You are on page 1of 7

Komunikasyon at Pananaliksik

Komprehensibong Reviewer
FM - Frequency Modulation
AM - Amplitude Modulation
Aralin 1: Sitwasyong Pangwika

Mass Media (Pangmadlang Komunikasyon) ● Katulad sa telebisyon, Filipino rin ang


-iba’t ibang midyum ng teknolohiya na nilikha para sa nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat
mga tiyak na tagatanggap ng mensahe. ng mag estasyon ng radyo sa AM man o sa FM
ay gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti
-Pangunahing layunin nito ang paghahatid ng mensahe nito.
o impormasyon sa pinakamaraming tao, gamit ang ● May mga programa rin sa FM katulad ng
teknolohiya bilang daluyan o channel ng komunikasyon. Morning Rush na gumagamit ng Wikang Ingles
➔ Broadcast media- radyo, telebisyon, at pelikula sa pagbrobroadcast subalit nakakarami pa rin
➔ Print media- dyaryo, libro, polyeto, billboard, at ang gumagamit ng Filipino.
komiks ● May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya
➔ New age media- Internet, cellular phone, at iba na gumagamit ng rehiyonal na wika, ngunit
pang mobile devices kapag may kinakapanayam sila ay karaniwan sa
wikang Filipino sila nakikipag-usap.
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
● Ang telebisyon ay itinuturing na SITWASYONG PANGWIKA SA DIYARYO
pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mamamayan na naabot ito. ● Ang Broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan,
karaniwang nakaimprinta sa malaking papel at
● Sa paglaganap ng cable o satellite connection nakasulat sa Ingles na wika. Ito ay madalas na
ay lalong dumami ang manonood nito saan binabasa ng mga taong propesyunal katulad ng
mang sulok ng bansa sapagkat nararating na mga abogado, doktor, businessman, at marami
nito maging ang malalayong pulo ng bansa at pang iba. Malawak ang nasasaklaw ng
maging ang mga Pilipino sa ibang bansa. sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng
bansa, naglalaman din ito ng mga internasyonal
● Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa na mga kaganapan.
telebisyon sa ating bansa. Karamihan sa mga ● Ang Tabloid ay maituturing na impormal na uri
palabas sa mga lokal na channel ay gumagamit ng pahayagan. Ito ay mas maliit at mas kaunti
ng Wikang Filipino at iba’t ibang barayti nito. ang nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang
Halimbawa: Teleserye, pangunahing wika na ginagamit sa tabloid ng
Pangtanghaling palabas, News and Public Pilipinas ay Tagalog. Sa dyaryong ito, maaari
Affairs, Dokumentaryo, at Reality Show kang makabasa ng mga salitang balbal.
- ang tabloid ay itinuturing na “diyaryong
● Ang pagdami ng palabas pantelebisyon pangmasa” dahil ito ay mas binibili ng masa o
partikular ang mga teleserye o telenobela at mga karaniwang tao dahil mas mura at
mga pang tahaling programa o noontime show nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan,
na sinusubaybayan ng milyon-milyong manonod kaya naman masasabing mas malawak ang
ang isa sa malaking dahilan kung bakit ang halos impluwensiya ng mga babasahing ito sa
lahat ng mamamayan sa bansa ay nakaunawa nakararaming Pilipino.
at nakapagsasalita ng Wikang Filipino.
KATANGIAN NG TABLOID
● Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa 1. Nagtataglay ito ng malalaki at
mga wikang rehiyonal. Ang madalas na sumisigaw na HEADLINE na naglalayong
exposure sa telebisyon ang isang malaking makaakit agad ng mambabasa.
dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga 2. Ang nilalaman ay karaniwang
mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng sensasyonal na naglalabas ng
Filipino at maraming kabaataan ang namulat sa impormalidad.
wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa 3. Hindi pormal ang mga salita.
lugar na hindi kabilang sa Katagalugan.
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO
● Kung pelikula ang pag-uusapan, sa makabagong ● Ito ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na
henerasyon ngayon, mas pinipili na ng nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y
maraming manonood ang mga pelikulang nakaiinis.
banyaga na madalas ay gumagamit ng wikang
Ingles bilang midyum. SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT
● Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short
● Sa dalawampung nangungunang pelikula noong messaging system) na kilalang text message o
2014, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan text ay isang mahalagang bahagi ng
din ng lokal na mga artista. Iyon nga lang Ingles komunikasyon sa ating bansa.
ang mga pamagat ng mga pelikulang ito. ● Humigit kumulang sa apat na bilyong text ang
ipinapadala at natatanggap sa ating bansa sa
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO SA araw araw na dahilan upang tayo ay kilalanin
KULTURANG POPULAR bilang “Texting Capital of the World”.
● Mas madalas ang paggamit ng code switching o
FLIPTOP pagpapalit ng Ingles at Filipino sa
● Ito’y pagtatalong oral na mangyari nang pa-rap. pagpapahayag.
Nahahawig ito sa Balagtasan dahil ang mga ● Walang sinusunod na tuntunin o rule sa
bersong nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa pagpapaikli ng salita gayundin kung Ingles o
