You are on page 1of 17

5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Ang Partisipasyon ng Iba’t ibang Rehiyon
at Sektor (katutubo at kababaihan) sa
pakikibaka ng bayan
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Ang Partisipasyon ng iba’t ibang Rehiyon at Sektor
(katutubo at kababaihan) sa Pakikibaka ng Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Doreen A. Calumpang


Editor: Retchie F. Quiñones
Tagasuri: Josephine T. Sardan
Nieves S. Asonio
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Richie C. Naingue
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Carmelita A. Alcala EdD
Joelyza M. Arcilla EdD Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis EdD Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay EdD Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin
Panimula

Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat
mong pag-aaralan habang wala ka sa paaralan.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC)


Natataya ang partisipasyon ng iba’tibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan)
sa pakikibaka ng bayan. AP5PKB- IVf-4

MGA LAYUNIN

K – Nakikilala ang mga kababaihang may partisipasyon sa pakikibaka ng bayan.

S – Nasasabi ang mga ginawang partisipasyon ng mga katutubo at kababaihan sa


pakikibaka ng bayan.

A - Napahahalagahan ang ginampanang papel ng mga kababaihan noon at ngayon


sa ating lipunan.

1
Paano mo ito ipinakita o
Subukin ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

A. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

A B

1. Kilala bilang “Ina ng Katipunan. a. Teresa Magbanua


2. Nakilala siya sa kaniyang husay sa
pamumuno at tinawag na “Nay Isa”. b. Melchora Aquino
3. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-
iipon ng pondo para sa rebolusyon. c. Gliceria Mariella de
Naging aktibo rin siya bilang miyembro Villavicencio
ng Red Cross.
4. Siya ang nagpahiram barko kay d. Gregoria de Jesus
Aguinaldo at
e. Patrocinio Gamboa
asawa siya ni Eulalio Villavicencio.
5. Matapang na asawa ni Andres
Bonifacio.

B. Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan ayon sa ipinahiwatig. Isulat ang


nawawalang letra upang mabuo ang sagot sa tanong. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

1. Siya ay asawa ni Gregoria De Jesus. A__D__ES B__ __ __FAC__ __

2. Nang mahuli at makulong si Melchora Aquino, dito siya ipinatapon ng mga


Kastila at dito rin siya tinanggap ng mag-asawang Pilipino. G__ __ M

3. Siya ay Tubong Pototan, Iloilo at nagmula sa mayamang angkan.


TE__ __ SA MA__ __AN__A

4. Sa bundok na ito dinala at binaril si Andres Bonifacio kasama ang kanyang


kapatid na si Procopio na matatagpuan sa Maragondon, Cavite.
BU__ __ __K HU__ __G

5. Tawag sa lalaking miyembro ng Katipunan. KA__ __PU__ __RO.

2
Balikan
Panuto: TAMA o MALI. Isulat sa iyong kuwaderno ang T kung tama ang ipinahayag
ng pangungusap at M kung mali. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

______1. Ang Dagami ay rebolusyong laban sa mga Espanyol na pinamunuan ng


pamilyang Dagami sa Leyte noong 1567.
______2. Si Raha Lakandula ay kilala bilang "Ang Dakilang Raha ng Cavite”.
______3. Si Tamblot ay pinuno ng relihiyon sa Bohol at pinamunuan niya ang isang
rebolusyong kinilala sa tawag na Tamblot Revolt noong 1621.
______4. Nagsimula ang rebolusyong ito ni Tamblot noong ipinagdiwang ng mga
paring Heswita ang kapistahan ng isang patron, St. Francis Xavier sa Cebu
na naganap noong gabi ng bagong taon noong 1622.
______5. Dahil sa pamumuno ni Diego Silang, siya ay tinaguriang “Liberator ng
Cebu”.
______6. Ang Cavite Munity ang dahilan ng pagkabitay ng tatlong paring
GOMBURZA.
______7. Si Apolinario Mabini ang namuno sa Hermano Pule Revolt noong June
1840 na nagtagal hanggang Nobyembre 1841.
______8. Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang isang rebelyon na bunsod rin ng
hindi pagkakasundo sa relihiyon noong 1744 sa Bohol.
______9. Ang Igorot Revolt ay naganap noong 1601.
______10. Si Gabriela Silang ay kapatid ni Diego Silang na nagpatuloy sa laban nang
mamatay si Diego.

