You are on page 1of 6

DAILY LESSON PLAN

Learning Area Filipino 9


Learning Delivery Modality FACE-TO-FACE LEARNING MODALITY
Paaralan Luis A. Ferrer National Antas Grade 9
High School (GFMINHS-
Annex)
Guro Rommel A. Pamaos Asignatura Filipino 9
Petsa Kwarter Ikalawang Markahan
Oras Bilang ng
Araw
Sa Pagtatapos ng aralin; inaasahang ang mag-aaral ay:

Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa


I. LAYUNIN paksa batay sa napakinggan.
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IId-47)

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga


A. Pamantayang Pangnilalaman piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya

Maisusulat ng sariling akda na nagpapakita ng


B. Pamantayang sa Pagganap
pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
Maipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng
Pagkatuto (MELC) matibay na paninindigan.

II. NILALAMAN Argumento sa Napapanahong Isyu


III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian
Pivot 4A Learner’s Material- Filipino
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Ikalawang Markahan–Modyul 2
Panitikang Rehiyunal
Pivot 4A Learner’s Material- Filipino
2. Mga Pahina sa Kagamitan ng mag-aaral Ikalawang Markahan–Modyul 2

Pivot 4A Learner’s Material- Filipino


3. Mga Pahina sa Teksbuk Ikalawang Markahan–Modyul 2

4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal


ng Learning Resource

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para Powerpoint Presentation, video presentation


sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV.PAMAMARAAN

APPROACH STRATEGIES COLLABORATIVE APPROACH


SUGGESTED ACTIVITY JIGSAW METHOD (TDAR)

KAUGNAY NA ASIGNATURA ESP, ENGLISH, AP


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULA
Panimulang Gawain
 Panalangin

“Bago tayo pormal na magsimula sa ating talakayan (Ang mga mag-aaral ay tahimik na tutungo at
ngayong araw, tayo muna ay tumungo, manalangin at mananalangin)
damhin ang presensya ng Panginoon”.

 Pagbati
“Mapagpalayang araw sa inyong lahat!” (Ang mga Mag-aaral ay tutugon,)
“Mapagpalayang Araw din po!”
“Bago ang lahat maari bang paki-ayos ng inyong mga
upuan at pulutin ang mga kalat na nakikita ng inyong (Ang mga mag-aaral ay susunod at aayusin ang kanilang
mga mata. At syempre paki-ayos din ng inyong mga sarili at upuan)
sarili “

“Binibining Kalihim, ilan o mayroon bang lumiban sa


klase?” (Ang tugon ay maaring mag-iba)

“Mahusay, palakpakan niyo ang inyong mga sarili


dahil kumpleto ang klase ngayong araw” (Ang mga Mag-aaral ay susunod)

 Panuntunan sa Klase
“Bago tayo magsimula, akin munang babanggitin ang (Ang mga mag-aaral ay tutugon sa pamamagitan ng
ating panunutunan sa ating klase, pagtaas ng kamay na naka-thumbs up o thumbs down)
 Siguraduhing handa ang isip at puso sa
pakikinig
 Sundin ang panuntunan ng guro sa
pagsagot

(Ang mga mag-aaral ay makikinig)


 Balik-aral

“Noong nakaraan ay nagkaroon tayo ng


talakayan ukol Pabula.

Kung gayon, magbigay nga ng mga katangian


ng isang Pabula?
“Opo, Ginoo.”
“Mahusay! Ang inyong mga memorya at natatandaan
nyo pa ang mga aralin noong nakaraan”
(Ang mga mag-aaral ay makikilahok at sasagot)
 Pagganyak (THINK)

May mga ipapakita akong tanong sa inyo na may


dalawang pagpipilian. Piliin ninyo ang sang-ayon kayo
at sabihin kung bakit.
1.Ano ang mas dapat inilalagay sa tinola, papaya o
sayote?

2. Dapat bang naghiwalay na ang KathNiel o dapat


pang pag-usapan nila?

3. Sino ang dapat mas mamuno sa Pilipinas, mula sa


mayamang angkan o mula sa masa at normal na
mamamayan?

(Ang mga Mag-aaral ay makikilahok sa aktibidad at


sasagot)
Ano’t ano man ang tanong, palagi tayong may
pinagpipilian. Ang ibang pagpili ay hindi naman
ganoon kabigat dahil ito ay preference lamang
habang ang ibang pagpili ay dapat na pinag-iisapan.

