You are on page 1of 14

5 Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office III

Learning Activity Sheets


Health 5
Quarter 4 – Week 3 -5
PANGUNANG LUNAS PARA SA
MGA PINSALA AT KUNDISYON
MAPEH (Health) – Ikalimang Baitang
Learning Activity Sheet
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pangunang Lunas Para sa mga Pinsala at Kundisyon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng LAS

Manunulat: Mylin Gamboa- San Jose


Editor: Saturnino D. Dumlao
Tagasuri: Jose Tala, EdD
Tagaguhit: Deyszian Rylo G. San Jose
Tagalapat: Mylin Gamboa-San Jose
Layout Evaluator: Jose C. Tala, EdD, SDO-LRMDS
Cover Designer: Paul Marion R. Vallentos

Tagapamahala: May B. Eclar, PhD,CESO III


Roda T. Razon,PhD ,CESO V
Librada M. Rubio,PhD,Chief-CLMD
Ma.Editha R. Caparas,EdD,EPS-LRMS
Engelbert B. Agunday,EdD,EPS-MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address :
Telefax :
E-mail Address :
I. Alamin I.
Ang materyal na ito sa pag-aaral ay idinisenyo at isinulat upang
makapagbigay sa iyo bilang mag-aaral ng mga kaalaman sa mga pangunang lunas
para sa mga pinsala at kundisyon

Matapos ang Learning Activity Sheet na ito, narito ang mga inaasahang
layunin na dapat mong matutunan o makamit –

1. Natutukoy ang mga pinsala at kundisyon na nangangailangan ng


pangunang lunas. ( H5IS-IV-c-j-36)
2. Naipamamalas ang nararapat na pangunang lunas para sa mga pinsala
at kundisyon (H5IS-IV-c-j-36)

II. Subukin
Panuto. Alamin kung anong pinsala o kundisyon ang dapat lapatan ng
tinutukoy na pangunang lunas. Isulat lamang ang titik sa kwaderno.

a. Sugat
b. Balingungoy
c. Kagat ng insekto
d. Kagat ng hayop
e. Paso o Lapnos

1. Gumamit ng sterilized tweezers kapag nililinisan ang ilallim na bahagi ng


sugat na natatakpan ng nakalaylay na balat. .
2. Umupo ng tuwid at iyuko nang bahagya paharap ang ulo at pisilin ang
malambot na bahagi ng ilong sa ibaba ng bony bridge.
3. Hugasan ang bahagi ng katawan na nakagat ng insekto gamit
ang sabon at tubig.
4. Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng aso, pusa, o anumang hayop na may
rabies.
5. Huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari ng alagang hayop na
nakakagat sa pasyente
6. Hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubig at linisang mabuti upang
matanggal ang dumi.
7. Maglagay ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at sa nose
bridge upang mapadali ang pagsasaayos ng blood vessels.
8. Humingi ng gabay sa nakatatanda sa pagtanggal ng karayom na iniwan ng
bubuyog o ibang insekto.
9. Pahiran o agad ilubog sa malamig na tubig ang napasong bahagi o padaanan
ng malamig na tubig galing sa gripo ng 15-20 minuto.
10. Kapag may burn ointment, pahiran ang bahaging napaso.

3
Aralin
PANGUNANG LUNAS PARA SA MGA
2 PINSALA AT KUNDISYON

III. Balikan

A. Panuto. Ano ang ABC o mga hakbang sa pagbibigay ng Paunang Tulong


–Pansagip ng buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang paglalapat
ng pangunang lunas. Ilagay ang angkop na letra sa patlang upang mabuo
ang salita.

1. A _____ _____ _____ _____ _____


(Daanan ng Hangin)

2. B _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____


(Paghinga)

3. C ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____
(Pagdaloy ng Dugo sa katawan)

B. Panuto. Iguhit ang kung ang mga sumusunod ay nagsasabi ng tamang

panuntunan ng Pangunang Lunas at iguhit ang kung mali.

1. Tiyakin kung ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala o


karamdaman.
2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng napinsala.
3. Magsagawa ng mga pangunang pagsusuri.
4. Isagawa ang madaling aksyon o kilos. Unahin ang dapat unahin
5. Humingi ng tulong.

