You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Barayti ng Wika sa Modernong
Komunikasyon at Gamit ng Wika
sa Lingguwistikong Komunidad
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
Modyul 3
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong
teknolohiya (Facebook, Google, at iba pa) sa pag-
unawa sa mga konseptong pangwika.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong
gamit ng wika sa lipunan.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Barayti ng Wika
1 sa Modernong Komunikasyon

Inaasahan

Sa araling ito inaasahang matutukoy mo ang mga salitang ginagamit sa


pagpapahayag ng mga tao sa isang lipunang binubuo ng iba’t ibang kaurian.
Anumang kaisipan ng sinumang tao ay nabibigyang larawan ng wika sa loob
ng Lingguwistikong komunidad.
Kaya kayong mga mag-aaral na gumagamit ng modyul na ito ay inaasahang…
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (Facebook, Google, at iba
pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.

Unang Pagsubok

Halina’t subukin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman sa pagkilala


sa mga salitang ginagamit sa ilalim ng lingguwistikong komunidad.

Panuto: Basahin at unawain ang mga konseptong pangwika sa bawat pangungusap.


Piliin at isulat sa iyong kwaderno ang letra ng tamang sagot

1. Barayti ng wika na sinasalita ng mga tao sa lipunan. Grupo ng iba’t ibang uri
o klasipikasyon ng mga mamamayan.
A. Register ng wika C. Sosyolek
B. Idyolek D. Dayalek

2. Ang Tagalog, Bikolano, Kapampangan, Panggasinense, Ilokano, at Waray ay


nabibilang sa ____________.
A. Sinaunang Wika C. Pangalawang Wika
B. Unang Wika D. Wika ng Masa

3. Barayti ng wika na nakabatay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.


Nakikita ito kaugnay ng pinanggalingang lugar ng tagpagsalita o grupo ng
tagapagsalita.
A. Register ng wika C. Sosyolek
B. Idyolek D. Diyalek

3
4. Filipino, Mandarin, Español, Pranses, at Ingles ay maituturing naman na
____________.
A. Unang Wika C. Pangalawang Wika
B. Sinaunang Wika D. Wika ng Mayayamang bansa

5. Ito ay nakagawiang pamamaraan ng pagsasalita ng isang indibidwal o isang


pangkat ng tao. Tinatawag din itong “estilo sa pananalita”.
A. Register ng wika C. Sosyolek
B. Idyolek D. Dayalek

Balik-Tanaw

IBAHAGI MO, SAGOT MO

Magbalik-tanaw tayo sa mga dati mo ng kaalaman tungkol sa wika. Ibahagi


ang iyong natatandaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga sumusunod.
1. Siya ang nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas ng mga
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng iisang kultura? ___________________

2. Artikulo na naglalahad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay


tatawaging FILIPINO? _________________

3. Bakit tinawag na wikang panturo ang wikang FILIPINO? Ipaliwanag.


__________________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang Pilipinas ay isang arkipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan, at


napaghihiwa-hiwalay ng mga pulo at kabundukan. Hindi maiiwasang makalikha ng
sariling kultura o paraan ng pamumuhay ang mga Pilipinong naninirahan sa isang
partikular na lugar. Kasabay ng kanilang pag-unlad ay ang pagbuo rin ng wika
sapagkat kabuhol ng wika ang kaniyang kultura.
Upang lalo pang mapalawak ang ating kaalaman sa aralin, panoorin natin at
basahin ang mga impormayson ukol sa linggwistikong komunidad at Barayti ng
Wika. Buksan ang mga sumusunod na link. Kung hindi makaka-access sa internet,
basahin na lamang ang kasunod na teksto ukol sa aralin.

Tara! Tayo na’t Magpakatalino!

PANOORIN MO! BASAHIN MO!