Flip top ay hindi nakalahad o walang malinaw na Filipino ang gagamitin basta maipadala ang
paksang pinagtatalunan. mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit
● Kung ano lang ang paksang sisimulan ng paano’y naiintindihang paraan.
naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang
katunggali. Hindi tulad ng balagtasan na SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT
gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo. INTERNET
● Sa Fliptop ay walang nakasulat na iskrip kaya ● Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang social
karaniwang ang mga salitang ibinabato ay life at kabilang na rin sa mga
di-pormal at maibibilang sa iba’t ibang barayti netizen(internet+citizen).
ng wika. Pangkaraniwang gumagamit ng mga ● Karaniwang ang code switching ang wikang
salitang nanlalait para makapuntos sa kalalban. ginagamit sa social media o pagpapalit palit ng
● Laganap ang fliptop sa kabataan. Katunayan, Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
may malalaking samahan na silang nagsasagawa
ng mga kompetisyong tinatawag na Battle SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN
League. ● Ang wikang Ingles ang ginagamit sa boardroom
ng malaking kumpanya lalo na ang mga
PICK-UP LINES multicompanies
● Sinasabi na ito ang makabagong bugtong kung ● Ito rin ang wika sa mga Business Process
saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na Outsourcing (BPO), call centers, lalo na ang
madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang kompanyang nakabase sa Pilipinas subalit
aspekto ng buhay. sineserbisyuhan ng dayuhang customer.
● Sinasabi rin na ito ay nagmula sa boladas ng ● Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng
mga binatang nanliligaw na nagnanais memo, kontrata, kautusan, ay ginagamitan ng
magpapansin, magpakilig, magpangiti, at wikang ingles.
magpa- ibig sa dalagang nililigawan.
● Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN
karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit ● Basi sa Atas Tagapagpaganap bilang 335, serye
nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil sa mga ng 1988 na “nagtataas sa lahat ng mga
kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito. kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at
● “BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag instrumentality ng pamahalaan na
na maliwanag ang koneksiyon ng dalawa. magsasagawa ng mga hakbang na kailangan
para sa layuning magamit ang Filipino sa
HUGOT LINES opisyal na transaksyon, komunikasyon,
● Tinatawag ding love lines or love quotes. korespondensya.”
● Patunay na ang wika nga ay malikhain. ● Ang dating pangulong Cory Aquino ay
nagpapalaganap ng wikang Filipino sa
pamahalaan dahil hanggang sa
kasalukuyan ay nananatili ang mga
pinasimulan niyang mga inisyatibo sa Shuy(2009)
paggamit ng wika. -ang kakayahang pangkomunikatbo ay sumasakop sa
● Ginamit ni dating Pangulong Benigno III mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura—ito’y
ang wikang Filipino sa pagpapahayag ng ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta
kanyang SONA. ang wika at ang mga tuntunin nito.
● Maging sa mga opisyal na pagdinig sa
pamahalaan ay wikang Filipino subalit
hindi naiiwasan ang code switching. MGA KOMPONENT NG KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON 1. Kakayahang Linggwistiko/Gramatikal
● sa mababang paaralan (K hanggang ika-3 2. Kakayahang Sosyolingwistik
baitang) ay unang wika ang gamit bilang wikang 3. Kakayahang Pragmatiko
panturo. Subalit, sa mas mataas na antas ay 4. Kakayahang Diskorsal
mananatiling bilingguwal kung saan ginagamit
ang wikang ingles bilang wikang panturo, Kakayahang Linggwistiko/Gramatikal
hiwalay sa asignaturang Filipino.
Chomsky
Aralin 2: Kakayahang Pangkomunikatibo - ang kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa
natural o likas na kakayahan ng isang
Kakayahang Pangkomunikatibo(Communicative tagapagsalita na malalimang gamitin at unawain
Competence) ang wika.
- Nagmula kay Dell Hymes noong 1966. Nilinang - Ang kakayahang lingguwistika ay tumutukoy sa
niya kasama si John Gumperz mula sa kakayahan ng taong bumuo at umunawa nang
kakayahang lingguwistika ni Noam Chomsky. maayos at makahulugang pangungusap.
- Angkop na paggamit ng mga pangungusap batay Canale at Swain
sa hinihingi ng isang interaksyong sosyal. - Ang kakayahang linggwistiko ni Chomsky ay
kapareho lang ng kakayahang gramatikal.
Paglilinang ng mga linggwista sa kakayahang
pangkomunikatibo: Linggwistika - isang sistematikong kaalaman sa
pag-aaral ng wika.
Dell Hymes(1996) Linggwista - ito ang tawag sa isang akademikong
-ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon dalubhasa sa pag-aaral ng wika.
ng kakayahang lingguwistika o gramatikal upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang wika, Ponolohiya- tumutukoy sa pag-aaral ng mga tunog o
nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ponema ng isang wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa
ng wikang lingguwistikong komunidad na gumagamit mga tunog ng iba pang wika at ang sistema na paggamit
nito upang matugunan at maisagawa ito nang naayon sa ng tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na
kaniyang layunin. may kahulugan o morpema.

