You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 11
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Pagbibigay-kahulugan sa mga
salita sa Talakayan/Pag-aangkop
at Paraan ng Paggamit ng mga
Salita sa mga Usapan

Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo-Modyul 5
Kasanayang Pampagkatuto: itwasyong
1. 1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan,
2. 2. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito
3. sa mga usapan, pinag –uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
4. kinabibilangan.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Pagbibigay-kahulugan
1 sa mga Salita sa Talakayan

Inaasahan
Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan.

Unang Pagsubok
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa kwaderno.

1. Ang kakayahang sosyolingwistiko ay pagbibigay-pansin sa ugnayan ng


_________ at ng __________.
A. salita at gawi
B. wika at lipunan
C. modelo at teorya
D. mensahe at kapwa
2. Hindi mabubuo ang isang sosyalisasyon kung walang __________.
A. diskurso
B. mensahe
C. ugnayan
D. wika
3. Ang pang-agham na pag-aaral ng wika, kahulugan ng wika at wika bilang
konteksto _________.
A. Diskurso
B. Sosyolingwistika
C. Lingwistika
D. Wika
4. Kapag ang isang tao ay may kakayahang manipulahin ang gamit ng wika
upang umayon sa hinihingi ng sitwasyon ng pakikipagtalastasan, siya ay may
kakayahang _________.
A. sosyolinggwistiko
B. linggwistika
C. multilingual
D. polyglot
5. ___________ naman ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng
pagpaparating ng mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay
lubusang maunawaan.
A. Diskurso
B. Lingwistika
C. Ugnayan
D. Multilinggual

3
Balik-Tanaw

Panuto: Suriing mabuti ang mga kaalamang pangwika sa bawat bilang. Isulat sa
kwaderno ang T kung wasto at M kung ito ay mali.

________1. Filipino ang lingua franca ng telebisyon.


________2. Ang wikang Ingles ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at
telebisyon.
________3. Ang pangunahing layunin sa paggamit ng Filipino sa pelikula ay upang
mas marami ang manood, magkaunawaan, manlibang at magkaroon
ng malaking kita.
_______4. Ang mga angkop na salita na ginagamit sa broadcasting (radyo/telebisyon)
ay sinasagot ang tanong na, “Ano ang balita?” “Kailan ito naganap?”
“Saan ito naganap?” At, “Ano ang ugat nito?
_______5. Sa paggamit ng telebisyon ay nakapagbibigay ng impormasyong pormal at
di pormal na may malaking epekto

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Sinasabing ang kakayahang sosyolingwistik ay pagbibigay-pansin sa ugnayan
ng wika at lipunan at ang kaangkupan ng gamit ng wika sa iba’t ibang konteksto.
Hindi magiging ganap o buo ang sosyalisasyon kung walang wika. Kung kaya,
kapag ang isang tao ay may kakayahang manipulahin ang gamit ng wika upang ito’y
umayon sa hinihinging sitwasyon ng pakikipagtalastasan, masasabing siya ay
tinatawag na may kakayahang sosyolingguwistiko.
Samantala, Diskurso naman ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan
ng pagpaparating ng mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay
lubusang maunawaan.
Ayon kay Sapiro (1949), ang wika ay maituturing ng gamit o kasangkapan
sa sosyolisasyon, na ang ugnayang sosyal ay hindi magiging ganap na buo kung
wala ang wika. Kung kaya, ang wika na gagamitin natin sa ating pagsasalita ay
magiging epektibo sa taong ating kausap. Sa tuwing tayo ay nagsasalita o
sumusulat, pumipili tayo ng mga salita na tutugma sa sitwasyon o konteksto ng
pahayag. Sa ganitong paraan nagiging epektibo ang kakayahang komunikatibo ng
bawa’t isa (Gee, 1999). Mahalaga na malaman kung kailan tayo magsasalita at
hindi magsasalita, ano ang pag-uusapan, sino ang kakausapin, saan at sa paanong
paraan (Hymes, 1967). Narito ang ilan sa mga dapat tandaan upang maging mabisa
ang komunikasyon at pagpapahayag ayon kay Dell Hymes. Ito ay tinagurian niyang
SPEAKING.
Narito ang kahulugan nito.
S- Setting (Saan nag-uusap?)
P- Participants (Sino-sino ang nag-uusap?)
E- Ends (Ano ang layon ng pag-uusap?)
A- Act Sequence (Paano ang daloy ng usapan?)
K- Keys (Pormal o di-pormal ba ang usapan?)
I- Instrumentalities (Pasalita o pasulat ba?)
N- Norms (Ano ang paksa ng pag-uusap?)
G- Genre (Nagsasalaysay, nakikipagtalo, nagmamatuwid o naglalarawan ba?)
Sa Akronim na SPEAKING ipinahihiwatig kung paano nabubuo ang
komunikasyon. Setting ang tawag sa lugar o pook na pinangyarihan ng usapan.
Saan ba naganap ang usapan, sa opisina ba, sa konggreso, sa simbahan o sa