UNA, PANGALAWANG WIKA, at


LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD
BARAYTI NG WIKA

https://www.youtube.com/watch?v=kw4nv-vsYik https://www.youtube.com/watch?v=FG6X5zIoY-4

4
Tandaan

Pag-Aralan Natin!
Tunay na Dinamiko ang katangian ng wika kaya’t patuloy ito sa pag-unlad.
Paglikha ng mga salita, panghihiram mula sa banyaga, at pag-aangkin gamit ang
paglalapat sa lexikong Filipino. Sinasabing ang paglipas ng iba’t ibang lahi dagdag
pa ang pagsibol ng mga makabagong henerasyon tulad ng “Gaylinggo”, “Jejemon”,
“Bekimon” “Conyo”, “Combo,” at marami pang iba ang dahilan ng pagkakaroon ng
maraming barayti at baryasyon ng wikang Filipino. Ayon sa aklat ni Jocson, (2016)
mula sa aklat na Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,
Lingguwistikong Komunidad ang tawag sa mga wikang ito. Isinasaalang-alang din
sa pag-aaral ng komunidad na ito ang tungkol sa Dayalek, Sosyolek at Idyolek. Iyan
ang tinatawg na mga barayti ng wika na pang-araw-araw nating naririnig at iyan din
ang magiging pokus natin sa araling ito.
A. Dayalek
Barayti ng Wikang sinasalita ng isang partikular na pangkat ng tao sa isang
lalawigan. Bawat tao o grupo ng tao ay may kanya-kanyang dayalekto na ginagamit.
May mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa kanilang
pinanggalingang lalawigan.

Halimbawa:
• Waray ng mga taga Bisaya, Ilocano ng mga taga rehiyon ng Ilocos
• Ibaloy ng mga taga Mountain Province, Zambal ng mga taga Zambales.

B. Idyolek
Tawag sa pansariling istilo ng pagpapahayag ng isang indibidwal. Tinagurian
din itong “accent” sa pananalita na masasabing natatangi sa isang tao o sumisimbolo
sa kanilang pagkatao.

Halimbawa:
• “Ang buhay ay weather-weather lang”- Kim Atienza
• “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez

C. Sosyolek
Wikang sinasalita ng partikular na grupo. Barayting nabubuo batay sa
dimensyong sosyal. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-
ekonomiko at kasarian ng indibidwal tulad ng mga salitang nabibilang sa LGBTQ at
salitang kalye.

Halimbawa:
• Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
• Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
• Wa facelak girlash mo! (Walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya
ay pangit ang gelpren mo)

Batay sa aklat na Komunikasyon nina Dolores Taylan et.al. mayroon ding


tinatawag na Etnolek at Ekolek. Ang una ay nabubuo mula sa etnolingguwistikong
grupo, samantala ang huli naman ay mga salita na nabubuo at naririnig sa loob ng
tahanan.

5
Batay naman sa takdang aralin.ph gabay sa mag-aaral, sinasabing ang Unang
Wika ay tinatawag din bilang katutubong wika. Ito ay literal na wika na natututuhan
natin mula nang tayo ay ipanganak. Batayan para sa pagkakakilanlang
sosyolinggwistika ang unang wika. Bukod dito, ang unang wika ang wikang madalas
nating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob ng bahay.

Halimbawa:
• Filipino para sa mga Pilipino
• Ingles para sa mga Amerikano

Samantala, ang Pangalawang Wika, ay tumutukoy sa alinmang wikang


natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang
unang wika.

Halimbawa:
• Ingles para sa mga Pilipino
• Espanyol para sa mga Amerikano (Jocson, M., 2016)

Gawain 1

Panuto: Upang marinig ang himig at masabayan ito buksan ang link na nasa loob
ng bawat kahon. Awitin at suriin ang nais ipahayag ng nasabing akda. Sagutin ang
mga tanong sa ilalim. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Porque (Pagsasalin sa Tagalog) Porque (Pagsasalin sa PORQUE (Pagsasalin sa


by: Maldita Chavacano) Español)

