You are on page 1of 3

OUR LADY OF THE HOLY ROSARY SCHOOL

Member, Association of LASSSAI Accredited Superschools (ALAS)


Rosaryville Cmpd., Mulawin I, Tanza 4108 Cavite
Tel. No.: (046) 432 9658 Email: olhrs.edu@gmail.com

Ikalawang Markahan
Distance Learning Packet Blg. 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Oktubre 18-22, 2021

Mga gawain ngayong linggo: Gawain Blg. 1 at Gawain at Blg. 2


Interactive Activity:

Araw Aralin/ Learning Mga Gawain


Sanggunian Competencies

Unang Araw Makrong 1. Natutukoy ang Dumalo sa synchronous na


Kasanayan sa pagkakaiba ng pagdinig talakayan gamit ang MS Teams.
12P (ABM) - Lunes Akademikong sa pakikinig.
(S) Komunikasyon Aralin:
(5:05pm-5:50pm) 2. Naisa-isa ang Makrong Kasanayan sa
Kasanayan sa kahalagahan ng Akademikong Komunikasyon
Pakikinig pakikinig sa buhay ng
tao. Kasanayan sa Pakikinig
Ang Guru,
Mindshapers Inc. 3. Naiuugnay ang (Uploaded PDF file)
proseso at uri ng
pakikinig sa aktwal na
karanasan sa loob at
labas ng paaralan.

Ikalawang Araw 1. Sagutan ang Gawain Blg. 1 sa


Schoology.
12P (ABM) -
Martes (AS) 2. Sagutan ang Gawain Blg. 2 sa
(3:50pm-4:20pm) Schoology.

Ikatlong Araw Makrong 1. Natutukoy ang 1. Dumalo sa synchronous na


Kasanayan sa pagkakaiba ng pagdinig talakayan gamit ang MS Teams.
12P (ABM)- Akademikong sa pakikinig.
Biyernes (S) Komunikasyon Aralin:
(5:05pm-5:50pm) 2. Naisa-isa ang Makrong Kasanayan sa
Kasanayan sa kahalagahan ng Akademikong Komunikasyon
Pakikinig pakikinig sa buhay ng
tao. Kasanayan sa Pakikinig

3. Naiuugnay ang (Uploaded PDF file)


proseso at uri ng
pakikinig sa aktwal na 2. Balik-aralan Kasanayan sa
karanasan sa loob at Pakikinig PDF uploaded (Week 1),
labas ng paaralan. Maikling Pagsusulit Blg. 1 sa
susunod na linggo.

1
Gawain Blg. 1

Hanapin sa youtube ang awiting Stand By nila BLKD, Calix, WYP-KOLATERAL.


Pagkatapos pakinggan ay sagutin ang mga sumusunod:

1. Tungkol saan ang awit? Ano ang iyong patunay tungkol dito?
2. Naging madali ba saýo na maunawaan ang mensahe? Bakit?
3. Ano sa iyong palagay ang pinaka-mensahe ng awit? Sang-ayon ka ba nilalahad ng awit? Bakit?

Kaayusan ng mga Pangungusap – 3 pts.

Pagpuno sa mga mga Detalye – 4 pts.

Estilo sa Pagsulat – 3pts.

Gawain Blg. 2

Isa sa mga elementong nakakaimpluwensya sa pakikinig ay ang edad. Madalas natin naririnig, halimbawa sa
kaso ng Martial Law ang katwirang, “hindi ka pa naman nabubuhay sa panahon na yun kaya wala kang
karapatang magsalita tungkol doon” o “dapat ay naniniwala lang ang mga bata sa mga kuwento ng mga
matatanda”. Sa iyong palagay, may katotohanan ba ang mga pahayag na ito? Paano nahahadlangan sa
pakikinig ang mga ganitong uri ng pahayag?

Kaayusan ng mga Pangungusap – 3 pts.

Pagpuno sa mga mga Detalye – 4 pts.

Estilo sa Pagsulat – 3pts.

A. Kalikasan at Kahulugan ng Pakikinig

Sa wikang Filipino, ang salitang pakikinig ay tumutukoy sa isa sa makrong kasanayang pangkomunikasyon.
Ngunit sa wikang Ingles, dalawang magkaugnay na salita pa ang maaaring maikapit sa kasanayang ito – ang
hearing o pagdinig at ang listening o pakikinig.

Ang pagdinig (hearing) ay isang pisyolohikal na prosesoo ng pagdekoda ng tunog. Mekanikal ito. Sa
siyentipikong pagpapakahulugan, ito ay ang proseso ng pagpasok ng soundwaves sa ating eardrums at ang
pglabas ng mga elektro-kemikal na impulses mula sa loob ng tainga papunta sa sentral na awditoryo ng utak
ng tao.

Ang pakikinig (listening) naman ay ang paglalaan ng sapat na atensyon upang maunawaan ang mga
napakinggan. Hindi lang sensori ang gamit dito kung hindi pang-unawa. Nalilinang ang pakikinig sa
pamamagitan ng pagpapaubaya sa sarili na tumanggap, kumilala, umunawa, sumuri at tumugon sa iba’t ibang
tunog.

B. Kahalagahan ng Pakikinig

1. Makatamo ng karunungan
2. Pagkuha ng tamang impormasyon at kaalaman
3. Pakikisalamuha sa kapwa
4. Malibawang, maaliw o maligayahan
5. Makatugon sa pangangailangan ng iba
6. Upang matutunan ang iba pang kasanayan sa mabisang pakikipag-kapwa tao
2
C. Proseso ng Pakikinig

1. Resepsyon – pagtanggap ng tunog


2. Rekognisyon – pagkilala sa tunog at pagbibigay ng atensyon dito
3. Interpretasyon – pagbibigay kahulugan sa narinig
4. Pagtugon – ang magtatakda kung naunawaan ng aba o hindi ng tagapakinig ang tunog na kanyang narinig.

D. Mga Uri ng Pakikinig (Wolvin at Coakley, 1996)

1. Pakikinig upang Matuto at Makaunawa


2. Pakikinig upang Magbigay ng Pagtataya at Panunuri
3. Pakikinig upang Dumamay at Umunawa

E. Mga Elementong Nakakaimpluwensya sa Pakikinig

1. Oras
2. Tsanel
3. Edad
4. Kasarian
5. Kultura
6. Konsepto sa Sarili

F. Sagabal sa Pakikinig

1. Mga Suliraning Eksternal


2. Mga Suliraning Internal

Inihanda ni: Sinuri ni:

G. Rommel A. Pamaos Bb. Diana C. Soriño


Guro, Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Koordineytor, Pang-Akademiko

Checked by:
Checked by:
Mrs. Sheran C. Timpoc
Mrs. Sheran
Vice PrincipalC.for
Timpoc
Academics
Vice Principal for Academics

You might also like