You are on page 1of 3

ARALIN 8 Ang Kahalagahan ng Pagganap ng Sariling Tungkulin sa Pagbuo ng

Nasyon

PANIMULA
Sa araling ito, mauunawaan mo naman na mahalagang mapaunlad ang sarili
nang sa gayon ay mapaunlad din ang bansa. Mahalagang mapaunlad ang sarili upang maging
kontribusyon ito sa pagsulong at kaunlaran ng bansa kung saan ka kabilang at naninirahan.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagpapahayag ng saloobin sa
kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa.

ALAMIN MO
Paano ka gaganap ng iyong dakilang tungkulin sa iyong bansa?
Paano mo mapauunlad ang sariling kakayahan at kasanayan?
Tayo, Bilang Bahagi ng Pagkabuo ng Pilipinas. Madalas ay itinatanong natin sa ating
sarili, may halaga ba ako sa aking bansa?

Oo! Ikaw ay mahalaga sa pagtataguyod ng ating bansa. Ang bawat isa sa atin ay
mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang magpatuloy sa pag-unlad ang
ating bansa.

Kung ang pamahalaan ay may layuning mapabuti ang kalagayan ng kabuhayan ng mga
mamamayan upang matamo ang kaunlaran ng ating nasyon, hindi ito maisasakatuparan kung
hindi tutulong ang mga mamamayan.

Pakikipagkapwa-tao

Mahalaga ang mabuting pakikipagkapwa sa ating mga kapwa mamamayan. Laging ang
sinasabi na "no man is an island" kaya naman marapat lamang na pakitunguhan nang maayos
ang ating kapwa dahil ang mabuting samahan ay nagdudulot ng pagkakaisa.

Tamang saloobin sa paggawa

Mahalaga rin na mayroon tayong mabuting saloobin sa paggawa. Nagiging madali ang
mga gawain kung ito ay pinagtutulungan at binibigyan ng tamang pansin at oras. Kung lagging
positibo ang isang mamamayang Pilipino, sigurado na siya ay magiging produktibo.

Tangkilikin natin ang ating mga produkto.

Sa ganitong paraan, mapatatatag natin ang ating ekonomiya. Uunlad ang mga local na
industriya, maraming mga Pilipino ang mahihikayat na mamuhunan at magtayo ng mga
negosyo, at maraming magkakaroon ng trabaho sa ating bansa.
Gamitin natin nang wasto ang mga likas na yaman.

Dito tayo kumukuha ng ating ikinabubuhay kaya naman marapat lamang natin itong
alagaan upang magkaroon tayo ng sustainable development o ang matalinong paggamit ng
mga likas na yaman. Dahil dito, hindi kaagad mauubos ang mga pinagkukunang-yaman at
mayroon pang matitira para sa susunod na henerasyon.

Pahalagahan at pagyamanin natin ang kultura nating mga Pilipino.

Bilang isang mamamayan, tungkulin natin na mapaunlad ito dahil ang kultura ang
nagbibigay-buhay sa ating bansa at isa ito sa mga nagiging batayan ng kaunlaran.

Bantayan natin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno. Pawis, dugo, at buhay
ang ipinuhunan nila para maipamana sa atin ang kalayaang hindi na nila natikman.

May pakinabang ba saiyo ang iyong bansa?

GAWIN MO

Gawain A
Bilugan ang mga pangungusap na nagsasaad ng pagiging maunlad ng isang bansa.
Isulat ang sagot sa notbuk.
1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang manilbihan sa ibang
bansa.
2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat.
3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay pinagtatrabaho.
4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunung- kulan sa pamahalaan.
5. Sapat at makatuwiran ang kinikitang mga tao.
6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.
7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa.
8. Naaabuso ang mga likas na yaman.
9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga batas.
10. Walang krimen na naitalasa loob ng isang buwan.

Gawain B
Lagyan ng bituin ang mga pahayag na nakatutulong sa pag- unlad ng sarili o ng bansa.
Isulat ang sagot sa notbuk.
1. Nagsasanay nang mabuti si Mikaela sa paglangoy upang makasali sa pambansang
koponan.
2. Madalang mamasyal sa parke si Lara dahil tumutulong siya sa tindahan ng kaniyang
tiyahin.
3. Mahilig magkumpuni ng mga sirang kagamitan si Mang Lito.
4. Bata pa lamang si Inso ay sakitin na.
5. Mahilig makipaghuntahan si Aling Selya. Pati paghahanda ng pananghalian ay
nalilimutan niya.
6. Kahit kailan di na bisita ni Jing ang silid-aklatan sa kanilang paaralan.
7. Laging huli sa pulong si Cristina.
8. Mahilig sumabad si Liza sa usapan at hindi sinusuri ang binibitawan niyang mga salita.
9. Binibili agad ni Raymond kung ano ang maibigan niya.
10. Mahilig si Lucia sa imported na mga gamit.

Gawain C
1. Bumuo ng mga pangkat na may limang kasapi. Ipatala kay kung paanong naitataguyod
ng mga mamamayan ang kaunlaran ng isang bayan. Palikhain sila ng larawan hinggil
dito at palagyan ng islogan. Ilagay sa likod ang paliwanag ng islogan ng parehong
poster at islogan.
2. Magsagawa ng classroom walk kung saan nakatanghal ang mga poster. Mag-anyaya ng
mga panauhing pipili ng tatlong pinakamahusay na poster at islogan.

TANDAAN MO

Ang bawat isa sa atin ay mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan
upang magpatuloy sa pag-unlad ang ating bansa. Kung ang lahat ng Pilipino ay gagawin
ang kani-kaniyang mga tungkulin bilang isang mamamayan ng Pilipinas, sigurado ang
kaunlaran ng ating bansa at siguradong magkakaroon ng kapayapaan. Dahil ang malilit
na gawa, kapag pinagsama-sama ay tiyak na magbubunga ng isang malaking
pagbabago.

NATUTUHAN KO

Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa iyong panata sa sarili para sa kaunlaran


ng bansa. Palamutian ito ng iyong mga simbolo at iba pang representasyon sa arili.

You might also like