Ponema- ito ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang


“Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?”
tunog ng isang wika.
Ponetika- Ito ay ginagamit upang upang makita ang
Higgs at Clifford(1992) pagkakaayos ng mga tunog at mga simbolo nito.
-sa pagtamo ng kakayahang pangkomunikatibo,
kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa 1. Ponemang Segmental- tumutukoy sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian makabuluhang tunog na nangangahulugan na
ng wikang ginamit sa teksto. maaring makapagbago ng kahulugan ng isang
salita.
Dr. Fe Otanes(2002) ❖ Mga Patinig(Vowels)
-paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang
idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika
upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa Bahagi Harap Sentral Likod
kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang Mataas i u
kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
Gitna e o
Morpolohiya- sangay ng linggwistika na nag-aaral sa
Mababa a mga salita at kung paano itong mabubuo mula sa mga
❖ Mga katinig(Consonants) makabuluhang yunit na tinatawag na morpema.
❖ Diptonggo- alinmang patinig na Morpema- maaring isang buong salita, panlapi, artikulo,
sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng
sa loob ng isang pantig. (aw, ay, ey, iw, intonasyon at stress o diin.
iy, oy, at uy)
❖ Digrapo- kombinasyon ng dalawang Mga Bahagi ng Pananalita
letrang pinagsama para katawanun ang
isang tunog. Pangngalan- tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop,
❖ Pares-minimal- mga salitang halos pook, bagay, pangyayari, o ideya.
magkatunog subalit magkaiba ng Panghalip- panghalili sa pangalan upang hindi ito
kahulugan. uulit-ulitin sa pangungusap o taludtod.
2. Ponemang Suprasegmental- makahulugang
yunit ng tunog na karaniwang hindi Pandiwa- salitang-kilos at tumutukoy sa aksyon ng
tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. simuno ng pangungusap.
(Resuma, 2002) Pang-uri- mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan
❖ Intonasyon- ang pagbaba at pagtaas ng ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya.
pagsasalita.
Pitch points: mataas(3), katamtaman(2), Pang-abay- mga salitang nagbibigay turing sa
pang-uri, pandiwa, o kapwa niyang pang-abay.
at mababa(1).
❖ Hinto o Antala- tumutukoy naman sa
saglit na paghinto sa pagsasalita na
maaring panandalian habang sinasabi Kayarian ng Salita
ang isang pangungusap. (kuwit(,),
tuldok(.), pahilis na guhit (/), at Payak- kayarian ng salita na makikita sa anyong
dalawang pahilis na guhit (//). salitang ugat lamang.
❖ Haba- tumutukoy sa haba o ikli ng Maylapi- makikita rito na ang salitang ugat ay
bigkas sa patinig ng pantig ng salita. nagkakaroon ng iba’t ibang gamit at kahulugan sa
❖ Diin- tumutukoy sa paglakas o paghina pamamagitan ng mga panlaping iniuugnay rito.
ng bigkas ng pantig ng isang salita.
Inuulit- kapag ang salitang ugat ay inuulit.

