You are on page 1of 16

5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 8:
Partisipasyon ng mga Kababaihan sa
Pagsulong ng Kamalayang Pambansa

i
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Pagsulong ng
Kamalayang Pambansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Evangelyn V. Mamac


Editor: Charo G. Callao
Tagasuri: Josephine T. Sardan
Nieves S. Asonio
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Richie C. Naingue
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Carmelita A. Alcala EdD
Joelyza M. Arcilla EdD Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis EdD Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay EdD Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin

Panimula

Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat
mong pag-aaralan habang wala ka sa paaralan.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC)

Napahahalagahan ang partisipasyon ng kababaihan sa pagsulong ng kamalayang


pambansa.

MGA LAYUNIN

K – Natatalakay ang partisipasyon ng kababaihan sa pagsulong ng kamalayang


pambansa

S – Naitatala ang mga mahahalagang partisipasyon ng mga kababaihan sa


rebolusyong Pilipino

A – Nabibigyang- halaga ang mga kabutihang nagawa ng mga babaeng


rebolusyonaryo

Subukin
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung sino ang isinasaad sa bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong kuwaderno.

1. Kabiyak ni Andres Bonifacio at tagapangalaga ng mga dokumento ng


samahan?
a. Gregoria de Jesus c. Gliceria Marella de Villavicencio
b. Gabriela Silang d. Patrocinio Gamboa

1
2. Siya ang unang Filipinang namuno sa panghihimagsik noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol.
a. Gabriela Silang c. Patrocinio Gamboa
b. Gregoria de Jesus d. Josefa Rizal
3. Si _____________ ang nahalal na pangalawang pangulo sa isang sektor ng
samahan na pambabae.
a. Melchora Aquino c. Gregoria de Jesus
b. Teresa Magbanua d. Patronio Gamboa
4. Naglingkod bilang pangulo ng lupon ng mga kababaihan.
a. Melchora Aquino c. Patronio Gamboa
b. Teresa Magbanua d. Josefa Rizal
5. Saan binaril ang asawa ni Oriang?
a. Bundok ng Hulong c. Bundok Apo
b. Manila d. Cotabato
6. Siya ay binansagang “Ina ng Katipunan”.
a. Gregoria de Jesus c. Melchora Aquino
b. Oriang d. Patrocinio Gamboa
7. Siya ang itinuturing na ina ng Philippine National Red Cross dahil sa kanyang
naging tulong sa mga kasamahang katipunero.
a. Trinidad Tecson c. Marina Dizon
b. Patrocinio Gamboa d. Nazaria Lagos
8. Siya ang napiling maging kalihim ng samahan ng mga Katipunero..
a. Marina Dizon c. Nazaria Lagos
b. Patrocinio Gamboa d. Josefa Rizal
9. Siya ang nagtahi sa unang bandilang Pilipino na ginamit ni Pangulong Emilio
Aguinaldo noong Hunyo 12,1898.
a. Gabriela Silang c. Marcela Agoncillo
b. Josefa Llanes Escoda d. Teresa Magbanua
10. Tinaguriang “Joan of Arc” ng kabisayaan dahil sa kanyang angking katapangan
sa pakikisangkot sa pakikidigma sa Panay.
a. Teresa Magbanua c. Nazaria Lagos
b. Trinidad Tecson d. Gabriela Silang

Balikan
Panuto: Isulat ang K kung ang mga pahayag ay pawang katotohanan, HK kung
hindi katotohanan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

______1. Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang naging pagtungo ng mga


Pilipino sa pagtrato sa kanila ng mga Espanyol.

2
______2. Ang mga Pilipina noon sa panahon ng barangay at sultanato ay hindi
binigyan ng pagpapahalaga sa lipunan.
______3. Maraming papel ang ginampanan ng mga kababaihan kabilang dito ang
pagiging mandirigma, babaylan at punong tagapangasiwa sa loob ng
tahanan.
______4. Walang mahalagang naitulong ang mga Pilipino mula sa ibang rehiyon.
______5. Maraming Pilipino ang nagbuwis ng buhay para sa kanilang mga
ipinaglalaban.

