You are on page 1of 41

5

Modyul sa Filipino
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 1 – 4
5
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Pangyayaring Nasaksihan:
Ibahagi Natin
Salitang Hiram: Baybayin
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pangyayaring Nasaksihan: Ibahagi Natin
Salitang Hiram: Baybayin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marjorie A. Javier


Jimson E. Quezada
Ofelia R. Sagum
Editor: Rogelio L. Bañas Jr. at Vivian B. Estil
Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Rogelio L. Bañas Jr.
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Tunay na walang katapusan ang paghahanap ng mga kagamitan at


estratehiyang makatutulong at makatutugon sa mga kompetensi upang maibigay ang
mga kasanayan sa pagtuturo at pagkatuto. Ang tanging kailangan ay umayon tayo at
sumunod sa indayog at agos ng pagbabago, at maging bukas ang isipan sa mga
pangyayari sa ating paligid.
Masarap sa pakiramdam kung naipahahayag o nasasabi natin ang ating mga
saloobin, hinaing, nararamdaman, at maging ang mga bagay na ating naobserbahan o
nasaksihan.
Ngayong araw na ito, sa tulong ng gabay at tamang pagsunod sa modyul na
inihanda sa iyo ay ipakikita natin ang iyong natatagong talino at kakayahan sa
larangan ng pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan gayundin ang pagbabaybay ng
mga salitang hiram. Ngunit, paano tayo makapagbabahagi nito? Paano natin
maisusulat ang mga salitang bago lamang sa ating paningin? Alamin na natin ang
ating mga paksa!

Ang modyul na ito ay may mga kasanayan at aralin tungkol sa:


 Pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan
 Pagbabaybay nang wasto sa mga salitang hiram at mga natutuhan sa aralin

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Nakapagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan; at
(F5PS-Id-3.1)
2. Nakapagbabaybay nang wasto sa mga salitang hiram at mga natutuhan sa
aralin.
(F5PU-Ic-1)

Subukin
Magandang araw minamahal kong mag-aaral! Alam kong handa ka nang simulan
ang ating aralin. Tayo nang lumipad patungo sa mataas na antas ng pagkatuto! Gawin
mo ang panimulang pagsasanay na inihanda ko para sa iyo.
Panuto: Basahin ang maikling teksto, at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Bilugan ang letra ng wastong sagot.

Ang Pabasa
Noong Mahal na Araw, sa lalawigan ng mga lolo ako nagpunta. Napanood ko
roon ang pabasa. Ayon sa aking Lolo Roger, isa raw itong matandang kaugalian na
ipinamana sa atin ng mga Espanyol. Ang pabasa ay paawit na pagbasa sa buhay ni
Hesus mula nang Siya’y ipinaglihi hanggang Siya’y mamatay sa Krus. Binabasa ito
nang paawit mula sa aklat na tinatawag na pasyon. Sinisimulan ang pagbasa mula sa
pagpasok ng Mahal na Araw hanggang Biyernes Santo. Nag-aanyaya ng mga babasa
ang may pabasa hanggang matapos ang buong pasyon. Iba-iba rin ang estilo o punto
ng pagbasa.
Hango sa: https://annabellecarinoteachersblog.files.wordpress.com/2017/01/dll_fil-6_q3_w6.docx

1. Ano ang pangyayaring nasaksihan ng nagkukuwento?


A. Pasko B. Pabasa C. Mahal na Araw D. Biyernes Santo
2. Anong mahalagang tradisyon ang ipinagdiriwang sa teksto?
A. Pasko C. Mahal na Araw
B. Todos Los Santos D. Biyernes Santo
3. Kaninong buhay ang tinatalakay sa Pabasa?
A. kay Hesus C. kay Maria
B. kay Jose D. kay Juan Bautista

1
4. Ano ang pabasa?
A. patulang pagbasa ng buhay ni Hesus
B. madulang drama tungkol sa buhay ni Hesus
C. paawit na pagbasa tungkol sa buhay ni Hesus
D. madulang pagkukwento tungkol sa buhay ni Jesus
5. Sa anong aklat binabasa ang salaysay ng buhay ni Hesus?
A. Ensayklopidya C. Alamat
B. Pasyon D. Pabula

Aralin Pangyayaring Nasaksihan:

1 Ibahagi Natin
Salitang Hiram: Baybayin
Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwento sa mga aklat, makinig sa mga
kuwento ng iyong mga magulang, at manood ng mga kuwento sa Youtube Channel?
Sa bawat araw ng ating buhay mula paggising mo sa umaga hanggang sa
paglubog ng araw ay maraming mga pangyayari sa ating paligid ang ating nakikita,
nasasaksihan, at naoobserbahan. Maaaring ito ay totoo o kaya naman ay walang
katotohanan. Subalit, paano mo ba ito ibabahagi sa ibang tao? Marapat lamang na
tayo ay maging mapanuri sa mga ito upang kung atin itong ibabahagi sa iba ay wasto
ang mga detalyeng ating ibibigay.
Bago tayo tumungo sa bagong aralin, balikan muna natin ang mga dati mong
kaalaman na siguradong makatutulong sa ating tatahaking pag-aaral sa araw na ito.
Handa ka na ba?

Balikan

Alam kong natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagbibigay-


kahulugan ng iba’t ibang uri ng grap mula sa isang talata o kuwento. Narito ang datos
ng mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Guadalupe Viejo (GVES) mula Kinder
hanggang Ikaanim na baitang. Tingnan ang grap at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Bilugan ang letra ng wastong sagot.

Bilang ng mga Mag-aaral sa Paaralang


Elementarya ng Guadalupe Viejo (GVES) sa bawat
Baitang
160
140
140 145
139
120 131 132
127
100
107
80
60
40
20
0

Kinder Grade I Grade II Grade III Grade IV Grade V Grade VI

Mga Tanong:
1. Ilan ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa paaralang GVES?
A. 906 B. 920 C. 925 D. 921

2
2. Anong baitang ang may pinakamababang bilang na mag-aaral?
A . Grade I B. Grade III C. Grade IV D. Grade V
3. Ilan ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa baitang una at ikalawa ayon sa grap?
A. 269 B. 271 C. 217 D. 296
4. Bakit kaya ang mag-aaral ng ikaapat na baitang ang may pinakamababang bilang
ng mag-aaral ayon sa bar grap?
A. Maaaring tumigil sa pag-aaral ang iba dahil walang gadget at internet na
gagamitin.
B. Lumipat sa probinsiya dahil nawalan ng hanapbuhay ang haligi ng tahanan.
C. Walang magulang kapatid o kaanak ang gagabay sa mag-aaral sa kanilang
tahanan sa kadahilanang pumapasok ang magulang sa trabaho.
D. Lahat ng nabanggit sa pagpipilian ay maaaring tama.
5. Ano ang gagawin natin sa mga mag-aaral na tumigil sa pag-aaral ngayong taon?
A. Hikayatin ang kamag-aral na pumasok sa susunod na taon.
B. Pabayaan na lang natin sila sa kanilang kagustuhan.
C. Kung sa tingin nila iyon ang maganda, ang tumigil sa pag-aaral.
D. Sasabihan ang mag-aaral na mas magandang hindi na pumasok kasi may edad
na siya.

Tuklasin

Basahin at unawaing mabuti ang balita.

Resume ng “Balik Probinsiya”, asahan- Palasyo


Tiniyak ng Malacañang na magreresyum ang “Balik Probinsya, Balik Pag-asa”
program oras na matulungan na ang mga na-stranded sa Metro Manila dulot ng
pandemya.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maraming Pilipino na ang
naniniwala na mas makabubuti ang pagtira sa probinsya habang nahaharap ang Pilipinas
sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Roque, habang nahaharap sa krisis ang bansa, ay matitiyak ng mga tao
na nasa probinsya na hindi sila magugutom dahil pwede silang magtanim at manghuli ng
isda.
Ipinunto naman ni Roque na hinihintay pa nila ang improvement sa kapasidad
ng testing ng mga probinsiya kung saan ay magkakaroon ang mga ito ng mga sariling
swabbing centers at polymerase chain reaction test laboratories.
Mababatid na layon ng “Balik Probinsya Balik Pag-asa” program, na nilikha sa
pamamagitan ng Kautusang Ehekutibo 114, na tiyakin ang balanseng regional
development at pantay-pantay na distribusyon ng resources at oportunidad sa
pamamagitan ng mga polisiya at programa na magpapaigting sa development sa mga
probinsiya.
Nag-aalok ang programa ng pinansiyal na ayuda, edukasyon, hanap-buhay at
housing assistance para sa mga tao upang pabalikin ang mga ito sa probinsiya at ma-
decongest ang Metro Manila.
Balita mula sa Brigadanews.ph, naakses sa:
https://www.facebook.com/watch/live/?v=914625109053349&ref=watch_permalink

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.


1. Tungkol saan ang balita?
2. Ano ang layunin ng “Balik Probinsiya Balik Pag-asa” program?
3. Sino-sino ang makikinabang sa programang ito?
4. Bakit ipinatutupad ng pamahalaan ang programang ito?
5. Sang-ayon ka ba sa layunin ng programang ito? Bakit?

3
Suriin

Sa tekstong binasa mo sa bahaging “Tuklasin”, iyong mapapansin na ito ay


isang balita. Ito ay isang halimbawa ng pangyayaring iyong nasaksihan o kaya ay
naobserbahan.
Paano mo ito ibabahagi sa ibang tao? Ano ang mga dapat mong tandaan?
Sa pagbabahagi ng isang pangyayaring iyong nasaksihan o naobserbahan,
mahalagang tandaan mo ang sumusunod na puntos:
1. Nararapat lamang na sinuri mong mabuti ang pangyayari kung ito ay may
katotohan o wala.
2. Alaming mabuti ang mga pangunahing detalye ng pangyayari na sumasagot sa
mga tanong na Ano, Sino, Saan, Bakit, Kailan, at Paano.