https://www.youtube.com/watc https://www.youtube.com/w https://www.youtube.com/w


h?v=6gkAtwUUB1M atch?v=Eb0Cay4L3vk atch?v=Ui-ubLU7pRM

Tulala lang sa 'king kwarto Solo solo na mi cuarto Doy vueltas en mi cama
at nagmumuni-muni Hinde ta pwede durmi Me cuesta tanto dormir
Ang tanong sa aking sarili Vira vira na cabesa Me pregunto a mí mismo
El dolor yo ya cinti Donde yo me equivoqué
saan ako nagkamali?
¿Por qué me enamoré de ti?
Porque pa contigo yo ya kere? Si como un rayo te fuiste de
Bakit sa iyo pa nagkagusto? mí
Como bula lang tu ya perde
Parang bula ika'y naglaho.
Porque contigo yo ya iskuji? ¿Por qué yo te escogí?
Bakit ikaw pa ang napili? Aura mi corazon tya sufri Ahora mi corazon sufre
Ngayon ang puso ko ay sawi Bien simple lang iyo ta pidi Lo que deseo es muy simple
Kay simple lang ng aking hiling Era cinti tu el cosa yo ya cinti Que sientas lo que yo sentí
Na madama mo rin ang pait at Ta pidi milagro, vira'l tiempo
pighati El mali hace derecho Pido un milagro que el tiempo
Sana'y magmilagro Na dimio reso ta pidi yo atrase
Maibalik ko mali ay maideretso Era olvidas yo contigo Que sea justo el mal
Pinagdarasal ko sa aking puso En mis rezos, yo pido
Na mabura na sa isip ko Que yo te olvide por siempre

Mga Pokus na Tanong:


1. Sa anong mga wika nakasulat ang awiting “Porque” ni Maldita?
___________________________________________________________________________

6
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Tungkol saan ang awitin?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Madali mo bang naunawaan ang pagkakasalin nito? Bakit?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Anong kultura ang nakapaloob sa awitin? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Ang kaisipan bang ipinapahiwatig ng awitin ay maiuugnay sa karanasan ng
sinumang tao? Bakit mahalagang maiugnay ang gamit ng wika sa karanasan
ng isang indibidwal?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pag-alam sa Natutuhan

IBAHAGI MO!
Panuto: Basahin bahagi ng blog ni Tolentino sa ibaba. Suriin ang pagkakalahad
ng mga ideya at mga salitang ginamit. Sagutin ang mga tanong sa ilalim
nito. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Jejemon
Rolando Tolentino May 3, 2010 5 Comments jejemon

Ni: ROLANDOTOLENTINO
Bulatlat.com

siN0H AnG iBoBo2 U~ sa ELeKxoN, N0H? c~ N0N0y~ ba Na~ wLAng TRack~ rEc0RD~ AT~ SOC-deM,~
c~ VILLar~ bA nA SndAmKMk Ang kSO ng qRapx0N, o~ C ErAp~ Na PiNTAwd nA KRiMInl, N0h?

Ito ang bagong “craze” at pet peeve ngayon. Gusto mo o kinamumuhian mo. Gusto mo dahil bagong
anyo ito ng lengwahe, lalo na yaong historikal na naisantabi na sa kasalukuyang terminolohiya ay ang
jologs. Ito ang sub-uri ng lumpen proletaryado, ang ayaw mong makasama sa public transport dahil ito
ang inaakala mong magnanakaw ng iyong cellphone o notebook, ayaw mong makita sa mall dahil ito
ang low-brow na manggugulo lamang, o ang pumapasok sa UP Fair para makipaggitgitan at makapasok
ng libre.

Kaya marahil, ayaw mo ng jejemon o ang bagong wikang halaw sa Latin Amerika (“jeje” bilang pagsasaad
ng pagtawa o lol [laugh out loud], at ang katumbas nito sa Pilipinas ay “hehe”) na nagpapamutiktik ng
text at iba pang social networking sites (Friendster bilang pangunahing realm ng jologs at Facebook
bilang naabot na ring virtual na komunidad ng jologs at mas naunang gitnang uri) ng dagdag na
consonants at capital letters.