4
IV. Tuklasin
Panuto. Piliin sa Hanay B ang pinsala o kundisyong ipinakikita sa Hanay A. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

HANAY A
HANAY B

a. Kagat ng hayop

b. Balinguyngoy
1.
c. Sugat

d. Paso

e. Kagat ng insekto
2.

3.

4.

5.

5
V. Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. LAyunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Walang sinuman ang nakababatid kung kailan at saan maaaring mangyari ang isang
sakuna o karamdaman. Wala ding nagnanais na mangyari ito sa ating sarili, kamag-anak, o
kaibigan. . Bagamat isinasagawa natin ang ibayong pag-iingat upang makaiwas sa mga ito,
subalit may mga pagkakataon talaga na ito ay nangyayari. Kaya, mahalaga na malaman natin
ang nararapat na pangunang lunas para sa mga karaniwang pinsala o karamdaman.

Ano ang mga pinsala at kundisyon na madalas mangyari sa paligid at ano ang mga
pangunang lunas na maaaring ibigay sa mga biktima nito?

Ang mga sumusunod ay ilan sa pangkaraniwang pinsala at kundisyon at mga


karampatang lunas para sa kanila:

1. Sugat (Wound)
https://www.youtube.com/watch?v=L0sonawcsiI

• Hugasan ang paligid ng sugat gamit ang sabon at tubig at linisang mabuti upang
matanggal ang dumi. Takpan ang sugat ng malinis na tela. Itaas ang bahagi ng
katawan na nasugat mas mataas sa puso. Gumamit ng sterilized tweezers kapag
nililinisan ang ilalim ng bahagi ng sugat na natatakpan nang nakalaylay na balat.
Huwag lagyan ng alcohol,patak ng iodine , o merthiolate ng direkta sa nakabukang
sugat upang maiwasang mapinsala ang laman at mapadali ang pagpapagaling ng
sugat. Linisan ang sugat gamit ang hydrogen peroxide. Iwasang maglagay ng
antibiotic, cream , o ointment kapag hindi pa nalinisan nang mabuti ang sugat.

• Paraan ng Direktang Pagdiin ng Sugat


 Direktang diinan ang mismong sugat sa pamamagitan ng gasa o ng malapad
at makapal na panyo
 Kung ang pulso ang nagdurugo, epektibo ang pagtataas nito sa posisyong
mas mataas sa pulso, at matapos nito ay ang pagdiin sa sugat.

• Hindi Direktang Pagdiin ng Sugat


Kung labis ang pagdurugo mula sa malalaking ugat kasabay nang paglalabas ng
dugo sa pagpintig ng puso, ang direktang pagdidiin ay maaaring hindi maging sapat
para matigil ang pagdurugo. Sa mga pagkakataong ito, idiin ang mga daliri sa
malaking ugat sa posisyong mas malapit sa puso kaysa sa mismong ugat.

6
2. Balinguyngoy
https://www.youtube.com/watch?v=UsUztOAhcRI

 Umupo ng tuwid at iyuko nang bahagya paharap ang ulo


at pisilin ang malambot na bahagi ng ilong sa ibaba ng
bony bridge. Upang makahinga ang biktima, kailangang
nakabuka ang bibig.
 Kapag ang pagdurugo ay hindi huminto pagkatapos ng
20 minuto, maglagay ng malamig na panyo o bimpo
(cold compress) sa noo at sa nose bridge upang
mapadali ang pagsasaayos ng blood vessels.
 Kapag hindi pa rin huminto ang pagdurugo, sa dalawang
beses na pagbibigay ng pangunang lunas, dalhin kaagad
ang biktima sa doktor o sa emergency room.

