You are on page 1of 16

4

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 6 :
Magagalang na Pagpuna
(Editorial Cartoon)

AIRs - LM
Filipino 4
Ika-apat na Markahan - Modyul 6 : Magagalang na Pagpuna (EditorialCartoon)
Unang Edisyon, 2021
Karapatang sipi © 2021
La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng


bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Liziel Ondoy, Sto. Tomas Central School, Sto. Tomas District
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw!

Isa sa mga babasahin na nakapagbibigay sa atin ng mga


balita o impormasyon ay ang dyaryo o pahayagan. Ito ay may mga
bahagi at isa dito ang tinatawag na editorial. Nakakita ka na ba ng
dyaryo o pahayagan? Naranasan mo na bang magbasa nito?
Nakapagbigay ka na rin ba ng mga komento o puna sa mga
nakasulat o nakaguhit dito? Sino o ano ang paborito mong cartoon
character? Meron ba? Bakit mo nagustuhan ang mga ito?
Marunong ka rin bang magdrowing? Naranasan mo na rin bang
magbigay ng mga kuro-kuro sa mga halimbawa nito? Ano nga ba
ang kartung pang-editoryal?
Huwag kang mag-alala dahil ngayon, ang araling ito ay tiyak
kong makatutulong ito sa iyo.

Sa modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang


sitwasyon; Pagbibigay ng puna sa editorial cartoon
(F4Ps-IV-12.18)
2. Nakaguguhit ng sariling editorial cartoon
(F4PU-IVe-3)

Halika, simulan mo na!


Aralin Magagalang na Pagpuna
6.1 sa Editorial Cartoon

Simulan

Basahin at unawain ang kuwento.


Ang Magpinsang Magagalang
Ni : Liziel Ondoy

Isang araw, nagpasyang mamasyal ang pamilya ni Imman


sa kanilang lola Trining sa baranggay Namboongan, Nagmano si
Imman sa kanyang lola at tiyo. Niyaya ni Imman ang kanyang
pinsan na si Zarren na magbasa ng libro ngunit nakasara ang
kanilang aparador kung saan nakatago ang mga ito. Nakita ni
Zarren ang dyaryo na nasa mesa. Nagpaalam si Zarren sa kanyang
Lola Malu at ito ang kanilang binasa. Sa bawat paglipat ng pahina
ni Zarren ay nagbibigay ng magagalang na puna si Imman ngunit
sa editorial na parte ng dyaryo ay nahinto sila at pinag-usapan ang
mga nakaguhit dito.

Napakaganda ng nilalaman ng editorial, ito ay tungkol sa


pagsagip o pangangalaga sa mga ligaw o nauubos nang mga uri
ng hayop kaya masaya ang dalawa sa kanilang binasa. Magalang
ding nagpasalamat si Imman sa kanyang ate Zarren.
Lakbayin

Matapos mong basahin at unawain ang kuwento maaari mo


ng sagutin ang sumusunod na tanong upang malaman mo ang
pagiging magalang ayon sa kuwento.

1. Tungkol saan ang binasa mong kuwento?


2. Sino ang nagbabasa ng dyaryo ayon sa kuwento?
3. Kanino nagmano ang batang si Imman at bakit?
4. Saang parte ng dyaryo nasiyahan si Imman sa kanilang
pagbabasa?
5. Ang pagpapasalamat ba ay isang paraan ng pagpapakita ng
paggalang? Bakit?

TANDAAN
Sa panahong ito na puno na ng teknolohiya, minsan
nakakalimutan na natin ang pagiging magalang. Ngunit
bilang isang mabuting Pilipino, dapat nating irespeto ang
ating kapwa lalo na ang nakatatanda sa atin kaya naman
dapat nating malaman ang mga magagalang na
pananalita na maaaring gamitin sa iba’t ibang sitwasyon
o sa pagbibigay ng puna sa mga nakalimbag na
babasahin tulad ng editorial cartoon sa pahayagan.
MGA HALIMBAWA NG MAGAGALANG NA PANANALITA

1. Magandang Araw (Pagbati)


2. Po at Opo
3. Makikiraan po (kapag may nag-uusap sa iyong
daraanan)
4. Salamat po (Pagpapasalamat)
5. Maaari po bang? (paghingi ng pahintulot)
6. Pasensya na po (paghingi ng tawad o paumanhin)
7. Walang ano man (kapag may nagpasalamat)
8. Paalam po (kapag aalis o lalabas ng bahay)
9. Mano po (kapag aalis o pag-dating galing sa ibang
lugar)
10. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? (kapag may
kailangan sa iyo na di mo alam)