7
Pinamumutiktik ng h at ~, gayong sa aktwal na text ay 160 characters lang ang kapasidad nito, kundi
ay doble na ang bayad dito. Sa pangunahing source ng “jejemon,” ang Urban Dictionary website,
pejoratibo ang tampok na kalidad nito. Ayon dito, ang jejemon ay ang mga sumusunod:
“- a person WhO tyPeZ lYKeS tH1s pfOuh..
whether you are RICH, MIDDLE CLASS or POOR ifpK eU tYpE L1K3 tHiS pfOuh..eU are CONSIDERED
AS JEJEMON.
– (noun or adj.)—a person who is very expert in typing..
– a person that nevr (sic) gets tired of typing consonants in all of his comments…
– people with very LOW IQ
– a person that destroys the morale of language in any typing media like internet, cellphones…etc…
– a person you want to fuck off and kill
– an emo/gangster who owns all the possible negative qualities of a person.”
(http://www.urbandictionary.com/define.php?term=jejemon)

Kung gayon, ang mga katangiang inilista ay patutsada sa abang uri (underclass) na pamali-mali ang
spelling sa texting (“spell as you pronounce” hindi pa dahil nagtitipid sa character-usage kundi talagang
di lang alam ang baybay), at kung gayon, sinasabi rin na hindi magaling mag-type (sa kaso ng computer)
at text. Kaya masasabing low IQ (walang pinag-aralan) at kung gayon muli, pwede mong ipagfantasyang
patayin kundi man makaisa man lamang sa kanila.

Ang jejemon ay sintomas ng bagong pagsa-sub-uri sa bansa. Umalagwa na ang pasosyal (matatagpuan
sila sa call centers), at ang tunay na sosyal, nakakabili ng latest na gadget o ang aproximasyon nito.
May entitlement ka sa teknolohiya dahil ito ang pangako ng mamahaling gadget na binili mo. At dahil
nga mahal ito, exclusibo ang turing sa karanasang inaakalang magpapabukod-tangi sa nakararami.

Parang ilang araw lang, tinanong ako ng I-phone program sa aking computer kung gusto kong mag-
update. Nag-agree ako, at natagpuan ko na lamang ang aking I-phone na blinock na ng internet. Binili
ko kasi ito sa US, pina-unlock sa Marikina Riverbanks, at nagmintina ng prepaid sa Globe kahit pa sa
kasunduan sa Apple ay post-paid lamang ang akses sa I-phone sa bansa. Kaya nga ako na-block.
Nakahabol ang copyright sa aking (iligal) na gamit ng gadget.

At ganito rin ang predikamento ng iba pang jejemons. May mahihinuang pagtutumbas sa anumang
gitnang uring panuntunan para sa mga nilalang na hindi pagkakalooban ng tadhana ng kapitalismo na
magkaroon ng akses dito. Kaya irregular ang akses. Kung branded ang sa gitnang uri, sa jejemons ay
Divisoria o Greenhills pirated (na may iba’t iba pang class ng piracy); kung cellphones ito, pwede namang
nenuk (ninakaw) o yung mas lumang modelo.

Ang paglikha ng kaantasan ay hindi lamang simpleng paghihiwalay sa may K (karapatan) at sa wala.
Ito ay paglikha rin ng epistemiko at maging literal na karahasan (sa kaso nga ng jejemon sa Urban
Dictionary na may tasitong panghihimok ng annihilation). Inetsapwera na nga sila ng estado,
ineetsapwera pa sila ng mismong mamamayan nito.

Samakatuwid, ito ang tagumpay ng mismong estado. Hindi nito kailangan gumawa ng batas para
ietsapwera ang peligrosong mamamayan. Epekto na lamang ang pagkaetsapwera ng lantarang
polisiyang ekonomiko at politika nakapabor sa naghaharing uri ng bansa. At ang isang direktang epekto
nga ng paglikha ng hegemoniya ng naghaharing uri—na pati ang pinaghaharian ay umaastang kabahagi
ng ideolohiya ng naghahari—na muling nag-eetsapwera sa mamamayan. (Bulatlat.com)

https://www.bulatlat.com/2010/05/03/jejemon (I-click lang ang link kung nais


basahin ang kabuuan ng teksto.)

Mga Pokus na Tanong:

1. Paano ipinakita sa Blog na “Jejemon” ang pagbabago ng wika sa lipunan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa anong kategorya nabibilang ang “Jejemon” batay sa ating pag-aaral?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8
3. Nakabubuti ba o hindi ang mabilis na pagbabago ng gamit ng wika sa
pakikipagkomunikasyon sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Bilang mag-aaral ng SHS paano mo ikinakategorya ang paggamit mo ng wika
sa iyong lipunan (paaralan, tahanan, at komunidad)?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Tukuyin ang barayti ng wikang ipinakikilala ng bawat pahayag na


nakasalungguhit. Isulat sa kwaderno ang titik ng wastong sagot.

