You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Core Subject

Class No.: _____ Petsa: _________________________


Pangalan: ____________________________________ Modyul 4 – 2nd Quarter – SY20202021
Baitang at Seksyon: __________________________ Guro: ______________________

I. Pamagat: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino


(Lingguwistiko o Gramatikal)
II. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. naiisa-isa ang mga konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo ng ilang lingguwistiko;
2. naiisa-isa ang mga component ng kakayahang lingguwistiko o gramatikal;
3. nababatid ang halaga ng pag-unawa ng aralling pangwika sa pakikipagtalastasan; at
4. naisusulat ng wasto ang isang halimbawa ng talata.

III. Mga kagamitan:


1. Pluma o panulat, long bond paper.
2. Aklat na may kaugnay sa paksa (Opsyunal)
3. Maaring mag-subscribe sa mga link na katulad ng paksa.

IV. Nakalaang oras/panahon: Ikaanim na Linggo / Unang Araw (40 minuto)


V. Konsepto:
A. Panimulang Gawain:
Sa mga nauna nating aralin, nalaman natin ang malaking papel ng media sa pagpapalaganap ng
wikang Filipino, andiyan ang nauusong Tiktok kung saan ang kalimitang wikang ginagamit ay Filipino.
Tumatak din ang paggamit ng memes sa social media, Bilang panimula sa ating bagong aralin,
tunghayan ang halimbawa ng memes sa ibaba.
1. Masasabi bang wasto o tama ang pagkakabuo ng pangungusap?

Alamin natin, kung tayo bang mga Pilipino ay masasabing may kakayahang Pangkomunikatibo.

B. Kakayahang Komunikatibo batay sa iba’t ibang konsepto

Dell Hymes
Ipinakilala ang konsepto ng Kakayahang Pangkomunikatibo
Ayon sa kanya..
“Ang nagsasalita ng wika ay hindi lamang dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o
gramatikal upang makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malaman ang paraan
ng paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito.”

Bagari’c, 2007
“Ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman kundi ng
kahusayan, kasanayan at galing sa paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo”

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 4 (Unang Semestre, Ikalawang Markahan) Pahina 1 ng 3
Higgs at Clifford, 1992
“Sa pagtatamo ng kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay ng
mensaheng nakapaloob sa teksto at porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto”

Shuy, 2009
“Ang kakayahang komunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng LIPUNAN at WIKA.
Ito’y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta WIKA at mga tuntunin nito.”

Dr. Fe Otanes, 2002


“Ang paglinang ng wika ay NAKAPOKUS sa kapakinabangang idudulot nito sa mga mag-aaral, na
matutunan ang wika upang sila’y MAKAPAGHANAPBUHAY, MAKIPAMUHAY sa KAPWA at
MAPAGANDA ang BUHAY na kanilang ginagalawan.”

C. Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo (Upang higit na maunawaan, maaaring bisitahin


ang link na makikita sa bawat paksa.
Canale at Swain
• Nagpasimula ng KONSEPTO ng KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO o
GRAMATIKAL.
• Ang kakayahang lingguwistiko o gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa
PONOLOHIYA, MORPOLOHIYA, SINTAKS, SEMANTIKA at TUNTUNING ORTOGRAPIYA)

Atin itong isa-isahin:


• Sintaks- Ito ay ang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may
kahulugan. https://www.slideshare.net/shielamaegutierrez12/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-sintaks
• Morpolohiya-Ito ay ang mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng
pananalita.(panggalan, panghalip, pang-uri, at iba pa)
https://www.youtube.com/watch?v=eqfUCFx5Pds
• Leksikon- Mga salita o bokabularyo (Talasalitaan)
• Ponolohiya o Palatunugan (patinig, katinig, tunog at suprasegmental
https://www.youtube.com/watch?v=XDX28AtOKKk
• Ortograpiya (Mga pantig at palapantigan, mga bantas.
https://www.youtube.com/watch?v=LaNklXJ6a4c

IBIG SABIHIN….
Ang mga ito ay itinuturo sa araling pangwika sa mga paaralan.
Ang mga leksyon sa asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lamang na matutuhan kundi ang
maunawaan ng lubusan sapagkat ito ang tulay upang masabi na tayo ay may sapat na kakayahan
sa pakikipagkomunika hindi lamang sa paraang pasalita bagkus sa paraang pasulat.