Tuklasin

https://tinyurl.com/862mcjmd

Suriin

Sa simula, lalaki lamang ang mga kasapi sa katipunan. Dahil sa paghihinala ng


kanilang mga asawa sa kanilang pag-alis-alis kung gabi at nababawasan ang kanilang
sahod, napilitan silang itatag ang isang samahan para lamang sa mga asawa, kapatid,
at anak ng mga katipunero.
Malaking tulong ang nagawa ng mga katipunera. Sila ang nagtago ng mga
mahahalagang lihim na dokumento ng katipunan. Kung may pagpupulong ang mga
katipunero, ang mga kababaihan ay nagsasayawan, nagkakantahan, at nagsasaya
3
upang hindi mahalata ng mga guwardiya sibil at isipin lamang ng mga ito na sila ay
nagdiriwang.

Mga Kababaihan at ang Kanilang Partisipasyon sa Rebolusyong Pilipino

Malaki ang ginampanan ng mga kababaihan sa panahon ng himagsikan. Sa


labis na pag-aasam ng kalayaan ang iba sa kanila ay napilitang makipagdigma sa
kabila ng kanilang kasarian.

Josefa Rizal

●Kapatid ni Jose Rizal


● Naglingkod bilang pangulo ng lupon ng mga
kababaihan.

https://images.app.goo.gl/U3
qpMwJWP8aixHFb7

Marina Dizon
● Siya ang napiling maging kalihim ng samahan ng mga
katipunera.

https://images.app.goo.gl/QuEx
qywBATPxrrdS7

4
Gregoria de Jesus
● Ikalawang pangulo ng samahan ng mga kababaihan
●Asawa ni Andres Bonifacio
● Lakambini ng Katipunan
●Tagapangalaga ng mga dokumento ng samahan
● Siya ang naghahanda ng mga kailangan para sa
pagsubok sa magiging kasapi ng Katipunan
● Lumalaban kasama ang kanyang asawa
● Nang mamatay si Bonifacio, pinakasalan si Julio
https://www.google.com/search?q=g Nakpil
regoria+de+jesus&so

MELCHORA AQUINO

●Binansagang “Tandang Sora” bilang pagkilala sa


https://www.google.com/search?
kanyang paglilingkod at pagkanlong sa mga
q=tanda+sora&source
kababayan noong Himagsikan ng 1896.
●Tinaguriang “Ina ng Katipunan” “Ina ng
Rebolusyon” “Ina ng Balintawak.”
●Hindi sagabal ang kanyang edad na 84 sa
paglilingkod sa samahan tulad ng pagtulong sa
mga katipunerong sugatan at pagkalap ng mga damit at gamot.

Teresa Ferraris Magbanua


●Tinaguriang “Joan of Arc ng Kabisayaan”
dahil sa kanyang angking katapangan sa
pakikisangkot sa pakikidigma sa Panay.
●Pinamunuan ang pangkat ng kalalakihan sa
labanang Baryo Yoting sa Capiz noong Disyembre
●Sumabak din sa labanan ng Burol Sapong.
file:///C:/Users/USER/Downloads/teresa
%20ferraris%20magbanua%20-

5
Marcela Agoncillo

●Asawa ng diplomatikong si Felipe Agoncillo.