1. Gaylinggo, Jejemon, Bekimon ba ang wika mo?


A. Register ng wika C. Sosyolek
B. Idyolek D. Dayalek

2. Maayong buntag sa inyong tanan, ako po ang inyong lingkod ngayong araw.
A. Sinaunang Wika C. Pangalawang Wika
B. Unang Wika D. Wika ng Masa

3. Tagalog Bulacan, Tagalog Batangas, Tagalog Laguna ang ilan sa mga wika sa
Luzon.
A. Register ng wika C. Sosyolek
B. Idyolek D. Dayalek

4. Ang Mandarin, Español, Pranses, at Ingles ay maituturing na wika ng


mauunlad na bansa.
A. Sinaunang Wika C. Pangalawang Wika
B. Unang Wika D. Wika ng Mayayamang bans

5. Ito ang nakagawiang paraan sa pagsasalita.


A. Register ng wika C. Sosyolek
B. Idyolek D. Diyalek

6. Pre! Pahiram naman ng etneb bili lang ako ng tusok!


A. Register ng wika C. Sosyolek
B. Idyolek D. Dayalek

7. Ma! Alis po muna ko, I’ll just pay some bills of ours.
A. Sinaunang Wika C. Pangalawang Wika
B. Unang Wika D. Wika ng Masa

8. Oh my gosh! Andyan na si crush, oh my gosh! tinignan niya ko, oh my gosh!


Kumindat siya sakin.
A. Register ng wika C. Sosyolek
B. Idyolek D. Dayalek

9. Sa Kabisayaan, ito ang ilang wika: Waray, Hiligaynon, Kapampangan, at


Pangasinense.
A. Sinaunang Wika C. Pangalawang Wika

9
B. Unang Wika D. Dayalek

10. Narigat ti biag, no maminsan.


A. Register ng wika C. Sosyolek
B. Idyolek D. Dayalek

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Nagamit at napakinggan natin ang halaga ng musika sa patuloy na pagyabong


ng wika bunga ng pakikipagkomunikasyon ng iba’t ibang uri ng komunidad. Ngayon
naman tayo’y magnilay-nilay. Isulat sa kwaderno ang sa tingin mo ay gamit ng wika
sa pang-araw-araw mong buhay.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Aralin
Gamit ng Wika sa
2 Lingguwistikong Komunidad

Inaasahan

Sa pag-aaral ng konseptong pangwika, kasabay ding pinahahalagahan ang


gamit nito sa kapaligiran PASALITA MAN O PASULAT sapagkat ang komunidad ang
nagdidikta ng paraan ng paggamit nito sa bawat sitwasyon na hinihingi ng
pagkakataon.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:


Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

Unang Pagsubok

Halina’t subukin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman sa pagkilala sa


mga pahayag na nagpapakita ng GAMIT NG WIKA sa komunidad.

Panuto: Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot sa bawat kaalamang
hinihingi sa bawat pangungusap.
1. Ito ang gamit ng wikang nagpapahayag ng damdamin o sariling kuro-kuro.

10
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal

2. Ito naman ang gamit ng wika na naghahanap ng datos.


A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo

3. Silbi ng gamit ng wika ang magpanatili ng mga relasyong sosyal.


A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal

4. Sa pamamagitan ng mga simbolo at sagisag nangingibabaw ang gamit ng


wika na ito.
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo

5. Gamit ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao.


A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal

Balik-Tanaw
Magbalik-tanaw tayo sa mga dati mo ng kaalaman tungkol sa barayti ng wika.
Ibahagi ang iyong natatandaan sa pamamagitan ng PAGPAPALIWANAG SA GRAP.
(Maaaring PASALITA o PASULAT depende sa kalagayan.)

IBAHAGI MO, SAGOT MO!