3. Kagat ng Insekto
https://www.youtube.com/watch?v=ySOfI-_JcT4

• Hugasan ang bahagi ng katawan na nakagat ng insekto gamit


ang sabon at tubig. Maaari ring gamitin sa paghugugas ang
alcohol, suka, katas ng lemon o kalamansi. Ang bawang ay
maaari ring ikiskis (rub) sa bahagi na nakagat.
• Tanggalin ang karayom na iniwan ng bubuyog o ibang insekto.
Iwasang tanggali ito sa pamamagitan ng tiyani, dahil kapag
nadiin ito maaaring magkaroon ng mas maraming kamandag sa loob ng katawan.
Hugasan ng sabon at tubig ang sugat , at lagyan ito ng yelo o cold compress sa
bahaging may kagat upang mapabagal ang pagkalat ng kamandag.
• Kapag alam ng biktima na siya ay sensitibo sa kamandag ng bubuyog, alamin kung
may dala siyang hirenggilya ng injectable adrenaline (epinephrine). Kung mayroon,
gamitin ito agad at dalhin siya agad sa hospital.
• Kapag walang adrenaline, at nagsisimulang mabuo ang sintomas ng malalang
allergic reaction ng biktima, talian ang braso o bahagi ng katawang may kagat
upang huwag kumalat ang lason at itakbo kaagad sa ospital.
• Kung ang kagat ay galing sa gagamba o alakdan, ihiga ang biktima. Siguraduhin
na ang bahaging kinagatan ay mas mababa kaysa posisyon ng puso.

4. Kagat ng Hayop
https://www.youtube.com/watch?v=QfJvjl43zEQ

 Rabies ang nakukuha ng biktima sa kagat ng aso o pusa. Ang rabies ay dulot ng
virus na may malalang epekto sa central nervous system. Nagmumula ang virus
nito sa kagat o laway ng isang hayop na tagapagdala ng rabies.

7
• Kung may malay ang pasyente tanungin kung saang bahagi siya nakagat. Kung
walang malay o hindi makausap, hanapin ang bakas ng kagat
• Linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon. Makatutulong ito upang
mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang
namamalagi sa bibig ng hayop. Maaari rin itong makatulong sa pagpigil sa pagkalat
ng virus ng rabies.
• Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng aso, pusa, o anumang hayop na may
rabies. Gawin ito habang hinuhugasan ang bahaging nakagat. Pahiran ito ng
alcohol, povidone-iodine, o anumang gamut pansugat.
• Huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari ng alagang hayop na nakakagat
sa pasyente. Kunin din ang kanyang tirahan at numero sa telepono o cellphone
upang maging madali ang koordinasyon , lalo na at kailangang obserbahan din ang
kaniyang alaga.
• Kapag mahirap malaman kung saan nagmula ang hayop, ipagbigay-alam ang
sitwasyon sa kinauukulan para mahuli ito at maobserbahan. Huwag tangkaing
hulihin ang hayop kung walang makatutulong na talagang marunong dahil baka
madagdagan pa ang nakuhang sugat at kalmot.

5. Paso o Lapnos
https://www.youtube.com/watch?v=CQCyL627Y_A

• Bahagyang Paso na di- nagkakaroon ng paltos. (First Degree)


 Pahiran o agad ilubog sa malamig na tubig ang napasong bahagi o padaanan
ng malamig na tubig galing sa gripo ng 15-20 minuto.
 Kapag may burn ointment, pahiran ang bahaging napaso at kung wala naman
maaaring balutan ng ilang piraso ng bahaging gitna ng katawan (stem) ng
saging.
• Paso na Nagiging Sanhi ng Paltos (2nd Degree)
 Huwag papuputukin ang paltos.
 Kapag pumutok ang paltos, maingat na hugasan sa sabon at malinis na tubig.
 Balutan ng maluwag at malinis na tela o bandage upang maiwasang
malagyan ng dumi, alikabok, at hindi madapuan ng insekto.
 Tumawag ng ambulansya o kaya’y dalhin agad sa ospital.
• Matinding Paso (3rd Degree)
 Kapag may damit na nakatakip sa matinding paso, alisin ito. Kapag ang tela
ay nakadikit sa napasong bahagi, basain ito ng pinakuluang tubig na
pinalamig.
 Dapat uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang pagkatulala at
pagkawala ng likido ng katawan mula sa kumakatas na paso.
 Balutan ang napasong bahagi ng manipis na tela o tuwalya. Hayaang
mahanginan ang paso, pero natatakpan ng malambot na tela o damit para
mapangalagaan laban sa alikabok at langaw.
 Huwag papahiran ng grasa, taba, toothpaste, o anumang bagay ang
bahaging napaso.
 Tumawag ng ambulansya o8kaya’y dalhin agad sa ospital.
• Paso sa Paligid ng Kasukasuan ( Joints)
 Kapag nagkaroon ng matinding paso sa pagitan ng mga daliri, sa kilikili o sa
ibang kasukasuan, ang mga gasang may burn ointment ay dapat ilagay sa
pagitan ng mga bahaging napaso upang maiwasang magdikit-dikit ang mga
ito habang naghihilom.