Ngayon naman ay pansinin mo ang mga salitang initiman sa tekstong binasa


mo sa bahaging “Tuklasin”, ano kaya ang tawag sa mga ito? Paano binaybay ang
bawat salita? Ang mga salita bang nakasulat ay orihinal na salitang Filipino?
Ang mga salitang initiman ay mga halimbawa ng hiram na salita. Ano ang
hiram na salita?
Ang mga hiram na salita ay mga salitang bahagi ng wikang Filipino na kinuha
sa wikang dayuhan katulad lamang ng Ingles, Kastila, at iba pa. Ang mga hiram na
salita ay mga salitang walang direktang salin sa wikang Filipino. Kaya naman, ang
kadalasang ginagawa ay ang pag-iba ng palatitikan.
Halimbawa: “computer” ay nagiging “kompyuter”.
“centripetal” ay nagiging “sentripetal”
“basketball” ay nagiging “basketbol”
“cake” ay nagiging “keyk”
Sa pagbabaybay ng mga hiram na salita, mahalagang malaman mo ang mga
panuntunan upang ito ay mabaybay mo nang wasto. Narito ang ilang panuntunan sa
pagbabaybay na dapat mong tandaan.

1. Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na salita na naasimila na sa


Sistema ng Wikang Filipino ay susunod na rin ang kung ano ang bigkas ay siyang
sulat, at kung ano ang sulat ay siyang basa.

2. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles, at iba
pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Kastila Filipino Ingles Filipino
cheque tseke commercial komersyal
liquid likido advertising advertayzing

Iba pang wika Filipino


Coup d’etat (French) kudeta
Blitzkrieg (German) blitzkrieg

3. Maaari rin namang baybayin ang salitang hiram sa orihinal nitong anyo kung ito
ay konsistent ang baybay at walang pagbabago
Halimbawa: reporter, soprano, memorandum

4. May mga salitang hiram na lubhang di-konsistent ang baybay o lubhang malayo
sa bigkas ang ispeling. Maaaring hayaan na muna ang orihinal na anyo nito at
panatilihin ang ispeling sapagkat kapag binaybay ito ayon sa alpabetong Filipino ay
hindi na mababakas ang orihinal na ispeling nito.
Halimbawa: coach, rendezvous, sandwich
Para sa karagdagang kaalaman sa pagbabaybay, maaaring sumangguni sa link na
ito: https://kwf.gov.ph/, at idownload ang sipi ng KWF Manwal sa Masinop na
Pagsulat.

4
Pagyamanin

GAWAIN 1. Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutin ang susunod na


katanungan.

Ang Putong sa Marinduque


Katha ni Jimson E. Quezada

Bakasyon noon nang bumisita kami sa lalawigan ng aking ama sa


Marinduque. Matagal –tagal na rin kasi nang huling bumisita ang aking ama mula
nang ito’y makapag-asawa. Magpi-fiesta rin kasi sa kanilang barangay kaya
pagkakataon na rin ang kami’y makauwi. Alas cuatro ng madaling araw nang
tumulak ang aming biyahe mula Maynila papuntang pier gamit ang nirentahang van.
Pagdating namin sa pier ay bumili na ng ticket ng barko si nanay. Apat na oras ang
itinagal ng biyahe ng barko sa dagat. Maluwalhati naman kaming nakatawid
sapagkat kalmado naman ang dagat at walang nagbabadyang sama ng panahon.
Pagdating namin sa bahay ng aking lolo, ay sinalubong agad kami ng aming
mga kamag-anak, maraming handang pagkaing hindi mo kadalasang makikita sa
Maynila.
Isang pangyayari ang aking nasaksihan at hindi ko malilimutan sa aking
pagdalaw roon. Ito ay ang putong. Ayon sa aking lolo at lola, ito raw ay isang tradisyon
ng mga taga-Marinduque bilang pagtanggap sa mga panauhin. Nilalagyan nila ng
putong o koronang yari sa mga bulaklak o kaya naman ay mula sa hinabing “nito”,
isang local na baging, ang kanilang mga visita bilang tanda ng kanilang pagtanggap
sa mga ito. Inaawitan at sinasayawan din nila ang mga ito, habang binibigkas ang
mga katagang “Mabuhay, Mabuhay” bilang kanilang panalangin sa maganda at
mahabang buhay ng mga bisita.
Pagkatapos ng putong ay nagsasabog din sila ng mga bulaklak at mga barya
na tanda naman ng kasaganaan.
1. Anong magandang pangyayari ang nasaksihan ng may-akda ng kuwento?
A. piyesta B. putong C. sayawan D. bakasyon

2. Bakit nagbakasyon sa lalawigan ang pamilya ng may-akda?


A. magpapasko na C. magpi-fiesta sa lugar
B. kaarawan ng lolo niya D. pumanaw ang isang kamag-anak

3. Sino ang kasama ng may-akda sa kaniyang pagbabakasyon?


A. ang kaniyang mga kaibigan C. ang kaniyang mga pinsan
B. ang kaniyang pamilya D. ang kaniyang mga kalaro

4. Batay sa teksto, paano ipinakikita ng mga taga-Marinduque ang kanilang mabuting


pagtanggap sa kanilang mga panauhin?
A. sa pamamagitan ng paghahanda ng masasarap na pagkain
B. sa pamamagitan ng paglalaan ng matutulugan
C. sa pamamagitan ng pagpuputong
D. sa pamamagitan ng pagsalubong

5. Anong mga salita ang sinisigaw at binibigkas sa pagpuputong na tanda ng


panalangin ng pagkakaroon ng mahabang buhay?
A. Mabuhay! Mabuhay!
B. Welcome! Welcome!
C. Maligayang Pagdating!
D. Balik po kayo!

5
GAWAIN 2. Sa binasang teksto, makikita mo ang mga hiram na salitang initiman.
Baybayin nang wasto ang mga ito sa Wikang Filipino.
6. Fiesta - _______________
7. Local - _______________
8. Cuatro - ______________
9. Visita - _______________
10. Ticket - ______________

Isaisip

Pagnilayan…
1. Ano - ano ang mahahalagang puntos na dapat tandaan sa
pagbabahagi na pangyayaring nasaksihan o naobserbahan?
2. Ano – ano ang mga dapat mong tandaan sa pagbabaybay ng mga
salitang hiram?

Dugtungan ang pahayag.


Natutuhan ko sa araw na ito na
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isagawa

Ipagpatuloy pa ang iyong pagtuklas sa mga kaalamang dapat matutuhan sa araw na


ito. Gawin ang kasunod na pagsasanay.
GAWAIN 1. KARANASAN MO: IBAHAGI MO
SALITANG HIRAM: GAMITIN MO
Panuto: Ibahagi ang iyong karanasan o pangyayaring nasaksihan ngayong 2020
sa pamamagitan ng pagsulat ng talata. Gamitan ito ng mga hiram na salita.
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

6
RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA

Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


Kraytirya
5 puntos 4 na puntos 3 puntos 2 puntos
May ilang
Kumpleto at
Kumpleto ang kakulangan sa
komprehensibo Maraming
nilalaman nilalaman ng
ang nilalaman ng kakulangan sa
Nilalaman sulat/talata.
talata/sulat.Wasto talata/sulat. May
nilalaman ang
ang lahat ng ilang maling
Wasto ang lahat talata.
impormasyon. impormasyon sa
ng impormasyon.
nabanggit.
Malikhaing
nailahad ang
nilalaman ng Hindi gaanong Hindi maayos na
talata/sulat. Maayos na nailahad maayos na nailahad nailahad ang
Maayos ang daloy. ang talata/sulat. ang sulat/talata. sulat/talata. Hindi
Presentasyon Malakas ang tinig Nauunawaan ang Hindi gaanong gaanong
nga paglahahad. nilalaman. nauunawaanang nauunawaan ang
Nauunawaan ang nilalaman. nilalaman.
nilalaman
talata/sulat.
Organisado,
malinaw, simple at
may tamang
Hindi maayos ang
pagkakasunud- Malinaw at maayos
Maayos ang presentasyon ng
sunod ang ang presentasyon ng
presentasyon ng mga ideya.
presentasyon mga ideya sa sulat.
Organisasyon ideya sa Malinaw ang daloy
mga pangyayari at Maraming bahagi
ideya. May bahaging ang hindi malinaw
talata/sulat. ngpaglalahad ng
di gaanong malinaw. sa paglalahad ng
Malinaw ang daloy kaisipan.
kaisipan.
at organisado ang
paglalahad ng
kaisipan.
Baybay ng Malinaw, maayos Maayos ang
mga salita at at tama ang pagbabaybay ng mga
Tama ang baybay ng Hindi maayos ang
grammar, baybay ng mga salita subalit may
mga salita, grammar, grammar at
capitalization salita, grammar, kaunting kamalian
capitalization at pagbabantas.
at capitalization at sa grammar at
pagbabantas. Maayos Hindi maayos ang
pagbabantas pagbabantas. pagbabantas. Hindi
ang pagkakasulat. pagkakasulat.
at gawing Maayos ang gaanong maayos ang
pagkakasulat. pagkakasulat. pagkakasulat.
Kabuuang
Iskor – 20
puntos

Tayahin

GAWAIN 1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung tama ang pagkakahiram ng mga
salitang may salungguhit sa pangungusap. Kung mali naman, isulat sa ilalim ng
kahon ang tamang pagkakahiram o baybay nito.

1. Tayo ay tumulong upang mapigilan ang lumalalang pollucion sa


hangin.

2. Kahit mga estudyante pa lang ay may magagawa tayo.

3. Bigyan natin ng priority ang pagkakaroon ng malinis na hangin.

7
4. Hindi maganda ang epekto ng maruming hangin sa ating kalusugan.