UNANG WIKA SOSYOLEK

LING- DAYALEK
GWISTIKONG
KOMUNIDAD IDYOLEK
PANGALAWANG
WIKA EKOLEK / ETNOLEK

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ayon kay M.A.K. Halliday ang wika ay ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan


sa kaniyang iba’t ibang uri ng lipunang kinabibilangan. Sapagkat ang wika ang
salamin ng ating pagakakakilanlan, dito rin masasalamin ang ating mga
pakikipagsapalaran sa araw-araw. Anuman ang gawin natin, ito’y masisinag sa

11
wikang ating ginagamit sa pasalita o pasulat mang paraan ng pakikipag-ugnayan
natin sa tao.
“IKWENTO MO MULA SA LARAWAN NI JUAN”
Panuto: Sa tulong ng sumusunod na tanong, suriing mabuti ang larawan at
isulat ang iyong ideya sa kwaderno.

Tanong: Paano ginagamit ng lipunan ang wika sa kaniyang


komunidad?
Gamit ng Wika / Hedhedia Cajepe Antonio / April 2020

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tandaan

Ngayon, pag-aralan na natin ang mga kahulugan ng bawat GAMIT NG WIKA


batay kay M.A.K. HALLIDAY at ang halaga nito sa PASALITA O PASULAT na
pamamaraan sa tulong ng grap sa ibaba.

Gamit ng wika batay kay M.A.K Halliday


INSTRUMENTAL – tumutugon sa PASALITA: pag-uutos, pakikitungo,
pangangailangan. pangangalakal
PASULAT: Liham pangangalakal
REGULATORI – kumokontrol/ PASALITA: pagbibigay
gumagabay sa kilos at asal ng panuto/direksyon, paalala
iba PASULAT: paggawa ng batas, recipe,
direksyon sa isang lugar

12
INTERAKSYUNAL – PASALITA: pangangamusta,
nakapagpapanatili ng relasyong pagpapalitan ng biro
sosyal PASULAT: imbitasyon, programa
PAMPERSONAL – pagpapahayag PASALITA: debate, talakayan
ng damdamin o opinyon. PASULAT: pangulong-tudling o editorial,
pagsulat ng suring basa
REPRESENTATIBO –
nagpapahayag ng komunikasyon PASALITA: pahiwatig, hinuha sa isang
gamit ang simbolo o sagisag bagay o paligid
PASULAT: anunsyo, patalastas,
HEURISTIKO – naghahanap ng PASALITA: pagtatanong, pananaliksik,
datos o impormasyon at pakikipanayam
PASULAT: imbitasyon, programa
IMAHINATIBO– pagpapahayag PASALITA: pagbigkas ng tula, pagganap
ng tao gamit ang kaniyang sa teatro
pagiging malikhain PASULAT: pagsulat ng akdang
pamapanitikan

Gawain 1

Panuto: Basahin ang diyalogo sa ibaba. Tukuyin ang gamit ng wika sa mga
nakasalungguhit na pahayag. Isulat sa kwaderno ang: A. kung Instrumental, B.
kung Regulatori, C. kung Heuristiko, D. kung Pampersonal, at E. kung
Impormatibo.

Jazzy: Parang (1) gusto kong sumali sa Supreme Student Council (SSG).
Naomi: (2) Ano bang ginagawa sa SSG?
Jazzy: (3) Samahan ng mga mag-aaral sa paaralan na kinikilala ng DepEd.
Naomi: (4) Bakit SSG?
Jazzy: (5) Tungkulin ng SSG na mapanatili ang kaayusan sa loob ng paaralan
sa pamamagitan ng paglikha ng progma na nagsusulong ng
disiplinadong kabataan.
Naomi: Ibig sabihin, (6) katuwang ng Guidance Counsilor?
Jazzy: Parang ganun nga, pero mashigit ang pokus niya sa programang
pangkabataan. (7) Gusto kong sumali ka rin?
Naomi: Ayun naman pala! Bakit mo ko gusto isali diyan?
Jazzy: Para makasama kita! maging sa extra curricular.
Naomi: (8) Trabaho ng SSG na mapanatili ang pantay na karapatan ng mga
mag-aaral sa loob ng paaralan. Maging ang kaayusan ng ugnayan
ng bawat baitang sa kanilang mga guro.
Jazzy: (9) Tama! Tara Sali ka na!
Naomi: (10) hahahaha sige na nga! Push!

