You are on page 1of 8

School Southville 3A Elementary School Grade level Five

LESSON Teacher Abel M. Dequin Learning area EPP - ICT

EXEMPLAR Teaching Date Setyembre 25, 2023 Quarter First Quarter

Teaching time 5 – Uranus/ 8:50 - 9:40 AM No. of days 1day/Week 5

I. OBJECTIVES Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Matuto na makapamahagi ng mga dokumento at media files sa ligtas at


responsableng pamamaraan.
b. Nakasusunod sa mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat.
c. Napahahalagahan ang kabutihan ng pagsunod sa mga panuntunan sa pagsali sa
discussion forum at chat.

A. Content Standards Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan ng ligtas at responsible sa: 1.


pamamahagi ng mga dokument o at media file

B. Performance Standards Nakapamamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at responsableng


pamamaraan.

C. Most Essential Learning Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat
Competencies (MELC) (EPP5IE-0c8)

D. Enabling Competencies N/A

II.CONTENT Paksa: Ang Discussion Forum at Chat


Pagpapahalaga: Pagsunod sa mga Panuntunan

Integrasyon: Musika, Filipino

III.LEARNING RESOURCES

A. References

a. Teacher’s Guide Module in EPP-ICT 5 Wk. 5


Pages

pp. 12-15

b. Learner’s Material
Pages

c. Textbook Pages N/A

d. Additional Materials Tsarts ng mga gawain, Cellphone/tablet, powerpoint, TV, laptop


from Learning
Resources

B. List of Learning Tabunan, R. (2020). ICT and Entrepreneurship - Modyul 4: “Mag-usap Tayo!” [Self-
Resources for Learning Modules]. Moodle. Retrieved (February 13, 2023) from https://r7-
Development and 2.lms.deped.gov.ph/moodle/mod/folder/view.php?id=12951
Engagement Activities
IV.PROCEDURES

A. Introduction/Panimula
A. Introductory Activities/Panimulang Gawain

1. Panalangin
 Sino sa inyo ang gustong manguna para sa panimulang panalangin?

2. Pagtsek ng attendance.
 Ang bawat pangkat ay tatayo at sasabihin ang kanilang yell, bilang
ng pumasok, absent o kung kompleto.

3. Pagbibigay ng Panuntunan sa oras ng Klase.

 Ano-ano ang mga panuntunan sa oras ng klase?

1. Makinig ng Mabuti.

2. Manatili sa upuan.

3. Itaas ang kanang kamay kung gustong sumagot.

4. Makibahagi sa talakayan at gawain.

5. Gumamit ng magagalang na pananalita.

6. Igalang ang bawat isa.

4. Balik-aral
 Itanong sa mga mag-aaral.
 Kayo po ba ay may mga kaibigan sa malalayong lugar?
 Anong application sa inyong Cellphone, tablet, Laptop o
Desktop ang inyong ginagamit upang sila ay inyong
makausap?

4. Pamukaw Awit
 Tanungin ang mga mag-aaral.
 Pamilyar ba kayo sa awiting “Ako ay May Lobo”?
 Mayroon akong isinulat na awitin na pinamagatang “Ako’y
May Kaibigan” sa tono ng “Ako ay May Lobo”.
 Ipakita ang liriko ng awitin sa mga mag-aaral.

5. Pagganyak

Integrasyon: MUSIC (MU5RH-Ic-e-3 – Identifies accurately the the


duration of notes and rest in 2/4, ¾ and 4/4 Time Signature)

 Awitin ang awiting “Ako’y May Kaibigan”.

“Ako’y May Kaibigan”


Sinulat ni: Abel M. Dequin
Tono: Ako ay May Lobo
Ako’y may kaibigan, doon sa ibang bayan,
Hindi ko pa nakita, ang kanyang katauhan,
Gamit lang ang Facebook, Yahoo, Google at Youtube kami
nagtutulungan at nagkukwentuhan.