VI. Pagsasanay: Subukin Natin!

A. Mahuhulaan Mo Kaya?!
Ang talata sa ibaba ay hindi maayos. Guhitan ang mga salita, parirala, pangungusap o bantas
na nagpamali o nagpagulo sa talata.

Ano Tayo Ngayon sa New Normal?

Halos tatlong buwan na, marami sa atin ang hindi nakalalabas sa ating mga tahanan dahil sa
pandemya na COVID-19. Marami sa atin ang naninibago sa tinatawag na new normal. Kaya ang
malaking katanungan, Ano tayo ngayon sa new normal?

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 4 (Unang Semestre, Ikalawang Markahan) Pahina 2 ng 3
New normal, terminong naririnig mo ngayon kung bibig ng marami. Maraming pagbabago ang
haharapin ng maraming Filipino sa tinatawag na new normal. Isa na rito ang pagbabago sa pag-aaral
sa paaralan. May blended learning na magsasagawa sa pag-araal. Malaking dagok sa pamahalaan
ang kinahaharap ngayon ng ating pangulo kaya naman malaki ang maitutulong ng bawat indibidwal
para masugpo ito. Isa rin sa nangyayaring new normal, ay ang klase ng transpormasyon dahil hiwa-
hiwalay o hindi magkakatabi sa upuan ng pampasaherong bus o di naman kaya ay tren at LRT. Isa
rin sa new normal ay ang pagsusuot ng face mask. Naging mahigpit rin ang pagpapatupad sa curfew
sa mga kabataan. Hindi rin pinapayagan ang mga senior citizen na lumabas ng kani kanilang
tahanan.

Tunay ngang napakahirap ng hinaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit ang anumang krisis
ay tuluyang malalabanan kung tayong mga mamamayan ay magtutulungan at magsusumikap na
tupdin ang ating tungkulin sa bayan, at ito ay ang pagsunod sa tinatawag na new normal.
Ikaw, handa ka ba sa pagharap sa tinatawag na new normal?

VII. Pagtataya: Tiyakin Natin!


Direksyon:
1. Ang gawain ay isasagawa sa isang short bond paper.
2. Sundin ang pormat sa ibaba:
Blg sa Klase:__________ Petsa:____________
Pangalan:___________________ Maikling Pagsusulit 2
Baitang at Seksyon:_________________ Guro:_____________
Font Style: Arial Font size 11
Margin: Taas-Baba (1 inch)
Kanan-Kaliwa (.5)
3. Ang gawain ay magsisilbing maikling pagsusulit. At ito ay may kabuuang 20 puntos.
4. Kokopyahin ang tsart gayundin ang pamantayan o rubrik,
5. Ipapasa ang gawain sa oras at araw na itinakdang maibalik ang mga gawain sa module sa paaralan.
6. Hindi maitatala sa rekord ng guro ang sinomang magpapasa huli o late sa itinakdang araw at oras. Ito
ay nangangahulugan na 0 ang iskor para sa pagsusulit.
7. Kung may katanungan hinggil sa gawain ay lilinawin o sasagutin ito ng guro sa itinakdang araw.
(Iskedyul ng asignaturang Filipino sa paggawa ng modyul at sa oras ng online class lamang.)

Mali Ko, Itama Mo!

Panuto: Balikan ang talata sa bahaging gawain. Matapos mong maguhitan ang mga nagpamali sa
talata, sa iniatas na gagamiting papel, isulat muli ito ng maayos o wasto.

Pamantayan:
Nilalaman Naiwasto ang mga mali sa talata……………………………………………..….………10
Gramatika (Kababakasan ng kaisahan ang mga pangungusap)……………………………….…5
Pagsunod sa Panuto (Naunawaan ang gawain)…………………………………………………….5
Kabuuan………………………………………………………………………………….……………..20

VIII. Paglalahat: (Sagutin sa loob ng dalawang pangungusap)

1. Kailan masasabing mahusay na komunikeytor ang isang indibidwal?

2. Paano makatutulong ang araling tinalakay sa iyo bilang isang indibidwal?

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 4 (Unang Semestre, Ikalawang Markahan) Pahina 3 ng 3

You might also like