4
palengke? Ang Participants naman ay tumutukoy sa kung sino-sino ang sangkot sa
usapan; empeyado sa boss, guro sa studyante, mag-aaral sa kapwa mag-aaral o
magulang sa anak. Kung ano ang layon ng pag-uusap ay tanong naman na
sinasagot sa Ends. Nagdaragdag ba ng impormasyon, nagbabahagi o
nanghihikayat? Ano ang daloy o takbo ng usapan? Ito ay tumutukoy sa Act
Sequence. Pormal, kaswal, o intimeyt ba? Kung ano ang salitang ginagamit bilang
susi sa pagpapahayag ay sakop ng keys. Ito ba ay pormal o hindi, burgis o Elite,
balbal o kolokyal at iba pa.
Kung paano ipinarating ang pahayag ay tinutugon naman sa Instrumentalities.
Ano ang paksa ng pag-uusap? Tungkol saan ang tinalakay? Ilan ito sa mga tanong
na sinasagot ng norms. Kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, nagmamatuwid o
naglalarawan ay paraan ng pagpapahayag na kabilang sa genre.
Sa pamamagitan ng wastong pagtugon sa mga katanungang ito, nagkakaroon ng
epektibong ugnayan sa pagitan ng mga sangkot sa komunikasyon.
Sa Teksto at Konteksto ng Diskurso - sinasabing sa bawat nababasa o naririnig ng
tao ay may pahiwatig na konsepto at pagpapakahulugan. Samakatuwid nabubuo
ang kahulugan ayon sa ibinabatay sa nilalaman ng pahayag. Sang-ayon kay
Alcaraz,et al. (2005), binibigyang-kahulugan ang teksto bilang tawag sa mga
nakasulat na kagamitan na naisulat o nalimbag. Ito ay binubuo ng mga salita at
pangungusap na naglalaman ng mensahe na isinaayos upang mabigyan ng
kahulugan. Kung kaya’t ang konteksto ang kaligiran ng teksto o mga pahayag na
nabibigyang interpretasyon. Ang mga salita ay nagkakaroon ng iba’t ibang
pagpapakahulugan sa kagustuhan ng nagsasalita. Kung Kaya’t ang isang salita o
pahayag ay maaaring magkaroon ng maraming interpretasyon batay sa nakikita o
naiisip ng taong nagpapakahulugan nito.
Samakatuwid ang pagbibigay ng tao ng interpretsyon sa mga nakalimbag na ideya
o kaisipan ang itinuturing na konteksto at ang mga salitang nakalimbag na
binibigyang kahulugan ay ang teksto.

Teksto at Konteksto ng Diskurso


Sa mga nababasa o naririnig ng tao ay may pahiwatig na konsepto at
pagpapakahulugan. Ang mga kahulugang nabuo ay ibinabatay sa nilalaman ng
pahayag. Ayon sa aklat nina Alcaraz, et al (2005), binibigyan ng kahulugan ang
teksto bilang tawag sa mga nakasulat na kagamitan na naisulat o nailimbag.
Binubuo ito ng mga salita at pangungusap na naglalaman ng mensahe na isinaayos
upang mabigyang kahulugan. Mula ito sa salitang Latin na contextus na ang
kahulugan ay nag-uugnay. Dahil dito, konteksto ang kaligiran ng teksto o mga
pahayag na nabibigyang interpretasyon at nagiging kagamitan para sa
interpretasyon. Ang simpleng salita o pahayag ay kinapapalooban ng maraming
interpretasyon batay sa nakikita o naiisip ng taong nagpapakahulugan.
Kung kaya, ang pagbibigay ng tao ng interpretasyon sa mga nakalimbag na ideya
o kaisipan ang itinuturing na konteksto at ang mga salitang nakalimbag na
binibigyan ng kahulugan ay ang teksto.