APAT NA URI NG DIIN: Tambalang Salita- dalawang magkaibang salitang


pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan.
Tuldik- ginagamit upang maipakita ang higitna gamit
ng diin.
(`) Paiwa
(ˊ) Pahilis Pagbabagong Morpoponemiko
(^) Pakupya
Asimilasyon- pagbabagong nagaganap sa (n) bunga
Malumay- binibigkas ito ng dahan-dahan at may diin ng ponemang sinusundan nito.
sa ikalawang pantig mula sa huli. Maari magtapos sa ➔ Asimilasyong di-ganap- matatagpuan ang
katinig o patinig. pagbabago sa unang morpema.
➔ Asimilasyong ganap- makikita ang pagbabago
Malumi- binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin
ng kapwa panlapi at salitang ugat.
sa ikalawang pantig mula sa huli ngunit nagtatapos sa
impit ng tunog. Laging nagtatapos sa patinig at ang Pagpalit ng ponema- sa pagkakataong ito ang (d) na
huling letra ay may paiwa(`). nasa ay nasa pagitan ng dalawang patinig ay
pinapalitan ng ponemang “r”.
Mabilis- binibigkas ito nang tuloy-tuloy na ang diin ay
nasa hulihang pantig ngunit walang impit na tunog sa Metatesis- pagpapalit ng posisyon ng panlaping “-in”
dulo. Ginagamitan ng tuldik na pahilis(ˊ). kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang
(l, o, y)
Maragsa- binibigkas ito nang tuloy-tuloy na ang
huling pantig ng salita ay may impit. Lagi nagtatapos Pagkakaltas ng ponema- dito ay nagkakaroon ng
sa patinig. Ginagamitan ng pakupya(^). pagkakaltas o pagtatanggao ng ponema.
● Norms- paksa ng usapan
Paglilipat-diin- kapag ang salitang-ugat na natatapos
sa “o” ay nagiging “u” kapag nilalapian. ● Genre- diskursong ginagamit, kung
nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran.

Sintaks
Aralin 2.2: Kakayahang Pragmatiko at Istratedyik
- sangay ng balarila na tumatalakay sa
masistemang pagkakaayos-ayos ng mga salita sa
Kakayahang Pragmatiko
pagbuo ng mga parirala at pangungusap.
- Tumutukoy sa pag-aaral ng paggamit ng wika sa
- Pag-aaral ng mga prinsipyo at mga patakaran sa
isang partikular na konteksto upang
pagbubuo ng mga pangungusap sa loob ng likas
magpahayag sa paraang direktang pagsasalita o
na mga wika.
may paggalang.
- Pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo
Kakayahang Istratedyik
ng pangungusap na may kahulugan.
- Kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na
mga hudyat upang maipabatid nang malinaw
● Estruktura ng pangungusap ang mensahe at maiwasan ang mga hindi
● Tamang pagkasunod-sunod ng mga salita pagkakaunawaan o mga puwang sa
● Uri ng pangungusap ayon sa gamit komunikasyon.
(pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
● Uri ng pangungusap ayon sa kayarian
● Pagpapalawak ng pangungusap ANYONG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