Sa Takdang-aralin kami nagtatanungan,


Gamit lamang ang chat,messenger, video call.
Ang lahat ng ito’y aming pinatutunayan
sa bagong teknolohiya lahat makakaya!

 Itanong at ipagawa sa mga piling mag-aaral:

1. Ilan ang kumpas ng awitin?


(3 or tatlo)
2. Ano-ano ang mga salitang may Salungguhit sa unang saknong ng awit?
 Maari po bang isulat sa pisara ang inyong sagot.

3. Ano-ano naman ang mga salitang may salungguhit sa ikalawang saknong?

 Maari po bang isulat sa pisara ang mga salitang may salungguhit.

Integrasyon: Filipino (F5PT-Ie-1.8 - Nababasa at Naibibigay ang


kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar)

4. Basahin ang mga salitang may salungguhit ng maayos at malakas.


Pagkatapos ay bibigyan ng kahulugan.

1. Facebook 6. Messenger
2. Yahoo 7. Video Call
3. Google
4. Youtube
5. Chat

ANOTASYON: Sa bahaging ito nakaaawit ang mga mag-aaral ng isang awitin,


nakasusulat, nakababasa at nakakapag-bigay ng kahulugan sa mga salita.

B. Development/  Itanong:
Pagpapaunlad

1. Mayroon ba kayong account ng nasa larawan?

2. Saan ito madalas gamitin?

(Discussion Forum at chat)

3. Ano ang Discussion Forum?


 Ang Discussion forum ay klase ng isang board kung saan maaaring
magpost o mag-iwan ng anumang mensahe o tanong.
4. Ano naman ang chat?
 Ang chat ay isang real time na pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit
pang mga tao. Di gaya ng isang discussion forum, ang pagsagot sa chat
ay agad-agad.
5. Ano-ano ang mga panuntunan sa pagsali sa Discussion Forum at Chat?
 Narito ang mga panuntunan sa pagsali ng Discussion Forum at Chat

Mga Panuntunan sa Pagsali ng Discussion Forum at Chat

a. Makilahok: Ito ay pagbabahagi at pakikibahagi sa kapaligiran. Hindi sapat na


mag-login at basahin lamang ang mga discussion thread ng iba. Para sa lubos na
pakinabang ang lahat ay dapat mag- ambag.

b. Gamitin ang naangkop na wika:

Kapag ang salita ay hindi maaaring sinasabi sa media o nakapaligid na kapamilya,


hindi rin ito maaaring gamitin dito kailanman.

c. I-report kung may di-gumagana: Ang discussion forums ay

electronic. Sila ay puweding masira. Kung sa anumang dahilan nakakaranas ka ng


hirap na makilahok, mangyaring tumawag, mag-email, o kung hindi man i-report ang
isyu.

d. Tulungan ang ibang kaahok: Maaari kang magkaroon nang higit na karanasan sa
online discussion forums kaysa sa tao sa tabi mo. Tulungan natin sila sa
pamamagitan ng pagpapakita sa kanila na ang mga ito ay hindi mahirap.

e. Maging matiyaga: Basahin ang lahat ng bagay sa thread discussion bago


tumugon. Ito ay makakatulong sa iyo na maiwasan ang pag- uulit ng isang bagay sa
ibang tao. Kilalanin ang mga puntos na ginawa na kung saan sumasang-ayon ka at
magmungkahi ng alternatibo para sa mga hindi mo gusto.

f. Maging direkta: Gusto mong maging malinaw at nakapagsasalita ng iyong punto,


iwasan ang mangaral o magarbo. Maging direkta. Manatili sa punto. Huwag
mawawala sa sarili, o ang iyong mga mambabasa, sa sobrang masalitang mga
pangungusap o talata.

g. Gumamit ng wastong istilo ng pagsusulat: Kung ikaw ay magsusulat ng isang


term paper, tamang pagbabaybay, pambalarilang konstruksiyon at istraktura ng
pangungusap ay inaasahan, at iba pa. Ang mga aktibidad ng pagsulat na kaugnay sa
akademikong pakikipag-ugnayan sa online na mga talakayan ay hindi naiiba.