1. Interpersonal- Kung ang konteksto ng usapan ay nagaganap sa pagitan ng


tao at ng kanyang kausap tulad na lamang ng usapan sa pagitan ng
magkaibigan, magkaklase, ng guro at ng kanyang mag-aaral.
2. Panggrupo- Nagaganap naman ito sa konteksto ng usapan sa pagitan ng isang
pangkat o grupo tulad na lamang ng mga pangkat ng mga mag-aral na
bumubuo ng isang samahan.
3. Pang-organisayon- Iba’t ibang organisayon sa iba’t ibang larangan naman ang
halimbawa nito. Ang mga nilalaman ng usapang nagaganap sa pagitan ng

5
empleyado at ng kanilang manedger, ng kasaping isang union at ng
namumuno nito at iba pa ay ilan sa mga halimbawa.
4. Pangmasa- Ang talumpati ng pangulo sa panahon ng kanyang pag-uulat sa
bayan ang halimbawa nito. Ang mga nilalaman ng usapang nagaganap sa
lipunan o masa.
5. Interkutural- Ang nilalaman ng usapan sa uring ito ay nagaganap sa pagitan
ng mga taong may iba’t ibang kultura. Maaaring nagganap ito sa pagitan ng
dalawang taong may iba’t ibang kultura. Maaaring nagaganap ito sa pagitan
ng dalawang taong mula sa ibang bansa o kaya ay dalawang taong mula sa
isang bansa ngunit magkaibang pangkat kultural.
6. Pangkasarian- Konteksto ng usapan sa pagitan ng taong magkaiba ang
kasarian. Maaaring magkasalungat o magkatulad na kasarian.

Gawain 1
Panuto: Gumawa ng pangungusap sa kwaaderno ayon sa hinihingi ng bawat
bilang.

___________1. ( Pautos ) ________________________________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________
___________2. ( Patanong )______________________________________________
_________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

___________3. ( Pagtango habang nakikinig) _____________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________

____________4.( Pakiusap ) ______________________________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________

___________5. ( Pagsasalaysay) __________________________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga kalagayan. Ipaliwanag ang


bawat kasagutan. Gawin ito sa kwaderno.

1. pag-iwas ng tingin ____________________________________________________


___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. pagngiti sa nakasalubong na kamag-aral _____________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. nanlaki ang mata ____________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6
4. pananahimik ________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5.malakas na pagtawag ng iyong pangalan ng iyong Ina _________________


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa unang kolum at magbigay ng
halimbawa ng pangungusap sa bawat isa. Gawin ito sa kwaderno.

Salita Kahulugan Halimbawa


S- etting
P-articipants
E -nds
A-ct Sequence
K-eys
I-nstrumentalitist
N-orms
G-enre

Pamantayan sa Pagmamarka

Kraytirya Napakahusay Mahusay Di-Gaanong Di- Mahusay


Mahusay
4 3 2 1
Pagbibigay-
kahulugan sa
bawat salita ng
akronim
Kaayusan ng
Pagpapahayag
Wasto at maayos
na mga salita sa
pangungusap
KABUUANG
PUNTOS

Tandaan
Lagi nating isaisip na sa kakayahang sosyolingwistik, laging isinasaalang-
alang ng isang tao ang ugnayan niya sa kausap, impormasyong pinag-uusapan, at
ang lugar na kanilang pinag-uusapan.

Sinasabing ang kakayahang sosyolingwistik ay pagbibigay-pansin sa ugnayan


ng wika at lipunan at ang kaangkupan ng gamit ng wika sa iba’t ibang konteksto.
Hindi magiging ganap o buo ang sosyalisasyon kung walang wika. Kung kaya,
kapag ang isang tao ay may kakayahang manipulahin ang gamit ng wika upang ito’y
umayon sa hinihinging sitwasyon ng pakikipagtalastasan, masasabing siya ay
tinatawag na may kakayahang sosyolingguwistiko.

7
Samantala, Diskurso naman ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng
pagpaparating ng mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay lubusang
maunawaan.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Gumawa ng isang balita sa inyong kwaderno na nagsasaad ng mga


natutuhan matapos ang ginawang talakayan tungkol sa kakayahang
sosyolingguwistik. Lagyan ito ng paliwanag.