B. PAGPAPAUNLAD (DISCUSS)

Hindi masamang maglahad ka ng iyong opinyon,


paninindigan o mungkahi sapagkat nangangahulugan
lamang ito na ikaw ay may aktibong pakikisangkot sa
iyong paligid o sa lipunang ginagalawan mo. Sa kabila
nito, pakatandaan at huwag kalilimutang maging
magalang sa pagpapahayag ng iyong opinyon.
(Ang mga mag-aaral ay makikilahok sa Gawain)

Ang argumentatibong sanaysay na naglalahad ng


opinyon tungkol sa partikular na paksa o usapin. Dito,
kailangang pumili ng papanigan.
Halimbawa, Naniniwala kang nakagagamot ang
marijuana kaya isinusulong mo ang paggamit nito sa
medisina. Isa pang halimbawa, naniniwala kang dapat
ibalik ang death penalty para sa malulubhang krimen
sa bansa.
Anuman ang posisyong iyong napili, kailangang
magbigay ng malinaw at matatag na mga argumento
na sinusuportahan ng mga makatwirang ebidensiya.

Layunin ng sanaysay na kumbinsihin ang mga


mambabasa na may saysay at bisa ang mga
argumentong inihain sa kanila. Ito ay pormal at
organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya.

(Ang mga Mag-aaral ay magsasagot)

PAGHAHANDA SA PAGSULAT NG
ARGUMENTATIBONG SANAYSAY

1. Tukuyin ang isyu o paksa. Magpasiya sa magiging


posisyon at magsaliksik ng mga impormasyon na
maaaring magbatibay sa mga ilalatag na argumento.

2. Isulat ang Introduksyon. Isulat ito sa paraang


nakapupukaw ng atensiyon. Ilahad ang kaligiran at
kahalagahan ng paksa.

3. Isulat ang katawan ng posisyong papel, ihayag ang (Ang mga Mag-aaral ay makikilahok sa talakayan at
iyong posisyon at magbigay ng mga argmento at sasagot)
mga ebidensya para suportahan ito. Banggitin din ang
mga argumento ng kabilang panig at pahinain ang
mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
ebidensiyang sumasalungat sa mga ito.

4. Isaalang-alang ang mga mambabasa. Ang pagbuo


ng matibay na argumento ay nakasalalay sa mga
mambabasa kaya tanungin ang sarili “sino-sino ba
ang mambabasa?”
C. PAKIKIPAGPALIHAN

PANGKATANG GAWAIN (ACT)

Pangkat 1
Hatiin ang grupo niyo sa 2 at magsagawa ng isang
impormal na debate tungkol sa pagpapababa ng edad
ng mga bata pa makulong.

Pangkat 2
Bubuo ang pangkat ng isang jingle tungkol sa kung
kayo ay pro-life o pro-choice.

Pangkat 3
Gumawa ng isang patalastas na tungkol sa
paghihigpit sa mga bata sa paggamit ng mga gadget
habang tinatalakay din ang magagandang epekto nito.

(Ang mga Mag-aaral ay makikilahok sa talakayan at


sasagot)

(REFLECT)

( Ang mga mag-aaral ay magsisimula nang gawin ang


Ngayong tapos na ang inyong pangkatang Gawain, kanilang pangkatang gawain.)
maari nang magtanghal ang unang pangkat”

(Pangkat 1) (Ang unang pangkat ay magtatanghal ng kanilang


pangkatang gawain)

(Pangkat 2) (Ang Ikalawang pangkat ay magtatanghal ng kanilang


pangkatang gawain)

(Pangkat 3) (Ang ikatlong pangkat ay magtatanghal ng kanilang


pangkatang gawain)
(Ang guro ay magbibigay ng komento at grado sa
bawat pangkat)
“Mahusay, salamat sa inyong partisipasyon at sa
inyong mahusay na pagmamalas ng pagiging
malikhain. Palakpakan niyo ang inyong mga sarili”
( Ang mga mag-aaral ay magpapalakpakan)
D. PAGTATAYA

Subukin!
Panuto: Sumulat ng maiksing sanaysay
tungkol sa paksa na nasa ibaba:

Nakasasama sa pamilya ang pagtatrabaho ng


mga magulang sa ibang bansa.

PAGNINILAY
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,
journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na ____________________
Nabatid ko na _________________

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

ROMMEL A. PAMAOS MA. CHERINA D. MANALO


Guro I PSDS-OIC

You might also like