5. Ugaliin nating kumonsulta sa mga doktor kung sakaling mayroon


tayong nararamdamang di mabuti sa ating katawan.

GAWAIN 2

Panuto: Isulat ang katumbas na baybay sa Filipino ng mga salitang hiram.

6. Barrio - __________________
7. Ventilador - __________________
8. Majica - __________________
9. Garaje - __________________
10. Gobierno - __________________

8
5
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Mga Tanong Tungkol sa
Talaarawan, Journal, at Anekdota:
Sagutin
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Tanong Tungkol sa Talaarawan, Journal at
Anekdota: Sagutin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rowena D. Nerona


Cecilia M. Ribleza

Editor: Rogelio L. Bañas Jr. at Vivian B. Estil

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Rogelio L. Bañas Jr.

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw aking mag-aaral! Sa araw na ito ay may bago kang kaalaman
at kasanayang matututuhan. Handa ka na bang tuklasin ang mga ito? Narito ang mga
paksang pag-aaralan mo sa araw na ito.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng kasanayan o aralin tungkol sa:

● Pagsagot sa mga tanong sa binasa/napakinggang talaarawan, journal at


anekdota

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang talaarawan, journal, at


anekdota. (F5PB-Id-3.4, F5PB-Ie-3.3, F5PB-IIf-3.3)

Subukin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, nais kong malaman kung may kasanayan
ka na sa ating paksa. Aalamin natin sa bahaging ito kung ano na ang dati mong
nalalaman. Handa ka na ba?

Panuto: Basahin at pagnilayan ang anekdota. Sagutin ang mga tanong


pagkatapos. Bilugan ang letra ng iyong napiling sagot.

Anekdota: Ang Aking Sarili


Isinulat ni Gng. Rowena D. Nerona

Noong bata pa ako, mahilig kaming magpunta sa dagat kasama ng aking


buong pamilya sa panahong bakasyon sa paaralan upang ang lahat ay kasama.
Pagdating namin doon ay marami ring taong dumarayo dahil na rin marahil sa init
ng panahon. Agad kaming nagpalit ng panligo ng aking pinsang si Ate Juvy.
Nagpaalam ako kay ina na kami ay maliligo sa dagat. Pumayag naman siya at
nagwikang “mag-iingat kayo at sa dalampasigan lamang manatili.”
Sumunod sa amin ang aking kuya Rodel para kami ay kuhanan ng salbabida
at bantayan na rin ng aming pinsan. Nanatili siya sa pampang at kaming magpinsan
naman ay naglaro sa dagat gamit ang salbabida. Di namin namamalayang dalawa
na papalayo na pala kami mula sa pampang. Napasigaw ang kuya at sa gulat ng
aking pinsan ay napakawalan niya ang gamit na salbabida. Agad siyang kumapit sa
akin na naging sanhi ng pagkataob ko pailalim. Wala akong magawa pagkat di
naman ako marunong lumangoy. Napaapak ang pinsan ko sa aking tiyan habang
ako ay nasa kailaliman, nagtitingkayad para makahinga sa ibabaw ng tubig.
Akala ko ay katapusan ko na nang araw na iyon, mabuti na lamang at mabilis
na sumaklolo ang aking kuya para maagapan ang tuluyan kong pagkalunod. Mula
noon hanggang ngayon ay nagkaroon ako ng takot sa paliligo sa dagat. Nais kong
mawala ito sa aking isipan pero hindi ko mapaglabanan.

1. Tungkol saan ang anekdota?


A. Tungkol sa dalawang batang makulit
B. Tungkol sa pamilyang naligo sa dagat
C. Tungkol sa isang batang muntik nang malunod
D. Tungkol sa nakatatakot na palabas na pinanood ng magpinsan

1
2. Ano ang nakapaloob sa anekdotang “Ang Aking Karanasan”?
A. Nang malunod siya sa dagat
B. Nang makakita siya ng sirena
C. Nang hatakin siya ng pinsan niya
D. Nang hinigop siya ng malaking alon

3. Ano ang naramdaman niya sa nangyari?


A. Nanginig dahil sa lamig ng tubig
B. Masaya dahil hindi niya ito makalilimutan
C. Malungkot dahil hindi siya natutong lumangoy
D. Natakot at hindi na muling sumubok maligo sa dagat

4. Sino ang muntik nang malunod sa anekdotang binasa?


A. kuya C. kapitabahay
B. nagkukuwento at pinsan niya D. nanay ng nagkukuwento

5. Kailan naganap ang pangyayari sa anekdota?


A. bakasyon C. Mahal na Araw
B. Pasko D. Pista ng Patay

Nasagutan mo bang lahat ang mga tanong? Huwag kang mag-alala kung hindi.
Matutulungan ka ng modyul na ito upang lumawak pa ang kaalaman sa kasanayang
lilinangin sa linggong ito. Ipagpatuloy na ang pagtuklas ng kaalaman.

Aralin
Mga Tanong Tungkol sa
1 Talaarawan, Journal, at Anekdota:
Sagutin

Sino sa inyo ang nagsusulat ng mga nangyayari sa


buhay araw-araw?
Ano-ano ang mga karanasan o pangyayaring inilalahad
ninyo?
Ano ang pakiramdam ninyo matapos makapagsulat?
Pamilyar ba sa inyo ang larawang ito?
Ihanda na ang sarili sa malalim na talakayan hinggil sa
bagong paksa ngayon.

Balikan muna natin ang kaalamang natutuhan sa


nakaraang aralin.

Balikan

Panuto: Baybayin nang wasto ang sumusunod na mga salitang naiitiman ayon sa
patnubay sa pagbabaybay. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

________________1. Sumakay kami ng jeep ni Nanay pauwi.


________________2. Ligtas kaming nakauwi ng bahay dahil maingat ang driver.
________________3. Kinain agad namin ang nabiling cake na pasalubong kay ate.
________________4. Marami sa mga kabataan ang mahilig sa computer.
________________5. Madalang nang gumamit ng chalk ang aming guro.

2
Naaalala mo na ba?
Ang mga hiram na salita ay mga salitang bahagi ng wikang Filipino na kinuha sa
wikang dayuhan katulad lamang ng Ingles, Kastila, at iba pa.

Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang journal sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.

Ang Aking Journal

Ako si Althea. Nakatira ako sa Singapore. Ako ay dalubhasa sa pagsasalita ng


Mandarin, Malay, at sa wikang English bilang midyum sa pagsasalita. Hindi ko
ginagamit ang wika nang madalas kahit kasama ang aking pamilya sapagkat kapag
nasa aming tahanan ay wikang English pa rin ang aming ginagamit. Nais ko rin
namang maging mahusay sa pag-aaral ng Filipino lalo pa’t guro sa Filipino ang aking
tiya. Mahalaga sa akin ang magbasa nang magbasa. Nakikinig din ako ng mga
awiting OPM na pinabili ko pa sa Pilipinas.
Naalala ko pa noong kami ay umuwi sa Pilipinas. Sa unang linggo ng aking
pananatili ay hirap akong makaintindi at magsalita kapag kausap ko ang aking mga
kamag-anak. Sa hiya ko, nagpaturo talaga ako ng mga salita, pagbabaybay,
pagbigkas, at pagpapantig. Sinikap kong mabuti ang magsanay. Mas bihasa na ako
sa pagsasalita kaysa sa pagbabasa dahil na rin siguro sa pagmememorya.
Salamat sa mga tumulong para ako ay matuto. Sa ikalawang linggo ng aking
bakasyon, masasabi kong marunong na akong magsalita at umintindi ng mga
salitang sinasabi nila at naririnig ko sa aking paligid. Para mas higit akong matuto,
niregaluhan ako ng diksyunaryo para lubos kong maunawaan ang mga salita. Lubos
akong nagpasalamat sa pansamantalang naging guro ko nang ako ay nasa Pilipinas.
Siya ay walang iba kundi si Gng. Nerona, ang aking tiya.
Akda ni Gng. R.D Nerona

Mga tanong:
1. Tungkol saan ang journal?
_______________________________________________________________________________
2. Ano ang kaniyang ginawa sa unang linggo ng kaniyang journal?
_______________________________________________________________________________
3. Sa palagay mo, bakit mahalaga sa kaniya ang matuto ng Filipino?
_______________________________________________________________________________
4. Ano ang ginawa niya sa ikalawang linggo?
_______________________________________________________________________________
5. Ano ang kaniyang ginawa upang masolusyunan ang kaniyang mga suliranin?
_______________________________________________________________________________
6. Ano-ano ang mapapansin mong nilalaman ng isang journal?
_______________________________________________________________________________

Magtala ng tatlong mahahalagang


Suriin detalye sa journal ni Althea.
Ano ang naisip ni Althea?
Ano ang kaniyang nadama?

https://pngimg.com/image/62459

3
1. __________________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________________

Panuto: Gumawa ng sariling talaarawan gamit ang organizer para sa iyong almusal
mula Lunes hanggang Biyernes.
TALAARAWAN SA ALMUSAL
LUNES MARTES MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES

TANDAAN:
Ang journal ay isang mahalagang bagay na dapat nating
ingatan. Ito ay isang tahimik na kasama, repository, lihim o
karanasan, isang instrumentong ginagamit sa pag-iisa upang usisain
at kausapin ang sarili. Ito ay isang pribadong pag-aari at kagamitan
na dapat pahalagahan at ingatan.