Balita:

Paliwanag:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa kwaderno.

1. Ang Kakayahang ____________ ay pagbibigay-pansin sa ugnayan ng wika at


lipunan at ang kaangkupan ng gamit sa iba’t ibang konteksto.
A. Diskurso C. konteksto
B. sosyolingwistik D. teksto
2. Hindi magiging ganap o buo ang sosyalisayon kung walang _________.
A. wika C. diskurso
B. teksto D. ugnayan
3. Ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating ng mensahe
ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay lubusang maunawaan
A. wika C. diskurso
B. teksto D. sosyolinguwistik
4. Ayon kay __________ (1949 ), ang wika ay maituturing na gamit o kasangkapan
sa sosyalisasyon, na ang ugnayang sosyal ay hindi magiging ganap na buo
kung wala ang wika.
A. Hymes C. Gee
B. Sapiro D. Alcaraz
5. Ayon kay _______, sa tuwing tayo ay nagsasalita o sumusulat, pumipili tayo ng
mga salita na tutugma sa sitwasyon o konteksto ng pahayag.
A. Gee C. Sapiro
B. Alcaraz D. Hymes
6. Ayon kay _______, mahalaga na malaman kung kailan tayo magsasalita at
hindi magsasalita, ano ang pag-uusapan, sino ang kakausapin, saan at sa
paanong paraan.
A. Alcaraz C. Sapiro
B. Hymes D. Gee

8
7. Ayon kay _______sinasabing sa bawat nababasa o naririnig ng tao ay may
paliwanag na konsepto at pagpapakahulugan. Samakatuwid, nabubuo ang ang
kahulugan ayon sa nilalaman ng pahayag.
A. Hymes C. Alcaraz
B. Gee D. Sapiro
8. Kung ang konteksto ng usapan ay nagaganap sa pagitan ng tao at ng kanyang
kausap tulad na lamang ng usapan sa pagitan ng magkaibigan, magkaklase, ng
guro at ng kanyang mag-aaral.
A. Interpersonal C. Pang -organisasyon
B. Panggrupo D. Pangmasa
9. Nagaganap naman ito sa konteksto ng usapan sa pagitan ng isang pangkat o
grupo tulad na lamang ng mga pangkat ng mga mag-aral na bumubuo ng isang
samahan.
A. Interpersonal C. Pang-organisasyon
B. Pangmasa D. Panggrupo
10. Iba’t ibang organisayon sa iba’t ibang larangan naman ang halimbawa nito.
Ang nilalaman ng usapang nagaganap sa pagitan ng namumuno nito at iba pa
sa ilan sa mga halimbawa.
A. Pangmasa C. Pang-organisayon
B. Interpersonal D. Panggrupo

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Sikaping bigyang pansin ang ugnayan ng wika at lipunan at ang


kaangkupan ng gamit ng wika batay sa iba’t ibang konteksto. Sagutin sa
kwaderno ang sumusunod na mga tanong sa ibaba.

1. Nalaman ko na _________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Natutuhan ko na ________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Sisikapin ko na _________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Aralin Pag-aangkop at Paraan ng


2 Paggamit ng mga Salita sa mga
Usapan
Inaasahan

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan
o talakayan batay sa kausap, pinag –uusapan, lugar, panahon, layunin at
grupong kinabibilangan.

9
Unang Pagsubok

Panuto: Bigyan ng kasagutan ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa kwaderno.

1. Isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-aaral na ugnayan


ng mga anyong linguwistiko at mga gumagamit nito.
A. Lingguwistika C. sosyolinguwistik
B. Komunikasyon D. Pragmatiks
2. Pag-aaral sa aktwal na pagsasalita.
A. Teoryang pragmatiks C. Speech Act na teorya
B. Kakayahang pragmatiks D. kakayahang sosyolingguwistik
3. Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, at ikinikilos ng taong kausap.
A. Teoryang pragmatiks C. Speech act na teoya
B. Kakayahang pragmatik D. kakayahang sosyolingguwistik
4. Nangangahulugang magbigay, maghatid,o magbahagi
A. Wika C. komunikasyon
B. Salita D. Galaw
5. Ang salitang __________ ay galing sa salitang Latin na ibig sabihin ay aksyon
galaw, paggalaw gawa at gawain.
A. Pragma C. Komunikatibo
B. Pragmatiks D. Sosyolinggwistiko

Balik Tanaw

Tingnan naman natin ang kakayahang pragmatik sa pagtukoy sa kahulugan


ng sitwasyon ng sinasabi, di sinasabi at ikinikilos ng taong kausap ngunit tignan
muna natin at tukuyin natin ang hinahanap sa pagsubok na ito.

