You are on page 1of 9

Aralin 2.

2 : Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol

Bilang ng Araw : 1 Araw


I. Layunin:
1. Nasusuri ang dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol

II. Paksan Aralin:

Paksa: Dahilan ngLayunin ng Kolonyalismong Espanyol

Sanggunian:AP5PKE- IIa - 2.2 Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap pp.71-73

Araling Panlipunan I pp.41-44

Kagamitan: larawanni Magellan,aklat,power point ,bluff or fact,retrieval

chart,Fish Bowl

Pagpapahalaga:Mapanuri sa mga nangyayari sa bansa

III.Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1.Balitaan

Magdaos ng ilang minutong balitaan hinggil sa huling mga kaganapan sa

bansa.

2.Balik-Aral

Bluff or Fact

1. Ang Spain at Portuges ang pinakamalakas na kaharian sa bansa .

2. Nanguna at naging magkaibigan ang Portuges at Spain sa pagtuklas ng

mga lupain.

3. Hindi pumayag ang hari ng Portugal sa paghati ng Papa kaya

ipinahayag ang kasunduan sa Tordesillas.

28
4. Upang malutas ang suliranin sa karapatan sa paggalugad ng

lupain ,ipinagbili ng Espanya ang Karapatan sa Molluccas sa Halagang

530 gintong ducat.

5. Ang Inglatera, Pransya at Holland ay pumalaot rin upang makarating

sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

3.Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ni Magellan?

Sino ang nasa larawan?

Ano ang alam mo tungkol sa kanya?

B. Panlinang na Gawain

A.Gawain 1- Fish Bowl

Pamamaraan:

1.Ayusin ang mga silya sa dalawang concentric circle na nakaharap sa

loob.

2.Bigyang laya ang mga bata kung saan sila uupo-sa inner or outer circle.

29
3.Ang mga bata sa inner circle ay may kalayaang magsalita suballit ang

nasa outercircle ay dapat manatiling tahimik.

4. Kapag ang mag-aaral na nasa outer circle ay nais magbigay ng

puna ,palitan ang paksa o kung nais niyang umupo sa inner

circle ,kailangan niyang tumayo at tapikin ang balikat ng isang kasapi ng

inner circle at magpalitan ng upuan.

5.Ang kasapi naman ng inner circle ay maaring umalis hanggat hindi siya

pinipili ng miyembro ng outer circle.

Ipasagot ang tanong:

Suriing mabuti ang dahilan at layunin ng pananakop ng Espanyol. Ano pa

ang maidadagdag ninyong maaring dahilan ng pananakop ng mga

dayuhan?

Gawain 2 Pagbasa sa aklat/powerpoint

Layunin ng Spain Pananakop

Sa ilalim ng pamamahala ni Haring Charles V o Carlos v (1500-1558)

Nagsimula ang pananakop ng Spain sa Pilipinas. Isinagawa ni Ferdinand

Magellan ang unang ekspedisyon .Bagama’t di nagtagal si Magellan sa

Pilipinas dahil tinalo ito ng pangkat ni Lapu-Lapu,hindi ito naging dahilan

upang hindi ituloy ng Spain ang pagnanasang sakupin ang bansa.Ang anak

ni Haring Carlos na si Haring Philip II ( 1527-1598) ang nagpatuloy at

nagpadala ng mga ekspedisyon sa bansa.Nagtagumpay ang ekspedisyon ni

Miguel Lopez de Legaspi noon 1565 at ganap na nasakop ng Spain ang

Pilipinas.

Ang sumusunod ang mga layunin ng Spain sa pagsakop sa lupain

Pampolitikang Hangarin

30
Ang Spain ay naging pinakamalakas na kaharian sa buong daigdig noong

1600 dahil sa paghahangad nito na maging tanyag at makapangyarihan.

Matagumpay nitong nasakop ang malaking bahagi ng South

America,nakapagtatag ng kolonya sa Africa at naging kolonya ang

Pilipinas sa Asya.

Tumagal ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ng 333 na taon.

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Ang mga ekspedisyon ng Spain ay nagsimula sa panahon ng paghahari

ng mag-asawang Haring Ferdinand II ng Aragon (1452-1516) at Reyna

Isabella (1451-1504). Nang suportahan nila ang paglalakbay ni

Christopher Columbus at Ferdinand Magellan,ipinakita nila ang

pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay isa sa mga layunin ng

paglalakbay.Nagtagumpay sila sa pagpapaalis sa mga Moors – ang mga

Muslim sa Granada,habang ang Hudyong Espanyol ay malupiy rin nilang

pinalayas.Noong 1504 ,sa testament ni Reyna Isabella I ,inihabilin niya sa

lahat ng mga hari o reyna ng Spain ang pagpapalaganap ng Kristyanismo.

Ang hangaring ipalaganap ang Kristiyanismo ay anipunla sa isipan at

damdamin ng mga Espanyol.

Ang Spain ay nakipagkasundo rin sa Simbahang Katoliko na

ipalalaganap,pananatilihin at ipagtatanggol ang relihiyong Romano

Katoliko sa lahat ng kolonya ng Spain kapalit ang malayang pagpapatakbo

ng Spain sa mga kolonyang simbahan na Malaya sa pakikialam ng

Vatican.

