You are on page 1of 16

Kahulugan ng

Akademikong
Pagsulat

Modyul 2
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:

1.Nabibigyang kahulugan ang


akademikong pagsulat;

2.Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng


akademiko at di- akademikong
pagsulat; at

3.Napahahalagahan ang
akademikong pagsulat bilang
pangunahing kasanayan na
pinauunlad sa loob ng paaralan.
Ano nga ba ang kahulugan ng
Akademikong Pagsulat?

 Isa sa pinakamahalagang output ng


sinomang mag-aaral ang mga gawaing
nauukol sa akademikong pagsulat

 Ito ay isang masinop at sistematikong


pagsulat ukol sa isang karanasang
panlipunan na maaaring maging batayan
ng marami pang pag-aaral na magagamit
sa ikatataguyod ng lipunan.
 Isinasagawa sa isang akademikong
institusyon kung saan kinakailangan ang
mataas na antas ng kasanayan sa
pagsulat ang akademikong pagsulat.

 Nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal


ang pagbuo ng akademikong pagsulat (Arrogante et al.
2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay
ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng
mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal
mag-isip,mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa
orihinalidad ng gawa, may inobasyon at kakayahang
gumawa ng sintesis.
 Ang isang pangmalawakang depinisyon na
maibibigay para sa akademikong pagsulat ay
anomang pagsulat na isinasagawa upang
makatupad sa isang pangangailangan sa pag-
aaral.

 Kinapapalooban ito ng anomang itinakdang


gawaing pasulat sa isang setting na
akademiko. Ginagamit din ang akademikong
pagsulat para sa mga publikasyong binabasa
ng mga guro at mananaliksik o inilalahad sa
mga komperensya
 Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko,
gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-
alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa
paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita
dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa
pagbibigay ng kaalaman.
Pagkakaiba sa katangian ng Akademiko
at Di-akademiko:
Mga Uri ng
Pagsulat

Modyul 3
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang


akademikong pagsulat;

2. Nabibigyang-kahulugan at
halimbawa ang bawat uri ng
pagsulat;at

3. Natutukoy ang sariling


kahinaan sa pagsulat at nakaiisip
ng paraan ng pagpapaunlad dito
Mga Uri ng Pagsulat

1. Akademiko

Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing


akademiko mula sa antas primarya hanggang sa
doktoradong pag-aaral. Ang akademikong pagsulat ay
maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report,
eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o
disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na
pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Mga Uri ng Pagsulat

2. Teknikal
- Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na
tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging
ng manunulat mismo. Nagsasaad ito ng mga
impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-
solusyon sa isang komplikadong suliranin.
Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal
na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science
o technology. Samakatuwid, ang pagsulat na ito ay nakatuon sa
isang espesipikong audience o pangkat ng mga mambabasa.
Mga Uri ng Pagsulat
3.Dyornalistik

Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na


kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o journalist.
Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal,
kolum,lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita
sa mga pahayagan o magasin. Napakaispesyalisado ang
uring ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipikong
kurso para rito , ang AB Journalism, bagama’t bahagi rin
ito ng pag-aaral ng ibang kurso tulad ng AB at BSE sa
Ingles at Filipino. May mga pagkakataon ding ino-offer
ang uri ng pagsulat na ito bilang isang elektib sa mga
paaralang hayskul.
Mga Uri ng Pagsulat

4. Reperensyal

-Reperensyal ang uri ng pagsulat na naglalayong


magrekomenda ng iba pang reperens o source hinggil
sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng
isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa
paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa
sinomang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa
reperens na tinukoy.
Reperensyal…

Madalas itong makita sa mga teksbuk na tumatalakay


sa isang paksang ganap na ang saliksik at literatura
mula sa mga awtoridad.Makikita rin ito sa mga
pamanahong-papel, tesis at disertasyon lalo na sa
bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.
Dahil nga reperensyal ang pangunahing layunin nito,
samakatuwid, ang paggawa ng bibliograpi, indeks at
maging ang
pagtatala ng mga impormasyon sa note cards ay
maihahanay sa ilalim ng uring ito.
Mga Uri ng Pagsulat

5. Propesyonal

Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa


isang tiyak na propesyon. Bagama’t propesyonal nga,
itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda
sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-
aaral.Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng
police report ng mga pulis, investigative report ng mga
imbestigador, mga legal forms, briefs at pleadings ng
mga abogado at legal researchers at medical report at
patient’s journal ng mga doktor at nars.
Mga Uri ng Pagsulat
6. Malikhain
-masining ang imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaaring
piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din
nitong paganahin ang imahinasyon,bukod pa sa pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa
larangan ng literatura. Samakatuwid, ang pagsulat ng tula,
nobela, maikling katha, dula at malikhaing sanaysay ay
maihahanay sa ilalim ng uring ito. Karaniwan nang mayaman sa
mga idyoma,tayutay, simbolismo,pahiwatig at iba pang creative
devices ang mga akda sa uring ito.

Ang pagsulat na ito ay isa nang asignatura sa Senior High School.

You might also like