You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG

PILIPINO Core Subject

Class No.: _____ Petsa: _________________________ Pangalan:


____________________________________ Modyul 1 – 2nd Quarter – SY20202021 Baitang at Seksyon:
__________________________ Guro: ______________________

I. Pamagat: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


(sa Telebisyon, Pelikula, Radyo at
Diyaryo)

II. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan
na:
1. nasusuri ang gamit ng wika sa telebisyon, pelikula, radyo at diyaryo; 2. nailalahad ang
kahalagahan ng wikang Filipino bilang lingua franca sa pakikinig at panonood; 3. naipaliliwanag
ang iba’t ibang dahilan at pamamaraan sa paggamit ng wika sa iba’t ibang
Sitwasyon.

III. Mga kagamitan:


1. Pluma o panulat, long bond paper. 2. Aklat
na may kaugnay sa paksa (Opsyunal) 3.
Gamitin ang mga link para sa mga gawain:
https://www.youtube.com/watch?v=8k-xtKH1Ptg
https://www.youtube.com/watch?v=yzPXzRZ_tCY
https://www.youtube.com/watch?v=nCl0uPeXQbU

IV. Nakalaang oras/panahon: Ikalimang Linggo/ Unang Araw


V. Konsepto:
Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Nabatid natin ang masalimuot na pinagdaanan ng ating wika
sa mga mananakop. Sa paglipas ng panahon, sa mahabang kasaysayang ito, nakita natin ang paglago,
pag-unlad at pagbabago o pag-evolve ng ating wika. Ating alamin, kung nasaan na nga ba o ano na ang
sitwasyon ng wika sa paglaganap o pagsilang ng makabagong teknolohiya.
A. Panimulang
Gawain:
Suriin ang mga larawan. Anong wika ang ginamit at Paano ito
ginamit?
Ngayon, sama-sama nating alamin kung paano nakatulong ang mass media sa paglaganap at pag- unlad
ng wikang Filipino. B. Sitwasyong Pangwika sa:
1. Telebisyon
• Ito ay itinuturing na makapangyarihang media sa kasalukuyan.
• Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumarami ang nanonood saanmang
sulok ng daigdig.
• Ang wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa sapagkat halos
lahat ng palabas sa mga local channel ay gumagamit ng wikang Filipino ay ng iba’t ibang barayti
nito. Gayundin ang kinahihiligang K-drama ng maraming Filipino ay nauunawaan sapagkat ito ay
isinasalin sa wikang Filipino.
2. Radyo at Diyaryo
• Katulad ng telebisyon, wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat
ng estasyon ng radyo sa AM man o FM ay gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito. May
mga estasyon ng radyo naman sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag
may kinapanayam o ininterbyu ay sa wikang Filipino sila nag-uusap.
• Sa larangan naman ng diyaryo, may mga pahayagan naman na gumagamit ng wikang Ingles,
ito ay ang mga broadsheet habang wikang Filipino naman sa mga tabloid. Ngunit, higit na mas
binibili ng marami o karaniwang tao ang mga tabloid.
3. Pelikula
Bagamat mas maraming banyaga kaysa local na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-
taon, ang mga lokal na gumagami ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood.
VI. Pagsasanay: Subukan Natin!
Panuto: 1. Ang lahat na inatas na gawain sa VI-VIII ay maaaring isagawa sa isang long bond
paper o sa mismong
sipi ng module. 2. Sundin ang pormat sa ibaba: (Kung isasagawa sa long bond paper)
Blg sa Klase:__________ Pangalan:___________________ Petsa:____________ Baitang at
Seksyon:_________________ Guro:_____________ 3. Ipapasa ito sa takdang oras at araw ng
pagbabalik ng mga natapos na module sa paaralan. 4. Kung may katanungan hinggil sa
gawain ay sasagutin sa araw na itinakdang iskedyul sa
paggawa ng modyul (iskedyul ng Filipino) o kaya naman ay sa iskedyul ng online class
lamang.
Sine, Suri Mo!
Panoorin ang tatlong maikling-maikling pelikulang nakalahad sa ibaba. Pagkatapos, Punan ang
mga kahon ng inyong pagsusuri. (Gamitin ang link) 1. “Wag Kang Titingin” ni Pam Miras :
https://www.youtube.com/watch?v=8k-xtKH1Ptg 2.”Ruweda” ni Hannah Espia:
https://www.youtube.com/watch?v=yzPXzRZ_tCY
3.”Ang Kapatid Kong Nagpupumilit Makita si Ricky Davao” ni Lee Briones:
https://www.youtube.com/watch?v=nCl0uPeXQbU
Wag Kang Titingin ni Pam Miras
TANDAAN: Hindi na maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo at
pelikula. Maaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay
upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig o mambabasang makauunawa at
malilibang sa kanilang palabas, programa at babasahin upang kumita ng malaki. Subalit, hindi rin
mapasusubalian na sa pamamagitan ng malawak ng impluwensiya nito ay maraming mamamayan sa
bansa ang nakapagsasalita, nakakaunawa, at gumagamit ng wikang Filipino.Isang mabuting senyales
para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang pambansa.
Ruweda ni Hannah Espia:
Ang Kapatid Kong Nagpupumilit Makita si Ricky Davao ni Lee Briones Paksa
Tauhan
Tagpuan
Pagkakaiba-iba sa paggamit ng salita o aspektong lingguwistiko
Pagkakaiba-iba sa uri ng kultura at lipunang kinabibilangan
Sagutin: 1. Paano nagkakaiba-iba o nagkapare-pareho ang tatlong maikling pelikula?
2. Sa paanong paraan napatunayang ang mga pelikula o dulang napanood ay
sumasalamin sa
mga tunay na pangyayari sa buhay at kultura ng isang lipunan?
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 1 (Unang Semestre, Ikalawang Markahan)
Pahina 2 ng 3
VII. Pagtataya: Tiyakin
Natin!
A. Punto Mo, Panindigan Mo! Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa obserbasyon na, ang nananaig
na tono ng wika sa mass media ay impormal at hindi gaanong estrikto ang pamantayan ng
propesyonalismo? Patunayan ang iyong sagot sa pamamagitan ng paglahad ng mga obserbasyon mo sa
kalagayan ng wika sa sumusunod: (Maaring maglahad ng patunay sa pamamagitan ng paglakip ng isang
segment ng programa.) 1. (sa isang noontime show o pantanghaling variety show)
A. Pamagat: B. Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang
ito. 2. (sa isang programang nagbabalita o news and public affairs
program)
A. Pamagat: 3. Obserbasyon mo sa paggamit ng wika
sa programang ito. 4. (sa isang teleserye o telenobela)
A. Pamagat: 5. Obserbasyon mo sa paggamit ng wika
sa programang ito. 6. (sa isang programang panradyo)
A. Pamagat: 7. Obserbasyon mo sa paggamit ng wika
sa programang ito. 8. (sa isang pelikula) A. Pamagat: 9.
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
10. (sa isang tabloid)
A. Pamagat: B.Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa
programang ito.

VIII. Paglalahat:
Batay sa mga naging obserbasyon mo sa bahaging ebalwasyon, maglahad ka ng limang paraan kung
paano pa maaaring itaas ang antas ng ating wika sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, diyaryo at
pelikula. 1. 2. 3. 4. 5.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 1 (Unang Semestre, Ikalawang Markahan) Pahina 3 ng 3

You might also like