You are on page 1of 51

MGA SITWASYONG PANGWIKA

LAYUNIN
• natutukoy ang iba’t ibang
paggamit ng wikang
Filipino mula sa mga balita
sa radyo, telebisyon, iba’t
ibang mga limbag
(aklat,pahayagan) at di
limbag(social media,
pelikula atb.
Sitwasyong Pangwika ay
mga pangyayaring
nagaganap sa lipunan na
may kinalaman sa
patakaran sa wika at
kultura.
KULTU Sitwasyon
RA g Pangwika WIKA

TEKNO
LOHIYA
Ano na nga ba ang
kalagayan ng WIKANG
FILIPINO sa iba’t ibang
sitwasyon at larangan?
Telebisyon Pelikula
Kalakalan Radyo at Diyaryo
MGA SITWASYONG
PANGWIKA SA:

Kulturang Popular
Pamahalaan
Social Media
at Internet Edukasyon
Humigit kumulang

150
na wika at wikain
79% - 85 %
Pilipino ang nakapagbabasa,
nakapagsusulat,
nakapagsasalita, at naka-
iintindi ng wikang Filipino.

(Social Weather Survey, 2000)


.
SITWASYONG PANGWIKA
SA TELEBISYON
Ang telebisyon ang itinuturing
na pinakamakapangyarihang
media sa kasalukuyan dahil sa
dami ng mga mamamayang
naabot nito.
Ang mabuting epekto ng
paglaganap ng cable o satellite
connection para marating ang
malalayong pulo at ibang bansa.
Anong wika ang
kadalasang ginagamit
sa telebisyon?
Wikang Filipino ang
nangungunang midyum
sa telebisyon sa bansa na
ginagamit ng mga lokal
na channel.
Mga halimbawa ng mga programang
pantelebisyon na gumagamit ng
wikang Filipino ay mga teleserye,
mga pantanghaliang palabas, mga
magazine show, news and public
affairs, reality show at iba pang
programang pantelebisyon.
Ang pagdami ng mga palabas sa
telebisyon partikular ang mga teleserye
o pantanghaling programa na
sinusubaybayan ng halos lahat ng
milyon-milyong manonood ang dahilan
kung bakit halos lahat ng mamamayan
sa bansa ay nakakaunawa at
nakakapagsalita ng wikang Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO
Anong wika ang
kadalasang ginagamit
sa radyo at diyaryo?
• Wikang Filipino ang
nangungunang wika sa
radyo sa AM man o sa
FM.
• Ang mga estasyon
sa probinsya ay
gumagamit ng
rehiyonal na wika
ngunit kung may
kapanayam sila ay
karaniwan sa
wikang Filipino
sila nakikipagusap.
Sa dyaryo ay wikang Ingles
ang ginagamit
sa broadsheet at wikang
Filipino naman sa tabloid.
Ano ang
pagkakaiba ng
Tabloid sa
Broadsheet?
TABLOID BROADSHEET
Tabloid ang mas binibili ng
masa o karaniwang tao
sapagkat mas
naiintindihan nila ang
wikang ginagamit dito.
TABLOID
• Nagtataglay ng malalaki at
nagsusumigaw na headline na
naglalayong maakit agad ang
mambabasa.
• Ang nilalaman ay karaniwang
sensesyonal na naglalabas ng
impormalidad.
• Hindi pormal ang mga salita.
BROADSHEET
• Gumagamit ng Wikang
Ingles
• Pormal ang mga salitang
ginagamit.
SITWASYONG
PANGWIKA SA PELIKULA
“Siguro kaya tayo iniiwan ng
mga mahal natin dahil may
darating pang ibang mas
magmamahal sa ‘tin---’yung
hindi tayo sasaktan at
paaasahin. ‘yong magtatama
ng lahat ng mali sa buhay
natin.”
-John Lloyd bilang Popoy-
“Wala naman pala
‘yon sa tagal ng
relasyon. Kung hindi ka
na n’ya mahal, hindi ka
na n’ya mahal.”
-Angelica Panganiban bilang Mace-
Anong wika ang
kadalasang ginagamit
sa pelikula?
• Ingles ang kadalasang
pamagat ng mga
pelikulang Pilipino.
• Filipino ang lingua franca
o pangunahing wika ang
ginagamit.
• Ang pangunahing layunin
ay makaakit ng mas
maraming manunuod na
malilibang sa kanilang
mga palabas at programa
upang kumita ng malaki.
• Malawak ang naging
impluwensya dahil sa tulong
nito mas marami ng mga
mamamayan ng bansa ang
nakauunawa at
nakapagsasalita ng wikang
Filipino.
• Ang nananaig na tono ay
impormal at waring hindi
gaanong strikto sa
pamantayan ng
propesyonalismo.
“Ang tila nangingibabaw na
layunin ng Wikang Filipino
ay mang-aliw, manlibang, at
lumikha ng ugong o ingay
ng kasiyahan.”
Tiongson, 2012
DALAWAHANG GAWAIN

1. Pumili kayo ng isang


noontime Show/
teleserye/programang
panradyo/pelikula/pahayag
an(tabloid) o programang
nagbabalita.
DALAWAHANG GAWAIN

2. Isulat at ilahad ang


iyong obserbasyon sa
kalagayan o paggamit ng
wika.
DALAWAHANG GAWAIN
3. Batay sa mga obserbasyong
isinulat ninyo, maglahad ng
dalawang paraan kung paano
pa maaaring itaas ang antas ng
ating wika sa pamamagitan ng
telebisyon, radio, diyaryo, at
pelikula.

You might also like