You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Passi City
PASSI NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School
Passi City, Iloilo

SELF-LEARNING MODULE
for SENIOR HIGH SCHOOL

Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino

Code:F11PN-IIa-88
Kwarter 2-Modyul 1
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas at Kakayahang Pangkomunikatibo
Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang
pahayag mula sa panayam at balita sa radyo at telebisyon

Code:F11PN-IIa-88

1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Nilalaman: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan nang may masusing


pagsasaalang-alang ang mga linguwistiko at kultural na katangian at
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng
wika dito

Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t


ibang sitwasyon ng paggamnit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at
lipunang Pilipino

Mga Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang iba’t ibang


paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa panayam at
balita sa radyo at telebisyon
Code:F11PN-IIa-88
Kwarter 2-Modyul 1
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas at Kakayahang Pangkomunikatibo

A. TUKLASIN
Simulan Natin:
Ano ang pinakahuling panlabas pantelebisyong pinanood mo?

Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?


Mas madalas ka bang manood ng palabas pantelebisyong

Nasa wikang Filipino Nasa wikang Ingles

Ano ang pinakahuling napakinggan mong programa sa radyo?

Anong wika ang ginamit sa programang ito?

Mas madalas ka bang makinig sa programang panradyo na nasa


wikang?

Nasa wikang Filipino Nasa wikang Ingles

2
B. SURIIN:

MASS MEDIA
Pangmasang medya,pangmadlang medya o mass media ang
tawag sa pinakamaimpluwensya at masasabi ring
pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan. Ang medya ay
isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan,simbahan at
pamahalaan na ang natatanging tungkulin ay maging tagapagbantay,
tagamasid, taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig nga
mga mamamayan at tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan.
Kinikilala ang media bilang Ikaapat na Estado (Fourth Estate) kasunod
ng tatlong sangay ng pamahalaan at umiiral sa mga bansang
demokratiko. Una itong ginamit ni Thomas Carlyle noong
1841(Chrichton, Christel, et al)

Media 2012 2011


internet 45% 38%
radyo 36% 40%
pahayagan 12% 22%
magasin 4% 4%
telebisyon 89% 77%

Samakatwid , isa ito sa malaking negosyo. Kumikita ito sa tulong at


sa pamamagitan ng mga patalastas. Ang mga patalastas sa telebisyon o
radyo ay ginagawa ng mga advertising agency para sa mga
multinasyonal na kumpanya o negosyong nangangailangan ng publisidad
para mabili ang kanilang produkto o serbisyo:

Samakatwid, nakapaloob ang mass media sa siklo ng produksyon,


distribusyon at pagkokonsumo ng mensahe, produkto at serbisyo sa
lipunang ating ginagalawan.

3
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa


kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Sa
paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang
nanonood ng telebisyon saan mang sulok ng bansa.

 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa


bansa na ginagamit ng mga lokal na channel.

 Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit


ng wikang Filipino ay ang mga teleserye, mga pangtanghaling
programa
 Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga
teleserye or pantanghaling programa na sinusubaybaya ng halos
lahat ng milyong-milyong manonood ang dahilan kung bakit halos
lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at
nakakapagsalita ng wikang Filipino.

 Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa mga


wikang rehiyonal.
 Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung
bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang
nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namulat
sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa mga lugar
na di katagalugan.

RADYO – Ang Medya ng Masa

 Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa


radyo.
Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o sa FM
ay gumagamit ng Filipino at iba't ibang barayti nito.
• May mga programa rin sa FM na gumagamit ng wikang ingles sa
pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng
Filipino.
• May mga estasyon ng radyo sa probinsyang may mga programang
gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam sila
ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.

4
C. PAGYAMANIN
MGA KATANUNGAN (Isulat sa sagutang papel)
Panuto: Naipaliwanag nang pasulat ang iba’t ibang dahilan, anyo
at pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon
1. Ano amg itinuturing na pangunahing wikang mass media?
2. Bakit kaya Filipino ang wikang pinipiling gamitin ng telebisyon at
radyo sa bansa?
3. Paano ito nakatulong sa kanila?
4. Paano naman ito makatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa
iba’t ibang bahagi ng bansa?
5. Sa iyong palagay, sa paanong paraan maaari pang maitaas ang
antas ng paggamit ng wika lalo na sa mga balita sa radyo, sa
telebisyon kung saan laganap ang sensasyonalismo?

Paalala:
1.Bawat mag aaral ay magsumite ng natapos na gawain sa inyong cluster leader o mga magulang/guardian sa oras na
nakatakda ng pagpasa
Pagpapatupad ng health protocols ay dapat isalang-alang
2. Para sa may access sa internet maaaring ipasa ang output sa guro sa pamamagitan ng email o messenger
3. Sa mga mag-aaral na nag home quarantine, maaring ipagpatuloy ang pagsagot sa modyul at hintayin ang instruksyon
ng City Health sa panahon na maaring na kayong makalabas at ipasa ang mga output.
4. Sa mga mag-aaral na nastranded sa mga lugal na ECQ , maaring ipasa online ang mga gawain.
5. Maaaring makipagchat, text or call ang mga mag-aaral sa mga guro mula
Lunes hanggang Biyernes 8:00 am -5:00 Pm lamang.

D. ISAGAWA (Isulat sa sagutang papel)


Panuto:
Sagutin ang hinihingi ng bawat sitwayon.
Manood ng isang noontime show, news and public affairs
program at makinig sa radyo at ibigay ang sariling obserbasyon
sa paggamit ng wika sa bawat programa.

 Sa isang noontime show o pantanghaling variety show


Pamagat ng Noontime Show
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.

 Sa isang news and public affairs program

Pamagat ng News and Public Affairs Program


Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.

5
 Sa isang programang panradyo

Pamagat ng Programa sa Radyo


Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.

6
Sanggunian:

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal
Group, Inc. 2016
Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

You might also like