Kinesika(Kinesics)- pag-aaral ng kilos at galaw ng


Semantika- pag-aaral ng lingguwistikang kahulugan ng katawan.
morpema, salita, parirala, at pangungusap.
1. Denotasyon- tumutukoy ito sa tuwiran o Ekspresyon ng mukha(Pictics)- pag-aaral sa
direktang pagtukoy sa tinatapatang bagay o mas ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang
kilalang diksyonaryong pagpapakahulugan. mensahe ng tagapagpahatid.
2. Konotasyon- tumutukoy ito sa di-tuwiran o Galaw ng mata(Oculesics)- pag-aaral ng galaw ng
di-direktang kahulugan sa pagtukoy sa mata.
tinatapatang bagay.
Vocalics- pag-aaral ng mga di-lingguwistikong tunog
na may kaugnayan sa pagsasalita.
Aralin 2.1: Kakayahang Sosyolingguwistiko
Pandama o Paghawak(Haptics)- pag-aaral sa mga
Kakayahang Sosyolingguwistiko- kakayahan na paghawa o pandama na naghahatid ng mensahe.
nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan
kung saan niya ito ginagamit. (Savignon, 1997) Proksemika(Proxemics)- pag-aaral ng komunikatibong
gamit ang espasyo, isang katawagang binuo ng
Sosyolingguwistiks- pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng
antropologong si Edward Hall.
wika at lipunan at kung paano ito ginagamit sa iba’t - Tumutukoy sa layo ng kausap sa
ibang sitwasyong panlipunan. kinakausap.
Proxemic Distance
Dell Hymes ➢ Paguusap na intimate- 0 hanggang 1.5 feet
➢ Personal na pag-uusap- 1.5 hanggang 4 feet
Magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ➢ Social distance- 4 hanggang 12 feet
ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, ➢ Public- 12 feet(nagtatalumpati)
may mga bagay na dapat isaalang-alang.
Chronemics- pag-aaral na tumutukoy kung paano ang
oras ay nakaapekto sa komunikasyon.
SPEAKING
● Setting- lugar o pook kung saan nag-uusap o Aralin 2.3: Kakayahang diskorsal
nakikipagtalastasan ang mga tao.
● Participants- ang mga taong Kakayahang diskorsal
nakikipagtalastasan. - Pagtiyak sa kahulugang ipinahahayag ng mga
● Ends- mga layunin o pakay ng sitwasyon ayon sa isang konteksto.
pakikipagtalastasan. - Inuugnay at binabanat bawat pangungusap
● Act sequence- ang takbo ng usapan. upang makita ang ugnayan sa bawat isa upang
● Keys- tono ng pakikipag-usap. makabuo ng isang makabuluhang serye ng mga
● Instrumentalities- tsanel o midyum na pahayag o usapan.
ginagamit, pasalita, o pasulat.
Cohesion- pagkakaisa 2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
Coherence- pagkakaugnay-ugnay Kapag napagpasyahan na ang paksa bumuo ka na ng
iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na magsasaad
ANIM NA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO (Canary at Cody, 2000) bubuoing pananaliksik.
1. Pakikibagay (Adaptability)- isang taong may
kakayahang pangkomunikatibo ay may
Mga tanong na gagabay sa pagbuo ng pahayag ng
kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin tesis:
upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan. 1. Ano ang layunin o sa pananaliksik na ito?
2. Paglahok sa pag-uusap (Conversational 2. Sino ang aking mga mambabasa?
Involvement)- may kakayahan ang isang taong 3. Ano-anong kagamitan o sanggunian ang
gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang kakailaganin ko?
paksa sa pakikisalamuha sa iba.
3. Pamamahala sa pag-uusap (Conversational 3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
management)- tumutukoy ito sa kakayahan ng Kakailangin ang pagbisita sa mga aklatan upang
isang taong pamahalaan ang pag-uusap. mangalap para sa sanggunian. Maaari ding makakuha ng
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)- pagpapakita mga impormasyon mula sa internet.
ng kakayahang mailagay ang damdamin sa Mag-ingat sa open web resources dahil sa kawalang
katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng kasiguraduhan ng mga ito kung tama at beripikado.
mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa
kalagayan ng isang tao o samahan.
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya:
5. Bisa (Effectiveness)- tumutukoy ito sa isa sa 1. Bumuo ka ng pansamantalang bibloyograpiya.
dalawang mahahalagang pamantayan upang a. aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin,
mataya ang kakayahang pangkomunikatibo. website at iba pa
6. Kaangkupan (Appropriateness)- naiaangkop ang 2. Makatutuong ang paghahanda ng card ng
kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na bibliyograpiya para sa bawat sanggunian.
a. Ito’y maaaring isang 3”x5” na index card
pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong
i. Pangalan ng awtor
kausap. ii. Pamagat ng kanyang isinulat
iii. Impormasyon ukol sa pagkakalathala
Aralin 3: Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino iv. mga naglimbag
v. lugar at taon ng pagkakalimbag
Vizcarra (2003) vi. pamagat ng aklat
“Ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, vii. Ilang mahalagang tala ukol sa nilalaman
empiriko, at kritikal na pag-imbestiga sa haypotetikal na
pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng
mga natural na penomenon.” 4. Paghahanda sa Tentatibong Balangkas
Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong
Atienza (1996) at Lartec(2011) balangkas upang magbigay direksyon sa pagsasaayos ng
“Ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mga ideya at pagtukoy kung anoanong materyal pa ang
mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol kailangang hanapin. Maaaring gamitin ang mga inihanda
sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o mong card ng bibliyograpiya upang maging gabay sa
aspekto ng kultura at lipunan.” pagbuo ng iyong balangkas.

