You are on page 1of 8

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________ Baitang/Pangkat: __________________________

Guro: ________________________________________________ Petsa ng Pagpasa: _________________________

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pagbati sa matagumpay na paglalakbay sa mga aralin sa unang


kwarter.
Tunay na ang wika ay mahalaga sapagkat ito ang pinakapangunahing
kailangan upang maipahayag natin ang ating sarili.
Sa modyul na ito, gagabayan ka sa iyong paglalakbay at pagtuklas ng
mga kaalaman sa sitwasyong pangwika at iba’t ibang gamit ng wika sa
lipunan.

Susing Konsepto:

Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino, sa mahabang kasaysayan nito ay nakita natin
ang paglago, pag-unlad at pagbabago ng ating wika. Malaki ang epekto ng makabagong
teknolohiya sa ating wika.

Bago natin simulan ang mga Sitwasyong Pang-wika sa Pilipinas, halina’t magbalik-tanaw
tayo sa Ibat-ibang Gamit ng Wika na nabanggit sa mga naunang aralin.
Ibat-ibang Gamit ng Wika
 Instrumental- Ang wikang ginagamit ay nakikiramay sa pangangailangan ng mga
tao sa paligid.
 Regulatoryo- Ang wikang gumagabay sa kilos at asal ng iba.
 Interaksyonal- Ang wika ay interaksyonal kung may interakyon sa isa’t isa o
pagkaroon ng kontak sa iba at bumuo ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng
pakikipagtalakayan.
 Personal-Paggamit ng wika na tinatamaan ng personal na damdamin tulad ng
pagpapahayag ng sariling opinyon o naramdaman.
 Heuristiko- Ang wikang ito ay ginagamit sa paghahanap ng mga impormasyong
mapagkakatiwalaan upang makamit ang mga propesyunal at akademikong libro o
pingalingan
 Imahinatibo- Ang wikang ginagamit ay may kaugnayan sa pag-iisip sa kahit
anumang imahinatibong bagay.
 Representasyunal- Ang wikang ito ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita.

1
RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP1K1
Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon

Hindi lámang naaapektuhan nitó ang Tinatawag ding ulat ang balita. Ito
Naging kakabit na ng mga pang-araw-araw na pamumuhay ng ay mga pangyayari sa lipunan at sa
Filipino ang pag-upo sa tao,lagpas pa rito, mas pangunahing mga táong nabibilang sa nasabing
harap ng telebisyon upang katuwang ng mass media ang wikang lipunan.
makapanood ng balita at ginagamit sa loob nitó. Dahil dito mas
matunghayan ang mga nagiging lantaran ang wikang
sinusubaybayan at ginagamit na siyang arbitraryo sa mga
paboritong programa sa tao kung kayâ lumalabas na may
telebisyon gayundin sa mahalagang tungkulin ang wika sa Para masabing balita, dapat na
pakikinig sa radyo at isinusulat agad ang mga nakuhang
larangang ito bukod pa sa lantad ang
pagbása ng mga balita sa talâ kaugnay ng pangyayari.
paggamit ng wikang Filipino sa mga
pahayagan. Binibigyang-halaga ang
pampublikong estasyon. mahahalagang punto sa balita.
(mula sa Kanlungan Komunikasyon at Kailangang tama ang mga pangalan
Pananaliksik sa Wika at Kulturang ng mga táong ibinabalita, maging
ang mga pangyayari at
Pilipino ni Estrella L. Pena, et al.)
petsa nitó. Ang balita ay hindi
naglalaman ng mga kuro-kuro.
Inilalahad ito nang parehas,walang
pinapanigan, at malinaw.

(mula sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino ni Magdalena O. Jocson)

Maaari namang kumuha ng impormasyon sa panayam, ang pag-uusap ng dalawang tao o higit pa
para sa isang tiyak na usapin. Ito ang pagbibigay ng mga kaalaman ng kinakapanayam o ng táong
tinatanong tungkol sa usapin na gumagamit ng mga angkop na wika batay sa kung ano ang pinag-
uusapan. Tinatawag din itong primary source at madalas itong isagawa kung nais na matukoy ang
mas malalim na impormasyon tungkol sa partikular na bagay, pangyayari, atbp.
(https://www.slideshare.net/caylamaecarlos/panayam)

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula


Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating
bansa taon-taon ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti
nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood.

RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP1K1
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mamamayan na naabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection
ay lalong dumami ang manonood saan mang sulok ng bansa. Ang magandang balita,
wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Malakas ang
impluwensya ng maga programang gumagamit ng wikang Filipino sa mga nanonood. Hindi
kasi uso ang mag-subtitles o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang
madalas exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga
Pilipino ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang
ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan.

Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo


Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos
lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino sa iba’t
ibang barayti nito. Mayroong programa sa FM tulad ng Morning Rush, na gumagamit ng
Ingles sa pagbobroadcast ngunit ang nakararami ay gumagamit ng Filipino. Sa mga
panrehiyonal na radyo ang kanilang diyalekto ang ginagamit ngunit kapag may
kinapanyam ay gumagamit sila ng Tagalog. Sa diyaryo naman, Ingles ang ginagamit sa
broadsheet at Filipino sa Tabloid. Tabloid ang mas binibili ng masa dahil sa mas mura at
nakasulat sa wikang higit na naiintindihan. Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga
tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa broadsheet. Ang mga
headlines ng tabloid ay malalaki at sumisigaw na nakakapang-akit ng mga mambabasa.

Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang Popular


Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umusbong ang
iba't ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media.
Flip Top- Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang
mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama’t sa flip top ay hindi nakalahad o walang linaw na paksang
pagtatalunan.
Pick-up Lines - May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong
na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing
nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti
at magpaibig sa dalagang nililigawan.
Hugot Lines- Ang hugot lines na tinatawag ding love lines o love quotes ay isa pang patunay na ang
wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pagibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute,
cheesy, o minsa’y nakaiinis.

3
RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP1K1
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet
Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang kabataang wala ni isang
social media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Printerest, Tumblr at iba pa. Maging mga
nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na umaarangkada ang social life sa
pamamagitan ng social media.
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo
na sa mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies.
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at
bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang
magkahiwalay na asignaturang pangwika. Sa mas mataas na antas ay nanatiling bilingguwal kung saan
ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang panturo.

Kasanayang Pampagkatuto:
Sa gawing pagkatutong ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga panayam
at balita sa radio at telebisyon . F11PN-Ila-88
2. natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social media
posts at iba pa.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Subukin natin ang mga naunawaan mo sa ating aralin. Pakinggang mabuti


ang maririnig sa video. Italâ ang mga mahahalagang pag-uusapan.
Tandaan na ang tuon ng pag-aaral ay nasa mga wikang ginamit.
ng pag-aaral ay nása mga wikang ginamit.
Pagsasanay 1 Panuto: Pagkatapos mapakinggan ang video, sagutan ang mga tanong sa ibaba.
Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.
maririnig sa video. Italâ ang mga mahahalagang pag-uusapan. Tandaan na
ang tuon
ng pag-aaral ay nása mga wikang ginamit.

Tama ba ang mga pagbabago


sa wikang Filipino?
https://www.youtube.com/watch?v=akeboh7w4rU
4
RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP1K1
1. Ano ang wikang ginamit para masabi na may pagbabago sa wikang Filipino?
a. bágong wika c. bagong wika
b. katext messaging d. text language

2. Wika ang pinag-uusapan, ano ang dapat gamiting wika ayon sa unang
kinapanayam?
a. barayti c. Ingles
b. Filipino d. Tagalog

3. Binanggit ng isang kapanayam ang pagbabago sa wika, anong salita ang


ginamit ng kinapanayam bílang pagbabago?

a. Aksiyon c. larangang
b. Kinabibilangang d. psychology na

Jeproks to Jejemon: How the Filipino language evolve


https://www.youtube.com/watch?v=8OSrgV8o8Rw

4. Ang mga wikang binanggit sa panayam ay tungkol sa pagkakaiba ng


dalawang wikang _____.
a. Bisaya at Tagalog c. Ingles at Filipino
b. Filipino at Rehiyonal d. Tagalog at Filipino
c.