Tuklasin
ABANTE! BABAE!

Katulad ka ng isang rosas sa hardin


Kasing ningning mo sa langit ang mga bituin
Iniingatan at pakamamahalin
Pagkat ikaw ang diwata sa kanilang paningin.
Kapuri-puri ang iyong kagandahan
Kaya’t ika’y pilit na pinapantasyahan
Nais na angkinin ang iyong kaharian
At gawing alipin sa kanilang kaharian.
Isinilang ka mang babae,

3
Hindi ka dapat nagpapaalila’t nagpapaapi
Tumayo ka’t patatagin ang iyong sarili
Hangad naming malaya kang nakangiti.
Abante babae! Kayo ang palaban at tunay
Palawakin ang inyong hanay
Ang iyong kabayanihan ay walang kapantay
Lumaban hanggang sa makamit ang tagumpay!
https://tinyurl.com/y5j8v3h5

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa tula. Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.

1. Mula sa tula, paano mo ilalarawan ang isang babae?

2. Anu-ano ang mga katangian ng babae na tinalakay sa tula?

3. Bakit kaya kabilang ang mga babae sa pakikipaglaban noong unang


panahon?

Suriin

Ang Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan


Gregoria de Jesus

https://tinyurl.com/y5gptx85

Isinilang si Gregoria de Jesus sa Caloocan. Panganay siya sa magkakapatid


at masasabing naging maayos naman ang kanilang buhay. Katatatag lamang ng
Katipunan nang makilala niya si Andres Bonifacio. Labing-walong taong gulang
lamang siya samantalang tatlumpung taong gulang naman si Bonifacio na isang balo.

4
Bagaman tutol ang ama, napapayag niya itong makasal siya sa Supremo ng
Katipunan.

Bago maikasal ang dalawa, sumapi na sa Katipunan si Gregoria de Jesus. Sa


isang pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sektor na pambabae sa
samahan. Si Josefa Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay nahalal na pangulo at siya ang
inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang
palayaw, lalo na nang matuklasan ang Katipunan. Bilang “Lakambini ng Katipunan” at
asawa ng Supremo, siya ang tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan.

Tuwing matutunugan niya ang pagdating ng mga Espanyol sa kanilang


tahanan, sumasakay siya sa isang karetela at nililibot ang Tondo. Madalas na inaabot
siya ng gutom at hatinggabi na kung umuwi.

Pinakamasakit na siguro sa tulod ni Oriang ang mawalan ng asawa at hindi


makita ang bangkay nito. Noong Mayo 10, 1897, dinala at binaril sa Bundok Hulog sa
Maragondon, Cavite si Andres Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na si Procopio.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ang kanilang mga labi.

Gliceria Marella de Villavicencio

https://tinyurl.com/y25b8j38

Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro rin ng
mga mayayamang angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng rebolusyon. Isa
sa kanila si Gliceria Marella de Villavicencio ng Taal, Batangas. Maaga siyang
nagpakasal kay Eulalio Villavicencio sa gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa
mayamang angkan at mahusay sa pagnenegosyo, mas napalago nila ang kanilang
mga ari-arian.

Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na si


Gliceria at ang kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay
nasa Hong Kong, nakipagkita sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18 000.00. Nang
bumalik, may dala na itong mga kopya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni
Rizal. Ang mga ito ay kanilang ipinamigay.

5
Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit nila ang
kanilang mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga Katipunero. Ito ang
naging dahilan ng pag-aresto at pagkakakulong ng kanyang asawa. Bagaman
pinakawalan ito, iyon ang naging simula ng paghina niya at naging bunga ng kanyang
kamatayan.

Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga Espanyol ang


kanilang tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya. Noong 1898, ipinahiram
niya ang kanyang barko kay Aguinaldo.

Hindi siya tumigil sa mga rebolusyunaryo kahit sa panahon ng Amerikano.


Inukupahan ng mga Amerikano ang Batangas. Nahuli siya ng mga ito nang makuha
ng kalaban ang liham na ipinadala niya sa isang heneral ng puwersang rebolusyon, si
Heneral Mariano Trias. Siya ay inilagay sa house arrest at nakalaya lamang noong
1900 nang ganap nang makontrol ng mga Amerikano ang rebolusyon.