Kung naunawan mo ang iyong binasa o napakinggang teksto,


madali mo na lang masasagutan ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan,
bakit, at paano. Ang mga ito ang magbibigay ng mahahalagang detalye
hinggil sa nilalaman ng teksto. Ang tanong na ano ay sasagot sa mga bagay
na tinutukoy sa akda. Ang tanong na sino naman ay ang taong gumanap o
kumilos sa binasang akda. Ang tanong na saan ay nagsasabi naman ng
lugar o pook na pinagganapan ng isinasaad na mga pangyayari. Ang bakit
ay nagpapaliwanag ng dahilan o rason ng mga pangyayari at ang paano ay
mga hakbang, paraan o estratehiyang ginawa ng mga tao sa akdang binasa
o napakinggan sa paglutas ng suliranin o resolusyon ng isyu o aksiyon.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang anekdota. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Sa Kabila ng Kahirapan
(Anekdota) Gng. Rowena D. Nerona
Ang kahirapan ay hindi hadlang para sa magandang kinabukasan. Oo nga’t
mahirap ang maging mahirap subalit kung magiging masipag at gagawing inspirasyon
ito, walang imposible para maabot ang inaasam na pangarap.

4
Laki ako sa hirap at salat sa anomang mga materyal na bagay. Umaasa lang kami
sa kita ng aming ama sa bukid at sa paglalabada ng aming ina. Subalit kami ay masaya
at puno sa pangaral lalo na sa edukasyon. Pagkat mulat kami sa kanilang kawikaan na
“wala kaming ibang yaman kundi ang itaguyod kayo sa abot ng aming makakaya
hanggang sa kayo ay makatapos ng pag-aaral na babaunin ninyo hanggang pagtanda.”
Kaya, nag-aral akong mabuti at ginamit kong inspirasyon ang mga salita ng aking mga
magulang at kahirapan sa buhay upang nang sa ganoon ay maiba naman ang landas
na aking tatahakin.
Nagtatrabaho ako habang nag-aaral. Naalala ko pa noong nasa kolehiyo ako,
habang nasa sasakyan ay nakakatulog ako hanggang sa lumampas na ako sa dapat
kong bababaan. Nahuhuli ako sa klase, minsan nga ay hindi ko na nagagawang pasukan
ang iba kong klase. Mabuti na lang at mababait ang aking mga propesor at naiintindihan
ang aking sitwasyon. Hindi man ako sing dunong at kumpleto sa bagay na gaya ng iba,
pinilit kong makatapos sa pag-aaral, at sa kasalukuyan ay matatag na namumuhay at
nagtratrabaho para sa bata at para sa bayan.
1. Sa anong sitwasyon o estado ng bubay lumaki ang may akda?
A. mahirap C. katamtaman ang buhay
B. maharlika D. may sinasabi sa lipunan
2. Ano ang hanapbuhay ng kaniyang mga magulang?
A. mangingisda at tindera C. magsasaka at labandera
B. sapatero at mananahi D. mangangalakal at guro
3. Anong salawikain ang maiuugnay sa mga pangaral na itinuro sa kanila ng mga
magulang?
A. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.
B. Ang lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
C. Ako ang nagtanim at nagsaing, iba ang kumain.
D. Kung may tiyaga, may nilaga.
4. Paano niya inabot ang kaniyang mga pangarap? Lahat ay ginawa niya maliban sa
isa, ano ito?
A. Nagsipag at nagtiyaga siya sa pag-aaral.
B. Pinagsabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral.
C. Naging iskolar siya ng mga organisasyon sa kanilang lugar.
D. Naging inspirasyon niya ang kahirapan para abutin ang pangarap.
5. Bakit nasabing ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagkamit ng magandang
kinabukasan?
A. Lahat ng hirap ay may katapat na solusyon at sagot kung masikap at
matiyaga sa buhay.
B. Sadyang natural ang maghirap at maging maganda ang buhay.
C. Ang kahirapan ay susi sa tagumpay ng isang tao.
D. Ang kahirapan ay kakabit na ng buhay ng tao.
Gawain 2
Panuto: Gumawa ng sariling journal tungkol sa ginagawa mo sa araw ng Sabado.
Gamitin ang grapikong pantulong sa paglalagay ng karanasan.
ARAW NG SABADO

5
Isaisip

Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang tulad ng talaarawan,


journal, at anekdtota at masagot ang mga tanong tungkol dito?
Paano makasusulat ng makabuluhang talaarawan, journal o
anekdota?
Ano ang naitutulong ng pagsusulat ng mga ganitong uri ng sulatin o
akda sa buhay mo bilang kabataan at mag-aaral?

Ang pagsulat ng journal ay walang sinusunod na pisikal na


kaanyuan. Hindi rin kinakailangang nakatapos ng digri. Kahit anong
oras o kahit saan ay pwede mo itong gawin. Walang sukat na dapat
sundin at walang kailangang estilo. Ang mahalaga ay nailabas mo ang
saloobin at karanasan sa paraang malikhain o parang kinakausap ang
sarili.

Dugtungan ang pahayag na ito at isulat sa kuwaderno bilang


repleksiyon sa araw na ito.
Natutuhan ko sa araw na ito na
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________
Isagawa
GAWAIN 1:

Panuto: Basahing at unawain ang anekdota. Sagutin ang mga tanong at bilugan
ang letra ng iyong napiling sagot.

Supplemental
(Anekdota)

Simula nang maglock down, hirap kaming makabili ng alcohol, tissue paper
at face mask. Maging sa malalaking pamilihan ay out of stock ang mga ito.
Nakalulungkot isiping may mga taong mapagsamantala. Bakit ko nasabi?
Dahil marami sa kanila ang bumibili ng higit sa kanilang pangangailangan na hindi
iniisip ang iba. Ang iba naman ay bumibili ng maramihan upang maibenta online.
Masakit isiping tipong sila lang ang makapagsasanitize at paano naman ang
nakararami? Naisip mo rin ba na mas lalawak ang hawaan dahil lamang sa
pansariling kapakinabangan? Ang mentalidad nga naman ng mga tao.
Kung ang takot ay para sa sarili, ganoon din sana ang nasa paligid upang
masupil ang nakababahalang sakit na maaaring maiwasan. Minabuti naming
maghugas ng aming mga kamay at panatilihing malusog ang aming pangangatawan
sa lahat ng oras. Sumunod sa mga anunsiyo at ipinag-uutos ng ating pamahalaan
at maging kaisa sa mga alituntuning dapat sundin at isagawa upang di mahawa at
magkasakit.
Isinulat ni Gng. R.D Nerona

6
1. Ano ang paksa ng anekdota?
A. Tungkol sa halamang nakagagamot
B. Tungkol sa mga kagamitang pampisikal
C. Tungkol sa pangkalusugang supplemental
D. Tungkol sa mga bagay na pangkaisipan o mental

2. Ano-ano ang supplemental na nabanggit?


A. alcohol, tissue paper at face mask
B. paper towel, gamot at cologne
C. pain reliever, alcohol atbp.
D. alcohol, sanitizer at baby oil

3. Bakit mahalagang magkaroon ng mga bagay na supplemental?


A. Makaiiwas ka sa sakit.
B. Malalaman mo ang gamit.
C. Makasasabay ka sa uso.
D. May maipagyayabang ka sa tao.

4. Paano makaiiwas sa pagkahawa o pagkakasakit?


A. palagiang paliligo
B. pagiging handa
C. paggamit ng alcohol
D. pagpapanatiling malinis at malusog ng katawan

5. Anong aral ang iyong napulot sa anekdota?


A. Mas mainam na mag-imbak ng mga kagamitan upang di magkulang.
B. Huwag magpapahuli sa mga taong sakim at sarili lang ang iniisip.
C. Ingatan ang ating sarili at sumunod sa mga ipinatutupad na batas.
D. Sumangguni sa mga eksperto upang lubos na maunawaan ang lahat.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang anekdota. Sagutin ang mga tanong at bilugan
ang letra ng tamang sagot.

Ang Magandang Dulot ng Paghahalaman


(Anekdota)

Sa paghahalaman, nakita ko ang magandang epekto nito sa akin maging sa


ating paligid. Bukod sa nakatutulong ito sa pagpapaganda ng tahanan, ang
benepisyong makukuha ay sadyang napakahalaga. Tulad na lang ng ako’y
magkasakit.
Napagkuhanan at napakinabangan ko ang aking mga tanim na luya, tanglad,
oregano, at kalamansi. Nagamit ko itong medisina habang ako ay nasa bahay at
masama ang pakiramdam. Ang oregano at kalamansi ang ginawa kong gamot para
sa aking lagnat at ang luya at tanglad naman ang ginawa kong tsaa para sa aking
makapit na ubo.
Isipin mong hindi ka na gumastos, ligtas ka pa sa paggamit ng mga herbal na
gamut at organikong halaman. Mas lalo ko pang pinadami at inalagaan ang mga
tanim upang magamit kung saka-sakaling magkaroon ulit ang isa sa aking
kapamilya at maaari ring maipamahagi ko ito sa aking mga kapitbahay kung sila’y
nangangailangan.

Isinulat ni Gng. R.D Nerona

7
1. Tungkol saan ang anekdota?
A. Magandang dulot ng paghahalaman
B. Iba’t ibang halaman sa kapaligiran
C. Magandang dulot ng mga gamot
D. Halaman ay buhay

2. Ano-ano ang mga halamang nabanggit?


A. luya, tanglad, oregano at kalamansi
B. luya, pandan, oregano at dalandan
C. luya, tanglad, oranghe at dalandan
D. luya, tanglad, oregano at dalandan

3. Alin sa sumusunod ang HINDI nabanggit sa anekdota?


A. Nakapagpapaluwag ng pakiramdam ang tsaa.
B. Nakapagpapaluwag ng ubo ang oregano.
C. Nagbibigay ng mga ito ng agapang lunas habang nasa bahay.
D. Nakapagpapagaling sa lahat ng karamdaman ang mga halaman.