5. Ang paksa sa panayam o balita ay _____ kapag sumasapit ang Buwan ng Wika.
a. Wikang dayuhan c. Wikang magkakaiba
b. Wikang Filipino d. Wikang Tagalog

Pagbati sa matagumpay na gawain!


Matapos mong sagutin ang pagsubok, tingnan kung ito ay tama o mali sa pahina.

Siguradong marami ka nang nalaman sa wikang ginagamit sa


panayam at mga balita sa radyo at telebisyon kaugnay ng isyung
pinag-uusapan dito. Iba’t ibang isyu at balita sa araw-araw ang
naririnig mo na magbibigay sa iyo ng idea kung ano ang
tatalakayin gámit ang mga wikang nauukol dito. Sa gawaing ito,
ibigay mo ang iyong natutuhan.

RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP1K1
Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang iyong kahilingan o request sa bawat bílang gamit ang
mga angkop na wika batay sa nakaitalisadong salita.

1. Panayam:

Ikaw ang kinakapanayam tungkol sa makabagong pamaraan ng pag-aaral,


ang online. Ano ang tugon mo tungkol dito?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Balita sa radyo o telebisyon:

Magbibigay ka ng ulat tungkol sa sitwasyon ng pamumuhay mo sa


panahong mayroong enhance quarantine.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________

Pagsasanay 3
Panuto: Pakinggan ang balita tungkol sa COVID 19 Case Report sa Super
RadyoBalita (DZWH) na mapakinggan o makikita sa url na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=4r_qE3FrYRc . Pagkatapos tukuyin ang iba’t
ibang gamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa radyo. Pangatwiranan
ang sagot. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

6
RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP1K1
Ang iba’t ibang gamit ng wika na ginamit sa aking napakinggang balita sa Super
Radyo (DZWH) ay ang mga sumusunod:

Ito ang napili kung gamit ng wika dahil ito ay (ano ang nakita mong dahilan)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Bilib ako sa iyo! Nagawa mo ang lahat ng gawain, kaya Smile naman diyan
, ayan bilang pangwakas isulat sa ibaba ang mga detalyeng natutuhan mo
sa ngayon 

Lagom ng Natutuhan sa Aralin

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP1K1
Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 2
Pagsasanay 1
Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Nakasalalay sa
1. A
guro ang pagwawasto.
2. D
3. B
Pagsasanay 3
4. D
Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Nakasalalay sa
5. B
guro ang pagwawasto.

MGA SANGGUNIAN
Aklat:
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilpino, Quezon City: Vibal
Group, Inc.,2016

Elektronik:
https://www.slideshare.net/caylamaecarlos/panayam
https://www.youtube.com/watch?v=akeboh7w4rU
https://www.youtube.com/watch?v=8OSrgV8o8Rw

Modyul:
Ana Maria L. J.Filipino SHS 11-Komunikasyon Modyul 1; Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at
Telebisyon [Alternative Delivery Mode]. Department of Education-Region IV-A CALABARZON, Gate 2
Karangalan Village, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal 1800

Piolen C. P.,Maria Concepcion A. M., Dulce Amor S., Celena J. C., Filipino SHS 11-Komunikasyon
Modyul 1; Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Iba’t Ibang Gamit ng Wika) [Alternative Delivery Mode].
Department of Education- Sangay ng Misamis Oriental,
Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000

Inihanda ni:

JOVELYN F. SESE
Guro Sa Filipino 11/ T-II Winasto ni:

JANICE A. MARTIN
Pangalawang Punong Guro II

Pinagtibay ni:

JESUS P. DELA PEÑA


Punong Guro IV

8
RO_Filipino_Baitang 11_K2_LP1K1

You might also like