You are on page 1of 13

Tekstong

Impormatibo
Nagbibigay Impormasyon
Inihanda ni: Jazen Aquino Nagen
IMPORMATIBO
-May layunin maging daluyan ng makatotohanang
impormasyon sa mambabasa
-Binabaklas ang mga di-maunawaang kaisipan sa isang paksa
-isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.

-Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda


ay hindi nakabase
sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t
hindi nito
-Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ng
manunulat o kaya’y nagsasagawa siyang pananaliksik o pag-
aaral ukol dito.
-Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sekwensyal at inilahad
nang buong linaw at kaisahan.

- Kailangan ng mga katibayan o ebidensya upang maging


makatotohanan ang isang impormasyon
MGA HANGUANG NG IMPORMASYON O DATOS
(Ayon kay Mosura,et al.1999)

Hanguang Primarya Hanguang Elektroniko Hanguang Sekondarya


 indibwal o awtoridad  Internet sa pamamagitan  Mga aklat tulad ng
 grupo o organisasyon ng email diksyonaryo, ensiklopedya,
 kaugalian  Telepono o cellphone taunang-aklat o yearbook,
 pampublikong kasulatan o almanac, at atlas
dokumento  Mga nalathalang artikulo
sa journal, magasin,
pahayagan at newsletter
 Mga tesis, disertasyon, at
pag-aaral sa feasibility,
nailathala man ang mga
ito o hindi
 Mga monograp, manwal,
polyeto, manuskrito at iba
pa
Katangian ng Tekstong Impormatibo
Naglalahad ito ng mahahalagang bagong
impormasyon,kaalaman,pangyayari,paniniwala, at tiyak na
detalye para sa kabatiran ng mga mambabasa
Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may pagkakasunod-
sunod at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
Karamihan sa mga impormasyon ay patungkol sa mga bagay at
paksang pinag-uusapan
Katangian ng Tekstong Impormatibo
Nagbibigay ito ng mga impormasyong nakapagpapapalawak ng
kaalaman at nagbibigay-linaw sa mg paksang inilalahad upang
mawala ang alinlangan
Naglalahad ng mga datos na nakatutulong sa paglilinaw ng mga
konsepto
Naglalaman ng impormasyong makatotohanan at hindi gawa-gawa
lamang
Nagbibigay ng impormasyon o paliwanag na makatotohanan ayon sa
pananaliksik o masusing pag-aaral
Elemento ng Tekstong Impormatibo
1.LAYUNIN NG MAY AKDA
Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-ari sa pagsulat niya ng
isang tesktong impormatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa
ang kaalaman ukol sa paksa; maunawaan ang mga pangyayaring
mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo;
magsaliksik; at mailhad ang mga yugto sa buhay. Gayunpaman, anuman
ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o
paglalahad ng impormasyon.
Elemento ng Tekstong Impormatibo
2.Pangunahing Ideya
Inilalahad ang dagliang pangunahing ideya sa mambabasa. Nagagawa
ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi –
tinatawag din itong organizational markers na nkatutulong upang agad
makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ang
bababsahin.
Elemento ng Tekstong Impormatibo
3.Pantulong na Kaisipan

Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop, mga pantulong na


kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa
kanila.
Elemento ng Tekstong Impormatibo
4.Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok
sa mga bagay na binibigyang-diin
Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
-makakatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan,
timeline, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa
mga tekstong impormatibo.
Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto – nagagamit dito
ang mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling
makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa
babasahin.

Pagsulat ng mga talasanggunian – karaniwang inilalagay ng mga


manunulat ng teskstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at
ibapang sanggunian ginamit upang higit na mabigyang diin ang
katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.
Uri ng Tekstong Impormatibo
 Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan – Sa uring ito ng tekstoinilalahad ang mga
totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Mababasa dito an gang
pinakamahalagang impormasyon tulad ng sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilahad.
Pag-uulat pang-impormasyon – Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin
sa mga pangyayari sa paligid. Ito’y nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga
impormasyon at delalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan at hidi dapat Samahan ng
personal na pananaw o opinion ng manunulat.
Pagpapaliwanag – Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o
bakit nagana pang isang bagay o pangyayari. Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan,
dayagram,o flowchart na may kasamang mga paliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay
ng mga hayop at insekto.
Karagdagang Gawain:

Pumili ng isang paksa sa kasalukuyan na


naaayon sa iyong interes. Sumulat ng
sariling tekstong nagbibigay-
impormasyon. Isaalang-alang ang mga
natalakay sa pagbuo ng tekstong ito.

You might also like