Ang tawag sa kasunduang ito ay Patronato Real de las Indias.

Pangkabuhayang Layunin

31
Dahil sa mahahalagang produkto at mga pampalasa ng pagkain sa

Silangan,napaunlad at napalawak ng Spain angkabuhayan dulot ng

masilang kalakalan.Sa pamamagitan ng patakarang merkantilismo ay

nagkaroon din ng kolonya ang Spain kung saan ang lakas at kapangyarihan

ng isang bansa ay nasusukat sa dami ng nalikom na kayamanan sa anyo ng

mamahalig metal tulad ng ginto at pilak.

Ang pingkukunan ng mga hilaw na sangkap at pamiihan ng mga

produktong yari na ang kolonya tulad ng Pilipinas.ang paglikom ng

kayamanan ng mga bansang mananakop ay ginamit ng Spain upang

makamit ang yamang pangkabuhayan na hinahangad nito. Bukod sa Spain

ang mga bansang tulad ng Portugal ,Britain ,France at Holland

(Netherlands) ay nagpalaganap rn ng patakarang kapitalismo (ang

pagbabahagi at paggawa ng kalakal o produkto na pagmamay-ari ng

kapitalista o pribadong mamumuhunan) sa anyong merkantilismo sa

pagpapaunlad ng kabuhayan.

2. Pagsusuri

 Ano ang naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng

kayamanan sa silangan?

Ang pagpapakasal ni Ferdinand V. ng Aragon at Reyna Isabella I ng

Castille noong 1469.Ang pagsasanib ng kanilang lakas ng kanilang kaharian

ang naging dahilan ng pagapapadala ng Ekspedisyon sa silangan.

 Sino ang Italyanong manlalayag ang tinulungan ni Reyna Isabella na

ilunsad ang Unang Ekspedisyon?

Christopher Columbus

 Ano ang adhikain ng ekspedisyon ni Christopher Columbus?

32
Ang makarating sa India na ang gagawing daan ay pakanluran ng

Atlantiko.

 Ano ang naranasan ng Columbus Ekspedisyon?

Maraming paghihirap gaya ng walang kasiguruhan na mararating nila ang

silangan, pagod gutom sa kanilang paglaklakbay at haba ng panahon na

kanilang nailagi sa katubigan.

 Sino si Magellan?

 Ano ang mahalagang bunga ng paglalayag ni Magellan?

 Paano narating ni Magellan ang Pilipinas?

 Ano ang nga dahilan at layunin ng kolonisasyong Espanyol?

3. Paghahalaw

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konseptong natutunan.

Ano ang naging sanhi /dahilan upang maisakatuparan ang kolonyalismong

Espanyol?

Ang mga sumusunod ay mga layunin ng Spain sa pagsakop sa Pilipinas.

*Politikal na Hangarin- nais nilang maging tanyag at makapangyarihan sa

buong daigdig

*Pagpapalaganap ng Kristiyanismo-hangarin nila na ipalaganap ang

Kristiyanismo.

* Pangkabuhayang Layunin-ang paglikom ng kayamanan ng bansa.

4. Aplikasyon

Pangkat 1 Sasama ka ba?

Ipasuri ang sitwasyon. Isulat sa Wheel call out ang inyong sagot

33
Kung isa ka sa mga manlalayag
sasama ka ba?Bakit?
Anu-anong panganib ang
naghihintay sa inyo kung kasama
ka sa paglalayag?

Pangkat 2 Pagsagot sa Retrieval Chart

Balikan at suriin natin ang mga dahilan at layunin ng mga Espanyol sa

pananakop sa Pilipinas

Dahilan ng kolonyalismo Layunin ng kolonyalismo

Pangkat 3-Pagsasadula

Pagsasagawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng mga dahilan at layunin ng

kolonyalismo.

Pangkat 4- Editoryal Cartoon

34
Pagguhit ng isang sitwasyon kung saan ipinapakita ang dahilan at layunin ng

kolonyalismo

IV.Pagtataya

Panuto ; Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap.Suriin kung

ito ay pampulitikang hangarin, pagpapalaganap ng Kristiyanismo at

pangkabuhayang layunin.Isulat ang tamang sagot sa patlang.

____1.Ang paghahangad ng Spain na maging tanyag at makapangyarihan sa

buong mundo.

_____2 .Ang hangaring ipalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas

_____3.Ang paglilikom ng kayamanan ng mga Espanyol.

______4. Ang pakikipagkasundo ng Espanyol sa Simbahang katoliko na

ipalaganap,panatilihin at ipagtanggol ang relihiyong Romano Katoliko sa lahat

na kolonya ng Spain.

_______5.Ang pagpalaganap ng patakarang kapitalismo sa anyong

merkantilismo sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

V. Takdang Aralin

Paggawa ng talata . Ano ang iyong magiging reaksyon kung isa ka sa

mga katutubong Pilipino na nabuhay noong panahon ng Espanyol.

Inihanda ni:

GNG. GINA SD. FERRERA


Guro, Baras ES

35
36

You might also like