●Siya ang nagtahi sa unang bandilang Pilipino na
ginamit ni Pangulong Emilio Aguinaldo noong
Hunyo 12, 1898.

https://images.app.goo.gl/7Np8KE2gmjmQ
comk8

Trinidad P. Tecson
●Tinaguriang “Ina ng Biak-na-Bato” at “Mother of
Mercy”
●Siya ang itinuturing na” Ina ng Philippine National Red
Cross” dahil sa kanyang naging tulong sa mga
kasamahang katipunero.
●Siya ay lumaban sa Bulacan at ginamot ang mga
https://www.google.com/search?q=trinid
https://www.google.com/searc sundalong sugatan.
ad+p.+tecson+image&rlz=1C1CHBF_enPH
h?q=trinidad+p.+tecson+imag
e&rlz=1C1CHBF_enPH913PH
913PH913&tbm=isch&source=iu&ictx=1&
913&tbm=isch&source=iu&ictx
=1&fir=kDCFol2ahCvNIM%25
2CYmWgFkL6VDXVvM%252 Maria Josefa Gabriela Silang
C_&vet=1&usg=AI4_-
kRrELjkRTB3riqTaQmVOVQ5 ● Siya ay si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang ang
afMqoQ&sa=X&ved=2ahUKE
wj_4ry2ip_tAhWIGqYKHeGgC unang Filipinang namuno sa paghihimagsik noong
rwQ9QF6BAgMECs#imgrc=Ql panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
pP1X7S386tkM
● Asawa ni Diego Silang.
● Bago namatay ang asawang si Diego ay nangako
siyang ipagpatuloy ang labanang nasimulan.
● Pinamunuan niya ang labanan sa Santa at Vigan sa
https://images.app.goo.gl/qcu Ilocos Sur.
YC5GexuzitYRGA
● Nagsilbing inspirasyon si Gabriela sa samahang
nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan.

Nazaria Lagos

●Tinaguriang “Florence Nightingale ng Panay”


●Ang kanyang asyenda ay ginawang ospital pang-militar
para sa mga rebolusyonaryo at ginamot sila.

https://images.app.goo.gl/kNijBZjUKQ
GhG39

6
Josefa Llanes Escoda
●Tagapagtaguyod ng karapatang
Pangkababaihan.
●Tagapagtatag ng Girl Scout of the
Philippines.

https://images.app.goo.gl/1dN
WdivNp98MnLzV9

Patrocinio Gamboa
●Ipinagsapalaran ang kanyang buhay sa pagdadala
ng bandila ng Pilipinas mula Jaro hanggang Santa
Barbara.
● Inalagaan at inagura ang mga nasugatan at may
sakit sa panahon ng digmaan.

https://images.app.goo.gl/vSWe
DsQ9dwAGzP2R9
Gliceria Marella de Villavicencio
● Gliceria Marella de Villavicencio ng Taal, Batangas.
●Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio Villavicencio sa
gulang na 19.
●Nagsimula sa pagiging aktibo sa propaganda
●Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng
1896.
● Ipinagamit nila ang kanilang mga kamalig para sa
pagmimiting at pagplano ng mga Katipunero. Ito ang
naging dahilan ng pag-aresto at pagkakakulong ng
https://www.google.com/search?gs_s
sp=eJzj4tbP1TcwNMzKy8kxM2D0UkzP kanyang asawa. bagaman pinakawalan ito, iyon ang
yUxOLcpMVMhNLErNyUlUSElVKMsEM
naging simula ng paghina niya at naging bunga ng
kanyang kamatayan. Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng
mga Espanol ang kanilang tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya.
• Noong 1898, ipinahiram niya ang kanyang barko kay Aguinaldo.
• Nahuli siya ng mga ito nang makuha ng kalaban ang liham na ipinadala niya sa isang
heneral ng puwersang rebolusyon si Heneral Mariano Trias. Siya ay inilagay sa house
arrest at nakalaya lamang noon 1900 nang ganap nang makontrol ng mga Amerikano
ang rebolusyon.
Hindi naging madali sa mga kababaihan ang himagsikan noon ngunit hindi
naging hadlang ang kasarian, edad at katayuan sa buhay nila makamit lamang ang
kalayaang inaasam-asam. buong puso nilang inialay ang kanilang katapatan at

7
kakayahan sa samahang naitatag sa likod ng pangambang maaring buhay ang
kapalit.

