You are on page 1of 5

Tuesday June 28, 2016

Subject: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


Time: V- 6 (7:30 8:00)
I.

Layunin
a. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamgitan ng
pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain, pakikipagtalakayan at pagtatanong.

II.

Paksang Aralin
a. Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga at Pagkamapagtiis
b. Mga Kagamitan : Balita sa Radyo, Video clip, Jigsaw Puzzle, Manila Papers, Pentel
Pen, Masking Tape at gunting.
c. Integrasyon:Filipino, Information and Communication Technology, MAPEH
d. Nakalaang Oras: (Isang Linggong Aralin) dalawang(2) oras at talumpong(30) minuto

III.

Pamamaraan (Alamin Natin!)


a. Magparinig ng isang balita sa radyo.
Balita sa Radyo:
Isang sampung (10) taong gulang na batang lalaki na si Bill Baldovino
mula sa Isabela ang pinarangalan dahil sa galing niyang maglaro ng Skateboard
na isa asa mga kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon. Ayon sa interbyu sa
batang lalaking, nakamit niya ang karangalang ito sa pamamagitan ng masusing
pageensayo, pagod ng katawan at pati ang kanyang pag-aaral ay naisakripisyo din
niya. Gayon pa man para kay Bill ito ay nagdala sa kanya ng labis na saya.
b. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa napakinggang balita.
1) Tungkol saan ang balitang napakinggan?
2) Batay sa interbyu sa kanya, anu-ano ang kanyang ginawa upang makamit ang
karangalan?
3) Ilarawan si Bill bilang isang batang mag-aaral?
4) Kung ikaw si Bill gagawin mo din ba ng kanyang ginawang paghahanda? Bakit?
5) Sa lahat ng hangarin at mithiin, paano natin makakamit ang pagtatagumpay.

Wednesday June 29, 2016


Subject: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Time: V- 6 (7:30 8:00)

I.

Layunin
a. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamgitan ng
pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain, pakikipagtalakayan at pagtatanong.

II.

Paksang Aralin
a. Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga at Pagkamapagtiis
b. Mga Kagamitan : Balita sa Radyo, Video clip, Jigsaw Puzzle, Manila Papers, Pentel
Pen, Masking Tape at gunting.
c. Integrasyon:Filipino, Information and Communication Technology, MAPEH
d. Nakalaang Oras: (Isang Linggong Aralin) dalawang(2) oras at talumpong(30) minuto

III.

Pamamaraan (Isagawa Natin!)


a. Pasimulan ang Gawain sa pamamagitan ng pagpapangkat ng mga mag-aaral sa apat
(4) na grupo. Pumili ng lider at tagapag-ulat sa bawat pangkat.
b. Ihanda ang mga mag-aaral sa Gawain 2 sa pagbuo ng Jigsaw Puzzle.

Unang Pangkat- Weather, weather lang yan!


Pangalawang Pangkat- Para Sayo ang Laban na to!
Pangatlong Pangkat- Hugot pa more!
Pang-apat na Pangkat- Wanted President!

c. Pagkatapos mabuo ang jigsaw puzzle ang bawat pangkat ay susulat ng isang maikling
balita mula sa larawang nabuo sa loob ng sampung (10) minuto.
d. Ipakita at ipaliwanag ang mga pamantayan o Rubrics na dapat sundin sa
pagmamarkasa kanilang Gawain.

Thursday June 30, 2016


Subject: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Time: V- 6 (7:30 8:00)
I.

Layunin
a. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamgitan ng
pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain, pakikipagtalakayan at pagtatanong.

II.

Paksang Aralin
a. Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga at Pagkamapagtiis
b. Mga Kagamitan : Balita sa Radyo, Video clip, Jigsaw Puzzle, Manila Papers, Pentel
Pen, Masking Tape at gunting.
c. Integrasyon:Filipino, Information and Communication Technology, MAPEH

d. Nakalaang Oras: (Isang Linggong Aralin) dalawang(2) oras at talumpong(30) minuto


III.

Pamamaraan
(Isapuso Natin!)
a. Magpakita ng isang video clip tungkol sa pagtatagumpay sa pag-aaral.
b. Talakayin kung paano niya nakamit ang kanyang pagtatagumpay sa napiling
propesyon.( Think-Pair-Share Activity)
c. Talakayin kung paano niya nakamit ang kanyang pagtatagumpay.
d. Basahin at bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe
upang lubos na.
(Isabuhay Natin!)
a. Gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa inyong pangarap. Anu-ano ang dapat mong
gawin upamg makamit ito.
b. Sabihin sa mga mag-aaral , Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita sa ang
kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral? Ipatala ang mga sagot sa kanilang
kwaderno.
c. Iproseso ang sagot ng mag-aaral sa paraan ng pag-uusap sa harap ng klase.
d. Ipapaliwanag ng mga mag-aaral sa harap ng klase ang kaniyang sagot upang
mabigyang pagpapahalaga ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral.

Friday July 01, 2016


Subject: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Time: V- 6 (7:30 8:00)
I.

Layunin
a. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamgitan ng
pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain, pakikipagtalakayan at pagtatanong.

II.

Paksang Aralin
a. Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga at Pagkamapagtiis
b. Mga Kagamitan : Balita sa Radyo, Video clip, Jigsaw Puzzle, Manila Papers, Pentel
Pen, Masking Tape at gunting.
c. Integrasyon:Filipino, Information and Communication Technology, MAPEH
d. Nakalaang Oras: (Isang Linggong Aralin) dalawang(2) oras at talumpong(30) minuto

III.

Pamamaraan
(Tandaan Natin!)
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng
isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi
magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging
mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang

edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.


Maipapakita ng isang mag-aaral ang kanyang kawilihin at positibong saloobin sa pagaaral sa pamamagitan ng pakikinig sa talakayan, pakiki-isa sa mga gawaing pampaaralan,
at kusang loob na pagpasok sa paaralan. Sa tulong ng mga nabanggit na katangian mas
magiging masaya at kanais-nais ang mga mangyayari sa paaralan.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang
magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang
estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na
kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang
nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang
buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan
tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.
(Subukin Natin!)
Subukin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng bituin ang iyong
pinaniniwalaang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Mga Sitwasyon
1. Nakikinig kaba sa oras ng talakayan o kaya ay pagnagsasalita ang guro?
2. Tumutulong kaba na matapos ang nakalaang gawain sa inyong grupo?
3. Gumagamit kaba ng magagalang na salita tuwing ikaw ay nagtatanong
sa iyong guro?
4. Dapat bang magpakita ng kawilihan sa pag-aaral?
5. Magbigay ng opinion o ideya tuwing pangkatang Gawain?

Oo

Hindi

TANDAAN NATIN

Ang Edukasyon ay kayamanan ng bawat tao na hindi kailanman mananakaw ninoman.


Mayaman man o mahirap bawat isa sa atin ay may karapatang makamtan ito. Ang edukasyon ay
mabisang sandata laban sa kahirapan.
Upang makamit natin ang minimithing tagumpay, kinakailangan nating magpunyagi,
magtiis, magpasenysa at maging mahinahon sa lahat ng oras, sa anumang balakid o hadlang at
hirap na ating mararanasan. Isaisip natin lagi ang kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay.

SUBUKIN NATIN
Gumawa ng isang Poster tungkol sa Slogan na ito, Ito AKO pagkaraan ng Sampung
Taon.

ISAGAWA NATIN

1. Pasimulan ang gawain sa pamamagitan

You might also like