4. Ano pa ang karagdagang tulong ng pagkakaroon ng mga tanim na halamang


gamot?
A. Pagkakaroon ng mga iisipin sa araw-araw
B. Karagdagang gawain na makapagdudulot ng sakit
C. Makatitipid sa pagbili ng mamahaling gamot
D. Pagkakaroon ng mga kaibigang kapitbahay

5. Anong kaisipan ang nangibabaw sa huling talata?


A. Ligtas ang may alam.
B. Kung may itinanim, may aanihin.
C. Ang mabuting gawa ay pinagpapala.
D. Kapag may isinuksok, may madudukot.

8
5
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Tauhan at Tagpuan Bilang
Mahalagang Elemento ng
Kuwento: Ilarawan
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Tauhan at Tagpuan Bilang Mahalagang Elemento ng
Kuwento: Ilarawan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rowena B. Bilasano


Ana May A. Jandayan
Amelia L. Uy

Editor: Rogelio L. Bañas Jr. at Vivian B. Estil

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Rogelio L. Bañas Jr.

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang patuloy na paglinang ng kaalaman sa paggamit ng modyul ay patunay ng


pagtanggap sa New Normal Learning Strategies ng pagkatuto. Ang panonood ay
kabilang sa mga kasanayang nililinang upang mas mapalawak pa ang iyong pagsusuri.
Ang modyul na ito ay kaagapay mo sa paglalarawan ng tagpuan at tauhan sa
mapanonood na pelikula at mababasang teksto upang mas lubos na maunawaan,
masuri, at malinang pa ang iyong kaalaman.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng kasanayan o aralin tungkol sa:


● Paglalarawan ng tagpuan at tauhan sa napanood na pelikula at nabasang teksto

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na pelikula at nabasang
teksto. (F5PD-Id-g-11, F5PB-IIa-4)

Subukin
Magandang araw aking mag-aaral! Isang pagsasanay ang nakalaan para sa iyo
upang ang pagbabasa nang may pang-unawa ay makilatis. Subukan nga natin kung
iyong kakayaning sagutin ang mga katanungan batay sa iyong babasahin. Tara na at
ating sagutin ang paunang pagsasanay na ito.

Panuto: Basahin ang buod ng kuwentong Tuwing Sabado na isinulat ni Russel


Molina at iginuhit ni Sergio Bumatay III. Maaari rin itong mapanood sa youtube na
ginawa ni Jay Menes https://www.youtube.com/watch?v=CtPOa0_iU5s

Sabado ang pinaka-espesyal na araw para sa kaniya at sa kaniyang ina.


Tuwing Sabado ay maaga silang gumigising, nag-aayos ng kanilang mga dadalhin at
pinaghahandaan ang mahabang biyaheng kanilang tatahakin papunta sa bahay ng
kaniyang ama. Sabado ang panahon kung saan sila ay nagkikitang pamilya. Ito ang
araw kung saan iba’t ibang anyo ang ipinakikilala ng kaniyang ama na tunay namang
nag-iiwan ng kasiyahan sa buong pamilya. Ang ama niya na nagiging titser, ang
nagturo sa kaniyang magbilang; mahikero, kung saan may bubulagang bulaklak
barya at bigla ring maglalaho: kusinero, na napaiindayog ang mga rekado at apoy
habang siya ay nagluluto at sa isang iglap ay isang mainit na sabaw ang
pagsasaluhan: eskultor, humuhubog ng mga laruan mula sa lata na ipinagmamalaki
niya sa kaniyang mga kakilala. Minsan ay nagiging prinsipe, astronaut, abogado,
minsan naman ay pintor kutsero o kapre. Tuwing Sabado ay hindi malilimutan ang
mga tagpo sa isang sulok na itinuturing nilang isang makasaysayang entablado.
“Pambihira talaga ang tatay ko!” Ang katagang laging kaniyang nasasambit.
Ngunit hindi maitatatwa ang katotohanan na ang kaniyang ama ay isang bilanggong
kasalukuyang nasa preso. ‘Yan ang tampulan ng tuksong masakit na tinatanggap
niya ngunit nakakaya niyang harapin dahil na rin sa mga paalala ng kaniyang ina at
ama. Isang katotohanang hindi pa niya lubos na nauunawaan ngunit bukas sa
kaniyang isipan na ang kaniyang ama ay makauuwi rin sa tamang panahon upang
kanilang makasama.
Isang hiling ang kaniyang laging ibinubulong sa mga bituin habang ito ay
kaniyang binibilang, “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam. Sana
bukas ay Sabado na ulit!”
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
A. batang lalaki B. Nanay C. batang babae D. Tatay
2. Saan pumupunta ang mag-ina tuwing Sabado?
A. palengke B. tindahan C. preso D. mall

1
3. Ang lahat ay nagiging katauhan ng kaniyang ama maliban sa isa. Alin ito?
A. titser C. sundalo
B. kusinero D. mahikero
4. Anong katangian ang ipinakita ng bata sa kaniyang mga kalaro?
A. isports C. mahiyain
B. masayahin D. mapagtimpi
5. Anong aral ang iniwan ng kuwento sa mambabasa?
A. Matutong rumespeto sa kapuwa tao.
B. Mahalin ang kalaro.
C. Magbilang at mag-aral nang mabuti.
D. Maging kuntento sa buhay.

Aralin
Tauhan at Tagpuan Bilang
1 Mahalagang Elemento ng
Kuwento: Ilarawan

Isa sa mahalagang kasanayang kailangan nating matutuhan ay ang makapagbasa at


makapanood nang may pang-unawa. Hindi sapat na matuto lamang tayong magbasa
dapat ding maisaisip at maunawaan natin ang mga detalye ng ating binabasa o
pinanonood. Kaakibat ng pagbabasa o panonood ang pang-unawa. Halina’t sumamang
magbalik-aral sa kaalamang tatalakayin natin sa buong modyul na ito bago tumungo
sa aralin ngayon.

Balikan
Panuto: Basahin ang isang journal at sagutin ang ilang katanungan tungkol dito.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Ang Simula
ni Regor_jun

Nang magsimula ang pasukan ngayong taon ay isang malaking pagbabago ang
naranasan ng nakararaming mag-aaral, guro, at mga magulang. Pag-aaral na malayo
sa orihinal na nakagawian natin. Ang pagbabagong ito ay di ko rin inaasahan noong
una.
Dahil sa iba’t iba ang paraan ng pagtuturo at pag-aaral ngayon, kani-kaniya rin
kaming mag-aaral sa pagsagot at pagbuo ng mga gawaing inaatas sa amin sa bawat
linggo. Kasama ang aming mga magulang na gumagabay at pansamantalang nagtuturo
at nagpapaunawa ng mga aralin sa modyul, masasabi kong isang itong malaking
pagsubok. Salamat na lang din at handang umalalay ang aming mga guro na patuloy
na umaantabay kahit online ang aming pagkikita.
Iniisip ko tuloy, papaano na ang mga kaklase kong walang internet o koneksiyong
magagamit nila sa pakikipag-ugnayan sa aming mga guro, kung sakaling may mga nais
silang malaman o karagdagang gawaing maibibigay sa kanila upang lubos na makuha
o matutuhan ang aming leksiyon? Masasabi kong mapalad pa rin ako kaya kailangan
kong magpursige sa pag-aaral.
Sa pagdaan ng mga linggo at buwan sa panahon ng New Normal na edukasyon
ay mas naunawaan ko ang kahalagahan ng pagiging handa at paghahanap ng mga
paraan upang di sumuko at patuloy na maging produktibo sa mga bagay na aking
ginagawa. Lalo’t ang pagkakaroon ng edukasyon ang makatutulong sa akin at sa aking

2
pamilya upang mapaunlad ang aming pamumuhay sa mga darating pang panahon. Sa
ngayon, naniniwala akong ito pa lang ang simula. . .

Tanong:
1. Sino ang nagpapahayag o sumulat ng journal?

____________________________________________________________________________
2. Ano ang pagtingin ng may akda ng journal tungkol sa New Normal na edukasyon?
____________________________________________________________________________
3. Bakit “Ang Simula” ang pamagat ng kaniyang journal?

_________________________________________________________________

Naaalala mo na ba?

Ang journal ay isang uri ng sulating ginagawa ng isang tao upang maalala at
maitala ang mga bagay at mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay. Karaniwang
naglalaman ito ng mga pansariling gawain, repleksiyon, mga naiisip, at nadarama ng
may akda.

Tuklasin

Basahin ang parabulang hango sa Bibliya Lucas 15:11-32. Sagutin ang mga
katanungan pagkatapos.

Ang Alibughang Anak

May isang mayamang ama na may dalawang anak na kapuwa lalaki. Hiniling
ng bunsong anak na ang manang kaniya sa kayamanan ng kaniyang ama ay ibigay
na sa kaniya. Nang makuha na ng bunso ang kaniyang mana ay ipinagbili niya agad
ito makalipas lamang ang ilang araw. Matapos ito ay umalis siya at nagtungo sa
malayong bayan. Dito niya walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob
ng ama. Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kaniyang salapi. Nang dumating ang
taggutom sa bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-
alaga ng mga baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati pagkain ng mga
baboy na alaga niya. Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa kaniya ng kaniyang
amo.
Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kaniyang ama. Ang mga manggagawa
nito ay kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain.
Agad siyang nagpasyang bumalik sa dating tahanan. Gayon na lamang ang galak ng
kaniyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang nagbalik na anak. “Ama,
nagkasala ako sa Diyos at sa iyo.
Hindi na ako karapat-dapat na maging anak mo. Ituring mo na lang akong
isa sa iyong mga alila,” sabi ng anak sa ama. Ngunit inutusan ng ama ang mga alila
na linisan at bigyan ang anak ng pinakamagarang kasuotan. Ipinasuot din niya rito
ang isang mamahaling singsing, at binigyan ng sapatos para sa kaniyang mga paa.
Ipinagpatay din siya ng isang matabang baka at sa ngalan niya ay nagkaroon ng
isang pagdiriwang. “Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang
natin ang kaniyang pagbabalik,” ang sabi ng nagagalak na ama.

