuwa ng mga mamamayan?
8
A. Oo B. hindi C. maaari D. hindi sigurado

5. Ang mga bintanang maluluwag at may rehas ay kayariang ipinamana sa mga


Pilipino sa Panahon ng Espanyol. Nakapagdulot ito ng pagbabago sa uri ng
tirahan upang. _________.
A. Maiangkop ng mga Pilipino ang kanilang tahanan sa kaligtasan ng
pamilya
B. Nagkaroon ng magagandang bahay ang mga Pilipino
C. Natutong magpaganda at pagtibayin ang kanilang mga tahanan
D. Lahat ng sagot ay tama

V. Takdang Aralin

Sa pamamagitan ng “Fish Bone Organizer”isa isahin ang mga naging epekto ng


pagbabago sa buhay ng mga Pilipino lalo’t higit sa uri ng tahanan sa anahon ng
pagdating ng mga Espanyol

Inihanda ni :

ANALIZA B. ILOCSO
Guro II- Pililla Elementary School Central

You might also like