You are on page 1of 3

Ang Pinakamahal na Party

HOOK:

“It would be the biggest party on earth.” Ito ang tiniyak ng Shah of Iran, o Kings of Kings na si
Mohammad Reza Pahlavi, na makikita ng buong mundo ang muling pagbangon ng Iran noong 1971.
Bumaha ng mamahaling alak at pagkain sa man-made tent city sa gitna ng disyerto na nagkakahalaga ng
$635 million.

Panahuhin ang mga presidente, hari at reyna, emperador, prime ministers,


ambassadors,pinakamayayaman at makapangyarihang tao sa mundo. Pati na ang nooý First Lady ng
Pilipinas na si Imelda Marcos ay isa sa mga head guest.

Ano ang dahilan ng Shah of Iran para sa magastos na party na ito?

Ano kaya ang naging reaksyon ng kanyang mga kababayang Iranian gayong naghihirap ang kanilang
bansa?

At ano kaya ang naging kabayaran, sa tinaguriang the most expensive party in the world?

BUMPER:
Awe Republic Logo Opening

CONTENT:

**Show title: Ang Shah of Iran, King of Kings


Si Mohammad Reza Pahlavi ang huling Shah ng Iran, Emperor at King of Kings. Isa sa richest man in the
world. Mahilig sa art, western culture at nag-aral sa Switzerlad at hawak niya ang Iran sa kanyang mga
kamay. Ang mga salita niya ay batas. Isang araw, ipinag-utos niya sa lahat na maghanda para sa isang
gagawing “super extravagant party”. Plano niyang ipaalam sa buong mundo na muling magbabalik ang
Iran bilang isa sa mga makapangyarihang bansa. Kasabay nito ay ang 2500 th commemoration ng The
Great Persian Empire ni Cyrus the Great. Ito lang naman ang pinakamalaking imperyo sa
kasaysayan. Nais ng Shah na ikumpara ang Iran sa Persian Empire at siya naman kay Cyrus the
Great.
**Show title: Ang Mga Paghahanda
Sa gitna ng disyerto, sa ancient ruins ng Persepolis napili ng Shah na ganapin ang party dahil
walang palasyo o hotel na ganun kalaki para gawing venue. 15,000 na mga puno, halaman at
bulaklak ang inilipad sa site para sa royal village. Katakot-takot na dami ng tubig ang
kinailangan upang hindi matuyot ang mga ito. 50, 000 songbirds at 20, sparrows ang inimport
mula sa Europe para buhayin ang artificial forest. Marami sa mga ibon ang namatay dahil sa
uhaw at sobrang init.
World class architects naman ang gumawa ng 50 luxurious air-conditioned tents. Sapat ang laki
para sa dalawang kwarto, banyo, kusina na may personal servers at cooks para sa head of states,
24/7. Higit isang dekada ang lahat ng paghahanda sa royal village, daig pa ang alinmang
paghahanda sa Olympic Games.
MIDDLE ENGAGEMENT:
Bago tayo magpatuloy, kung ikaw ang tatanungin, sa paanong paraan mo gustong ipakilala ang
iyong bansa? Kailangan ba talagang gumastos ng sobrang laki para lang ipagyabang ang iyong
yaman?
**Show title: Ang Party at si Imelda Marcos
Hindi nakadalo ang lider ng tatlong makapangyarihang bansa, President Nixon ng USA, Queen
Elizabeth ng England at Emperor Hirohito ng Japan ngunti nagpadala naman sila ng kanilang
representatives.
Nasa 18 tons ng pagkain ang inilipad mula sa Paris ng napiling restaurant para sa catering
kasama dito ang 380,000 itlog, 2700kg ng baka at 1280kg ng manok at libo-libong bote ng
mamahaling alak. Ayon sa director ng world-class Maxim’s Restaurant na pansamantalang
nagsara dahil ipinadala ang 165 chef nito sa Iran,
“in the history of humankind there has never been a party as extravagant as this one.”
Ang main banquet table ay 70 meters na may magarang table cloth at hinabi ng 135 na
kababaihan sa loob ng anim na buwan. Kumpleto ang promotion ng party na nag-hire pa ng
direktor para gawin itong film event na ipinalabas sa buong mundo habang ang Hollywood actor
na si Orson Welles ang naging narrator.
Ang second day ang main event kung saan may parada ang nasa 10, 000sundalo ng Iran na naka-
costume ng former Persian dynasties.
Ayon sa opisyal na ulat, ang unang bisitang dumating ay walang iba kung hindi ang dating First
Lady, Imelda Marcos kasama ang kanyang anak na si Imee. Kilalang world-class fashionista at
mahilig sa mga sosyal na events si Imelda kaya hindi niya palalampasin ang pagdalo dito. May
kumalat na larawan sa party kung saan nasa likod ng buhok ni Imelda ang kanyang tiara. Ang
pagsusuot kasi ng tiara o korona ay para lamang sa mga kababaihang may titles ng reyna,
prinsesa o duchess. Sa kabila ng mahigpit na paalala kay Imelda, ipinilit niya pa rin ang kanyang
tiara. Pinalabas niya sa kanyang dresser ang opisyal na hair dresser at inutusan ang kanyang maid
na ilagay ang kanyang tiara.
**Show title: Ang Reaksyon ng mga Iranians
Pagdiriwang ito para ipakilala ang bansang Iran at ang kanilang mayamang kasaysayan ngunit
hindi imbitado ang mismong mga tao na dahilan ng selebrasyon, ang mga mamamayan ng Iran.
Hindi kasama sa party ang mga manggagawang Iranian na nag-aambag sa yaman ng bansa.
Matinding batikos ang natanggap ng Shah of Iran na isa ring malupit na pinuno at diktador.
Mayroon siyang secret police na dumudukot sa mga nagsasalita ng masama laban sa kanya. Sa
halip na unahin ng Shah ang kapakanan ng kanyang nasaskupan, mas pinili niyang gastusin ang
pera ng taumbayan sa luho at pagpapakitang gilas. Idagdag pa diyan ang paglabag ng mismong
lider ng bansa sa mahigpit na alcohol consumption law na ikinagulat ng mga Iranian.
Sinabi ni Ayatollah Khomeini, isa sa mga lider ng Iranian Revolution “In many of our cities and
most of our villages there is no doctor or medicine, there is no sign of school, bathroom and
drinking water. Children are hungry-no food-but this tyrannical regime spends millions of dollars
on various shameful festivities, most catastrophic of all. The 2500th anniversary of the founding
of the monarchy.”
Ayon sa mga historians, ang party na ito ng Shah ang naging mitsa ng rebolusyon. 1978 nang
mapatalsik ang Shah at King of Kings. Binawi ng mga Iranians ang mga gamit sa loob ng royal
village na sa kanila naman talaga. Na-exile si Shah sa Egypt kung saan siya namatay. Pinalitan
siya ni revolutionary leader, Ayatollah Khomeini kung saan umunlad ang ekonomiya at
edukasyon ng Iran.
Sa kasaysayan, laging natatalo ang mga diktador. Nagpapatayo sila ng mga malalaking istruktura
ngunit ang matatandaan ng mga tao sa kanila ay ang kanilang kalupitan. Tandaan natin, na ang
lahat ay may hangganan, pati na ang kapangyarihan. Higit sa lahat, ang lahat, ay may kabayaran.

You might also like