Pagyamanin

Gawain A
Panuto:. Kilalanin ang mga larawan sa ibaba at isulat ang tukmang pangalan nito.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gregoria de Jesus Gabriela Silang Josefa Llanes Escoda

Nazaria Lagos Melchora aquino Trinidad Tecson

https://www.google.com/search?q=gregoria+de+jesus&so https://www.google.com/search?q=tanda+sora&source

1._________________ 4. __________________

https://images.app.goo.gl/qcuYC5GexuzitYRGA https://images.app.goo.gl/kNijBZjUKQGhG39

2._________________ 5. _________________

8
https://images.app.goo.gl/1dNWdivNp98MnLzV9 https://images.app.goo.gl/7Np8KE2gmjmQcomk8

3. ________________ 6. ________________

Gawain B
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung tama
ang pahayag sa pangungusap, MALI naman kung hindi.Isulat ang tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

____1. Si Melchora Aquino ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang pagtulong sa


mga katipunero.
____2. Nagmula sa mayamang angkan ng mga Ilustrado si Patrocinio Gamboa.
____3. Tubong Pototan, Iloilo si Teresa Magbanua, siya ay nakapagtapos ng
abogasya.
____4. Si Gliceria Marella de Villavicencio ay maagang nagpakasal kay Eulalio
Villavicencio sa gulang na 19.
____5. Si Gamboa ay nagmula sa mayamang angkan ng mga ilustrado. Mahilig
siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena.

Isaisip
Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Sino-sino ang mga kababaihang nakipagsapalaran sa panahon ng rebolusyong


Pilipino?
2. Ano-ano ang kanilang partisipasyon sa himagsikan noon? Magbigay ng tatlong
kasagutan.
3. Bakit tinaguriang “Ina ng Katipunan” si Melchora Aquino?
4. Paano nakatulong ang pagbuo ng samahan ng mga kababaihan sa
himagsikang naganap?

9
Isagawa

Bilang bata, anong gintong aral ang iyong mapupulot sa mga kabayanihang nagawa
ng mga kababaihang rebolusyonaryo na nakipaglaban para sa kalayaan ng ating
Inang Bayan at paano mo pahahalagahan at maipakita ang pagmamahal sa ating
Inang Bayan?

Isulat ng patalata ang sagot sa iyong activity notebook.

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Mahusay na naisulat ang buong kaisipan ukol sa paksa 5
Nasunod ang tamang pamantayan sa pagbuo ng talata ukol 3
sa paksa
Malinis at malinaw ang pagkagawa o pagkasulat ng talata 2
ukol sa paksa
Kabuuang Puntos 10

Tayahin
A. Panuto: Hanapin sa kolum A ang bawat partisipasyon ng kababaihan sa kolum
B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Kolum A Kolum B
1. Melchora Aquino a. Siya ay nakilala sa kaniyang husay
sa pamumuno at tinawag na “Nay
Isa”.

2. Gregoria de Jesus b. Nakatulong siya sa paniniktik at sa


pag-iipon ng pondo para sa
rebolusyon. Naging aktibo bilang
miyembro ng Red Cross.
3. Patrocinio Gamboa c. Siya ang tagatago ng mga lihim na
dokumento ng samahan.
4. Gliceria Marella de d. Ipinagpatuloy niya ang
Villavicencio pakikipaglaban at sinikap niyang
maging mabuting espiya.
5. Teresa Magbanua e. Nagbigay siya ng tulong sa mga
nasugatang katipunero, siya ay
binansagang “Ina ng Katipunan”.