VI. Pagyamanin
Panuto. Punan ng angkop na letra ang mga kahon upang mabuo ang pangungusap. Isulat
ang buong salita sa sagutang papel.

1. Sa paglilinis ng sugat, gumamit ng sterilized kapag


nililinisan ang ilalim ng bahagi ng sugat na natatakpan nang nakalaylay na balat.

2. Huwag lagyan ng , patak ng iodine , o merthiolate ng


direkta sa nakabukang sugat upang maiwasang mapinsala ang laman at mapadali
ang pagpapagaling ng sugat.

3. Umupo ng tuwid at iyuko nang bahagya paharap ang ulo at pisilin ang malambot na
bahagi ng ilong sa ibaba ng bony

4. Hugasan ng at tubig ang sugat , at lagyan ito ng yelo o cold


compress sa bahaging may kagat upang mapabagal ang pagkalat ng kamandag.

5. Huwag papahiran ng grasa, taba, , o anumang


bagay ang bahaging napaso.

VII. Isaisip
Panuto. Lagyan ng bilang 1,2,3 ang mga pangungusap ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod ng pagbibigay ng pangunang lunas sa mga kondisyon at karamdaman.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sugat
____ Takpan ng malinis na tela ang sugat.
____ Hugasan ang paligid ng sugat gamit ang sabon at malinis na tubig.
____ Direktang diinan ang mismong sugat sa pamamagitan ng gasa.

9
2. Balinguyngoy
____Pisilin ng bahagya ang malambot na bahagi ng ilong.
____Umupo ng tuwid at iyuko nang bahagya paharap ang ulo.
____Maglagay ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at sa nose
bridge.

3. Kagat ng Insekto
____ Hugasan ang bahagi ng katawan na nakagat ng insekto gamit ang sabon at
tubig.
____Dalhin sa pinakamalapit na ospital.
____ Tanggalin ang karayom na iniwan ng insekto.

4. Kagat ng Hayop
____Paduguin ang sugat mula sa kagat ng anumang hayop.
____Linisang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon.
____Tukuyin kung saang bahagi ng katawan ang nakagat.

5. Paso
____Padaanan sa tubig galing sa gripo ang napasong bahagi ng 15-20 minuto.
____Balutan ng malinis na bandage ang bahaging napaso pagkatapos malagyan ng
burn ointment.
____ Dalhin sa pinakamalapit na ospital.

VIII. Tayahin
Panuto. Isulat ang TAMA kung ang pangunang lunas sa mga pinsala o kundisyon ay tama , at
isulat ang MALI kung ang pangungusap ay nagsasaad ng maling pagbibigay ng lunas sa mga
pinsala o kundisyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________1. Diinan ng mahigpit na mahigpit ang bahagi ng sugat na walang tigil sa


pagdurugo.
________2. Maaaring lagyan ng alcohol ang sugat upang mabilis na gumaling.
________3. Kinakailangan lagyan ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at
sa nose bridge kapag hindi humihinto ang pagdurugo ng ilong.
________4. Umupo ng tuwid at itihaya ang ulo kapag nakararanas ng balinguynguy.
________5. Hugasan ang bahagi ng katawan na nakagat ng insekto gamit ang sabon at
maduming tubig.
________6. Gumamit ng sterilized twizzers sa paglilinis ng ilalim na bahagi ng sugat.
________7. Linisan mabuti ng sabon at tubig ang bahaging nakagat ng hayop.
________8. Dalhin sa pinakamalapit na pagamutan matapos llinisin ang bahaging nakagat .
________9. Mas mainam na putukin ang paltos para madaling magamot.
________10. Kapag ang tela ay nakadikit sa napasong bahagi, basain ito ng mainit tubig na
pinalamig. . 10
.