Patrocinio Gamboa

https://tinyurl.com/y2xh3goq

Tubong Ilo-Ilo si Patrocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang


mayamang angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan
ng Pilipinas mula sa Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina
Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal, sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo
sa kanilang lalawigan.

Hindi siya kaagad pinagdudahan ng mga Espanyol dahil siya ay babae.


Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging
aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross. Ang pinakatatanging bahagi ng
kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay nang matagumpay niyang
malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na ng pagdiriwang
ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat.

6
May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang
problema nila ay kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng Sta.
Barbara. Dadaanan nila ang mga bantay na kawal ng mga Espanyol na mahigpit na
naghahalughog ng mga gamit ng mga nagdaraan. Pinapatay nila kaagad ang
sinumang kanilang mapaghinalaan.

Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya ang


regalong espada ni Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga pinaggiikan ng
palay samantalang ang bandila naman ay kaniyang itinali sa kanyang baywang at
saka niya isinuot ang kaniyang damit. Kasama niya ang isang katipunero na siya
naming nagpanggap na kaniyang asawa.

Nang dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na nag-
aaway. Natatawang pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay nakarating sa
oras ng programa.

Melchora Aquino

https://tinyurl.com/yylwxnjo

Kilala si Melchora Aquino sa bansag na “Ina ng Katipunan”. Sa edad na 84,


hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing
napapasabak ang mga ito sa labanan.

Dahil mayroon siyang palayan, naging mainam na kanlungan ng mga


rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Hindi rin siya naging maramot na magbigay ng
palay o kalakal niya sa kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres.
Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang pagtulong sa mga Katipunero. Siya ay
ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang
magtrabaho sa kanila kaysa tumanggap ng libreng tulong.
Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga Amerikano ay nasa bansa na.
Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107.

7
Teresa Magbanua

https://tinyurl.com/y4g6wow6

Nagmula sa mayamang angkan si Teresa Magbanua. Tubong Pototan, Iloilo


siya at pinag-aral sa mahusay na paaralan. Nagtapos siya ng pagkaguro at sandaling
nakapagturo. Nang siya ay mag-asawa, ginugol niya ang panahon sa pag-aasikaso
sa kanilang asyenda. Nahasa pa niya ng lalo ang kanyang galing sa pangangabayo.
Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang
asawa. Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na
pawang may mataas na katungkulan sa Katipunan. Pinamunuan niya ang isang
pangkat ng mga kalalakihan. Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa
kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na “Nay Isa”. Maraming labanan ang
kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom at kakulangan sa armas, unti-unting naagaw
nila ang mga bayan ng Panay hanggang masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo
ang buong isla.

Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga Amerikano. Ang


kaniyang kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa
pakikipaglaban ang kanyang kapatid na si Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara,
Iloilo sa mga kamay ng mga Amerikano, naging gerilya sila. Napatay ang kaniyang
kapatid na si Elias sa isang labanan, samantalang patraydor namang pinatay si
Pascual.

Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang magsimulang


magsisuko ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip na sumuko.
Lumipat siya sa bayan ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang
pakikipaglaban nang makita niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop
ng mga Amerikano. Nagbalik siya sa kanyang asawa nang sumiklab ang digmaan.
Ipinagbili niya ang kanilang mga ari-arian sapagkat patay na ang kaniyang asawa at
wala naman silang naging anak. Nakitira na lamang siya sa kaniyang kapatid sa
Mindanao. Namatay siya noong 1947.

8
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Subuking buuin ang puzzle. Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang sagot.

1. Kilala bilang “Ina ng Katipunan”.

2. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na “Nay Isa”.

3. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon.


Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.

4. Siya ang nagpahiram ng barko kay Aguinaldo at asawa siya ni Eulalio


Villavicencio.

5. Matapang na asawa ni Andres Bonifacio.

9
Isaisip
Panuto: Anu-ano ang mga maganda at di-magandang naidulot ng partisipasyon
ng mga kababaihan sa pakikibaka ng bayan? Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

MAGANDA DI-MAGANDA

Isagawa
Panuto: I. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong magiging sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Maituturing mo ba na mas may pakinabang ang mga kababaihan noon kaysa


sa mga kababaihan ngayon? Ipaliwanag.