3
Namangha ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang
tahanan. Itinanong niya sa isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang
malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay gayon na lamang ang kaniyang galit kaya’t
di napigilan ang kaniyang sarili at sinumbatan ang ama. “Akong masunurin ninyong
anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo naipagpatay kahit
isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha ninyong anak na lumustay
ng inyong kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at magdiriwang! Sumagot nang
marahan ang ama, “Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo.
Tayo’y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay.
Siya ay nawala at muli nating nakita.”

Hango sa: https://www.wikakids.com/filipino/parabula/ang-alibughang-anak/

Mga tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

______________________________________________________________________________

2. Ilarawan ang katangian ng bawat tauhan gamit ang kahon o talaan.

Mga Tauhan Katangian

3. Saan nangyari ang kuwento?


______________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ang ama, tatanggapin mo rin ba nang buong-puso ang pagbabalik ng
iyong alibughang anak? Bakit oo? Bakit hindi?
______________________________________________________________________________

5. Bakit nararapat lamang na sundin natin ang ating mga magulang? Magbigay ng isang
halimbawa ng pagsunod mo sa iyong mga magulang.
______________________________________________________________________________

Suriin

Ang tauhan at tagpuan ay dalawang mahahalagang sangkap o


elemento ng maikling kuwento. Ang tauhan ay ang gumaganap na
karakter na nagbibigay-buhay sa isang kuwento o pelikula. Ang tagpuan
naman ay tumutukoy sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
Nagsasaad din ito ng panahon kung kailan ito nangyari.
Ang paglalarawan ng tauhan ay maaaring makuha sa
pamamagitan ng kaniyang kilos, itsura, pananalita, at reaksiyon sa isang
kuwento. Higit na mauunawaan ang nilalaman ng kuwento kung
matutukoy ang katangian ng mga tauhan. Sa kabilang banda, ang
tagpuan naman ay maglalarawan sa itsura ng kapaligiran ng mga tauhan.
Inilalarawan din ang kalagayan ng panahon nang maganap ang mga
pangyayari.

4
Halimbawa:
Ang Alamat ng Buwaya ni Segundo D. Matias Jr.
https://www.wattpad.com/529530138-alamat-ng-buwaya-completed-published-by-
lampara

“Noong unang panahon ay may isang babaeng nabubuhay na wala nang ginawa
kundi ang kumain nang kumain at likumin ang kayamanan ng mga tao. Inuubos niya
ang mga ani, salapi at ginto ng mga tao sa bawat nayong kaniyang pinupuntahan.
Nagagawa niya iyon sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo bilang isang pulubi.
Pagkatapos niyon ay tuwang-tuwang iiwan niya ang lugar. At bago pa may makatuklas
sa ginawa niya ay huli na ang lahat. Naghihirap at nagkakasakit na ang mga tao.”

“Sa gubat na malapit sa isang lawa ay nagtayo siya ng kubo. Doon niya iniba ang
kaniyang anyo. Pinalitan niya ang kaniyang damit, nagsuot ng peluka at dinungisan
niya ang katawan para magmukha siyang pulubi.”

Tagpuan: sa gubat na malapit sa isang lawa

Pagyamanin

GAWAIN 1:
Ang pangarap ay siguradong makakamit kung may pagsisikap, determinasyon at
positibong pananaw sa lahat ng sitwasyon.

Panuto: Panoorin at unawain ang isang maikling pelikula na pinamagatang “Very


Inspiring Story of a Teacher” sa https://youtu.be/ehQWuqZ86p8. Ilarawan ang
tauhan at tagpuan ayon sa inyong napanood. (10 PUNTOS)

TAUHAN TAUHAN

___________________________ ____________________________

KATANGIAN/PAGLALARAWAN KATANGIAN/PAGLALARAWAN

KATANGIAN/PAGLALARAWAN

TAGPUAN PAGLALARAWAN

______________________
____________________

5
GAWAIN 2 Paglalarawan sa Tauhan
Panuto: Basahin ang mga talata at sitwasyon. Sabihin kung anong katangian ang
taglay ng bawat tauhan.

1. Inutusang bumili ng isang bote ng toyo sa tindahan si Emil ng kaniyang ina. Binigyan
siya ng dalawampung piso. Ang isang bote ng toyo ay nagkakahalaga ng labinlimang
piso. Napansin niyang sobra ang sukling ibinigay sa kaniya ng tindera. Bumalik siya sa
tindahan upang isauli ang sobrang sukli.
Anong katangian mayroon si Emil?
______________________________________________________________________________
2. Naglalaro sina Laurenz at Mike ng taya-tayaan. Natalo sa laro si Mike subalit hindi
sumama ang kaniyang loob. Sa halip ay inakbayan pa niya si Laurenz nang nakangiti.
Anong katangian mayroon si Mike?

_____________________________________________________________________________________
3. Hindi kumpleto ang araw ni Juan kapag hindi niya naaasar ang ilan sa kaniyang
mga kamag-aral. Nanghihingi din lagi siya ng pera sa kanila at inaaway kapag walang
naibibigay. Madalas siyang pagalitan ng kaniyang ina dahil mali ang kaniyang
ginagawa.
Anong katangian mayroon si Juan?

______________________________________________________________________________
4. Ang mga frontliners o health workers ay araw-araw na humaharap sa mga
pasyenteng may Covid 19. Buong tapang na pumapasok sila sa trabaho kahit na alam
nilang mapanganib dahil sa virus na kumakalat.
Anong katangian ang taglay ng mga frontiners?

______________________________________________________________________________

5. Mahirap lamang ang pamilya ni Ana. Hindi ito naging hadlang sa kaniya upang
makapagtapos ng pag-aaral. Nakakuha siya ng magandang trabaho matapos siyang
makagradweyt.
Anong katangian ang taglay ni Ana?

_________________________________________________

Isaisip

Isagawa
GAWAIN 1:
Ngayong may sapat ka nang kaalaman sa paglalarawan ng tagpuan at mga tauhang
maaaring sa napanood na pelikula at nabasang kuwento, binabati kita! Magagamit mo
rin ang mga kaalamang ito sa pagsagot sa iba pang mga kasanayan tungkol dito at higit
sa lahat ay matutuhan mong mapag-ugnay-ugnay ang mga kaganapan at katangian ng
mga tauhan sa mga napanood na pelikula o nabasang kuwento. Ipagpatuloy ang iyong
pag-aaral upang higit pang mapalalim ang iyong kaalaman at kasanayan hinggil sa
ating paksa.

6
Naranasan mo na bang magpasalamat? Paano mo ipinakita ang iyong
pasasalamat?
Narito ang isang talata. Basahin ito at pagkatapos ay ilarawan natin ang tagpuan
kung saan naganap ang pangyayari at mga ikinikilos ng mga tauhan.

Sa daigdig na ito ay marami tayong dapat pasalamatan. Sa klase ni Bb. Luna


ay iginuhit ng mga mag-aaral ang nais nilang pasalamatan. May gumuhit ng dyip,
kotse, aso, bahay, telebisyon, bentilador, at larawan ng mga magulang at kapatid.
Samantala, kaiba nga ang iginuhit ng batang si JV. Iyon ang kamay. Nang tanungin
ng mga kaeskwela, kung bakit niya pinasalamatan ang kamay, ay hindi agad
nakakibo si JV. Kaya nag-isip ang kaniyang mga kamag-aral.
Nang magrises, naglabasan ang mga bata mula sa kuwarto upang
magsipagmeryenda sa kantina. Naiwang nag-iisa ang batang si JV. Nilapitan siya ng
titser at kinausap. “JV, bakit ka nagdrowing ng kamay? Kanino ba iyon?” Iyon po
ang kamay ninyo Ma’am, na lagi pong tumutulong sa akin.” Biglang-bigla, tumulo
ang luha ng titser na si Bb. Luna. Kasi, ang batang si JV ay lumpo pati kanang
kamay ay may diperensiya. Lahat halos ng galaw nito ay inaalalayan ni Bb. Luna,
hanggang sa ang bata ay natutong sumulat. “Ma’am, salamat po sa inyong kamay!
Nakangiting sabi ng batang si JV.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.


1. Ano-anong damdamin ang ipinakita ni JV sa kuwentong ito? Piliin ang sagot sa loob
ng kahon at isulat ito sa tapat ng graphic organizer.

masungit mainitin ang ulo mabait


matiisin tahimik malungkot
matiyaga marunong magpasalamat matatag na kalooban

JV

2. Sa kuwento bang ito ay ipinakitang mahalaga ang kapuwa tao? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
A. Opo, para may mahingian po ako ng tulong kung kinakailangan.
B. Hindi, para walang kausap.
C. Opo, para may kausap ako.
D. Opo, para may makasama ako sa pagtulog.

3. Sa iyong binasang kuwento, saan naganap ang pangyayari?


A. sa paaralan C. sa bakuran
B. sa bahay D. sa mall

4. Anong kaugalian o katangian ang ipinakita ng mga tauhan sa pahayag na ito “Iyon
po ang kamay ninyo Ma’am, na lagi pong tumutulong sa akin.”
A. isang batang masipag
B. isang batang marunong magpasalamat sa kaniyang guro
C. isang batang masungit
D. isang batang matigas ang ulo

7
5. Lahat halos ng galaw ni JV ay inaalalayan ni Bb. Luna.Sa ginawa ni Bb. Luna,
anong katangian ang kaniyang ipinakita?

A. masungit, maingay at mainitin ang ulo


B. mabait, matiisin at maalalahanin
C. masipag, matipid at malinis
D. masinop, magalang at madasalin

Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang
pagkakalarawan ng pinangyarihaan ng tagpo at mga katangiang ipinakita ng mga
tauhan dito.