Panuto: Bigyan ng kasagutan ang bawat aytem. Piliin mo ang letra ng tamang sagot
at isulat sa patlang.

1. Isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-aaral na ugnayan ng


mga anyong linguwistiko at mga gumagamit nito.
C. Lingguwistika C. sosyolinguwistik
D. Komunikasyon D. Pragmatiks
2. Pag-aaral na aktuwal napagsasalita.
a. Teoryang pragmatiks C. Speech Act na teorya
b. Kakayahang pragmatiks D. kakayahang sosyolinggwistik
3. Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, at ikinikilos ng taong kausap.
a. Teoryang pragmatiks C. Speech act na teoya
b. Kakayahang pragmatik D. kakayahang sosyolingguwistik
4. Nangangahulugang magbigay, maghatid, o magbahagi
a. Wika C. komunikasyon
b. Salita D. Galaw
5. Ang salitang __________ ay galing sa salitang Latin na ibig sabihin ay aksyon,
galaw, paggalaw gawa at gawain.
a. Pragma C. Komunikatibo
b. Pragmatiks D. Sosyolinggwistiko

10
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ano ang Pragmatiks?

Ang pragmatiks ay isang sangay ng linggwistika na inilalarawan bilang pag-


aaral ng ugnayan ng mga anong linggwistiko at mga gumagamit nito. Ayon kay
YULE (1996), ‘Binibigyang pansin dito ang gamit ng wika sa mga kontekstong
lumikha at nagkakaunawa ng kahulugan ang tao sa pamamagitan ng wika.”
Naka-
tuon ang larangan ng pragmatik sa komunikatibong aksyon sa loob ng
kontekstong sosyokultural, samakatuwid binibigyang pansin ang kaangkupan ng
gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon.

Sang–ayon naman kina Badayos at mga kasama (2010), ang pragmatiks ay


kinapalooban ng tatlong pangkalahatang kakayahan sa komunikasyon:

1. Ang gamit ng wika sa iba’t ibang layunin gaya ng pagbati, pagbibigay-


impormasyon, pagnanais, paghiling at pagbibigay pangako.
2. Paghiram o pagbabago ng wikang gagamitin batay sa pangangailangan
o inaasahan ng tagapakinig at sitwasyon.
3. Ang paggamit ng tuntunin sa isang talastasan at naratibong dulog gaya
ng pagkukuwento pagbibigay ng ulat, at iba pa.

Ayon naman sa kahulugang ibinigay ni Alcaraz, et al. (2005), ang


pragmatiko mula sa salitang Giyegong pragma na ang ibig sabihin ay aksyon,
galaw, paggalaw, gawa, gawain. Nakapaloob sa pragmatika ng wika ang isang
sitwasyon at kung paano maunawaan ang paggamit ng wika sa isang sitwasyon at
kung paano maunawaan ang mga partikular na sinasabi sa iba’t ibang kontekstong
panlipunan.

Kakayahang Pragmatik: Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di


sinasabi at ikinikilos ng taong kausap.
Ang ganitong kakayahang komunikatibo ang nais nating itampok sa araling
Ito. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa kakayahang pragmatiko ay mabisang maga-
gamit ang yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugang
ayon sa konteksto ng usapan gayundin natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi,
di-sinasabi at ikinikilos ng kausap. Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko
ang konsepto ng speech act. Ito ang paggawa ng mga bagay gamit ang salita.
Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangako at iba pa.

Tatlong sangkap ng Speech Act

1. Illocutionary Force- sadya o intensyunal na papel, (Halimbawa: pakiusap, utos,


pangako)
2. Locution- anyong linggwistiko, (Halimbawa: Patanong at Pasalaysay)
3. Perlocution- epekto sa tagapakinig, (Hal. pagtugon sa hiling pagbibigay atensyon.)

Narito naman ang iba’t ibang uri ng komunikasyon.