Gawain 2

Ngayong araw, ating pagyamanin ang mga kaalamang iyong natutuhan sa


mga nakaraang aralin. Isagawa ang susunod na gawain.

13
Panuto: Pumili ng makakapareha, sa pamamagitan ng chat room/ text messaging.
Sundin ang mga hakbang sa paglikha.
Lumikha ng awit na may tema patungkol sa COVID-19. Sikaping ang
liriko ay orihinal.
Salungguhitan sa likhang liriko ang linyang nagbibigay-pokus sa
aralin: GAMIT NG WIKA batay kay MAK HALLIDAY.
Lapatan ng himig at sikaping hindi lalagpas sa tatlong (3) minuto ang
buong awit.
Maaaring ang tono ay halaw sa mga DATI ng awitin o kaya nama’y
TUNOG-TAO.
Ang awit kasama ng liriko ay ipapasa sa google account ng guro
pagkalipas ng dalawang araw matapos ang araw ng pagsagot sa modyul
na ito.
Ang likhang PINAKAMAKABULUHAN AY ia-upload sa FB account ng
paaralan.

Upang mabigyang-ideya sa paglikha ng isang sining, maaaring gawing


batayan ang isang halimbawa ng inspirasyong tugtugin tungkol sa COVID-19 sa
ibaba.

KANTA NIYA, KAYA MO RIN!

BAWAL LUMABAS – DONALYN


BARTOLOME
https://www.youtube.com/watch?v=0
pdA3F-mLlE

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Pokus Puntos
1. Gamit ng Wika Malinaw na sinalungguhitan ang mga 20
sa liriko pahayag na nagpapakitang ng iba’t
ibang gamit ng wika batay kay M.A.K.
Halliday
2. Mensahe Makabuluhan ang mensahe ng awitin. 15
Kumukurot sa damdamin ng
makababasa.
3. Kaangkupan ng Ang piniling himig ay nailapat nang 15
Tunog mabuti sa liriko. Orihinal man na tono o
halaw sa ibang tugtugin, ito’y
nagbibigay buhay sa isinulat na awit.
4. Kooperasyon ng Sa kabila ng pagiging layo-layo ng 10
pangkat (Teknikalidad distansya ng magkaparehang mag-
gamit ang mga app. At aaral, lubos pa ring nagamit ang
pagtutulungan) teknolohiyang available sa bawat isa
upang makabuo ng isang obra.
Kabuuan 60

14
Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Isulat sa sa speech ballon ang aralin na kumintal sa iyong isipan, samantala
isulat naman ang ideya sa puso na nais mong pahalagahan bilang tao.
Isulat ang sagot sa kwaderno.

_________________________
_________________________
_______________________
_________________________
_______________________
_________________________
Miss Yang / Hedhedia Cajepe Antonio / April 2020

_______________________
_________________________
_______________________
_________________________
_______________________
_______

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Tukuyin ang gamit ng wika sa komunidad na ipinakikilala sa bawat


sitwasyong nakasalungguhit. Isulat sa kwaderno ang titik ng wastong sagot.

1. Kumusta! Bagong lipat ako sa lugar na ito, ang ngalan ko nga pala ay Tere.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal

2. “Ikaw ang Pag-ibig, na nagpasemento ng aking kaluluwa”. Tayo’y pinagtagpo


pero hindi tinadhana.
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo

3. “Anak, pasuyo nga, pakilakasan ang aircon sa kuwarto. Sobrang init!”


A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal

4. “MAS OK KAPAG NAKA-MASK” ayon sa DOH.