2. Sa paanong paraan maaari mong mahikayat ang iyong kapwa - Pilipino na


ipagmalaki ang ating mga kababaihan?

3. Ano ang masasabi mo sa mga katangian ng ating mga kababaihan noon lalo
na sa panahon ng rebolusyon?

4. Paano natutugunan ng inyong barangay ang mga pangangailangan ng mga


kababaihan sa inyong lugar?

10
5. Bilang pagpapahalaga sa mga kababaihan, paano mo maipapakita ang iyong
pagpapahalaga sa iyong ina?

Tayahin
Panuto: I. Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Siya ay tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”?


A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Josefa Rizal
D. Melchora Aquino
2. Sino ang tinaguriang “Ina ng Katipunan”?
A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Josefa Rizal
D. Melchora Aquino
3. Siya ay galing sa mayamang pamilya na sumuporta sa mga katipunero at
nagbigay ng Php18,000 kay Jose Rizal sa Hongkong.
A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Patrocinio Gamboa
D. Melchora Aquino
4. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado sa
Sta. Barbara.
A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Teresa Magbanua
D. Patrocinio Gamboa
5.Siya ay sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang dalawang kapatid
na lalaki at namuno sa isang maliit na pangkat.
A. Gregoria De Jesus
B. Gliceria Marella De Villavicencio
C. Teresa Magbanua
D. Patrocinio Gamboa

11
Panuto: II. Isulat ang kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at
naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

__1. Walang mahalagang naitulong ang mga Pilipino mula sa ibang rehiyon sa
pakikipaglaban sa mga mananakop na Espanyol.
__2. Maraming iba’t ibang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino laban sa
mga Kastila.
__3. Ilan sa mga Pilipino ay nag-aklas dahil sa relihiyon.
__4. Ang mga katutubong Pilipino tulad ng mga Igorot ay sang-ayon sa pananakop
ng mga Kastila.
__5. Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan na.
Marami silang mahahalagang papel na ginampanan bilang mandirigma,
babaylan, at higit sa lahat, bilang ilaw ng tahanan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Kopyahin ang talaan sa iyong kuwaderno. Lagyan mo ng tsek ang


hanay ng iyong sagot.

Ginagawa mo ba ito? Madalas Minsan Hindi

1. Iginagalang ko ang
kapatid kong babae.
2. Tinutulungan ko ang aking
ina sa kanyang mga dala-
dalahan.
3. Sumasagot-sagot ako sa
aking Nanay sa tuwing
pinapagalitan ako.
4. Naiinis ako kapag si ate
ang pinagbibilinan ni
nanay na tumingin sa
amin.
5. Ibinibigay ko ang aking
upuan kung walang
maupuan ang kamag-aral
kong babae.

12
Susi sa Pagwawasto

Subukin
A B Tuklasin
1.b 6. ANDRES BONIFACIO (Ang mga sagot ay maaaring magkaiba)

2. a 7. GUAM Pagyamanin
3. e 8. TERESA MAGBANUA 1. Melchora Aquino

4. c 9. BUNDOK HULOG 2. Teresa Magbanua

5. d 10. KATIPUNERO 3. Patrocinio Gamboa

Balikan 4.Gliceria Marella de Villavicencio

1.T 6. T 5. Gregoria De Jesus

2. M 7. T Isagawa
3. T 8. T (Ang mga sagot ay maaaring magkaiba)

4. T 9. T

5. M 10. M Karagdagang Gawain


Isaisip (Iba-iba ang maaaring sagot.)

(Iba-iba ang maaaring sagot.)

Tayahin
I. II.

1.A 1.

2.D 2.

3. B 3.

4.D 4.

5. C 5

2.
13
3.

4.
Sanggunian

1.MELC 2020, pahina 42, week 6


2. Internet:
https://tinyurl.com/y5j8v3h5

https://tinyurl.com/y5gptx85

https://tinyurl.com/y25b8j38

https://tinyurl.com/y2xh3goq

https://tinyurl.com/yylwxnjo

https://tinyurl.com/y4g6wow6
https://www.coursehero.com/file/42852722/LM-Partisipasyon-ng-Ibat-
Ibang-Sektor-at-Rehiyon-sa-Pag-aalsadocx/

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like