11
Verbal- ito ay isang pormal o intelektwalisadong paraan at suma-ilalim sa
estruktura ng wika. Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o kaalamang
nais iparating sa anyong pasulat o pasalita.
 Ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga letrang sumisimbolo sa kahulugan
ng mga mensahe.
Di verbal – ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kpamaraanan ay
ginagamit upang ipahayag ang mesahe,ng hindi ginagamitan ng salita o titik.
 Gumagamit ngkilos o galaw ng katawan.
Ayon kay Albert Mehrabian ( 1971 ) 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao
sa kanyang kapwa ang di verbal na komunikasyon.

Iba’t ibang Anyo ng Komunikasyong Di-verbal

1. Kinesika (Kinesics) –tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.Bahagi nito ang


ekpresyon ng mukha, galaw ng mata,kumpas ng kamay at tindig ng katawan,
2. Proksemika (PROXEMICS)-ayon kay Edward T. Hall ito ang katawagang
nangangahulugang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o distansiya,
( hal. Ang pagsasalita sa harap ng mag-aral at paguusap ng masisinsinan ng
mag kaibigan.
3. Pandama o paghawak (Haptics) –ito ay tumutukoy sa paggamit ng pandama
bilang tagahatid ng mensahe. (Halimbawa: Pagpindot, pagbatok, paghawak,
pagpisil, at paghipo.)
4. Paralanguage- tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.
5. Katahimikan o kawalang kibo- lubhang makahulugan na karaniwang
ginagawa upang mag-isip at paghandan ang sasabihin, o dili kaya ay
magparating ng tampo o sama ng loob.
6. Kapaligiran- tumutukoy sa pinagdausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan
nito. Mahihinuha ang intensiyon ng kausap batay sa kung saang lugar niya
nais makipag-usap.
7. Kronemika (chronemics) - ang paggamit ng oras ay kaakibat ng Mensahe,(hal.
1. Kung ang isang tao ay laging maagang pumasok nangangahulugan na siya
masipag sa paggawa ,2. Ang pagtawag ng hatinggabi ay maaring ikagalit ng
tinatawagan.)
Sa pag-aaral sa kultural at komunikasyon na isinagawa ni Maggay (2002),
kaniyang binigyang diin ang pagiging high context ng kulturang Pilipino. Ibig
sabihin, mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahulugan kahit sa
pamamagitan ng pahiwatig.
Mapapansin ito sa kung paano natin itinuturing ang katahimikan o
kawalang-kibo bilang malalim na pag-iisip kung gayon ay lubhang
makahulugan. Maging sa sinabi ni Melba Padilla Maggay ( 1971), ang
kaanyuang pisikal ng tagapagsalita ay maaaring makatulong sa mensaheng
nais iparating, kaugnay nito makikita sa pananaliksik nina Covar, Peralta, at
Racelis, Hernandez at Agcaoili, at Medina, ang Pilipino ay may sariling
pagpapakahulugan sa pisikal na kaanyuan ng tagapagsalita, halimbawa:
 Kulot angbuhok- matigas ang ulo
 Malapad ang noo - marunong
 Makitid ang noo- hindi matalino, makitid ang pananaw sa buhay.
 Magatla malinyang noo- maraming suliranin
 Salubong ang kilay- galit, masungit, naiinis, matapang

12
Kitang kita na karamihan sa ating mga Pilipino ay may kaalaman sa
pagbibigay ng mga kahulugan. Sa mga nakikita sa kapaligiran. Nawa’y naging
mabunga ang mga natutuhan sa ating aralin.

Gawain 1

Panuto: Gumawa ng diyalogo batay sa sumusunod na mga pares ng indibidwal.

1. Ang Mayor at ang Bise Mayor


Mayor:
Bise Mayor:
Mayor:
Bise Mayor:
Mayor:
2. Ang Pasahero at ang Drayber
Pasahero:
Drayber:
Pasahero:
Drayber:
Pasahero:
3. Ang Guro at ang Mag-aaral
Guro:
Mag-aaral
Guro:
Mag-aaral
Guro:
4. Ang Nanay at ang Anak
Nanay:
Anak:
Nanay:
Anak:
Nanay:
5. Ikaw at ang iyong Matalik na kaibigan (Ilagay ang tunay mong pangalan at
pangalan ng iyong matalik na kaibigan)
_________:
_________:
_________:
_________:

Gawain 2
(
Panuto: Gumawa ng diyalogo kwaderno batay sa magiging tugon mo sa mga
sumusunod na sitwasyon:

1. May paligsahan sa pag-awit, itinuro ka ng kaklase mo pero di ka naman


kagalingan sa pag-awit, paano mo sasabihin ito sa guro?
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

13
2. Nakita mo ang kaibigan mo sa labas ng iyong paaralan, paano mo siya
tatawagin at paano mo siya kukumustahin?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Magkakaroon ng pagpupulong ang lahat ng “grade 11” para sa pagpapanatili


ng kalinisan sa inyong paaralan isa ka sa naatasang magbigay ng mga
mungkahi ngunit may tumanggi sa iyong mungkahi alam mo na para sa
ikagaganda at ikalilinis ng inyong paaralan ito. Paano mo ito sasabihin?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Bibili kayo sa palengke, sabi ng nanay mo tumawad ka raw sa mga gulay na


bibilhin mo. Paano mo ito gagawin? A no ang sasabihin mo sa tindera?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Pinakilala kang kaibigan mo sa kaibigan niya, pero iniwan niya kayo sandali
kasi bibili siya ng meryenda n’yo. Paano mo sisimulan ang inyong pag-uusap
ng bago mong kakilala?
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 3

Panuto: Gumawa ng Komiks strips sa kwaderno tungkol sa natutuhan sa ating


aralin na may kakayahang Pragmatik:

Unang Gawain: Verbal at Di-verbal na salita


Ikalawang Gawain: Tatlong sangkap ng speech act.
Ikatlong Gawain: Iba’t ibang anyong ng komunikasong di verbal.

Pamantayan sa pagmamarka sa Pagguhit.


Angkop sa Paksa - 5 puntos
Pagkakaugnay-ugnay ng ideya - 5 puntos
Pagbibigay-diin sa punto - 5 puntos
Dating sa madla - 5 puntos
KABUUANG PUNTOS - 20 puntos

14
Tandaan
Lagi nating isipin na sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang
intensiyon ng nagsasalita dahil sa mahuhulaan ang mensahe nito ng
tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging
epektibo ng pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa
pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang
kahulugan nito.
Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa pagbuo ng mga
pangungusap batay sa itinakda ng gramatika ang mahalaga para sa isang
mag-aaral ng wika. Mahalaga ring matutunan ang kasanayan sa pagtukoy sa
mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala
sa mga biro, at pagpapadaloy ng mga usapan. Samakatuwid kailangang
matukoy ng isang tao ang maraming kahulugan na maaaring dalhin ng isang
pahayag batay sa iba’t iban g sitwasyon.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto: Gumawa ng isang balita sa kwaderno ayon na nagsasaad ng mga


natutuhan matapos ang ginawang talakayan tungkol sa kakayahang
sosyo-lingguwistik. Lagyan ito ng paliwanag.

Balita

Paliwanag:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubriks:
Paggamit ng mga kakanyahang pragmatik - 50%
Angkop na Pagtugon sa mga katanungang - 35%
pambalita
Wastong pagkakasunod -sunod ng Ideya - 15%
__________________________________________________________
Kabuuan
- 100%

15
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat sa kwaderno.