h. Sipiin ang iyong mga sanggunian: Kung ang kontribusyon sa pag-uusap kasama
ang mga intelektuwal na pag-aari (authored material) ng iba, halimbawa, mga libro,
mga pahayagan, magazine, o journal articles-online o sa print, sila ay dapat na
binibigyan ng tamang pagpapatungkol.

i. Emoticons at texting: Ang social networking at text messaging ay may


nailalarawan na malawakang linguistic shortcut na hindi bahagi ng akademikong
dialogue.
j. Igalang ang pagkakaiba-iba: Gumamit ng wikang walang maaaring
ipakahulugan na nakakasakit sa iba. Racists, sexist, at heterosexist na mga komento
at mga biro ay hindi katanggap-tanggap, dahil ang mga derogatory o sarkastikong
komento at pagbibiro ay nakadirekta sa mga paniniwala sa relihiyon, kapansanan at
edad.

k. No yelling!: Ang paggamit ng naka-bold letter upper-case ay masamang porma at


tulad ng stomping sa paligid at yelling sa isang tao.

l. No Flaming. Ang negatibong emosyon na nakadirekta sa sinuman at iba pang mga


taga-ambag ay simpleng hindi katanggap-tanggap at hindi hinahayaan gawing
kalapastanganan. Ang akademikong kapaligiran ay inaasahan na may mas mataas at
maayos na paggamit ng wika.

(Tatalakayin ng guro ang mga panuntunan sa pamamagitan ng pagtatanong at


bahaginan)

ANOTASYON: Sa bahaging ito ay bibigyang diin ang araling Discussion Forum


at Chat at mga panuntunan sa pagsali gamit ang Facebook at Messenger at iba
pang uri ng Discussion Forum.

C. Engagement/
Panuto: Gumuhit ng masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay
Pakikipagpalihan
nagpapakita ng tamang gawi at malungkot na mukha ( ) kung hindi.

1. Gumawa si Luisa ng isang mensahe na ibig nya ipost sa instagram tungkol sa


kayang kamag-aral dahil sa kanyang pagkainis at sobrang galit.

2. Nagkaroon ang grupo ng mag-aaral sa ika-limang baiting ng isang discussion


forum. Isa sa mga ito ang nagtanong na malayo sa pinaguusapan.

3. Tiningnan muna ni Adrian ang thread ng usapan bago sya muli magpost
upang maiwasan ang pagkadoble nito.

4. Nagpost ng isang advertisement si Carlos sa isang chat na sinalihan nya.

5. Sa halos isang buwang pagsali ni Trisha sa isang discussion forum,


kailanman hindi nya ginawang magpost ng mga sensitibong mensahe. 6. Sumali ang
tatlong mag-aaral ni Gng. Flor Clemente sa isang chat ng hindi inaalam ang
panuntunan.

ANOTASYON: Sa bahaging ito ay nakatuon ang gawain sa pagtukoy sa mga


panuntunan sa Pagsali sa Discussion Forum at chat ng ligtas at responsableng
pamamaraan.
D. Assimilation/ Pangkatang Gawain

Paglalapat
 Ano-ano ang mga panuntunan sa ating Pangkatang Gawain?

1. Panatilihin ang katahimikan habang isinasagawa ang

Gawain.

2. Makilahok at ibahagi ang mga nalalaman.

3. Tapusin ang gawain sa takdang oras.

4. Linisin ang lugar sa inyong pangkatang gawain.

5. Ipakitaipresenta ang gawain.

 Ngayon ilabas ang cellphone/Tablet ng mga bata sa bawat pangkat na


aking binigyan ng parents permit kahapon at pinayagan ng magulang na
gamitin ito para sa ating Gawain.

 Bawat pangkat na may cellphone ay aking ikokonek sa wifi at kayo’y


mag-uusap tungkol sa ating aralin gamit ang facebook at messenger.