Ang editorial o pangulong tudling ay isang mapanuring


pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong
pangyayari. Kumakatawan ito sa sama-samang
paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing
kaluluwa ito ng publikasyon, utak o tinig ng pahayagan.
Kung gaano kahalaga ang editorial ng isang pahayagan
ay gayundin kahalaga ang editorial cartoon. Kinakatawan
nito ang opinyon ng patnugutan kaya binansagan itong puso
ng pahayagan. Ang editorial cartoon ay gumagamit ng
paraang caricature o larawang guhit-kamay kung saan ay
inilalagay na nakatatawa ang isang pangyayari o sitwasyon
at gumagamit din ito ng mga representasyon para ilarawan
ang isang isyu, opinyon o pangyayaring napapanahon.
Kailangang magbasa tungkol sa isyung gagawan ng
editorial cartoon upang mapalawak ang kaalaman tungkol
sa isyu at kailangang may matibay na background para sa
gagawing opinyon.

Mga hakbang sa paglikha ng EDITORIAL CARTOON


1. Pagpili ng Paksa
➢ Karaniwan ay napapanahong isyu, usapin o balita.

2. Pag-iisip ng Konsepto
➢ Alamin ang iyong katayuan o posisyon sa napiling
paksa.
➢ Gumawa ng maikling komento, opinyon o kuro-kuro
tungkol sa paksa.
➢ Umisip ng mga simbolong maaaring kumatawan sa
iyong opinyon o kumento.
➢ Gamit ang mga napiling simbolo umisip ng nababagay
sa tagpo o eksena na maaaring kumatawan sa iyong
opinyon o kumento.

3. Pagguhit ng Konsepto

4. Pagguhit ng Panghuling Anyo ng Cartoon

Karaniwang tagpo sa isang EDITORYAL CARTOON

1. Nangbiktima – Biktima (Predator – Prey Relationship)


2. Tagapagligtas – Kalaban (Hero – Villain Relationship)
3. Malakas – Mahina (Strong VS Weak)
4. Napaka prominente ng laki ng mga pangunahing
elemento para maipakita kung gaano kabigat ang
sitwasyon (Sizes of primary elements are too prominent
to indicate the gravity of situation or issue)
5. Mapanganib na sitwasyon (Dangerous or alarming
situation)
6. Balakid o problema (Presence of hindrances or problem)
7. Panloloko (Deception)

Mga dapat tandaan sa paggawa ng EDITORIAL CARTOON


1. Gumamit ng mga simbolong madaling maintindihan ng
mga mambabasa.
2. Kung posible, limitahan ang iguguhit hanggang tatlong
simbolo o ilustrasyon (primary, secondary, tertiary
elements).
3. Gawing nakaaaliw ang drowing (Ang ekspresyon ng
mukha, damdamin, galaw at shadings ay dapat na
bigyang pansin.
4. Limitahan o iwasan ang paggamit ng mga salita o labels.
5. Isulong ang iyong sariling istilo ng pagguhit.
Galugarin

Gawain1
Panuto: Bilugan ang mga halimbawa ng magagalang na
pananalita o puna.

Halimbawa :

Napakaganda po ng pagkaka
drowing ng editorial cartoon.

2. Opo, ginagawa ang


1. Pasensya na po, editorial upang hikayatin
sino kaya ang ang mga mambabasa
gumuhit ng ngunit may katuturan.
editorial cartoon?

3. Nakikiusap po ako sa inyo na suriin


muna ang mga nilalaman ng pahayagan.

4. Salamat po sa mga nagsusulat ng 5. Ang mga kuro- kuro o puna


dyaryo o pahayagan dahil ito ay ay maaari po nating pagnilayan
nakatutulong sa atin upang upang maunawaan natin ang
malaman ang mga nangyayari sa mga ito.
ating kapaligiran.
Gawain 2
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pagbibigay ng
puna sa editorial cartoon at Mali naman kung hindi wasto
ang paraan ng pagpuna.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon

__________1. Maniwala ka diyan eh hindi nga totoo ang sakit na


yan!
__________2. Dapat po pala iwasan muna nating lumabas ng
bahay.
__________3. Sumunod na lang po tayo sa mga health protocols.
__________4. Naku! pag-oras mo na mamamatay ka talaga.
__________5. May iba’t ibang variant na po pala ng COVID-19
ibayong pag-iingat pa rin po ang dapat nating gawin.
Palalimin

Gawain 1
Panuto: Salungguhitan ang mga magagalang na pananalita na
matatagpuan sa mga puna ukol sa editorial cartoon sa
baba.

https://brainly.ph/question/3211495

1. Salamat po sa ating mga magulang at mga guro na nagtuturo


at gumagabay sa ating mga kabataan.
2. Opo ang edukasyon ay may malaking epekto sa buhay ng mga
bata tulad ng tamang pagggabay ng mga magulang.
3. Maaari po bang sa susunod ay kasama na ang lipunang aming
ginagalawan?
4. Ipagpaumanhin nyo po ang mga maling kilos na nagagawa ng
aming henerasyon.
5. Kung ang edukasyon ay pandilig, ang magulang ang pataba,
ang tanim ang kabataan marahil po ang lupa ay ang lipunang
kinatatayuan ng mga kabataan.

Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang sa unahan ng
bawat bilang kung wasto ang ipinapahayg ng
pangungusap at ekis ( X ) naman kung hindi wasto.

_______1. Ang editorial o pangulong tudling ay isang mapanuring


pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang
napapanahong pangyayari ng isang pahayagan.
_______2. Ang salamat, paumanhin, pasensya at wala akong paki-
alam ay halimbawa ng magagalang na pananalita.
________3. Ang editorial cartoon ay ginagawa sa pamamagitan ng

painting o mural.
_______4. Ang editorial cartoon ay kumakatawan sa opinyon ng
patnugutan kaya binansagan itong puso ng pahayagan.
_______5. Isulong ang istilo ng iba sa pagguhit.
_______6. Limitahan o iwasan ang paggamit ng mga salita o labels.
_______7. Gawing nakakatakot ang drowing.
_______8. Ang ekspresyon ng mukha, damdamin, galaw at
shadings ay dapat na bigyang pansin.
_______9. Kung posible, limitahan ang iguguhit hanggang tatlong
simbolo o ilustrasyon.
_____10. Gumamit ng mga simbolong mahirap maintindihan
ng mga mambabasa.
Sukatin

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang halimbawa ng magagalang na pananalita sa
bawat bilang ayon sa iba’t ibang sitwasyon.
Salungguhitan ang iyong sagot.

❖ Bagong dating ang iyong ama galing Manila, kasama ang iyong
mga pinsan na ngayon mo lang nakadaupang-palad.
1. Magandang araw po, tuloy po kayo. Gusto nyo ba ng maiinom?

❖ Naiihi ka na ngunit pagpunta mo sa palikuran ay mahaba ang


pila.
2. Maaari po ba akong mauna, hindi ko na kase mapigil ang ihiin
ko.

❖ Kaarawan mo kaya’t nag-ambag ang iyong mga kapatid upang


may maipanghanda kahit nawalan sila ng trabaho dulot ng
pandemya.
3. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong regalo para sa
aking kaarawan.

❖ Nagmamadali ka dahil mahuhuli ka na sa susunod mong klase


ngunit nag-uusap sa may pintuan ninyo ang iyong ina at ang
inyong kapit-bahay.
4. Makikiraan po, papasok na po ako sa sa paaralan, paalam.

❖ Hindi mo sinasadyang mabasag ang plato habang ika’y


naghuhugas.
5. Pasensya na po, hindi ko po sinasadyang mabasag ang plato.
Gawain 2
Panuto: Gumuhit ng isang editorial cartoon tungkol sa Covid-19.
(10 puntos). Ilagay sa isang buong bond paper.
Sanggunian:

Internet
Brainly.ph
Jaybeeguinitaran
Sapetember 27, 2020
Filipino

https://brainly.ph/question/3211495

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/09/10/2041364/editoryal-
ipagpatuloy ang-pag-iingat

Scribd. Com
Evangeline San Jose

Pt.slideshare.net
SUKATIN Palalimin:
Gawain 1
Gawain 1 1. Salamat po
2. Opo
1. Magandang araw po
3. Maaari po
2. Maaari po ba
3. Lubos po akong nagpapasalamat 4. Ipagpaumanhin nyo po
4. Makikiraan po, paalam 5. Marahil po
5. Pasensya na po
Gawain 2
1.
2. X
3. X
4.
5. X
6.
7. X
8.
9.
10. X
Galugarin:
Gawain 1 Lakbayin:
1. Pasensya na po
2. Opo 1. Sa Magpinsan na magagalang
3. Nakikiusap po ako 2. Sina Imman at Zarren
4. Salamat po 3. Sa kanyang Lola Trining, dahil ito ay
5. Maaari po ba isang paraang ng pagiging magalang
Gawain 2 at kaugalian ng mga Pilipino.
1. Mali
4. Sa editorial
2. Tama
5. Opo, dahil ito ay isang paraan ng
3. Tama
4. Mali pagrespeto o pagpapahalaga sa
5. Tama iyong kapwa.
Susi sa Pagwawasto

You might also like