1. Sadya o intensyunal na papel, (Halimbawa: pakiusap, utos,pangako)


A. lucution C. perlocution
B. illocutionary force D. pragmatik
2. Isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-aaral ng ugnayan
ng mga anong lingguwistiko at mga gumagamit nito. Ayon kay YULE, (1996).
A. Linggwistika C. Pragmatiks
B. Sematika D. Speech Act
3. Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di sinasabi at ikinikilos ng
taong kausap.
A. Kakayahang pragmatik C. Kakayahang sosyolingguwistik
B. Speech act D. Semantika
4. Ayon kay Albert Mehrabian (1971) ______ ng mensaheng ipinahahatid ng tao
sa kanyang kapwa ang di-verbal na komunikasyon.
A. 95% C. 98%
B. 93% D. 97%
5. Tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito ang ekpresyon ng
mukha, galaw ng mata, kumpas ng kamay at tindig ng katawan,
A. Kronemikal (chronomics) C. Kineseka (kinesics )
B. Prosemika (proxemics) D. Pandama (haptic)
6. Tumutukoy sa paggamit ng pandama bilang tagahatid ng mensahe.
A. Kineseka(kinesics ) C. Prosemika (proxemics)
B. Kronemikal (chronomics) D. Pandama ( haptic
7. Ang paggamit ng oras ay kaakibat ng mensahe, (halimbawa: Kung ang
isang tao ay laging maagang pumasok, nangangahulugan na siya ay
masipag sa
A. Kineseka(kinesics ) C. Prosemika (proxemics)
B. Kronemikal (chronomics) D. Pandama ( haptic )
8. Sa pag-aaral sa kultural at komunikasyon na isinagawa ni________ kaniyang
binigyang diin ang pagiging high context ng kulturang Pilipino.Ibig sabihin,
mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahulugan kahit sa pamamagitan
ng pahiwatig.
A. Maggay C. Badayos
B.Alcaraz D. YULE
9. Kahulugan ng may nunal sa labi.
A. matiisin C. madaldal
B. matapang D. mabait
10.Kahulugan ng mukhang maamo
A. mabait C.maganda o gwapo
B.magalang D. matiisin

16
Papel sa Replektibong Pagkatuto
Panuto: Gumawa ng isang
salaysay na nangyari sa iyo, maaaring masaya,
malungkot, nakakahiya, at iba pa. Siguraduhing may natutuhan ka sa
pangyayaring iyon. Ilapat ang mga natutuhan sa ating aralin. Lagyan ng
pamagat. (Isulat sa isang buong papel ang iyong kasagutan)
_____________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubriks:
Paggamit ng mga kakanyahang pragmatik 50%
Akmang pamagat sa salaysay 35%
Kalinisan ng Gawain 15%
_____
100%

Sanggunian
Bernales, R., et al. (2014). WIKA at KOMUNIKASYON SA NAGBABAGONG
PANAHON, p. 85-86.
Gee,J. (1999) An Introduction to discourse Analysis:Theory and Method
Filipino Matrix I
WIKA at KOMUNIKASYON SA NAGBABAGONG PANAHON Bernales R.et. al (2014)p.
78-82

https://brainly ph>.<Filipino 1 Oct.2016


https://brainly.ph.question kakayahang istruktural*N atutukoy ang nga
angkop nasalita…-Brainly.ph 3Seo 2016.1 anwer
https://brainly.ph>...>Filipino ano ang kakyahang
sosyolinngwistik?Brainly.ph 1 Oct 2016 Answer
https://www.scribd.com.documentKakayahang Sosyolingguwistiko-
Sccribd
9 Sept. 2018
https://www.powtoon.com/youtube/ kakayahang linnguwistiko 15 OCT
2017
https:www.coursehero.com>file
kakayahang sosyolinggwistiko-komunikasyon at Pananaliksiksa…
(Paglalapat ngmodelong Speaking)
https://brainly ].ph.question mga halimbawa ng komunikasyong berbal
at di berbal-Brainl.ph 10 Juky 2017
https://www.slideshare.net URI NG Komunikasyon [Verbal at di Verbal
31 Aug. 2014
https://prezi.com> uri ng di berbal na komunikasyon by Nathaniel
Bisqueraon Prezi
https://www.academia.edu.

17
(PPT) Kakakyahang Pragmatik /Elle Choe Legaspi-Academia.edu
https:brainly.ph
Ano ang pragmatika at magbigay ng at magbigay ng halimbawa dito 18
Sept. 201

KOMUNIKASYON-Q2-MODYUL 5

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C .Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Candelaria C. Santos, MT II


Mary Ann R. Catabay, MTII
Manunulat: Lucita A. Dela Cruz, MTII
Tagalapat: Mary Ann R. Catabay, MTII

Susi ng pagwawasto
Aralin 1
Pangwakas na
Pagsusulit
Balik-tanaw
Unang Pagsubok 1. T 1. B
1. B 2. M 2. A
2. D 3. T 3. C
3. C 4. T 4. B
4. A 5. T 5. A
5. A 6. B
7. C
8. A
9. D
Aralin 2 10. C

Balik Tanaw Pangwakas na


Unang Pagsubok
Pagsusulit
1. B 1. D
2. D 2. A 1. B
3. C 3. B 2. C
4. E 4. C 3. A
5. A 4. B
5. A
5. C
6. D
7. B
8. A
9. C
10. A

18

You might also like