 Susundin lamang ang mga Gawaing aking ipapagawa.

 Maglog-in sa sa Facebook gamit ang inyong account.


 Sa Features, gumawa o create post sa Facebook
Ng:
#IlikeEPP 5 – ICT / Disccussion Forum at Chat.
 Lahat po ay nasa GC na ay titignan ang mensahe ni sir at
kayo’y mag uusap tungkol dito.

(Paggabay ng guro sa Gawain ng mga mag-aaral tungkol sa Discussion


Forum gamit ang Facebook at messenger)

6. Pagpapahalaga:

 Itanong:
 Nasunod po ba ang mga panuntunan sa pagsali sa
Discussion Forum
 Ano-ano ang kahalagan o kabutihang maidudulot sa
pasunod sa panunutunan sa Discussion Forum at
Chat.

 Ngayon naranasan ninyo ang discussion forum.


Bilang mag-aaral sa ikalimang baitang, papaano ninyo
kakausapin ang inyong kausap gamit ang facebook o
messenger.

Rubriks para sa Pangkatang Gawain.

Ang kaukulang iskor ng iyong Pangkatang Gawain basi sa inihandang rubrics.


7. Paglalahat:

 Itanong:

1. Ano ang Discussion Forum?

2. Ano naman ang chat?


3. Ano -ano ang mga panuntunan sa pagsali sa Discussion Forum at Chat?

 Ipabasa sa mga mag-aaral:


 Ang Discussion forum ay klase ng isang board kung saan
maaaring magpost o mag-iwan ng anumang mensahe o tanong.
 Ang chat ay isang real time na pag-uusap sa pagitan ng dalawa
o higit pang mga tao. Di gaya ng isang discussion forum, ang
pagsagot sa chat ay agad-agad.

 Mga Panuntunan sa Pagsali ng Discussion Forum at Chat

a. Makilahok

b. Gamitin ang naangkop na wika:

c. I-report

d. Tulungan ang ibang kaahok

e. Maging matiyaga

f. Maging direkta

g. Gumamit ng wastong istilo ng pagsusulat

h. Sipiin ang iyong mga sanggunian

i. Emoticons at texting

j. Igalang ang pagkakaiba-iba

k. No yelling

l. No Flaming

ANOTASYON: Sa bahaging ito ay nabibigyang pansin ang pagkatuto sa


pagbabahagi ng mga Created post tulad ng dokumento, media files at iba pa ng
ligtas at responsabling pamamaran at mga panununtunan sa pagsali sa Discussion
Forum at chat. Gayundin ay nakasusunod ang mga mag-aaral sa panuntunan ng
discussion forum..

V.ASSESSMENT Tayahin

Panuto: Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pahayag.

________1. Maging mahinahon sa pakikipag chat at iwasan ang paggamit ng mga


sensitibong impormasyon na maaaring makasakit sa mga miyembro nito.

_______2. Maaaring magpost ng kahit na anong mga dokumento kahit ito ay hindi
mo pag-aari para mapakinabangan ng iba.
_______3. Ang FB Messenger, Viber at Skype ay ilan lamang sa mga kilalang
ginagamit ng mga tao sa pakikipag-chat.
_______4. Ang paggamit ng mga emoticons o smiley ay nakatutulong para
maipahayag ng malinaw ang nilalaman ng mensahe.
_______5. Tiyaking hindi mapanira ang mga impormasyong ibabahagi sa discussion
forum o chat.

V. REFLECTION In your notebook, write your personal insights about the lesson using
the prompts below.
I understand that ________________________________
_______________________________________________________

I realize that ________________________________


_______________________________________________________

I need to learn more about ________________________________


_______________________________________________________

REMARKS:

Setyembre 25, 2023

_____ out of _____ learners of Grade V - Uranus

Prepared: Checked: Noted:

ABEL M. DEQUIN DANTHEA P. BENI EMELINDA O. AMIL


Teacher III Master Teacher I School Principal II

You might also like