1. Nalaglag ng bata ang hawak niyang pera. Agad itong pinulot ni Dan at iniabot sa
may-ari. Si Dan ay batang ____________.
A. masipag B. matulungin C. matapat D. sinungaling

2. Nagpunta kami at ng aking mga pinsan sa bukid upang manungkit ng mga hinog na
duhat. Habang kami ay nanunungkit, biglang dumilim ang kalangitan at bumuhos ang
malakas na ulan. Basang-basa kami sa ulan kaya agad kaming tumakbo pauwi ng
aming bahay. Paano mo ilalarawan ang kaganapan ng pangyayari?
A. Ang kuwento ay nangyari sa isang bukid kung saan nagkaroon ng malakas
na ulan.
B. Malawak ang bukid na may maraming tanim na mga gulay at
naglalakihang mga punongkahoy sa paligid nito.
C. Maaliwalas at maaraw ang bukid, nang nangyari ang kaganapan.
D. Maulap at madilim ang kabukiran.
3. May bagong pantalon si Sito. Nalaman niyang kailangan ni Fred ng isusuot sa
kanilang programa. Ipinahiram niya ito sa mahirap na kamag-anak.
A. masipag B. maramot C. matapat D. matulungin

4. Si Ruffa ay di – gaanong maganda na gaya ni Lina. Pinagtatawanan ni Lina si Ruffa


sa harap ng kaniyang mga kaibigan at sabay sabi na pangit si Ruffa. Siya raw ang
pinakamaganda.
A. mayabang B. sinungaling C. mabait D. kulang sa pansin

5. Gustong-gusto ni Dave na makipaglaro kay Mario. Tinawag niya ito upang sumama
sa bukid. Hindi pumayag si Mario dahil bilin ng kaniyang tatay na bantayan ang
kanilang alagang hayop. Si Mario ay _____________.
A. masinop B. magalang C. matalino D. masunurin

8
5
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Tula : Bigkasin nang Wasto
Bagong Tuklas na Kaalaman,
Ilahad Mo
Filipino – Ikalimang na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Tula: Bigkasin nang Wasto Bagong Tuklas na Kaalaman,
Ilahad Mo
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marivic M. Babaran


Brenda M. Pilla
Lovelynn A. Duallo

Editor: Rogelio L. Bañas Jr. at Vivian B. Estil

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Rogelio L. Bañas Jr.

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa pakikipagtalastasan, hindi lamang dapat malaman ang kasanayan sa


pagbigkas ng tula bagkus nararapat lamang na matutuhan natin ang wastong tono,
diin, antala, at damdamin nito. Ang modyul na ito ay gagabay sa iyo upang malinang
ang iyong kasanayan at kakayahan sa pagbigkas ng tula at maibigay ang bagong
natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto at datos na hinihingi ng isang form o
pormularyo.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:

● Pagbigkas nang may wastong tono, diin, antala, at damdamin sa napakinggang


tula
● Pagbibigay ng bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto at datos
sa hinihingi ng isang form

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. Nabibigkas nang may wastong tono, diin, antala at damdamin ang napakinggang
tula(F5PS-Ie-25 );at
2. Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto at datos
na hinihingi ng isang form (F5PS-Ie-25)

Subukin

Magandang araw mga mag-aaral! Ngayon ay titingnan ko kung handa ka na sa


ating bagong aralin. Tara na! Magsimula na tayong maglakbay sa hardin ng
karunungan. Gawin ninyo ang paunang pagsasanay na ito.

Panuto: Isipin mong ikaw ay dumalo sa isang patimpalak sa pagsusulat sa


pampaaralang pamamahayag at binigyan ka ng isang pormularyo na dapat mong
punan ng impormasyon tungkol sa iyong sarili bago ka makasali. Subukin mong
punan ng wastong impormasyon ang pormularyong ito.

Talaan ng Kalahok sa Patimpalak ng Pagsusulat

1. Pangalan: ___________________ ___________________ _______________


(Apelyido, Unang Ngalan, Gitnang Inisyal)
2. Baitang: __________________________ Pangkat: ____________________
3. Paaralan: ______________________________________________________
4. Lahok: ___________________________ Kategoriya: (English/Filipino)
5. Tagasanay: ____________________________________________________

Aralin
Tula: Bigkasin nang Wasto
1 Bagong Tuklas na Kaalaman,
Ilahad Mo

1
Tinalakay noong nakaraan ang paglalarawan ng tagpuan at tauhan sa napanood
na pelikula at nabasang teksto. Ngayon naman ay ang pagbigkas nang may wastong
tono, diin, antala, at damdamin sa napakinggang tula at ang pagbibigay ng bagong
natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto at datos na hinihingi ng isang form ang
ating tatalakayin. Handa ka na ba? Tara nang ipagpatuloy ang paglalakbay sa hardin
ng kaalaman.

Balikan
Panuto: Anong katangian ng mga tauhan ang inilalarawan sa bawat bilang? Pumili
ng sagot sa kahon. Isulat lamang ang letra ng napiling sagot sa patlang.

A. masipag B. maingat C. pagiging madaldal


D. masikap E. mapagmahal F. malikhain

_____1. Pinipili ni Mon ang palabas sa telebisyon na maganda para sa kabataan.


_____2. Walang tigil sa pagkukuwento ng kaniyang buhay ang lola.
_____3. Araw-gabi ay nag-aaral ng leksiyon si Lara.
_____4. Pinipilit ni Adelle na makakuha ng matataas na marka kahit mahirap ang
aralin.
_____5. Inaalagaan ni Aling Martha ang kaniyang mga anak.

Tuklasin
Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, na hinango sa
guniguni, pinarating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking
aliw-iw o indayog. Hindi ito katulad ng ibang akdang tuloy-tuloy na isinusulat o
binabasa. Ito ay may sukat at tugmang nakadaragdag sa kagandahan ng tula.
Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang
sukat ng isang tula ay wawaluhin at lalabindalawahin. Ang tugma naman ay
tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat taludtod.
Basahin ang tula tungkol sa ating kalikasan.
Kalikasan – Saan Ka Patungo?
ni: Avon Adarna

Nakita ng buwan itong pagkasira Namatay sa lason saka naglutangan


Mundo’t kalikasan ngayo’y giba-giba, Basurang maburak ang siyang dahilan!
Ang puno – putol nagbuwal at lanta
Ang tubig – marumi lutang ang basura. Ang lupang mataba na bukid-sagana,
Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan Ah hindi.... naroon... mga mall na pala
Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam Ng ganid na tao sa yaman at pera.
At nakipagluhaan sa Poong Maylalang
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan. Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,
Ginawa na ng tao na basurahan
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon At kung dumating ang bagyo at ulan
Nasira ng usok na naglilimayon Hindi makakilos ang bahang punuan.
Malaking pabrika ng goma at gulong
Sanhi na ginawa ng pagkakataon! Ang tao rin itong lubos na dahilan,
Sa nasirang buti nitong kalikasan,
Ang dagat at lawa na nilalanguyan At darating bukas ang ganti ng buwan,
Ng isda at pusit ay wala nang laman Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!

2
Naunawaan mo ba ang binasang tula? Ano ang napansin mo sa tula?
Alam mo ba ang tawag sa mga ito? Ngayon naman, basahin natin ang usapan
ng magkakaibigan.

Sagutin ang mga tanong:


1.Tungkol saan ang binasang tula?
2. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa kalikasan?
3. Ilang sukat mayroon sa isang taludtod?
4. Ilang saknong mayroon ang tula?
5. May tugma ba ang bawat taludtod?
6. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula?

Basahin ang usapan sa ibaba.


Sa paaralan, sa ilalim ng puno ng mangga habang nagbabasa ang
magkakaibigang sina Cynthia, Maricar, Sonia, at Gemma. Naalala ni Cynthia ang
takdang- araling ibinigay sa kanila ng guro.
“Oo nga pala, mayroon tayong takdang-aralin sa Filipino,” ang wika ni Cynthia.
“Ah, oo nakagawa na ba kayo? tanong ni Maricar. “Hindi pa, bukas pa naman iyon,”
sagot ni Sonia. “Halikayo, pumunta tayo sa ating silid-aklatan, hanapin natin doon ang
mga kasagutan,” ang sabi ni Cynthia.
Nilisan nila ang lugar at pumunta sa silid-aklatan. “Magandang tanghali po Gng.
Rosel, (ang Librarian ng paaralan) kami po ay manghihiram ng aklat upang maghanap
ng mga kasagutan sa aming takdang-aralin,” ang sabi ni Cynthia. “Maaari na po ba
kaming kumuha ng aklat?” tanong ni Maricar. “Hindi pa, kailangan sagutan ninyo
muna ang Pormang Pang-aklatan,” ang sagot ni Gng. Rosel.
Iniabot sa kanila ni Gng. Rosel ang pormang pang-aklatan at sinimulan itong
sagutan. Nagpasiya ang apat na si Cynthia na lamang ang magbibigay ng datos sa
pormularyo.
Narito ang Pormang –Aklatan na kaniyang sinagutan.

Paaralan: Paaralan ng Maytalang-1 Numero ng Aklat: F23

Pangalan ng Batang Gumamit o Petsa ng Petsa ng


Nanghiram ng Aklat na Ito Pagkakahiram Pagsasauli

Cynthia M. Manalo Agosto 15, 2016

Pagkatapos sagutan ang pormularyo, iniabot niya ito kay Gng. Rosel. “Tama ang
mga impormasyong inyong inilagay sa pormularyo. Sige heto na ang aklat,” sabi ni Gng.
Rosel. Ingatan ninyo ang paggamit nito,” dagdag pa niya. “Opo, salamat po,” ang sagot
ng magkakaibigan. “Madali lang palang sagutan ang Pormularyong Aklatan. Dapat ay
makatotohanan ang mga impormasyon na iyong ilalagay,” wika ni Cynthia. “Oo nga,
halikayo gumawa na tayo ng ating takdang-aralin,” ang sabi ni Maricar.
Pumunta na sila sa mesa at umupo. Sinimulan nilang gawin ang kanilang
takdang-aralin. Kinabukasan, nagwasto ng takdang-aralin ang kanilang guro at buong
husay nilang nasagot ang kanilang takdang aralin.