A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo

5. Naniniwala ako na dapat manatiling MECQ ang Metro Manila dahil sa


patuloy na pagtaas ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal

15
6. Panahon ngayon ng pandemya, kaya bawal lumabas, kapag lumabag…
Multa!
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo

7. Mas maganda ka sa paningin ko, promise, kapag nakapikit.


A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal

8. Sa tingin mo bilang mag-aaral ng SHS, mas epektibo ba o hindi ang online


graduation sa 2021? ______
A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo

9. Nais kong matutong magluto ng karekare, maaari mo ba akong turuan?


____________.
A. Instrumental C. Representatibo
B. Interaksyunal D. Pampersonal

10. Ultimo panahon ay hindi sumasang-ayon sa iyong kagustuhan!


A. Regulatori C. Imahinatibo
B. Heuristiko D. Representatibo

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Napatunayan mo na sa sarili mo na ang gamit ng wika ay hindi lang sa


pakikipagkomunikasyon kundi maging saan mang uri ng sining. Isulat sa linya ang
iyong palagay. Alin sa mga GAMIT NG WIKA ang higit mong ginagamit bilang mag-
aaral ng senior high school?
__________________________________________________________________________________
Miss Yang / Hedhedia Cajepe Antonio / April 2020

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

16
Sanggunian
BATAYANG AKLAT

➢ Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Jocson (2016)


➢ Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Dolores Taylan et.al.
(2016)
INTERNET

➢ Bartolome, D. Bawal Lumabas. Retrieved from


https://www.youtube.com/watch?v=0pdA3F-mLlE
➢ Bulatlat.com https://www.bulatlat.com/2010/05/03/jejemon
➢ https://www.youtube.com/watch?v=FG6X5zIoY-4
➢ Maldita. Porque. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=6gkAtwUUB1M
➢ Powtoons, https://www.youtube.com/watch?v=6gkAtwUUB1M
➢ Takdangaralin.ph. https://takdangaralin.ph/lingguwistikong-komunidad/

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim,CESOV


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Candelaria C. Santos, MT II


Mary Ann R. Catabay, MT II
Manunulat: Hedhedia C. Antonio, TIII
Illustrador: Hedhedia C. Antonio TIII
Tagalapat: Mary Ann R. Catabay

Susi sa Pagwawasto
Filipino 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan- Ikatlong Linggo

Modyul 3

Aralin 1

17
Unang Pagsubok Gawain 1 Gawain 2:
1. C 1. Nakasulat ang awitin sa
1. Sa pamamagitan ng
2. B 3 wika Tagalog, Chavacano,
pagpapalit tawag at
3. D at Español
pagpapalit baybay sa mga
4. C 2. Ang mensahe ng awitin salitang taal ng bansa.
5. D ay nakapokus sa pusong Ipinakita sa blog na ito ang
sugatan ng isang binibining mabilis na ebolusyon ng
nagmahal ng buong-buo sa wikang Filipino bunga ng
Balik- Tanaw isang lalaking hindi maaring mabilis na pag-unlad ng
mapasakaniya. pamumuhay ng tao.
1. Henry Gleason
2. Art. XIV Sek.6 3. Hindi, sapagkat 2. Ito ay nabibilang sa
nakasulat ito sa ibang
1987 kategoryang SOSYOLEK,
lenggwahe.
3. Dahil ito ang sapagkat nilikha ito ng isang
Lingua Franca - Opo, sapagkat may pangkat ng tao at
ng bansa pagkakatulad ang bigkas at nagpasalin-saling dila sa
kahulugan ng ilang salitang komunidad.
ginamit sa awitin.
3. – 4. Maaaring magkaiba-
4. Mapagmahal at matiisin iba ng sagot depende sa
kultura ng mga Pilipino ang pananaw
mga Nakapaloob sa awitin.
Pangwakas na
5. Mahalaga ito sapagkat,
tulad ng gamit ng wikang Pagsubok
IMAHINATIBO, mas
naipapahayag ng tao ang 1. C
kaniyang sarili at pagiging 2. B
malikhain kung ito’y kaniyang 3. D
nadama at naranasan. 4. C
5. B
6. C
7. C
8. B
9. B
10. D

Aralin 2

18
Unang Pagsubok Gawain 1
1. D Pangwakas na
1. D
2. B 2. C Pagsubok
3. B 3. E
1. B
4. D 4. C
2. C
5. A 5. C
3. A
6. C 4. A
7. D
5. D
8. E 6. D
Balik-tanaw 9. B
7. B
10. A
8. B
Batay sa sariling
9. B
pananaw 10. C
Gawain 2
Nakabatay sa
Pamantayan sa
Pagwawasto

19

You might also like