IX. Isagawa

Panuto. Isulat ang tamang pamamaraan ng paglalapat ng pangunahing lunas sa mga


pinsala o kundisyon sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Naglalaro ng habulan si Rylo at Adney. Dahil sa mabilis na pagtakbo, ay hindi


napansin ni Rylo ang nakausling bato kaya siya nadapa. Napansin ni Adney ang
sugat sa tuhod ni Rylo. Ano ang dapat niyang gawin?

2. Masayang namimitas ng bunga ng bayabas sina Maya at LJ. Bigla na lamang


narinig ni Lj ang malakas na pag iyak ni Maya. Nakagat na pala ito ng bubuyog.
Ano ang nararapat gawin ni LJ?

3. Tuwang tuwa si Jed sa iniregalong pusa sa kanya ng kanyang kaibigang si Noah.


Halos hindi niya ito gustong bitiwan. Habang nilalaro niya ang pusa ay hindi
sinasadyang makagat siya nito. Bilang kaibigan ni Jed, paano mo siya tutulungan?

4. Nawalan ng kuryente sa inyong tahanan. Naglagay ng kandila ang iyong ina sa


ibabaw ng lamesa. Nang magkaroon na ng kuryente ay nag-uunahan kayong
magkakapatid upang hipan at patayin ang kandila . Hindi sinasadyang napaso sa
kamay ang inyong bunso. Ano ang gagawin mo?

5. Masayang gumagawa ng takdang aralin sina Angelo at Raymond, Nang malapit na


silang matapos sa takdang aralin ay napansin ni Angelo na bigla na lamang may
lumabas na dugo sa ilong ni Raymond. Ano kaya ang dapat gawin ni Angelo upang
matulungan si Raymond?

11
12
TAYAHIN ISAGAWA ISAISIP
1.Mali 6.Tama (answers may vary) 1. 3-2-1
2.mali 7.Tama
3.Mali 8.Tama 2. 2-1-3
4.Tama 9.Mali 3. 1-3-2
5.Mali 10Tama 4. 3-2-1
5. 1-2-3
PAGYAMANIN TUKLASIN BALIKAN SUBUKIN
1. Tweezers 1.e A. 1.Airway 1.a
2. Alcohol 2.c 2. Breathing 2.b
3. Bridge 3.b 3.c
3. Circulation
4. Sabon 4.a 4.d
5.d 5.d
5. Toothpaste B.1.  6.a
2.  7.b
3.  8.c
4.  9.e
5.  10.e
Susi sa Pagwawasto
.
Sanggunian

1. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, Batayang Aklat ,


pahina 208-218

2. http://www.drdrlads.net/2016/02/first-aid-kapag-mayroong-
nawalan-ng.html

3. https://www.healthline.com/health/tgct/musculoskeletal-pain

4. https://www.ritemed.com.ph/articles/first-aid-tips-para-sa-
ibat-ibang-uri-ng-paso

5. https://www.google.com/search?q=steps+for+burns&tbm=isch&
ved=2ahUKEwiorPWGmfTtAhXYFKYKHbwGB2IQ2

6. https://www.dreamstime.com/first-aid-wound-skin-treatment-
procedure-bleeding-cut-bandage-injured-palm-emergency-
situation-safety-infographic-image199136671

7. https://www.profaw.co.uk/wiki/nose-bleeds/

8. https://www.superpharmacy.com.au/blog/treating-insect-bites

9. https://theguideways.blogspot.com/2017/03/first-aid-for-dog-
bite-wikipedia.html

10. https://www.youtube.com/watch?v=L0sonawcsiI

11. https://www.youtube.com/watch?v=UsUztOAhcRI

12. https://www.youtube.com/watch?v=ySOfI-_JcT4

13. https://www.youtube.com/watch?v=QfJvjl43zE

14. https://www.youtube.com/watch?v=CQCyL627Y_A

13
14

You might also like