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING 5. Pangangalap ng Tala o Note-Taking


PANANALIKSIK Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng
1. Pagpili ng Mabuting Paksa bibliograpiya at tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang
Ito ang unang hakbang sa pagbuo ng pananaliksik. kakailanganin sa iyong susulatin. Basahing mabuti at
Napakahalagang piliin mabuti ang paksa upang maging mula sa mga ito ay magtala ng mahahalagang
matagumpay ang isang sulating pananaliksik. Nararapat impormasyong magagamit sa susulatin.
na ito ay pag-isipang mabuti at dumaan sa maingat na
pagsusuri upang matiyak na makabubuo ng isang
makabuluhang sulatin.
Tatlong Uri ng Tala na Maaaring Gamitin
● Tuwirang sinipi kung ang tala ay direktang sinipi
mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa
simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang
pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito
mababasa.
Ehemplo ng Sanggunian
● Buod kung ito’y pinaikling bersiyo ng isang mas
mahabang teskto. Ito’y maikli subalit nagtataglay ng
lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na
teksto. Ito ang pinakamadalas gamitin s pagkalap ng
tala.
● Hawig kung binago lamang ang mga pananalita
subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline 9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik


Dito na susuriin ang inihandang tentatibong balangkas Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang
upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang naunang walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na
baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin ang dapat ayusin ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito
upang ag pangwakas na balangkas ay maging mabuting gamit ang pormat na ibinigay ng guro.
gabay sa pagsulat ng iyong burador
URI NG PANANALIKSIK
7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft
Kuwantitatibo
Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala
Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o istatistikal
ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong
na datos upang makabuo ng pangkalahatang
burador. Dapat isaalang-alang na ang wikang gagamitin
pananaw na kumakatawan sa paksa o isyu na
ay payak ngunit malinaw; tama ang baybay, bantas, at
painag-aaralan. Ang klase ng pagaaral na karaniwang
kaayusang panggramatika; pormal ang anyo; at
nilalapatan ng istatistiko ay ang pag-aaral na relasyon
karaniwang nasa ikatlong panauhan
at pag-aaral na ebalwasyon.

8. Pagwasto at Pagrebisa ng Borador


Kuwalitatibo
I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay
Ito ay ginagamit sa pagkalap ng mga karanasan ng tao
na kailangang iwasto sa iyong burador. Para sa mga
sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring
sangguniang nagamit para sa aktwal na pagsulat huwag
isalin sa numerikong pamamaraan upang makita ang
kalilimutang magbigay ng pagkilala sa may-ari o
magkakaibang eyalidad ng paksang pinag-aaralan.
manunulat ng mga ito sa pamamagitang ng talababa at
bibliyograpiya.
Pagukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga
pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit,
pamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o
footnote
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bibliyograpiya

● Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na


sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat,
pahayagan, website at iba pa.
● Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng
mga awtor gamit ang apelyido bilang basehan.
● Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t
ibang estilo ng pagsulat nito.

APA Formatting

You might also like