Naunawaan mo ba ang binasang usapan? Ano ang kanilang pinag-uusapan? Alam


mo ba ang tawag sa mga ito? Halina at tuklasin ang kaalaman sa araw na ito!

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino-sino ang gumanap sa usapan?
2. Ano ang naalala ni Cynthia habang nagbabasa ang magkaibigan?
3. Saan pumunta ang magkaibigan upang maghanap ng sagot sa kanilang

3
takdang-aralin?
4. Ano ang sinagutan ni Cynthia bago makakuha ng aklat?
5. Ano-anong pangangailangan ng card ang ibinigay na datos ni Cynthia?
6. Bakit hindi niya binigyan ng datos ang panghuling kolum?
7. Tama ba ang mga datos na ibinigay ni Cynthia?
8. Anong mabuting ugali ang ipinakita ng magkakaibigan?
9. Ikaw, katulad ka ba ng magkakaibigan? Paano mo maipakikita ang pagiging
responsable?

Suriin

Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula


Tono – Ito ay ang taas o baba ng tinig na inuukol sa pagbigkas ng pantig
ng isang salita, parirala, o pangungusap upang higit na maging mabisa at
maunawaan ang pagsasalita.
Diin – Ito ay ang bigat o lakas ng bigkas sa pantig ng salita na maaaring
makapag-iba sa kahulugan ng salita kahit sa salitang magkapareho ang
baybay.Karaniwang mahahalagang salita sa tula ang binibigkas ng may diin
upang bigyang empasis ang mensahe ng tula.
Antala – Saglit na pagtigil o paghinto ito sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Ginawa ito upang
ihiwalay ang ideya o kahulugan ng nais ipahayag. Kuwit (,) ang ginagamit sa
antalang ito na simbolo ng /.

Ang mga forms ay magsisilbing batayan ng isang tao tungkol sa kaniyang


sarili. Mahalagang malinaw at makatotohanan tayo sa mga datos na ibibigay sa
isang form. Dahil kung hindi ito ay maaaring magpahamak sa iyo.

Hal. Identification Card (ID), Biodata, Withdrawal at Deposit Slip

May iba’t ibang “forms” o pormularyong dapat sagutin para makuha ang
pangangailangan. Kapag humihiram ng aklat sa silid-aklatan ay kailangan ang
library kard. Kapag ibig maglabas ng pera o magdeposito ng pera sa bangko ay
kailangan ang widrawal/deposit slip.
Samantala, ang mga magulang o sinomang may sapat na gulang ay
kailangang sagutin nang wasto ang mga hinihinging impormasyon sa community
tax at bio-data.

Pagyamanin
Gawain 1: Pagbigkas ng tula nang may wastong tono, diin, antala, at damdamin
Sana Ganito ang Bayan Ko
Sana, ang bayan ko’y maging paraiso, Sana, sa bayan ko, gusali’y marikit
May payapang lugar, tahimik ang tao; Mataas na parang abot hanggang
May ibong malaya, may hanging langit;
mabango, Bangko’t pamilihan, dito’y nakasandig
May diwang makabayan, di kayang Upang kabuhayan ng bansa ay
matukso. lumawig.

Sana, ang bayan ko’y sagana sa tanim Sana ang bayan ko ay aking matanaw
Ng mga produktong tanging likas sa’tin, Na papaunlad na sa pangkabuhayan.
Sa bundok at parang lupa’y May trabahong lahat mga
bubungkalin, mamamayan
Masaganang ani ang pagyayamanin. At sumagana itong ating pamumuhay.

4
Gawain 2: Ibigay ang hinihinging datos o impormasyon.

Dahon ng Impormasyon
Pangalan _________________________ Gulang ______________Kasarian ________________

Tirahan ___________________________Blg. Ng Telepono ______________________________

Petsa ng Kapanganakan __________________________________________________________

Pangalan ng Ina __________________________________________________________________

Pangalan ng Ama _________________________________________________________________

Bilang ng Kapatid ______________________Babae ______________Lalaki _______________

Isaisip
1. Bakit mahalagang matutuhan ang wastong pagbigkas ng tula?
2. Bakit mahalagang tama at wasto ang mga impormasyong ilalagay
sa mga form?
3. Ano-ano ang mahalagang konseptong dapat isaalang –alang
kapag bumibigkas ng tula?

Dugtungan ang pahayag na ito at isulat sa kuwaderno bilang


repleksiyon sa araw na ito. Natutuhan ko sa araw na ito….
______________________________________________________________
______________________________________________________________

___

Isagawa
Ngayong may sapat ka nang kaalaman sa pagbigkas ng tula at pagbigay ng
bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto at datos na hinihingi ng isang
form ay magagamit mo na rin ang kasanayang ito upang masagutan mo ang mga tanong
sa mga binasang akda at napakinggang teksto. Ipagpatuloy ang iyong pag-aaral upang
higit pang mapalalim ang iyong kaalaman at kasanayan hinggil sa ating paksa.

Gawain 1.
Panuto: Sumulat ng maikling tulang may 2 saknong at binubuo 4 na taludtod. Bigkasin
nang may wastong diin, tono, antala, at damdamin pagkatapos.(Maaaring i-video)

____________________________________
PAMAGAT
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

5
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Gawain 2.
Panuto: Bigkasin ang tula nang may wastong tono, diin, antala at damdamin.
Pagkatapos sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook, Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


ako’y tila isang nakadipang kurus, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
sa napakatagal na pagkakaluhod, at saka ang buwang tila nagdarasal,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos. ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Organong sa loob ng isang simbahan Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


ay nananalangin sa kapighatian nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
habang ang kandila ng sariling buhay, ibon sa sanga ko’y may tabing nang
magdamag na tanod sa aking libingan… dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
Halaw sa:https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. written-at-different-times-by-various-authors-isang-
punongkahoy-ni-jose-corazon-de-jesus_1069.html

1. Tungkol saan ang binasang tula?


____________________________________________________________________
2. Ano ang damdaming namamayani sa makata sa binasang tula?
_____________________________________________________________________
3. Ilang sukat mayroon sa isang taludtod?
_____________________________________________________________________
4. Ilang saknong mayroon ang tula?
_____________________________________________________________________
5. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula?
______________________________________________________________________

Tayahin
Gawain 1
Panuto: Ipagpalagay mo na ang iyong paaralan ay nagbibigay trabaho sa mga nais
maglingkod sa pampaaralang aklatan bilang isang assistant sa tagapamahala sa
aklatan. Nais mong mag-apply dahil bukod sa makatatanggap ka ng mataas na marka,
ay magkakaroon ka pa ng pang-araw-araw na allowance.

6
Sa ibaba ay makikita mo ang pormularyo(form). Gamitin mo ito at tiyaking
mapunan ang bawat impormasyong hinihingi.

Gawain 2 SURILA (SURI-TULA)

Panuto: Balikang muli ang tulang may pamagat na “Sana Ganito ang Bayan
Ko.” Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Sana, ang bayan ko’y maging paraiso,


May payapang lugar, tahimik ang tao;
May ibong malaya, may hanging mabango,
May diwang makabayan, di kayang matukso.
1. Alin sa sumusunod na salita ang dapat bigyang diin kapag binibigkas ang tula?

A. sana B. paraiso C. may D. ang

2. Sa ikatlo at ikaapat na taludtod, ang lahat ay dapat bigyang-diin kapag binibigkas


ang tula, maliban sa isa, alin ito?
A. malaya B. mabango C. makabayan D. may

Sana, ang bayan ko’y sagana sa tanim


Ng mga produktong tanging likas sa’tin,
Sa bundok at parang lupa’y bubungkalin,
Masaganang ani ang pagyayamanin.

3. Anong bagong kaalaman ang natuklasan mo sa mensahe ng taludtod na ito?


A. Akala niya ang bayan ay sagana sa likas na yaman, hindi pala.
B. Maraming puno ang nakatanim pa sa mga bundok.
C. Masisipag ang mga magbubukid sa pagsasaka.
D. Maunlad sa yamang tubig ang ating bansa.

7
4. Alin sa sumusunod ang may wastong antala sa pagbigkas ng mga taludtod?
A. Sana/ sa bayan ko/gusali’y marikit
B. Mataas/ na /parang /abot /hanggang/ langit;
C. Bangko’t pami/lihan dito’y/ nakasandig
D. Upang/ kabuhayan ng bansa /ay /lumawig

Sana ang bayan ko ay aking matanaw


Na papaunlad na sa pangkabuhayan.
May trabahong lahat mga mamamayan
At sumagana itong ating pamumuhay.

5. Aling mga salita ang dapat bigyan ng diin kapag binibigkas ang tula?
A. ang-ko-na-sa
B.may-lahat-mga-sa
C. at-itong-ating-mga
D. papaunlad-pangkabuhayan-trabaho-sumagana

Gawain 3
Panuto: Sauluhin ang tulang “Sana Ganito ang Bayan ko.” Bigkasin ang tula
at i-video ito. Ipasa sa iyong guro ang binigkas na tula.

Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan Mahusay na Mahusay Kainaman


mahusay (10pts) (9pts) (8pts)
1. Pagbibigay interpretasyon sa tula
2. Wastong bigkas, antala,
tono,indayog, diin, damdamin
3. Kumpas, ekspresyon ng mukha, tinig
4. Tindig
5. Hikayat sa manonood
Kabuoan

You might also like