10
B. Punan ang patlang ng wastong impormasyon upang mabuo ang bawat pahayag.
Isulat ang tamang sagot sa kuwaderno.

1. Si Melchora Aquino ay binansagang _____________ bilang pagkilala sa


kanyang paglilingkod at pagkanlong sa mga kababayan noong Himagsikan ng
1896.
2. Tinaguriang _______________ si Teresa Magbanua dahil sa kanyang angking
katapangan sa pakikisangkot sa pakikidigma sa Panay.
3. Si ______________ ay itinuturing na ina ng Philippine National Red Cross dahil
sa kanyang naging tulong sa mga kasamahang katipunero.
4. Si _____________ ang unang Filipinong namuno sa paghihimagsik noong
panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
5. Si Gregoria de Jesus na kabiyak ni Andres Bonifacio ay tinaguriang
_____________________.

Karagdagang Gawain
Panuto: Iguhit sa patlang ang kung sang-ayon ka sa sinabi ng pangungusap
at naman kung hindi.Gawin ito sa iyong kuwaderno.
______1. Walang mahalagang naitulong ang mga kababaihan sa kanilang
pakikipaglaban
______2. Maraming iba’t ibang dahilan kung bakit nag-aalsa at tumulong ang mga
Pilipino laban sa mga Kastila.
______3. Ang mga kababaihan ay handang makipaglaban para sa kalayaan.
______4. Maraming kababaihan ang tumulong sa maraming paraan sa panahon
ng rebolusyon.
______5. Maraming Pilipino ang nagbuwis ng buhay dahil sa kanilang mithiin na
makamit ang kasarinlan.

TALAHULUGANAN
Bandila- watawat

Kasapi- miyembro, kapangkat


Dokumento- isang kasulatan, mahalagang papeles
Himagsikan- rebelyon, pag-aalsa o pagrerebelde
Hinimok- pagpapasang-ayon, hinikayat o inaanyayahan
Pag-aalsa- rebelyon, paghingi ng pagbabago; pagtutol sa mga patakaran
Rebolusyon- rebelyon; himagsikan

11
Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Pagyamanin


1.A A.
2.A 1.K 1.Gregoria de Jesus
3.C 2.HK 2.Gabriela Silang
4.D 3.Josefa Llanes Escoda
5.A 3.K 4. Melchora Aquino
6.C 5. Nazaria Lagos
7.A 4.HK 6. Marcela Agoncillo
8.A 5.K B.
9.C 1. T
10.A 2. T
3. M
4. T
5. M

Isaisip Isagawa
Iba-iba ang sagot ng mga Iba-iba ang sagot ng mga bata.
bata.

Tayahin
Karagdagang Gawain
A.
1.e 1.
2.c
3.b 2.
4.d
5.a 3.

B.
4.
1.Tandang Sora
2.Joan of Arc ng Kabisayaan
3.Trinidad Tecson 5.
4.Maria Josefa Gabriela Silang
5.Lakambini ng Katipunan

12
Sanggunian

➢ https://philippineculturaleducation.com.ph/ang katipunan/
➢ https://tl.wikipedia.org/wiki/GabrielaSilang
➢ https://philippineculturaleducation.com.ph/himagsikang-1896/
➢ https://images.app.goo.gl/1dNWdivNp98MnLzV9
➢ https://images.app.goo.gl/vSWeDsQ9dwAGzP2R9
➢ https://tl.wikipedia.org/wiki/Melchora-Aquino
➢ https://images.app.goo.gl/7Np8KE2gmjmQcomk8
➢ https:philippineculturaleducation.com.ph/rebolusyon/
➢ https://images.app.goo.gl/QuExqywBATPxrrdS7
➢ https://images.app.goo.gl/kNijBZjUKQGhG39
➢ https://tl.wikipedia.org/wiki/Talambuhay_ng_mga Bayani5_02.JPG
➢ https://www.google.com/search?q=gregoria+de+jesus&so
➢ https://www.google.com/search?q=tanda+sora&source
➢ https://images.app.goo.gl/U3qpMwJWP8aixHFb7
➢ file:///C:/Users/USER/Downloads/teresa%20ferraris%20magbanua%20-
%20Google%20Search.html

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like